Chapter 5

1139 Words
"Thank you." Sabi ko dito. Saka inayos ang sarili. Napalunok ito habang nakatitig sa akin. Nagpaalam na ako sa kanya. "Ahhm, My name is Jed. Jed Madeja." Pakilala niya. Napalingon ako sa kanya. "Alice Cooper " Pagsisinungaling ko. Saka nginitian siya ng napaka tamis. Niyaya niya ako na mag coffee sa condo niya. Pumayag ako. "Sayo ito?" Tanong ko kunyari ng makapasok kami. Tumango siya saka tinanggal niya ang Coat niya. Pinaupo niya ako sa sofa. Pinagmasdan ko ang paligid. malinis ito. Hindi mo mapagkakamalan na may lihim ang lugar na ito. " Anong gusto mo Black ba O may cream?" Tanong niya sa akin. "Black na lang." Sagot ko sa kanya. "With or Without sugar?" Tanong niya uli. "Without sugar." Pagsisinungaling ko uli kasi hindi naman ako nagkakape. Tumango siya saka nagpaalam na sa akin. Pumasok siya sa kusina. Lihim ko siyang sinundan. Nakita ko na nagtimpla siya ng Kape. Pero ng matapos may nilagay siya sa na powder sa isang baso saka hinalo uli ito. Pinagmasdan ko ang baso na nilagyan niya ng powder. Saka nagmamadali na akong bumalik sa sofa. Nagkunwari akong busy sa kakakalikot sa CP ko. Nilapag niya ang tray sa lamesa binigay niya ang isang kape sa akin. Napatingin ako sa baso ko. Tiningnan niya ako. Ngumiti ako sa kanya. "Inumin mo na ang kape mo baka lumamig yan." Sabi niya. Tumango ako sa kanya at humigop ng kape. Alam kong lihim niya akong pinagmamasdan. Nang ilalapag ko na ang baso. kunyari nagkamali ako ng lapag kaya natapon ito. "Ay!" Tili ko kunyari ng matapon sa lay layan ng damit ko. "Naku nabasa ka yata?" Malambing kong tanong sa kanya. " No it's okay, Ikaw nabasa ka." Sabi niya sa akin. " it's okay lay layan lang naman ang nabasa sa akin." Sabi ko sa kanya. Napatingin siya sa kape ko. " Teka igagawa na lang kita uli ng kape." Sabi niya sa akin. Saka kinuha niya ang mga baso namin. Kagaya kanina may nilagay na naman siya sa kape ko. Pagbalik niya may dala na siya na bagong kape namin. " Naku sorry Natapunan ko pa ang table." Sabi ko sa kanya. Saka yumuko at aktong pupunasan ko ng tissue ang table. Sinadya ko na medyo tumuwad para makita niya ang mga hita ko. Alam ko na gustong gusto niya ang makikinis at mapuputi na babae. " Okay lang yan. Teka kukuha lang ako ng pamunas. " Sabi niya na nagmamadali na umalis uli pumasok sa kusina. Napangiti ako at tiningnan ko siya na pumasok sa kusina. Kinuha ko sa pouch ko ang isang maliit na plastik. Saka mabilis na binuksan yun at nilagay sa kape niya ang laman ng plastik at hinalo ito. Pagbalik niya nagkonwari akong umiinom ng kape ko. "May condo ka ba dito?" Tanong niya sa akin. "Yeah, actually bago lang ako. Sa kabilang building ang condo ko." Sagot ko sa kanya. "Ahh, kaya pala ngayon lang kita nakita." Sabi niya sa akin." Ngumiti ako sa kanya. Tiningnan ko siya ng inumin niya ang kape niya. Medyo nahihilo na ako sa nilagay niyang gamot sa kape ko. Pero lihim akong napangiti ng makita ko na naubos na niya ang kape niya. Nagpanggap ako na inaantok na. napangiti siya lalo na ng magtulog tulugan ako. "Ang bilis mong talaban ng gamot ha. hindi mo pa nga nakakalahati ang kape mo. Baka naparami lang ang lagay ko." Sabi niya. Saka naramdaman ko na binuhat niya ako. pumasok kami sa isang silid. " Pasensiya kana gusto ko lang makipaglaro sayo at Wag kang magalala magugustuhan mo din ang laro natin. Dahil gusto ko gising ka habang naglalaro tayo at siguradong mageenjoy ako sayo dahil napaka kinis mo." Bulong niya pa sa akin habang hinihimas niya ang hita ko. Mangani ngani na sipain ko siya. Pinosas niya ang mga paa ko pagkatapos pinosas niya din ang isang kamay ko. Ng matigilan siya. " s**t! bakit parang nahihilo ako. Napagod yata ako." Sabi niya. dumilat ako saka tiningnan ko siya. Napatingin siya sa akin. Nginitian ko siya. Napakunot ang noo niya. " Panong nagising kana? May nilagay ka ba sa kape ko?" Sabi niya at napadiin siya sa gilid ko. " Hulaan mo." Sabi ko sa kanya. " Anong ginawa mo?" Tanong niya sa akin. "Simple nilagyan ko lang naman ng pampatulog ang kape mo. Gusto mo diba ng laro pwes mahilig din ako sa laro. Ikaw nga lang ang taya." Sabi ko sa kanya saka humalakhak. Galit na susugurin niya sana ako. Pero sumobsob na siya sa dib dib ko. kinapa ko sa bulsan niya ang susi. Kinalag ko ang posas sa kamay ko at paa ko. Saka siya ang pinalit ko sa hinihigaan ko. Saka pinosas ko ang kamay at paa niya sa bawat gilid ng kama kagaya ng ginagawa niya sa mga babae. Saka pumunta sa drower kung nasaan ang mga ginagamit niya sa mga babae na binibiktima niya. Nilatag ko yun sa kama. Saka kumuha ng upuan at hinintay na magising siya. Nagaagaw dilim na ng magising siya. nakaidlip din ako dahil sa ininom ko na kape. Nagising ako sa ingay niya. "Sorry gising kana pala. Ang tapang kasi ng gamot na nilagay mo sa kape ko. Nakatulog din tuloy ako." Sabi ko sa kanya. " Anong gagawin mo bakit mo ako pinosas? Pakawalan mo ako hayop ka!" Sigaw niya sa akin. Hindi ko siya pinansin. "Ngayong gising kana magsimula na tayong maglaro. Ano ang gusto mong gamitin ko sayo?" Tanong ko sa kanya. Saka tiningnan ko siya. Tiningnan niya ang mga nakalatag sa tabi niya. " Bakit mo pinakialaman ang mga gamit ko?" Galit na tanong niya. "Sorry hinihiram ko lang. Alam ko kasi na eto ang paborito mong laro." Malambing na sabi ko sa kanya. " Hayop ka! Sino kaba talaga?" Tanong niya sa akin. " Sssh, wag kang maingay. Nagpakilala na ako sayo diba. Mag enjoy ka na lang." Sabi ko sa kanya. " Hayop ka anong ginagawa mo?" Tanong niya ng ilabas ko ang latigo. " Subukan mong gamitin yan sa akin sisiguraduhin ko na hindi kana makakalabas ng kulungan. Baka hindi mo kilala ang pamilya ko." Sabi niya. Kaya sa inis ko malakas ba hinataw ko sa kanya ang latigo. Napasigaw siya sa sakit ng mapunit nito ang balat niya. " Bakit sumisigaw ka? Akala ko ba masarap ito? Diba ito ang paborito mong gamitin sa mga babae na dinadala mo dito." Sabi ko sa kanya. Saka hinataw ko uli siya Hangang sa mawalan siya ng malay. Saka ko siya inilipat sa roleta na nakasabit sa ding ding. Lahat ng ginawa niya sa mga babae na pinatay niya pinaranas ko sa kanya. Hangang sa naisin niya na patayin ko na siya. Maguumaga na ng iwanan ko siya. Pero alam ko na hindi na siya magtatagal dahil sa dami ng dugo na nawala sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD