"Tulong ! Tulungan mo ako parang awa mo na, papatayin niya ako." Sabi ng babae na nagdudugo ang gilid ng labi gulo gulo ang buhok at punit ang damit nito. dahil siguro sa pagsampal at paghila ng lalake dito. Mas lalo itong nagsiksik sa akin ng hawakan ng lalake ang kamay niya. Nakita ko na nanginginig ito sa takot at aktong kakaladkarin ang babae ng hawakan ko ang kamay ng lalake.
"Tama na, nasasaktan na siya." Awat ko sa lalake.
"Talagang masasaktan ang makating babae na yan. " Galit na sabi ng lalake at tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya at aktong hahatakin uli ang babae. Hinawakan ko uli ang kamay niya.
"Sinabi ng tama na. Nasaktan mo na siya hindi pa ba sapat yun. Kung may nagawa man siyang mali e di hiwalayan mo siya kesa bugbugin mo siya. " Sabi ko dito.
"Mamamatay muna siya bago ko siya hiwalayan. Saka bakit ka ba nakikialam away namin magasawa ito wala kang karapatan na mangialam kahit patayin ko pa siya sa bogbog. Kaya kung ako sayo manahimik ka na lang kesa idamay kita sa galit ko." Sabi nito sa akin. Saka hinablot ang buhok ng babae. Nagsisigaw naman ang babae. Napakunot ang noo ko. Inis na nilapitan ko ang lalake saka hinawakan ko ang kamay nito na nakahawak sa buhok ng babae.
"Wala akong pakialam? E kung gusto kong makialam dahil babae din ako, anong magagawa mo." Sabi ko dito saka pinilipit ang kamay niya.
" Ikaw lalake ka. Kaya dapat magpakalalake ka. Yang lakas mo gamitin mo sa tama hindi yung ginagamit mo yan upang manakit ng mas mahina sayo." Sabi ko dito. Saka sinikmuraan ito namimilipit na napaluhod ito sa sahig. Umiiyak na sinipa ito ng babae.
" Salamat miss. Nasasanay na yan manakit sa akin puro na lang siya selos. Gusto ko ng makipaghiwalay sa kanya pero lagi niya akong tinatakot na papatayin niya ako " Sabi ng babae sa akin.
" Tumawag ka ng mga pulis at ipahuli mo yan dahil sa pananakit niya sayo.. Kapag hindi yan hinuli tawagan mo ako eto ang number ko. " Sabi ko sa babae. Saka inis na nilingon ang lalake na namimilipit parin habang hawak ang kamay niya.
" Hayop ka idedemanda kita." Sigaw nito.
" Magdemanda ka kung gusto mo may number ako sa asawa mo. Pero oras na magkita pa tayo hindi lang yan ang aabutin mo sisiguraduhin ko na hindi kana makakatayo. " Inis na sabi ko dito. Saka iniwan na sila.
" Haay, hindi kana sana nakialam. Away magasawa lang yun. ' Sabi ni yaya sa akin.
"Pero yaya bugbog sarado na ang babae. Walang gustong mangialam dahil away magasawa lang yun. Ayos lang na walang makialam kung hindi nanakit ang lalake. Pero nanakit ang lalake. Nasaktan na nga niya yung babae hindi pa siya nakontento. Kailan may makikialam kapag nakita nila na naghihingalo na ang babae. Kaya malalakas ang loob ng mga lalake na manakit ng asawa nila kahit sa public place dahil sa maling pananaw na yan. Pero ako hindi ako sakop sa pananaw na yan. Mangingialam ako hangat may nakikita ako na nasasaktan lalo nat babae pa na katulad ko. " Sabi ko kay yaya. Napailing na lang ito.
Kinabukasan nasa clinic ko ako. Maaga pa ng umalis ako sa bahay at nagtungo dito. Dito ako nagdederetso kapag may tama ako O kaya inabot ako ng liwanag sa trabaho ko. Dito na ako nagpapahinga. Binuksan ko ang email ko. Nakita ko na may nag email sa akin. Tiningnan ko ang picture na pinadala niya at description nito kasama ng halaga na inaalok niya. Sinearch ko kung sino ang lalake. Saka kinuha ang leader jacket ko saka ako lumabas ng clinic ko nagpapangap ako na isang Veterinarian. Dumeretso ako sa sasakyan ko. Nagpunta ako sa isang mataas na gusali pumasok ako dun. Nagderetso ako sa rooftop. Saka ko nilabas ang telescope ko. Tiningnan ko ang mga tao sa katabing gusali. Maya maya nakita ko ang hinahanap ko na tao. Napapalibutan ito ng mga bodyguard. Sinundan ko ito hangang sa makapasok ito sa isang silid. Napakunot ang noo ko ng makita ang isang babae na nasa ibabaw ng kama na may busal ang bibig. Mukhang walang malay ito at nakatali. Nakita ko na sinara ng isang tauhan ang kurtina ng bintana. Kaya hindi ko na nakita pa ang nangyari. Pagkaraan ng ilang oras. Nakita ko na inilabas na ng mga tauhan ang babae habang karga ito ng isang lalake nakabalot na ito ng kumot. Napatiim bagang ako. Nagmamadali akong bumaba ng gusali. Sinundan ko ang mga tauhan niya na may dala ng babae. Nakita ko na dinala nila ito sa isang Bar. Pumasok ako sa loob ng Bar saka pumwesto ako sa gilid na lamesa at omorder ng maiinom.
Nakita ko na parang mga lasing ang mga babae na nilalabas sa isang silid. Tumayo ako pumunta ako sa may CR. Pagdating ko dun hinanap ko Ang daanan papuntang kisame. Binuksan ko ito at umakyat ako dito. Hinanap ko ang silid na kung saan ko nakita na inilalabas ang mga babae. Nakita ko na maraming mga babae ang nasa silid mga nakatulala. Maya maya may pinasok na isa. Nagiiyak ito hinawakan ito ng dalawang lalake na nadun kahit anong piglas ng babae wala siyang magawa. May nilabas na syringe ang isang lalake saka ito tinurok sa babae maya maya biglang natahimik ang babae. Saka ito iniwan ng mga lalake. Ng lumabas ang lalake sa silid. Bumaba ako. Tiningnan ko ang mga babae. Napakunot ang noo ko ng makompirma ko na nakadroga nga ang mga ito. Naitikom ko ang kamao ko. Napalingon ako sa pintuan ng makarinig ako ng mga yabag. Nagmamadali akong bumalik sa taas. Nakita ko na pumasok ang lalake na pinapatrabaho sa akin. Walang iba kundi ang Congressman. Kasama niya ang mga lalake na nagturok sa babae.
"Kumusta ang mga yan. Lahat ba ang mga yan naturukan na?" Tanong ng Congressman.
" Opo Boss " Sagot ng isa.
" Siguraduhin mo na hindi ako mapapahiya mamaya. Darating ang mga bisita ko. Mga kilalang tao ang mga yun. Ang mga yan ang mga pinili ko para sa mga bisita ko. Kaya kailangan siguraduhin niyo na mag eenjoy sila." Sabi nito.