****REEVE POV#****
Napakunot ang noo ko ng mapansin na wala akong nakikita na mga nagpapapractice. Tiningnan ko ang oras.
"Tapos na ang Break time nila ah." Bulong ko.
"Baka nasa Gym." Sabi ni George. Dumeretso na kami sa Gym. Nagulat kami sa ingay ng mapadaan kami sa canteen. Nagkatinginan kami. Nagmamadali na pumunta kami dito. Napakunot ang noo ko ng makita na hindi sila nagsisikain. May pinagkakaguluhan sila. Natahimik sila ng makita nila kami.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ko kay Sergeant William. Na nasa likod. Sumaludo ito sa amin
"Nagpangabot po sila 1st lieutenant Maxine at 2nd lieutenant Edmund. Binastos na naman po kasi ni 2nd lieutenant Edmund si 1st lieutenant." Sabi nito. Lalong napakunot ang noo ko. Aktong pupuntahan ko ito ng hawakan ang balikat ko ni George.
"Hayaan natin sila. Para makilala nila si Maxine. Ng matuto silang igalang ito." Sabi ni George. Napaisip ako. Naalala ko ang nabasa kong record nito at ng panoorin ko ang video ng unang beses niyang sumama sa ensayo nila. Siguradong lalaruin lang nito si Edmund.
kaya nakisingit kami. Kaso nagulat ako ng makita na duguan na si Maxine. Tumatawa ito ng dumura ito ng dugo.
"Magsisismula pa lang uminit ang laban." Bulong ni George. Parang alam na namin ang susunod na mangyayari. Lalo nat nakita namin na duguan na ito.
Sa totoo lang humanga ako sa record niya ng mabasa ko ito. Kaya na excite ako na makita siya. Hindi ko inaasahan na babae siya. Kaya nagulat ako ng malaman na babae siya. Lalo nat sa silid ko siya pina pwesto ko. Lalo lang akong nailang ng makita ko siya ng personal. Dahil babaeng babae ang itsura niya. Hindi mo masasabi na sa kanya ang record na nabasa ko. Dahil kung titingnan mo siya parang hindi siya makabasag pinggan. Lalo na kung kumilos. Ilang beses ko siyang pinagmasdan. Kaya ginanap ko ang labanan. Nais ko lang makasiguro na hindi mali ang nakasulat sa record niya.
Nagbabago pala siya kapag nasa laban. Nagiging mabangis ito na leon. Kaya mas inabangan namin ang gagawin niya ngayon lalo nat duguan siya. Nakita ko ang bilis niyang kumilos. Ni hindi na siya napatamaan pa ni Edmund. Kaya hindi na kami nagtaka ng bumulagta si Edmund. Napapalatak si George sa bilis ng pangyayari.
"Lupit niya Bro. Magiingat ka baka mapalitan kana agad." Sabi nito. Napailing na lang ako dito. Kinuha ko sa bag ko ang gamot na lagi kong baon gawa ito ng kapatid ko na Dermatologist. Huminga muna ako ng malalim bago
ako pumasok sa loob ng silid namin. Hindi ko alam kung bakit para akong kinakabahan sa tuwing makikita ko siya. Lalong lumakas ang pintig ng puso ko ng lumingon siya sa akin. Napalunok ako. Ng makita na kumunot ang noo niya ng makita ako. Ewan ko k
" Eto ang ilagay mo diyan mas mabilis matangal ang pasa mo dito." Sabi ko Napatingin siya sa ointment na inaabot ko.
" Hindi na ayos na ako dito." Sabi niya. Saka pinagpatuloy ang paggagamot sa mga pasa niya.
"Wag ka ng makulit ilagay mo na ito diyan. May bisita na darating dito bukas. Ayokong makita na ganyan ang ayos niyo." Seryosong sabi ko saka nilapag ang ointment sa tabi niya. Naiinis ako kasi hindi ko maiwasan na magalala sa kanya. Lalo nat nakita ko ang putok sa gilid ng labi niya. Parang gusto ko ding paputukin ang nguso ni Edmund.
"Sa susunod wag kang pala patol." Sabi ko na lang sa kanya. Saka lumabas na ng silid niya. Pinuntahan ko si Edmund na wala paring malay. Puro pasa ang mukha nito.
"Siguro naman titigilan niyo na si 1st lieutenant. Dahil pag hindi niyo yun tinigilan hindi lang yan ang kaya niyang gawin sa mga pagmumukha niyo." Sabi ko sa kanila.
"Hindi porket babae siya hindi niyo na siya igagalang. sa susunod na bastusin niyo pa siya hindi ko na ito palalampasin pa. " Galit na sabi ko sa kanila.
"Sa ngayon itatalaga ko ito bilang 1st offense niyo. Dahil diyan makakatangap kayo ng punishment. Pagnagising na si 2nd lieutenant Solidad magreport kayo sa akin sa office ko." Seryosong sabi ko sa kanila.
" Sir yes sir!!" Sabay sabay na sagot nila.
Iniwan ko na sila. Pinag report ko din sa opisina ko si Maxine.
" Dahil sa ginawa niyo. Maraming nasirang gamit sa canteen at hindi lang yun. Pinakita niyo lang kung gaano kakikitid ang pangunawa niyo. Naturingang kayo na head nila kayo pa ang nagsalpukan. Ayoko ng maulit ito." Sabi ko sa kanila. Ng pumunta sila sa opisina ko. Pinagawa ko sila ng tag 100 hundred copies of promissory note.
Walang imik na lumabas sila pagkatapos nilang sumaludo sa akin.
Maaga pa gising na sila. Pinatakbo ko sila paikot sa field.
"Pinanood ko ang mga Video niyo sa mga ensayo niyo. Una kong nakita na kulang kayo sa bilis at masyadong mahihina ang mga Resistencia niyo. Kung ganyan kayo kabagal pano niyo magagawa ng maayos ang mission niyo. Bago niyo mailigtas ang ililitas niyo. Pinatay na sila. Dahil sa bagal niyo or bago niyo mahuli ang huhulihin niyo nakatakas na ito. Dahil ang kukupad niyo kumilos." Sabi ko sa kanila. Habang nagsasalita ako naiilang ako sa klase ng tingin na pinupukol sa akin ni Maxine. Parang seryosong seryoso siyang pinagmamasdan ang mga kilos ko.
Hangang sa matapos akong magsalita sa kanila.
" Bro kumusta para hindi ka kampante kanina habang nagsasalita ka ah." Sabi ni George.
" Ah, wala iniisip ko lang kung pano ko mapapalakas ang mga Resistencia nila." Sabi ko. Napalingon kami ng makita na pabalik na ang mga ito.
" Yung nangunguna sa kanila. Sa palagay mo ba mahina pa ang Resistencia niya?" Tanong ni George sa akin. Napatingin ako dito.
" Hindi Resistencia niya ang dapat hubugin kundi pasensiya niya. Masyado siyang pikunin at matigas pa ang ulo." Sabi ko. Natawa si George. Naalala ko yung huling laban nila ni Edmund. Nakita ko sa basurahan yung ointment na pinalalagay ko sa pasa niya. Buti na lang walang dumating Kinabukasan kundi lagot ako makikita na puro pasa ang mga mukha nila.
" Pero magaling siya diba? Hindi lang maganda pa siya." Tanong uli nito sa akin hindi ako umimik. Tumatawa na iniwan ako nito. Huminga ako ng malalim saka tinanaw ang papalayong dalaga.