Chapter 4

1029 Words
Maaga pa nasa airport na ako para sunduin ang Papa ko. Maya maya nakita ko na dumarating na ito kasama ang ilang body guard niya. "Kumusta na iha? Lalo kang gumanda ngayon. Hindi mo ba balak lumagay na sa tahimik. Para bago manlang ako mawala sa mundo makita ko manlang ang mga apo ko sayo." Sabi nito. "Papa naman. Para naman mawawala na kayo. Saka dapat si kuya Anhelo muna ang kinukulit niyo hindi ako mas matanda kaya sa akin yun.Kumusta nga pala si kuya Anjelo bat hindi niyo siya kasama?" Tanong ko kay Papa saka tiningnan ang mga tauhan na kasama niya. "Haay, masyadong busy siya ngayon. Kaya ako na lang ang pumunta dito. Na mimiss ko na kasi ang prinsesa ko." Sabi uli nito natawa na lang ako. Nagderetso kami sa bahay. Niyaya ko si papa na maghiking. Kaya kinabukasan madilim pa lang umalis na kami. Para umakyat ng bundok. Bago magdilim narating namin ang taas ng bundok. " Haay, tumatanda na talaga ako. Mabilis na akong mahapo. " Sabi niya habang nakaupo sa putol na puno. Habang tinatayo ng mga tauhan niya ang tent namin. Inabutan ko siya ng tubig. "Kalabaw lang daw po ang tumatanda hindi tao papa. Kulang lang po kayo sa exercise Papa puro upo na lang yata ang ginagawa niyo sa bahay niyo. " Sabi ko sa kanya saka tumawa. Natawa na lang siya sa akin. "Akala mo naman kilala mo ang kalaba." Sabi niya sa akin habang tumatawa. "Nakita ko na po kaya yun papa. Sa internet." Sabi ko natawa siya. "Papa mangaso tayo bukas paramihan tayo ng mahuhuli." Sabi ko sa kanya. Naalala ko noon sa tuwing aakyat kami ng bundok lagi niya akong hinahamon ng firing shooting. Naguunahan kami sa makahuli ng hayop na makita namin o kaya naman maglalagay siya ng tatargetin namin. "Sige ba. Sabi mo nga kalabaw lang ang tumatanda." Sabi niya na natatawa. Kaya maghapon kaming nangaso kinabukasan. Tatlong araw din kaming naglagi sa bundok bago naisipan naming bumaba na. Sumunod na pinuntahan namin nagbakasyon kami sa isang private resort namin. Isang lnggo kami dito. Andun nag surfing kami nag scuba diving at kung ano ano pa. Sinulit namin na magkasama ang dalawang linggo na nilagi niya dito sa Italy. Ganyan kami sa tuwing pupunta siya dito at dadalawin ako. Minsan lang siya tumagal dito ng isang buwan. Nung nagkasakit ako. Dahil hindi siya umalis hangat hindi ako gumagaling na. Kaya miss na miss ko ang Papa ko. Kapag alam ko na darating siya nagsusulat na ako kung saan kami pupunta at kung ano ano ang gagawin namin. Pero ayaw niya na pupunta ako ng pilipinas upang puntahan siya. Antayin ko na lang daw siya dito sa Italy. Kaya naman minsan ko lang nakita si kuya Anjelo puro kwento niya lang dito ang naririnig ko. Dahil isang beses niya palang ito sinama dito sa Italy. Anak niya sa isang pilipina si kuya Anjelo. Samantalang ako isang Italiana ang aking ina. Kahahatid ko lang kay Papa sa airport bumalik na ito sa pilipinas. Dumeretso na ako sa clinic ko. Pagdating ko dun binuksan ko ang Email ko. Ang daming Email ang dumating. Binasa ko isa isa. Pagdating ng gabi busy na ako. Tumawag ako kay yaya sinabi ko na hindi ako makakauwi ng ilang araw. Dahil may aasikasuhin ako. Kinagabihan nasa isang hotel ako. Nagcheck in ako dito. Dahil katabi nito ang gusali kung saan naroon ang condominium na pagmamayari ng taong pinapapatay sa akin. Na laman ko na anak ito ng isang business tycoon. Babaero ito at isang sadista marami narin itong napatay na babae pero laging abswelto sa kaso. Binabayaran O kaya tinatakot kasi ng pamilya nito ang mga pamilya ng mga babae na pinapatay nito. Kaya malaya parin ito. Binuksan ko ang bintana ko at itinayo dito ang telescope na dala ko. Hinintay ko ang pagdating niya. Magdidilim na ng dumating siya. Agad na pumwesto na ako sa tabi ng telescope. Ngayon ko aalamin kung totoo ba ang balita tungkol sa kanya. Nakita ko na may kasama siya na babae. Medyo bata pa ito. Nakita ko na dinala niya ito sa silid niya. Naginuman muna ang mga ito at nagharutan. Inaantok na ako sa kakahintay sa kanila. Hangang sa naging mapusok na ito sa babae. Maya maya may kinuha ito na posas.Saka ipinusas nito ang mga kamay ng babae sa magkabilang gilid ng taas ng kama. Naka dapa ang babae habang hinahalikan niya ito at hinuhubaran. Tawa lang naman ng tawa ang babae. Naiilang ako sa nakikita ko sa kanila. Pero napatayo na ako ng tuwid ng piniringan pa nito ang babae.Hindi pa ito nakontento pati mga paa ng babae ipinusas niya sa magkabilang gilid ng paanan ng kama. Sige ang hagikhik ng babae. Maya maya nilabas na ng binata ang isang latigo. Napatili ang babae ng ihampas ng binata sa likod niya ang latigo nagdugo ang likod ng babae. Parang nasiyahan ito ng makita na nasaktan ang babae. Inulit pa nito ng ilang beses ang paghampas. Namimilipit sa sakit ang babae. Huminto lang ito ng mawalan ng malay ang babae. Puro dugo ito na humarap sa bintana. Parang alam niya na pinapanood ko siya. Kaya inis na isinara ko ang bintana. Galit na galit na sinuntok ko ang unan sa galit ko. pumunta ako sa terrace. Madaling araw na ng may makita ako ba pumarada na isang itim na Van may bumaba na tatlong lalake pumasok ito sa gusali. Ilang sandali lang may dala na ang mga ito na nakabalot sa kumot. Naikuyom ko ang kamao ko. Kinabukasan binuksan ko ang maleta ko. at nilabas ko ang isang bistida na kulay Red. Sinuot ko ito. Bumakat ang hubog ng katawan ko dito. Fit ang damit sa akin. hanggang hita ko lang ito. Off shoulder ito. Naglagay ako ng manipis na make up. nilugay ko lang ang buhok ko at nag spray ng pabango. Ng ma satisfied saka ako lumabas ng silid ko. Napangiti ako ng makita ko na palabas din siya ng gusali. Nagmamadali akong pumunta sa parking lot at Binangga ito. umakto ako na matutumba ako. Pero agad na sinalo ako nito. Napatulala ito sa akin. Lihim akong natawa sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD