Chapter 3

1057 Words
Umalis na ako bumalik na ako sa CR. Katatapos ko lang maghugas ng kamay ng may kumatok sa pintuan. Binuksan ko ito nakita ko na isang armadong lalake ang kumakatok. Tiningnan niya ako. Tiningnan ko lang din siya saka ako lumabas. Nakita ko na pumasok siya sa loob ng banyo. Bumalik na ako sa lamesa ko. Hinintay ko ang pagdating ng bisita na sinasabi ng Congressman. Nakakailang bote na ako ng may dumating na mga naka tuxedo na lalake. Maraming kasamang bodyguard ang mga ito. Huminga ako ng malalim ng makilala ko ang isa sa kanila. May katungkulan din ito sa Gobyerno. Nakita ko na sinalubong sila ni Congressman. Lihim ko lang silang pinagmamasdan. Nagusap ang mga ito saka pumasok sa isang silid. Tiningnan ko ang silid na pinasukan nila. Isa ito sa mga VIP room. Tumayo na ako at nagiwan ng pera sa lamesa. Lumabas ako ng Bar saka nagderetso sa kotse ko. Kinuha ko sa compartment ang bag ko saka ko Kinuha ang phone ko at may tinawagan bago ko tiningnan ang paligid ng Bar. Napapalibutan ito ng mga armadong lalake. Mga naka tuxedo na kulay itim ang mga ito. Nakita ko na gumilid ang isa. Pasimple ko itong nilapitan. Nilabas ko ang syringe na nasa bulsa ko. Nakita ko na umiihi ito. Nagulat ito ng makita ako. Mabilis na inenjeck ko sa leeg niya ang laman ng syringe na hawak ko. Walang malay na bumagsak ito sa lupa. Agad na hinubad ko ang mga suot niya at sinuot ko ito. "Buti na lang sakto lang sa akin ang damit mo." Bulong ko saka hinila ko ang katawan niya sa tagong lugar ng parking lot. Saka kinuha ang baril ko na nasa loob ng traveling bag ko at saka ako naglakad na parang wala lang. Nakahinga ako ng malalim ng walang nakapansin sa akin. Pumasok ako sa loob ng Bar. Nagderetso ako sa banyo. Ni lock ko ang isang pinto ng cubicle. Umakyat ako sa taas ng kisame. Hinanap ko ang silid na pinasukan nila Congressman. Nakita ko na nagkakasiyahan na sila habang may kanya kanyang pinagkakalibangan na babae. Kinabit ko ang silencer sa baril ko. Tiningnan ko ang paligid nakita ko na may mga tauhan sila sa gilid ng pintuan. Ng maikabit ko ang silencer binuksan ko na ang takip ng kisame. Hindi nila naririnig dahil sa tugtog na nanggagaling sa maliit na stage. May nagsasayaw na dalawang babae dito na hubot hubad. Huminga ako ng malalim. Sinuot ko ang bonet ko Saka mabilis na inilabas ko ang kalahati ng katawan ko sa daanan ng kisame. Magkakasunod na pinaputukan ko ang mga bantay na nasa pintuan saka ko binaril sa ulo si Congressman. Bubunot sana ng baril ang isa mabilis na pinahagingan ko ang tagiliran niya. Kaya hintakot na natigilan sila. Maya maya narinig ko na ang tunog ng mga mobile na tinawagan ko kanina bago ako pumasok dito. Tiningnan ko isa isa ang mga bisita. Bago ako nagmamadali na umalis. Nagderetso ako sa silid ng mga babae ni lock ko ang silid. Saka nagmamadaling hinubaran ko ang isang babae at sinuot dito ang coat na suot ko at mabilis na sinuot ang damit nito. Saka pumwesto ako sa sulok. Sakto lang ng bumukas ang pintuan at pumasok ang mga pulis. Pinalabas kaming mga babae. Nakisik sik ako sa mga babae. Nakita ko na nahuli ang mga bisita ni Congressman at kinukunan na nila ng litrato ang bangkay ni Congressman. Ng makalabas kami ng Bar palihim akong lumayo sa mga babae ng malingat ang nagbabantay sa amin mabilis na nagkubli ako sa isang sasakyan. Saka patago na bumalik sa kotse ko. Nakahinga ako ng maluwag ng makabalik na ako sa sasakyan. Nakita ko na nilabas na ang bangkay ni Congressman. Maya maya tumunog ang CP ko. "Good job.... Nasa account mo na ang kabuuang bayad. " Basa ko sa mensahe. Huminga ako ng malalim saka pinaandar ko na ang sasakyan magliliwanag na. Dumeretso muna ako sa hide out ko. Binuksan ko ang ref at kumuha ng malamig na tubig saka naupo sa sofa at binuksan ang TV. "Natagpuang wala ng buhay si Congressman Francisco Ortega sa Bar na pagmamay ari nito at napagalaman na ang nasabing Bar ay may ginagawa palang illigal. Dito pala tinatago ang mga babae na matagal ng nawawala at sa pilitang ginagawang prostitute. Tinuturukan ng droga upang maging sunod sunuran sa lahat ng nais ipagawa ng costumer sa kanila. Ayon sa witness isang lalake na nakabonet at nakasuot ng tuxedo ang bumaril umano sa mga bodyguard at kay Congressman. " Sabi ng newscaster pinatay ko na ang TV saka kinuha ang isa ko pang CP saka tinawagan si yaya at sinabi na sa clinic na ako magpapalipas ng magdamag. Kinabukasan naging busy ako sa mga hayop na dinala sa clinic. "Grabe pala yang si Congressman akala mo kung sinong mabait at matulungin. Yun pala may kagaguhan na ginagawa. Biruin mo siya pala ang utak sa mga kidnapan." Sabi ng isang Ginang. "Ay sinabi mo pa. Biruin mo mga studyante pa ang mga binibiktima niya. Wala siyang puso. Buti naman at wala na siya sa mundo. Nabawasan ang mga kagaya niya." Sabi naman ng isa. Hindi ako umiimik. Pagod na pagod ako ng matapos ko gamutin ang mga hayop na dinala sa clinic. Medyo madilim na ng makauwi ako sa bahay. "Buti naman at nandito kana. Kakain ka ba?" Tanong ni Yaya sa akin tumango na lang ako saka dumeretso sa silid ko hinubad ko ang coat ko at ang sapatos ko. Saka pumasok ako sa banyo. Paglabas ko nakaupo si yaya sa gilid ng kama ko. "Tumawag si Papa mo darating daw siya bukas." Sabi ni yaya napatingin ako sa kanya. "Bakit may problema ba siya?" Tanong ko kay yaya. "Haay, ano ka ba namang bata ka. Hindi naman porket pupunta siya dito may problema na siya. Syempre na mimiss kana din ng Papa mo. Gusto ka niyang makasama. Ang tagal niyo na kayang hindi nagkikita" Sabi ni Yaya. Napaisip ako. "Oo nga pala ang tagal na pala nung huli siyang pumunta diro. Hindi niya kasi ako pinapupunta sa pilipinas. Ayaw niyang malaman ng mga kalaban niya na may anak pa siyang iba. Ayaw niyang madamay ako sa gulo ng buhay niya. Na hindi ko maintindihan kung bakit samantalang sanay na naman ako sa gulo." Bulong ko sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD