"Wala po nagkakatuwaan lang po kami Colonel." Sabi ng mga kaibigan ni Edmund. Tumingin sa akin si Reeve habang kunot na kunot ang noo nito. Saka tiningnan uli sila Edmund. Bago umalis na. Nagsipasok na sa shower room sila Edmund. Tinapik ako sa balikat ni Salazar.
"Maligo kana hindi kana nila guguluhin nandito na si Colonel." Bulong nito sa akin. Tumingin ako sa kanya. Tumango siya. Tumango na lang ako saka pumasok na ako sa loob ng shower room.
Nagsusuklay ako ng pumasok si Reeve sa loob ng silid. Nagulat ito ng makita ako. Tumayo ako ng tuwid saka sumaludo.
"First lieutenant Maxine Laurien." Pakilala ko. Huminga siya ng malalim bago nagpaalam sa akin saka lumabas uli. Hindi na lang ako umimik. Pinagpatuloy ko ang pagpapatuyo ng buhok ko.
"Iba ang ipapagawa namin sa inyo ngayon. Nais malaman ni Colonel kung hanggang saan ang inyong kakayahan. " Sabi ni Captain sa amin. Pinaupo nila kami paikot.
"Sa ngayon hindi kami ni Lieutenant Mourine ang magtuturo sa inyo kundi si Colonel." Sabi ni Captain. Napalingon kami ng dumating si Reeve. Naka Tshirt lang ito seryoso ang itsura.
"Handa na ba ang lahat?" Tanong nito.
"Sir yes sir!!" Sagot namin.
"Magkakaroon tayo ng simpleng laban. Matira matibay. Nais kong ipakita niyo ang lahat ng natutunan niyo sa military." Sabi niya. Napakunot ang noo ko. Napangise sila Edmund.
"Tandaan niyo ang magaganap na laban ay walang personalan. Isa lang itong examine sa kakayahan niyo. Upang malaman ko kung saan ko pa kayo dapat sanayin. " Sabi niya. Tinitingnan ko lang siya pinagaaralam ko ang mga kilos niya.
Nagumpisa na silang magtawag ng unang maglalaban. Ang mananalo ay pipili ng makakalaban niya. Wala sa naglalaban ang attention ko . Lihim kong pinagmamasdan si Reeve. Galit na galit ako dito. Tahimik lang naman itong nakatingin sa naglalaban. Natapos ang laban dahil sumuko ang isa. Pumili ito ng makakalaban. Pilit kong pinakakalma ang sarili. Dahil aa galit na nararamdman ko. Habang tinitingnan ko siya naiisip ko kung papano niya pinutulan ng ulo ang ama ko. Kaya nagulat ako ng marinig na tinawag ang pangalan ko. Nakita ko na si Edmund na ang nasa gitna. Ako ang pinili nitong makalaban. Tumayo ako saka pumunta sa gitna.
"Wala itong peraonalan. Kung hindi na kayang lumaban itaas lang ang kamay bilang pagsuko. Naiintindihan? " Tanong ni Captain George sa amin.
" Sir yes sir! " Sagot namin. Inundayan ako agad ng sipa ni Edmund buti na lang nakailag agad ako.
" Totoo ngang mabilis ka kumilos. Pero hindi sa akin oobra yan. " Sabi nito sa akin.
" Gawin mo hindi puro dada. Para kang babae. " Inis na sabi ko dito. Galit na sinugod ako nito.
Mabilis na iniilagan ko lang ang mga tira niya. Kaya mas lalo lang siyang nagagalit.
"Yan lang ba ang natutunan mo. " Pang aasar ko sa kanya.
" Naturingan ka panaman na 2nd lieutenant.Sino ba ang nag training sayo mukha yatang mahina magturo. " Sabi ko pa. Inis na sinugod ako nito. Hindi ko sana ito seseryosohin. Kaso nakita ko na nakatingin sa akin si Colonel Reeve. Kaya nakaramdam ako ng galit. Mabilis kong inilagan ang suntok ni Edmund. Saka ko hinawakan ang kamay niya sabay siko sa tagiliran niya. Ng mapaluhod siya sinipa ko ang mukha niya. Tulog siya na bumagsak sa sahig. Napatanga sila sa gunawa ko. Hindi pa ako nakuntento inisa isa ko ang grupo nila Edmund. Lahat sila pinatulog ko at ang pinaka huli sana na hahamunin ko ay si Colonel. Kaso pinatigil na niya ang labanan.
"Bukas na natin ipagpapatuloy ang laban. Sa ngayon magpahinga na muna kayo." Sabi niya saka tumalikod na. Huminga ako ng malalim.
Nakita ko sumunod sa kanya sila captain.
"Bakit kaya pinahinto ni Colonel ang labanan?" Naririnig ko na tanong ng isa. Kasalukuyan nasa canteen kami kumakain.
"Baka nailang sa tingin ni Lieutenant Maxine." Sabi naman ng isa. Napalingon ako sa kanila. Nakita ko na siniko ito ng kasama. Napaisip ako.
"Obvious ba ang ginawa ko?" Tanong ko sa sarili ko.
"Ano ka ba Max, pigilan mo muna ang galit mo. Pag ganyan ka pano ka makakalapit sa kanya. Alam mo bang malakas daw ang pakiramdam niyan at masyadong madulas." Sabi ni Kuya Anjelo sa akin. Huminga ako ng malalim.
"Anong magagawa ko sa nanggigil ako sa tuwing nakikita ko siya." Sabi ko.
"Pag ganyan ka. Baka mahalata ka niya na may binabalak ka sa kanya. Tandaan mo hindi basta basta si Reeve Villa real. Mas lamang siya sayo sa lahat ng aspeto. Kaya magiingat ka sa kilos mo. " Sabi uli ni kuya Anjelo. Huminga ako ng malalim. Tama naman siya. Hindi yun ma propeomote ng pagka colonel kong hihina hina lang siya. Kaya napapaisip tuloy ako.
Nagtaka ako dahil buong magdamag na hindi pumasok sa silid namin si Reeve. Pero binalewala ko na lang.
Pagpasok ko sa canteen. Nagtaka ako kung bakit tahimik na nagsisikain ang lahat. Pinagtitinginan nila ako. Hindi ko sila pinansin. Papaupo na ako habang hawak ko ang tray ng pagkain ko. Ng may dumampot ng pagkain ko. Napakunot ang noo ko.
Pagtingin ko nakita ko si Edmund nakangise habang kinakain ang sandwich ko.
"Pasensiya na nagugutom pa ako. Kumuha ka na lang uli dun. " Sabi nito.
"Ma walang galang na 2nd lieutenant. Igalang niyo naman po si Lieutenant Maxine dahil mas mataas ang rank niya po sa inyo." Sabi ni Salazar na hindi nakatiis.
"Uy, nagsalita si Matalino." Sabi ni Edmund dito.
" Hayaan mo na Salazar tinapay lang yan. " Sabi ko saka aktong tatayo na para kumuha nalang uli ng tinapay. Pero hinawakan niya ako sa balikat. Saka pinaupo uli.
" Maupo ka na lang. Baka sabihin nila hindi kita ginagalang. Iuutos ko na lang na ikuha ka ng tinapay. Takot ko lang na makarating sa colonel." Sabi nito.
"Saka. Baka sabihin mo wala akong galang. Sa katunayan hindi lang kita pinatulan kahapon dahil mas mataas ang ranggo mo sa akin. Baka mamaya isipin ni Colonel hindi kita ginagalang." Sabi nito.
"Ah ganun ba."Sabi ko. Saka tumayo.
"E di huhubarin ko ang uniform ko. Para hindi kana maiilang." Sabi ko saka hinubad ang uniform.. Napangise si Edmund ng makita na naka croptop ako. Nagsipulan sila. Napakunot ang noo ko.