Naghanda na ako ng mga dadalahin ko kinabukasan. Kinabukasan maaga pa gising na ako. Nagpaalam na ako kay Yaya.
"Dito po muna kayo sa bahay si kuya na muna ang bahala sa inyo. May kailangan lang akong gawin. " Sabi ko kay yaya.
"Pero pag may oras ako uuwi din ako." Sabi ko sa kanya.Nalungkot siya.
"Magiingat ka dun. Mas gusto ko na yang pupuntahan mo kesa yung dati mong ginagawa." Sabi ni Yaya sa akin. Habang inaayos ang mga dadalahin ko.
Ng matapos bumaba na kami para magalmusal.
"Aalis kana daw. Ngayon na ba ang balik mo sa military?" Tanong ni kuya Anjelo sa akin. Tumango na lang ako.
" Magiingat ka sa gagawin mo. Kung may kailangan ka tumawag ka lang sa akin." Sabi niya sa akin. Nagpasalamat na lang ako dito.
" Ikaw na lang muna ang bahala kay yaya kuya." Sabi ko dito.
" Wag kang magaalala akong bahala sa kanya." Sabi ni kuya Anjelo sa akin.
Pagkatapos naming kumain kinuha na niyaya ang gamit ko. Hinatid nila ako sa airport. Bibiyahe ako papuntang maynila.
Sakay ako ng private plane namin. Habang nasa biyahe kung ano ano ang pumasok sa isipan ko.
Hapon na ako nakarating sa Campo. May sumalubong na lalake sa akin. Nagpakilala ako. Kinuha niya ang folder na binigay sa akin ni Willson. Tiningnan niya ito.
"So ikaw pala ang sinasabi sa amin ni General Kahapon na bago namin makakasama. Akala namin lalake ka." Sabi nito na natatawa. Nilibot ko ang paningin ko. Hinahanap ko si Reeve.
"Nasan na ang siraulo na yun,Inaasahan ko na siya ang haharap sa akin ngayon. Pero bakit iba ang humarap sa akin." Dismayado kong bulong sa isip ko.
"Ako nga pala si Captain George Corpus. Ako ang naatasan na magasikaso sayo ngayon ni Colonel. Naka leave kasi siya ngayon." Sabi niya sa akin. Habang binabasa niya ang folder na hawak.
" Maxine pala ang pangalan mo. Pero ang binigkas sa amin ni General Max lang. Kaya napagkamalan ka tuloy namin na lalake." Sabi uli nito.
" Max Po kasi ang tawag nila sa akin. Saka nakasanayan ko na pangalan."Sabi ko tumango siya.
" So first lieutenant ka pala. " Sabi niya. Tumango na lang ako. Inaya na niya ako sa magiging silid ko.
" Dito ka muna pansamantala. Kala ko kasi lalake ka kaya dito ka namin nilagay. dito na lang kasi ang bakante." Sabi niya.
habang pinubuksan ang pintuan.
" Mukhang maayos ka naman kaya magkakasundo kayo ng kasama mo dito." Sabi niya. Pagpasok namin. Nilibot ko ang paningin ko. malinis ang silid. Halatang malinis sa gamit ang makakasama ko. Hindi na ako nailang ng malaman na lalake ang makakasama ko. Sanay na ako dahil dati na akong naging military.
" So pano maiwan na kita ayusin mo muna ang mga gamit ipapatawag na lang kita pag oras na ng Practice natin."
Sabi ni Colonel Corpus.
" Sige po Sir. Salamat po." Sabi ko sa kanya. Tumango siya saka iniwan na ako. Inayos ko ang mga gamit ko. Saka sinuot ang uniform na binigay ni Willson sa akin. Maya maya sinundo na ako ni George. Lumabas kami. nakita ko na nakapila na ang lahat. Napalingon sila sa amin.
" Max eto nga pala si Lieutenant Colonel Maurine Solidad. Siya ang magsasanay sa inyo ngayon." Sabi ni George.
