Nagdertso ako sa Clinic. Katatapos ko lang maligo ng tumunog ang Phone ko.
"Ipinasok ko na sa account mo ang kabuuang bayad." Basa ko. Inilagay ko sa drawer ang Phone at nilock ko ito bago ako nahiga. Pakiramdam ko napagod ako sa buong maghapon.
Nagising ako sa tunog ng Phone ko. Nakita ko na si Yaya ang tumatawag sa akin. Napakunot ang noo ko. Agad na napabangon ako. Hindi kasi tumatawag si Yaya sa akin ng hindi importante.
"Napatawag po kayo, may problema po ba?" Tanong ko difo.
"Max nasan ka ngayon?" Tanong niya na parang galing sa pagiyak. Nagaalala na napaayos ako ng upo.
"Nadito po ako sa clinic may problema po ba diyan?" Tanong ko na nagaalala. Tuluyan ng nagising ang diwa ko.
"Maari ka bang umuwi muna anak. May sasabihin lang ako sayong importante." Sabi niya uli sa akin. Napakunot ang noo ko. Nararamdaman ko na may problema sa bahay. Dahil kung hindi sinabi na sa akin yaya ang kailangan niya sa akin sa phone.
"Sige po. Maliligo lang po ako. " Sabi ko at nagpaalam na sa kanya. Nagmamadali akong pumasok sa banyo at naligo. Pagkatapos kong magayos ng sarili kinuha ko ang susi ko sa tabi ng lampshade at saka pinatay ang ilaw at umalis na. Habang nasa daan iniisip ko kung ano ang gustong sabihin sa akin ni yaya.
Pagdating ko sa bahay. Nagulat ako ng salubungin ako ni yaya na umiiyak.
"Bakit po kayo umiiyak may problema po ba kayo?" Tanong ko sa yaya ko habang yakap ko ito.
"Maxine!" Tawag sa akin galing sa harap ko. Napatingin ako dito Napakunot ang noo ko ng makita ko ang kuya Anjelo ko. Tumingin ako sa likod niya hinanap ko ang Papa ko.
"O kuya bat nandito ka? Nasan si Papa bat hindi mo kasama?" Tanong ko sa kanya. Lalong umiyak si yaya. Lumapit sa akin si Kuya Anjelo niyakap ako nito.
"Kahapon pa ako sayo tawag ng tawag sige lang ang ring ng phone mo pero walang sumasagot." Sabi niya sa akin. Huminga ako ng malalim. Pag may lakad kasi ako hindi ko dinadala ang Phone ko para sa kaligtasan nila.
"Ah, nakalimutan ko kasi ang Phone ko aa clinic kahapon. " Sabi ko na lang. Pero sa totoo lang hindi ko pa tinitingnan ang phone ko kasi nakatulog na ako agad.
"Bakit narito ka nga pala? Saka bat hindi mo kasama si Papa?" Tanong ko uli sa kanya. Inaya kami ni yaya sa loob. Medyo kumalma na ito. Napatingin na lang ako dito. Napapaisip parin ako kung bakit umiiyak ang yaya ko. Inutusan nito ang mga katulong na dalahan ako ng tsaa. Naupo kami sa sofa.
"Siya ang dahilan kung bakit ako nandito." Sabi ni Kuya Anjelo sa akin.
"Max wala na si Papa." Sabi nito. Nahinto ang paghigop ko ng tsaa.
"Anong ibig mong sabihin kuya?" Tanong ko dito na nakakunot ang noo. Saka tuluyan ng nilapag ang tsaa. Saka umupo ng tuwid. Yumuko si Kuya Anjelo.
Umiyak si Yaya.
"Kuya anong ibig mong sabihin? Anong nangyari kay Papa? Nasaan si papa Kuya Anjelo?" Tanong ko dito uli.
"Wala na si Papa Maxine. Namatay siya ng sugurine kami ng mga Army." Sabi ni Kuya. Napatitig ako sa kanya.
"Hindi totoo yan kuya." Sabi ko saka tumayo. hinawakan ako sa kamay ni Yaya. Tulyan ng bumagsak ang luha ko.
"Maxine, sorry. Wala ako sa bahay ng sugurin sila. May pinalakad siya sa akin.
Pagdating ko wala na siya. Marami ang nalagas sa tauhan niya marami ang nahuli." Sabi ni kuya Anjelo. Saka yumuko at pinunasan ang mukha niya ng panyo. umiyak siya. Yumakap ako kay yaya. Niyakap naman ako ni yaya. Nilabas ko sa balikat ni yaya ang sakit na nararamdaman ko. Umiyak ako ng umiyak.
"Nasan ang labi ni Papa ngayon?" Tanong ko ng kumalma na ako. Nakaupo na ako habang nakayuko. Pilit kong pinakakalma ang sarili ko.
" Nakaburol siya ngayon sa isang Sanctuary." Sabi ni Kuya Anjelo. Hindi ako umimik. pinaglalaruan ko lang ang kamay ko.
" Maxine!" Tawag sa akin ni kuya Anjelo.
"Uuwi ako ng pilipinas kuya. Nais kong makita si Papa. Gusto kong ihatid siya sa huli niyang hantungan." Nagulat si Anjelo sa sinabi ko.
"Pero diba hindi ka pinapayagan ni Papa na umuwi ng pilipinas." Sabi niya sa akin. Galit na tiningnan ko siya. Napalunok siya saka tumango na lang.
"Yaya magimpake ka narin sasama ka sa akin. Uuwi tayo ng pilipinas ngayon." Sabi ko sa yaya ko. Saka tumayo at walang imik na umakyat sa taas at pumasok sa silid ko. Pagpasok ko sa silid ko. Na suntok ko ang ding ding ng silid ko sa galit ko.
" Pangako Papa magbabayad sa akin ang pumatay sayo, Hahanapin ko siya kahit saang impyerno pa siya." Bulong ko habang naguunahan na tumulo ang luha sa pisngi ko. Pinunasan ko ito. Saka nagmamadaling nagimpake ako ng mga damit ko. Medyo marami ang dala ko. dahil matatagalan kami dun. Nang matapos lumabas na ako. Nakita ko na may kausap si Kuya Anjelo sa phone niya. Mukhang galit ito. Pero agad din itong kumalma ng makita ako. Nagpaalam na ito sa kausap niya. Kinuha ng mga tauhan niya ang bagahe ko. Lumapit sa akin si Yaya. binigay ko din sa kanila ang bagahe ni yaya. Kinausap ni yaya ang mga kasambahay.
Wala akong imik habang nasa biyahe. Nakikiramdam sa akin si kuya Anjelo.
Ang private plane namin ang sinakyan ni Kuya Anjelo. Aktong aalalayan sana ako ni Kuya Anjelo sa pagakyat sa plane pero ng tingnan ko siya napakamot na lang siya sa ulo niya. Saka pinauna niya na kami umakyat ni yaya. Inalalayan ko si yaya. Tahimik lang ako habang nasa biyahe kami. Ang daming pumapasok na alaala sa isipan ko. Nung huli kong sakay ng Plane si Papa ang kasama ko. Papunta kami ng Nirgeria. Isinama niya ako dun nung may imemeet siyang tao dun. Nais nitong kumuha ng armas kay Papa. Masyadong maraming tao dun. Kinabahan pa nga si papa kasi kasama niya ako. hindi niya iniexpect na pareho pala ito sa pilipinas at mas magulo pala ang lugar na yun kesa sa pilipinas. Muntik pa kaming mapagulo kasi nakursunadahan ako ng isa pang leader. Pero ng ipakilala dito ng lalaking kausap namin si Papa. Bigla itong humingi ng paumanhin. Kilala si Papa kahit saang lugar. Kaya napapaisip ako kung pano siya napatay.