Chapter 12

1043 Words
"O hayan siguro naman ngayon hindi kana maiilang dahil hindi ko na suot ang uniform ko." Sabi ko sa kanya. Ngumise siya saka hinubad niya din ang uniform niya. "Baka sabihin mo unfair ako. Kaya para patas huhubarin ko rin para sayo ang uniform ko." Sabi niya. Nagsitayuan ang lahat at pinanood kami. Napangiti ako ng humabarin niya ang uniform niya. " Akala ko uniform mo lang ang malake yun pala ikaw talaga ang malake. Buti hindi ka nahihirapan tumakbo. Alam mo ba na hindi pwede dito ang ganyang katawan. Dahil oras na magkaroon tayo ng mission baka dalahin ka pa namin." Sabi ko sa kanya saka tumawa ng tumawa. Napikon ito. "Bakit anong akala mo sa akin Bano. Bakit hindi mo ako subukan para malaman mo ang hinahanap mo. Akala mo siguro porket maganda ka hindi kita papatulan." Sabi nito na namumula sa inis. Maya maya ngumise ito saka tiningnan ako nito mula ulo hangang paa. "Ano kaya kung magpustahan tayo." Sabi nito habang nakahawak sa baba niya. Napatingin ako sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Kapag nanalo ako paliligayahin mo ako ng isang gabi." Sabi niya. Napakunot ang noo ko. "Hindi lang pala Duwapang ito Manyak din pala ito." Bulong ko sa isip ko. " Mukhang mageenjoy ako sa ensayo ko ngayon." Bulong ko uli. Saka ngumiti ng matamis. " E kung ganito na lang kapag nanalo ka pwede mo sa akin gawin lahat ng gusto mo hindi lang isang gabi kundi isang linggo." Sabi ko sa kanya. Nanlake ang mata niya. Naghiyawan naman ang mga kaibigan niya. "Jackpot ka Bro!!" Sigaw ng mga ito. Lumake ang pagkakangise niya. "Pero kapag ako ang nanalo gagawin mo ang lahat ng gusto ko ipagawa sayo sa loob ng isang linggo." Sabi ko sa kanya. Natigilan siya. "Payag kana. Wala naman magagawa yan sayo!!" Sigaw uli ng mga kaibigan niya. Tiningnan ko siya. "O wag mong sabihin na uurong kana?" Sabi ko uli. Napakunot ang noo niya. "Sige payag ako." Sabi niya. Napangiti ako. Iniisip ko na kung ano ang gagawin ko sa kanya. Naghiyawan ang mga kasama namin. Nagulat ako ng may sipain niya ako. Bumalandra ako sa gilid. Naghiyawan ang lahat. "Oops sorry, Dumulas lang ang paa ko." Sabi niya. Pinunasan ko ang dugo sa labi ko. pumutok ito. Ngumiti ako. Aktong tatayo ako ng sugurin niya uli ako. Sinikmuraan niya ako. Nahirapan akong huminga. Sinamantala niya yun hinawakan niya ang Paa ko at binalandra niya ako sa gilid ng mesa. Tumama ang ulo ko sa kanto ng mesa. Tumulo agad ang dugo sa noo ko. Naghiyawan ang mga kaibigan niya. "Ano kaya mo pa?" Tanong niya. Dinura ko ang dugo sa bibig ko.Saka tumatawa na pinunasan ang dugo na tumulo sa noo ko. Napakunot ang noo niya. "Nagagawa mo pang tumawa ibig sabihin hindi ka parin sumusuko. Gusto mo talagang matulog ha." Sabi niya at aktong susugurin niya uli ako. Pero mabilis na iniwasan ko ang sipa niya. tumama ito sa lamesa. Mabilis na Tumayo ako saka sinuntok ko siya sa mukha. Dumugo ang ilong niya. Naghiyawan ang mga kasamahan namin. Napangise siya na pinupunasan ang ilong niya. "May lakas ka pa pala." Sabi niya. Saka ginalaw galaw ang ulo niya. "Bakit akala mo ba mapapatumba muna ako sa tira mo na yun. Yun na ba ang pinagmamalake mo?" Sabi ko sa kanya. "Pano mo ako matitikman kung ganyan ka kahina." Pangaasar ko pa sa kanya. "Ah ganun ha." Sabi niya sabay sugod ng suntok sa akin. mabilis na inilagan ko ang suntok niya hinawakan ko ang braso niya saka malakas na binalibag ko siya sa lamesa na wasak ito. Naghiyawan ang mga kasamahan namin. "Grabe ang lakas niya nakuha niyang ibalibag si Edmund." Sabi ng isa. Sinipa ko ito pero mabilis na nakailag ito. Hinawakan nito ang paa ko. Balak niyang ibalibag din ako. Pero mabilis na inangat ko ang isa kong paa sabay ikot at sipa sa Mukha niya. Nabitawan niya ang paa ko. Bumagsak na naman siya nagdugo ang labi niya. "Patas na sila. Pareho na sila duguan." Sigaw ng isang kasamahan namin. Lalong nagkaingay sa Canteen. Galit na sinugod ako ni Edmund. Pinaulanan ako nito ng suntok na mabilis na iniilagan ko lang. Ng makakuha ako ng tyempo Sinuntok ko siya sa panga. Nahilo siya babagsak sana siya pero nakahawak siya lamesa. Napikon na ng husto ito. Hinawakan ang isang Bangko at Hinampas sa akin mabilis na inilagan ko ito. Tumama ito sa Lamesa. Nahawakan niya uli ang isa pa binato niya sa akin. Mabilis na inilagan ko ito. Saka singbilis na nilapitan ko ito at Sinipa sa Mukha. Bumalandra ito hindi ko na siya pinatayo pa. Sinuntok ko ito sa sikmura. Namilipit ito Sinundan ko uli ng suntok sa may mukha niya. Dumugo uli ang ilong niya. Kinubabawan ako nito. Saka sinakal. Inubos ko ang lakas ko. Sinuntok ko siya sa tagiliran. Napaigik siya. Nabitawan niya ang leeg ko. Habol ko ang hininga ko. Galit na sinuntok ko siya sa may panga. Tulog na bumagsak ito. Tinulak ko ito saka hawak ko ang leeg ko na tumayo ako. Naghihiyawan ang mga kasama namin. Pagtingin ko nakita ko sa gilid sila Colonel kasama niya sila captain. Nakatingin sila sa akin.Huminga ako ng malalim. Saka kinuha ko ang uniform ko sa gilid at walang ano ano na lumabas ng canteen. Dumeretso ako sa banyo naghilamos. "Bwisit na tabachoy na yun. Medyo nahirapan din ako dun ah." Bulong ko sa isip ko. Habang naghihilamos at nagmomog. Ng matapos dumeretso na ako sa silid ko. Ginagamot ko ang sugat ko sa ulo ko ng may magabot ng gamot sa akin. "Eto ang ilagay mo diyan mas mabilis matangal ang pasa mo dito." Sabi niya. Napalingon ako sa kanya. Napakunot ang noo ko ng makita ko si Reeve. "Hindi na ayos na ako dito." Sabi ko. Naramdaman ko na naman ang inis dito. "Wag ka ng makulit ilagay mo na ito diyan. May bisita na darating dito bukas. Ayokong makita na ganyan ang ayos niyo." Seryosong sabi niya saka nilapag ang ointment sa tabi ko. "Sa susunod wag kang pala patol." Inis na sabi nito. Napakunot ang noo ko. Bago pa ako makasagot lumabas na siya. Inis na tiningnan ko ang ointment na binigay niya. Hinagis ko ito sa basurahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD