Nagtatawanan na umalis na ang mga ito.
"Pasensiya na po kayo Ma'am Max mga tigasin talaga yung mga yun. Si Colonel lang ang nakakapagpatiklop sa mga yun." Sabi ng isang lalake sa akin. Tumango ako saka tiningnan yung tatlo.
"Siya nga pala Max na lang ang itawag niyo sa akin kapag wala tayo sa Mission." Sabi ko sa kanila saka nagpaalam na sa kanila. Umupo ako sa sulok. Saktong kakain na ako ng makita ko na tumayo ang tatlong lalake. Akala ko pupunta na sila sa lamesa nila para kumain na. Pero napakunot ang noo ko ng kunin nila yung pagkain ng isang lalake. Saka hinalo sa pagkain niya. Napatingin sa kanya ang lalake na kinuhanan niya ng pagkain.
"Tapos kana diba kumain. Salamat ha." Sabi ng malaking lalake. Kumamot naman sa ulo ang lalake na kinuhanan niya ng pagkain. Tatayo na sana ako para sitahin ito pero biglang pumasok sina Lieutenant Mourine at si Captain George. Tiningnan ko na lang sila. Nakita ko na nilapitan nila ang mga ito.
"Anong kaguluhan ito?" Tanong ni Captain.
"Wala Captain nagkakatuwaan lang kami." Sabi ng malaking lalake.
" Totoo ba yun Zalasar? Hindi ka ba binubully na naman nitong si Edmond?" Tanong naman ni Mourine.
" Edmond pala ang pangalan ng mokong na yun." Bulong ko sa isip ko.
" Ikaw naman sis Sabi ko naman sayo nagkakatuwaan lang kami." Sabi naman ng Edmond. Sinamaan ito ng tingin ni Mourine.
"Kahit tanungin mo pa itong si Salazar." Sabi uli nito. Saka inakbayan si Salazar.
"Ang bait nga nitong si Salazar. Busig na raw siya kaya binigay na niya sa akin ang pagkain niya." Sabi uli nito.Tumingin si Mourine sa payat na lalake. Nakayuko na tumango ito. Kaya naiinis na tumayo ako saka kinuha ko ang pagkain ko at lumapit ako sa kanila napalingon sila sa akin.
"O kumain kana. Kaya pala ang payat mo may taga kain pala ng pagkain na para sayo. Sa susunod kasi matuto kang umimik hindi yung nanahimik ka lang. Kaya ka nakakasanayan." Sabi ko. Saka tumingin ako kay Edmund na ang sama ng tingin sa akin.
" Ikaw naman sabihin mo kasi ang totoo na kulang sayo ang takal ng pagkain na binibigay sayo. Dahil kawawa naman ang mga inaagawan mo ng pagkain." Sabi ko dito. Saka ako sumaludo at nagpaalam na kay Mourine at George. Galit na tatawagin sana ako ni Edmund. Pero tinawag siya ni Mourine at pinasunod ito. Hindi ko na sila pinansin. Dumeretso ako sa silid ko. Hinubad ko ang uniform ko na pangtaas naiwan lang ang crop top na suot ko. Nahiga na lang ako at umidlip. Nagising ako sa malakas na tunog. Kaya nagmamadali kong kinuha ang uniform ko at sinuot. Katulad kagabi buong maghapon kaming nag ensayo. Pinagbuhat nila kami ng mga sako ng buhangin habang tumatakbo. Sunod naman pinagapang kami sa ilalim ng mga bub wire. Gabing gabi na kami natapos sa ensayo. Pagod na pagod akong humilata sa higaan ko. Kinabukasan ang aga aga pa ng bumangon kami. Inaantok pa ako ng pumasok ako sa Canteen. Sinalubong ako ni Salazar. Napakunot ang noo ko ng tiningnan siya.
"Ahhm, Nais ko lang magpasalamat sayo tungkol kahapon." Sabi nito na nakayuko
"Wala yun. Sa susunod kasi wag mo ng hahayaan na agawin nila ang pagkain mo." Sabi ko sa kanya.
"Magiingat ka baka ikaw naman ang pagtripan nila Edmund." Sabi nito saka Nagpasalamat uli ito sa akin saka umalis na. Napailing na lang ako. Saka pumunta sa Counter. Pasubo palang ako ng Isang puto na kinuha ko. Ng may umagaw nito sa kamay ko. Napalingon ako sa umagaw nito sa kamay ko. Nakita ko ang mukha ni Edmund na nakangise habang kinakain ang puto na nasa kamay ko.
"Salamat dito ha. Nagugutom na kasi ako. Ang haba pa ng pila." Sabi nito saka tinuro ang pila. Napatingin ako sa pila. Nakita ko na nakapila ang mga kaibigan nito. Nakangise na nakatingin sa akin. Hindi na lang ako umimik ininom ko na lang ang kape ko. Saka binigay na sa kanya ang dalawa pang puto.
Pagkatapos namin kumain tinawag na kami. Pumila na kami sa labas.
" Ngayon kailangan niyong tawirin ang mga yan para makarating kayo sa kabila. Saka niyo titirahin ang mga nasa larawan." Sabi ni George. Tiningnan ko ang mga larawan. isa itong larawan ng kidnapers habang hawak niya ang hostage. Pumila na kami. Habang tinatawid namin ang mga ginawa nila. inoorasan nila kami.Nagkasabay kami ni Edmund. Nakita ki na hirap na hirap ito na umakyat sa ginawa nilang pader. para akyatin namin. Napailing na lang ako.Ng matapos namin naupo kami sa gilid habang hinihintay ang resulta. Maya maya tinawag na nila kami.
" Ang may pinaka mataas na score na nakuha ay walang iba kundi si Maxine Laurien." Sabi ni Captain.Nagpalakpakan sila.
" At ang may pinakamababang score sa inyo walang iba kundi si Edmund." Sabi ni Captain George. Kakamot kamot ito sa ulo. Inis na tiningnan ito ni Mourine. Maaga kaming pinapahinga kasi may bago daw silang ituturo sa amin kinabukasan.
Pumasok ako sa silid ko para kumuha ng damit ko balak kong maligo. Pagpasok ko sa banyo nagulungan ang mga naroon.
"Congrats Max ang taas ng nakuha mong score." Sabi ni Salazar. Nagpasalmat ako sa kanya bago ako pumasok sa shower room. maguumpisa na sana ako maligo ng may bumukas nito. Buti na lang naka croptop pa ako. Napakunot ang noo ko ng makita ko si Edmund.
"Sorry akala ko kasi walang tao." Sabi nito na ngingise ngise. Tatalikod na sana ito ng sipain ko ito. Bumalandra ito sa gilid.
"Sorry, Hindi ko alam na lampa ka pala." Sabi ko saka bumalik na sa loob ng shower room. Inis na bumangon ito at aktong susugurin ako nito sa loob ng shower room pero mabilis na nginusuan ko ito.Kaya bumalandra na naman ito sa labas.Susugurin narin sana ako ng mga kaibigan niya ng may sumigaw sa may pintuan.
"Anong kaguluhan na naman ito?" Sigaw ng lalake na biglang sumopot. Ng makita nila ito agad na tumayo silang lahat ng tuwid. Saka bumati.
"Maligayang pagdating Colonel Villa real." Sabi nila.Napatingin ako sa mukha ng lalake at lihim na naikuyom ko ang kamao ko.
"Sa wakas nagpakita kana rin sa akin." Bulong ko sa isip ko.