****MAXINE POV#***
Kanina ko pa hinahanap si Reeve. Iniisip ko kung papano ako makakalapit sa lalakeng yun. Ilang beses ko ng pinagtabgkaan yun kapag nasa silid kaso nagigising siya sa tuwing lalapit ako sa kanya. Malakas talaga ang pakiramdam. Dito naman hindi ko siya matalo sa laban ni hindi ko nga siya matamaan. Kaya naiinis na ako. Nang makita ko na lumabas ito galing sa
loob. Tumingin ito sa side ko. Umiwas ako agad ng tingin.
"Ngayon nais kong ipakita sa inyo ng personal." Sabi ni Mourine. Napatingin ako sa harap nakita ko ang mga larawan pamilyar sa akin ang mga atake na yan. Nagulat ako ng tawagin ni Mourine ang pangalan ko. Siniko ako ni Salazar. Na nasa tabi ko. Nakita ko na napangiti yung tatlong babae na na nasa kanan ko.
" Paktay ka ngayon." Bulong ng isa. Napalingon ako dito. Siniko ito ng kasama niya.
" Wag mo silang intindihin. Basta magiingat ka mainitin ang ulo niyang si ma'am Mourine." Bulong ni Salazar sa akin. Nagpasalamat na lang ako dito. Tumayo ako.
" Bakit ba paborito nila akong tawagin sa harap? " Tanong ko sa isip ko.
" Nais kong labanan mo ako. Siguro naman pamilyar ka sa Kick boxing? Wag kang mailang gusto kong ibigay mo sa akin ang nalalaman mong mga atake. " Sabi niya tumango lang ako sa kanya. Hinubat nito ang uniform niya.
" Huhubarin ko ang uniform ko para hindi ka mailang. " Sabi niya sa akin. Nakaputing Tshirt ito. Hinubad ko din ang uniform ko. Kagaya ng dati naka crop top ako na kulay patig kagaya ng pantalon na suot ko na pinarisan ko ng boots na itim. Nakatirintas lagi ang mahaba kong buhok.
Tumayo kami sa gitna. Agad na sinugod niya ako nailagan ko ang una niyang atake pero yung pangalawa tinamaan niya ako agad sa dib dib. Napaatras ako.
" Sa laban bawal ang mga tanga." Sabi niya. Napakunot ang noo ko. Pinagpag ko ang bakat ng sapatos niya sa dib dib ko. Sinugod niya na naman ako. Na sangga ko ang kamay niya pero mabilis na hinawakan niya ang kamay ko sabay hila niya diro saka ako siniko ng malakas sa tagiliran ko. Napaigik ako hindi pa ako nakakabawi sinugod niya uli ako ng sipa. Tinamaan ako sa mukha. Dumugo ang labi ko.
"Ayoko ng tanga na kalaban. Magpocus ka kung ayaw mong mabugbog ko. " Sabi niya sabay sugod uli sa akin. Akal ko susuntukin niya ako yun pala papatirin niya ang paa ko. Hindi ko napaghandaan yun kaya bumagsak ako. Dinaganan niya ako saka ako sinuntok sa mukha. Nagdugo. Susuntukin niya uli ako. Pero na sangga ko na ang susunod sunod na suntok niya. Nakita ko na lalapitan sana kami ni Reeve. Napakunot ang noo ko. Inis na tiningnan ko si Mourine na seryosong seryoso.
"Lintik! Nakakailan na ang babae na ito sa akin ah. Akala tuloy ng gagong yun napakahina ko." Bulong ko.
"Ano hangang diyan na lang ba ang kaya mo. Akala ko ba magaling ka. Bakit hindi mo ipakita sa akin. Nagmamagaling ka lang ba kapag si Reeve ang kaharap mo? " Sabi niya sa akin. Inis na tiningnan ko siya. Agad na sinangga ko ang atake niya sabay suntok ko sa tagiliran niya. Napaigik siya sa ginawa ko. Agad inangat ko ang katawan ko kaya natumba siya. Pero mabilis siyang tumayo bago ko pa siya madaganan. Kaya pareho na kaming nakatayo. Dinura ko ang dugo sa bibig ko. Tumalon talon siya. Na parang kagaya ng nagboboxing. Tiningnan ko lang siya. Saka ininat inat ang likod ko. Pinagmasdan ko ang kilos niya.
Nakita ko sa kilos niya na expert siya sa larangan na ito. Lihim akong napangiti. Nakita ko na inikutan niya ako. Hinintay ko ang gagawin niya. Maya maya umatake nga siya. Sumipa siya. Papunta sa mukha ko. Mabilis na inilagan ko ito sabay sipa sa dib dib niya. Napaatras siya. Napahawak siya sa dib dib niya. Nagkakaingay na ang mga kasamahan ko. Inis na tiningnan niya ako. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Salazar.
"Ikaw ang nagsabi na labanan ko ang atake mo."
Sabi ko sa kanya. Hindi siya umimik. Sinugod noya ako ng magkakasunod. Pero bawat atake niya sa akin. Bawat ilag ko sa dito sinasabayan ko din ng atake sa kanya. Hindi niya inaasahan ang atake ko. Kaya lagi siyang may tama. Dumugo narin ang ilong niya. Galit na sinugod niya ako. Sabay patid sa sa binti ko. Ang hindi niya alam napaghandaan ko ang gagawin niya agad na nagpaslide ako sabay sipa sa binte niya kaya bumagsak siya sa harap ko. Mabilis na niyakap ko siya saka inipit ng braso ko ang leeg niya habang nakapulupot ang mga binte ko sa bewang niya. Siniko niya ako sa tagiliran hinigpitan ko ang pagkakaipit sa leeg niya. Nasasakal na siya kaya hinawakan niya ang braso ko. Doon lang ako natauhan. Agad na niluwangan ko ang pagkakaipit ko sa leeg niya. Hinang hina siya ng bitawan ko siya. Namumula ang leeg niya. Tumayo ako. Aalalayan ko sana siya sa pagtayo pero galit na tinapik niya ang kamay ko.
"Sorry po,nasaktan ko po ba kayo?" Tanong ko sa kanya . Dahil galit na galit siya sa akin. Alam ko na napahiya siya. Dahil natalo ko siya. Binigyan siya ng tubig ni George. Pinabalik na ako ni Reeve sa pwesto ko. Nagsalita ito pero hindi ko na naintindihan. Maya maya nilapitan ako nito.Napatingin sa amin ang mga kasama ko.
"Sumunod ka sa akin." Seryosong sabi nito.
" Hmmp, siguradong sesermonan siya. Sinakal niya ba naman si Ma'am Mourine. Hindi niya ba alam kung ano ni Sir si ma'am Mpurine." Sabi ng isa.
"Wala naman akong kasalanan kay Mourine no. Siya ang may gusto na labanan kp siya.Saka ano nga ba niya si ma'am Mourine?" Tanong ko sa sarili ko habang nakasunod kay Reeve. Nagtaka ako ng makita na sa clinic ang punta namin. Pumasok ito sa loob. Nagaalanganin na pumasok ako sa loob.
Nakita ko na dalawa lang kami dito.
" Maupo ka." Seryoso parin na sabi niya.
" H..Hindi na po kailangan ayos lang po ako." Sabi ko sa kanya. Ng makita na kumukuha siya ng mga gamot.
" Hindi kita tinatanong. Ang sabi ko maupo ka diyan." Sabi niya sa akin. Hindi na lang ako umimik.
" Ang suplado nito sinasabi ko lang na okay lang ako no." Bulong ko sa isip ko.