Umalis siya sandali pagbalik niya may dala nasiyang mga gamot. Napakunot ang noo ko.
"Ako na." Sabi ko sa kanya.
"Hindi! Ako na. Baka mamaya itapon mo na naman ito sa basurahan." Seryosong sabi niya saka umupo sa harap ko. Napakunot ang noo ko.
"Bat ko naman itatapon sa basurahan ang mga yan ano ba ako sira ang ulo?" Inis na tiningnan ko siya. Ng maalala ko ang ointment na binigay niya sa akin minsan. Natigilan ako.
"Wag mo akong tingnan ng ganyan." Sabi niya saka sinimulan gamutin ang sugat ko sa ulo.
Inis na tiningnan ko siya.
" Pasalamat ka kay kuya anjelo kung hindi, nungka na hayaan kita na makalapit sa akin ng ganyan kalapit. " Bulong ko sa isip ko. Naalala ko ang pinagusapan namin ni kuya Anjelo kagabi. Kailangan ko daw makuha ang loob ni Reeve Villa real kung gusto ko daw magtagumpay sa plano ko. Bawasan ko daw ang pagiging matapang ko at kumilos na isang babae. Dahil magagawa ko daw ang plano kong makukuha ko ang loob niya. Kaya lihim kong titigan siya habang ginagamot niya ang sugat ko. Nang aktong gagamutin na nito ang pumutok na labi ko. Natigilan ito habang nakatitig sa mukha ko. Napakunot ang noo ko.
"What?" Tanong ko sa kanya. Nagtataka na napatingin ako sa mukha niya. Huminga siya ng malalim.
"Wala! " Sabi niya saka hinawakan ang baba ko. Nagtataka ako sa kanya. Dahil sa tuwing magsasalubong ang pangin namin. Natitigilan siya.
"Ano bang problema ng lalake na ito? Ngayon lang ba siya nakakita ng babaeng pumutok ang labi. Haayst. " Inis na bulong ko. Nagpasalamat ako ng matapos na siya. Dahil sa totoo lang iritang irita ako habang nasa harap ko siya.
" Magpahinga kana. Wala na tayong practice ngayon." Sabi niya. Saka tumayo na at binalik ba ang nga gamot na ginamit niya. Tinapon ko naman sa basurahan ang mga bulak.
"Sabi ko na nga ba. Hindi ka kayang iwasan ni Reeve Villa real. " Tumatawang sabi ni kuya Anjelo ng tawagan niya uli ako pagkagabi. Kwenento ko sa kanya ang lahat.
" Talaga namang hindi niya ako maiiwasan dahil iisa ang lugar na ginagalawan namin no " Inis na sabi ko sa kanya. Dahil umiiral na naman ang pag slow nito.
"Haays, ang ibig kong sabihin. Hindi din nakayang iwasan ni Reeve Villa real ang Ganda mo. Tama ako na oras na makita ka niya hindi siya kusa siyang lalapit sayo." Sabi na naman niya. Napakunot ang noo ko..
"Ano bang pinagsasabi mo. Ni hindi nga yun natutulog dito sa silid namin matulog man yun dito masyado pang alerto. Ni hindi ako makalapit." Inis na sabi ko sa kanya.
" Wag kang mainip. Malapit na siyang mahulog sa bitag mo. " Sabi ni kuya Anjelo na tumatawa. Napakunot ang noo ko. Hindi ko na lang siya pinansin.
Kinabukasan nagulat kami kasi hindi kami sa field pinatawag kundi sa isang silid.
"Bakit kaya diro nila tayo pinatawag?" Narinig kong tanong ng isa.
"Baka magle lecture lang sila sa atin." Sabi naman ng isa. Pinakikinggan ko lang sila. Maya maya pumasok na sila Reeve. May mga dala silang mga papel.
"Wala muna tayong Practice ngayon. Dahil nais namin na ipahinga niyo ang inyong mga katawan at ihanda para sa gagawin natin sa mga susunod na araw. " Sabi ni George.
"Siguro naman marami kayong natutunan sa mga tinuro namin sa inyo nitong mga nakaraang araw." Sabi niya uli.
"May biglaang dumating na utos galing sa taas. Binigay na nila ang unang mission natin. Nais namin na ipakita niyo ang lahat ng natutunan niyo. Sa mission na gagawin natin." Sabi naman ni Mourine. Nagbulungan ang mga kasama ko. Lihim kong tiningnan si Reeve. Natigilan ako ng makita na nakatingin siya sa akin. Napakunot ang noo ko dahil mukhang hindi siya nakikinig sa sinasabi nila George at Mourine. Dahil siniko pa siya ni George ng siya na ang magsasalita. Pinaliwanag niya ang mission na gagawin namin. Aakayatin namin ang bundok tawi tawi. Kami ang pinadala dun upang iligtas ang mga Foreigner na nag hiking doon at dinukot ng mga taong labas. Masyadong dilikado ang lugar. Pinaliwanag niya sa amin ang gagawin at ang plano.
"Tumayo ang tatawagin ko." Sabi ni George.
"Melanie Reyes, Dian Delavega at Elaine Hilton." Tawag ni George sa tatlong babae at tumawag pa siya ng limang lalake.
"Kayo ang makakasama ni Lieutenant Mourine Solidad at Sergeant Suarez. Kayo ang first platoon na pwepwesto sa taas bilang sniper. Pangungunahan kayo ni Lieutent Mourine at Sergeant Suarez. " Sabi ni George. Nagsimula uli siyang tumawag uli. walong lalake ang tinawag niya. Isa na si Salazar pang siyam ako. Siniko ako ni Salazar.
"Kayo ang makakasama ni Colonel. Kayo ang napaili bilang 2nd Platoon na pangungunahan nila Lieutenant Maxine at Colonel Reeve. Kayo ang unang lulusob upang hanapin ang kinalalagyan ng mga bihag." Sabi niya. Napatingin ako kay Reeve nakatingin na naman ito sa akin. Nagsalubong ang tingin namin. Umiwas ito ng tingin. Tinawag naman ni George ang natira sa amin. Sila ang pang 3rd platoon. Sila pangalawang lulusob. Si George at Edmund ang Mangunguna sa kanila.
Pinaliwanag nila ang gagawin namin sa paglusob namin. Pagkatapos ng meeting namin. Wala na kaming ginawa pa. Pinagpahinga kami para daw may lakas kami na gagamitin para bukas.
Maaga pa gising na ako. Alam ko kasi na magaagawan sila mamaya sa pagligo.
Wala pang tao sa paliguan ng pumasok ako.
Dumeretso ako sa shower room. Paglabas labas ko ng shower room nagtaka ako ng makita na wala paring tao na naliligo sa mga paliguan. Pagbukas ko ng pintuan nagulat ako ng makita na marami na sila na nasa labas. Nagulat sila ng makita ako.
"Bakit kayo narito sa labas? Bakit hindi kayo pumapasok sa loob? May problema ba?" Tanong ko kay Salazar ng lapitan ko siya. Nginuso niya yung nakasabit sa pintuan.
"Ikaw ba ang nagsabit niyan?" Tanong niya sa akin.
Napakunot ang noo ko ng makita ko yung nakasabit sa pintuan.
"Ano ba yan? Para saan ba yan?" Tanong ko uli sa kanya.
"So ibig sabihin hindi ikaw ang nagsabi niyan? " Tanong niya uli sa akin. Umiling ako. Tinitigan niya ako.
" Parang alam ko na kung sino ang nagsabit. " Sabi nito saka nikapitan ang placard saka tinanggal sa pintuan.
" Tara na pwede na tayong maligo. '
Sabi niya saka tinanguan niya ako.
"Akala ko ba si ma'am Mourine ang nasa loob, Bakit si Lieutenant Maxine ang lumabas?" Tanong ng isa.
"Baka akal niya si ma'am Mourine ang nasa loob." Sagot naman ng isa. Napkunot ang noo ko.
"Ano naman kung ako ang nasa loob?" Tanong ko sa sarili ko habang papunta sa silid ko.
"Saka para saan ba yung placard? Ano ba yung nakasulat dun at hindi sila pumapasok sa loob?" Tanong ko sa isip ko uli.
"Haays, bakit ko ba sila iniisip." Bulong ko saka pumasok na sa loob. Nagulat ako ng hahawakan ko na ang pintuan ng biglang bumukas ito at bumungad sa akin si Reeve na naka bihis na. Nagulat din ito. Napatanga ito sa akin. Titig na titig ito sa mukha ko. Napakunot ang noo ko.
"What? May problema ba?" Tanong ko sa kanya. Para naman itong natauhan.
" Ahhm. Nakaligo ka ba ng maayos?" Tanong nito sa akin. Tumango naman ako sa kanya.
" Good." Sabi nito saka nagpaalam na sa akin. Nagtataka na tiningnan ko siya palayo.
" Tssk, bakit ang wierd ng mga tao ngayon?" Bulong ko saka napapailing na pumasok na sa loob.