"Eto nga papa si First lieutenant Maxine Laurien ang bago niyong makakasama." Pakilala sa akin ni George. Yumukod lang ako sa kanila.
" Kinagagalak ka namin makilala Lieutenant Maxine." Sabi nila. nakakunot ang noo na tiningnan ako ni Alexa.
" Akala ko ba lalake ang bagong darating sa atin?" Tanong nito.
"Akala ko nga po din. Pero Babae po pala siya." Sabi ni George na natatawa.
" Alam na ba ito ni Reeve?" Seryoso paring tanong ni Maurine.
" Sinabi ko na po sa kanya kanina." Sabi naman ni George.
" Anong sabi niya?" Tanong uli ni Alexa.
" Ayos lang daw. Wala na daw tayong magagawa dun. hayaan na lang daw natin." Sabi naman ni George.
" Pano yung..?" Hindi na naituloy ni Maurine ang itatanong niya dahil hinarang na agad ito ni George.
"Baka po aayusin niya na lang po yan pag dumating siya. Sa ngayon hayaan na lang po muna natin ang lahat." Sabi ni George. Hindi na umimik pa si Alexa. Pinapila na ako ni Georg. Nakihanay na ako. Pinatakbo kami sa buong field. Buti na lang sanay ako sa mga ehersisyo. Napapansin ko na sige ang tingin sa akin ni Maurine. Hindi ko na lang siya pinansin. Pagkatapos namin Tumakbo. Pinakyat naman kami sa mga lubid. Bale wala lang ito sa akin dahil sanay na ako dito. May time na ginagawa ko ito. Kasi kailangan ko din minsan umakyat sa matataas. Gabi na kami pinahinto para kumain.
"Hi! Ako nga pala si Jason at eto naman si Zail isa kami sa mga platoon. Head ka namin." Pakilala nito sa kanila.
"Hi! Max." Pakilala ko. saka kinamayan sila.
"Nakakatuwa ka naman.Ni hindi ka manlang napagod sa ginawa natin." Sabi nila sa akin. Napangiti ako sa kanila.
"lagi ko kasing ginagawa na yun." Sabi ko sa kanila. Napapalatak sila. Nagpaalam na ako sa kanila. Nagdretso ako sa banyo para maghilamos. Saka ako pumunta sa Kainan.Nakita ko na nakapila na ang mga kasama ko. Pumila na ako. Tumunog ang Phone ko. Nakita ko na tumatawag ang kuya ko. Kaya umalis muna ako sa pila saka lumabas.
"Oh kuya napatawag ka, may problema ba?" Tanong ko dito.
"Wala naman. Gusto ko lang itanong kung ayos ka lang ba? Nakarating ka ba ng maayos diyan?" Tanong niya sa akin
" Ayos naman ako kuya. Wag kang magalala nakarating ako ng maayos." Sagot ko sa kanya.
" Kung ganun mapapanatag na ako. Tumawag ka kapag kailangan mo ng tulong." Sabi niya. Tumango na lang ako kahit hindi naman niya ako nakikita. Nagpaalam na ito sa akin. Napailing na lang ako.
" Si kuya talaga parang si Papa ginagawa akong bata." Malungkot na sabi ko saka ako pumasok na sa loob.
lumapit ako sa lamesa. Kumuha ako ng plato saka pumila na. Ng aktong lalagyan na ng lalake ang plato ko ng pagkain. Biglang may tumabig dito.
" Ako na muna.' Sabi ng malaking lalake.
Tatlo sila. Napatingin sa akin ang naglalagay ng pagkain.
"Ano pang tinitingin tingin niyo pa? Lagyan mo na ang Plato namin." Sabi nito sa mga lalake na nagbibigay ng pagkain.Tumango na lang ako. Saka tumingin sa akin ang mga ito.
"Uy, nandito pala si Lieutenant Maxine." Sabi ng malaking lalake sa akin.
"Pasensiya na lieutenant wala tayo sa platoon kaya walang ranggo rango muna tayo ngayon." Sabi nito saka ngumisi. Hindi ko na lang siya pinansin.