Pagdating namin sa Chapel. Nakita ko na maraming tao. Hindi ko pinansin ang mga ito. Nagderetso ako sa kabaong ng Papa ko. Napakunot ang noo ko ng makita ko ang itsura nito. Hindi ko na napigilan ang luha ko. Niyakap ako ni yaya na umiiyak din. Umiyak ako ng umiyak.
Iniyak ko ang galit na nararamdaman ko.
"Yaya, pinugutan nila ng ulo ang Papa ko." Sabi ko habang umiiyak.
" Hindi ko sila mapapatawad yaya. Sa ginawa nila kay Papa." Sabi ko uli saka naikuyom ko ang kamao ko habang tumutulo ang luha ko.
" Pinapangako ko Papa hahanapin ko ang taong gumawa sayo nito. Hindi ko patatahimikin ang buhay niya." Bulong ko. Hindi ko umalis sa tabi ng kabaong ni Papa. Wala akong kinakausap sa mga dumarating na mga bisita. Hanggang sa ilibing si Papa.
" Magpahinga ka muna anak ilang araw ka ng walang tulog. Baka magkasakit ka niyan." Sabi ni Yaya sa akin. Pagdating namin sa bahay na malake. Hindi ako umimik hinanap ko si Kuya Anjelo. May mga bagay na nais kong linawin dito.
" Kuya!" Tawag ko dito ng makita na may kausap ito sa Phone.
"Pwede ba tayong magusap?" Tanong ko dito. Tumingin ito sa akin.
"Bakit hindi ka muna magpahinga. Saka na tayo magusap kapag nakapagpahinga kana." Kalmadong sabi nito sa akin.
"Ayos lang ako. Nais kong malaman kung ano ang totoong nangyari kay Papa. Bakit pugot ang ulo ni Papa?" Seryosong tanong ko dito. Huminga ito ng malalim saka inaya ako sa opisina niya na dating opisina ni Papa. Kwenento niya sa akin ang lahat.
"Yan ang nakuha kong info. Sa mga tauhan niya. 'Sabi niya sa akin.
" Nasaan na ang mga tauhan ni Papa?" Tanong ko dito.
" Nilibing ko na sila lahat. Hindi na dapat sila nabuhay. Dahil sa kapabayaan nila na matay si Papa. Hindi mapupugutan si Papa ng ulo kung hindi sila mga pabaya. Kaya ang mga katulad nila hindi na dapat binubuhay." Galit na sabi nito. Napakunot ang noo ko.
" Lahat ng tauhan ni Papa pinatay mo?" Tanong ko sa kanya. Nilapitan niya ako saka hinawakan ang kamay ko. Nakakunot ang noo ko na tiningnan ko siya.
" Wag mo ng pinagiisip ang mga walang kwentang tao." Sabi niya sa akin.
" Pero.." Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng magsalita uli siya.
"Kung gusto mong iganti si Papa. Dapat ang hanapin mo ang pumatay sa kanya at pumugot sa ulo ni Papa. Walang iba kundi si Reeve Villa real." Sabi nito sa akin. Naikuyom ko ang kamao ko.
"Saan ko siya makikita?" Tanong ko kay kuyaAnjelo. Ngumiti ito.
"Sa campo ng mga military." Sagot niya sa akin. Napatingin ako sa kanya.
"Isa siyang Colonel ngayon. Ang alam ko bumubuo siya ng isang grupo. " Sabi uli nito. Saka may binigay na isang Folder sa akin. Napatingin ako dito.
"Alam ko na oras na malaman mo ang nangyari kay Papa nanaisin mong pumunta ng pilipinas upang hanapin ang pumatay kay Papa. Kaya naman pinaimbistigahan ko na siya agad. Para makatulong sa gagawin mo. Nandiyan ang lahat ng impormasyon na kailangan mo tungkol sa kanya." Sabi niya saka nilapag sa harapan ko ang folder. Kinuha ko ito. Saka binasa isa isa ang laman ng folder. Nakita ko ang larawan ng lalake. Hindi nagkakalato ang edad namin at bagong promoted lang siya bilang Colonel.
"Kung ano ang maitutulong ko sabihin mo lang." Sabi ni kuya Anjelo sa akin.
"Hindi na kuya. Malaking tulong na ito. Salamat." Sabi ko saka nagpaalam na dito. Tumango lang ito sa akin. Nagderetso na ako sa silid ko.
Kahit anong gawin ko hindi ako dalawin ng antok laman ng isipan ko ang mga sinabi ni kuya Anjelo.
Tumayo ako saka tiningnan ko ang folder na binigay niya sa akin. Kinuha ko ang phone ko. Saka may tinawagan ako.
"Max ikaw ba yan?" Tanong nito.
"Hindi." Seryosong sagot ko. Tumawa ito.
"Ikaw nga, hindi ka parin nagbabago pikunin ka parin hanggang ngayon." Sabi nito.
"Tssk, napakaingay talaga nito." Bulong ko.
"Bat napatawag ka? Miss mo na ba ako?" Tanong nito uli.
"Magkita tayo. Nandito ako ngayon sa pilipinas." Sabi ko sa kanya.
"Talaga? Buti pinayagan kana ng Papa mo." Sabi niya. Hindi ako umimik.
"Saan tayo pwedeng magkita?" Tanong ko sa kanya. Binigay niya ang pangalan ng lugar sa akin.
"Sige darating ako mamayang gabi." Sabi ko sa kanya.
"Ayos, ipapakilala kita sa mga barkada ko." Sabi niya sa akin. Hindi na ako umimik. Nagpaalam na ako sa kanya. Naiingayan talaga ako sa lalake na yun.
Kinagabihan hiniram ko ang motor ni kuya Anjelo. Ayaw niya pa nga dahil nagaalala siya sa akin. Hindi pa daw ako sanay dito sa pilipinas.
"Don't worry. I can take care of may self." Sabi ko saka kinuha na ang susi sa kamay niya. Nginitian ko na lang siya sabay kaway sa kanya. Nagmamadali akong sumakay sa morot. Ginamit ko ang google map. Yun kasi ang turo ni Willson sa akin. Hindi naman ako nahirapan hanapin ang lugar. Isa pala itong Bar. Ang dami ng tao ng dumating ako. Pinarada ko ang motor ko. Kagaya ng dati. Nakasuot ako ng crop top na kulay black na inibabawan ko ng kulay itim din na leader jacket. Pinarisan ko ito ng itim na pants at boots. Nakatali lang pataas ang itim na itim na buhok ko.
Pumasok na ako sa loob. Kinawayan ako
ni Willson ng makita niya ako. Nakita ko na marami itong kasama. May mga babae pa. Huminga ako ng malalim.
"Max, upo ka." Sabi niya saka tinapik ang isang kasama niya. Tumayo ito at doon ako pinaupo ni Willson.
"Max, sila nga pala ang sinasabi ko sayo, si Robert, si Jonas at si Gil. Mga girlfriend nila sina May, Sandra at Tiffany ." Pakilala niya sa mga kasama niya.
"Si Max nga pala. Yung lagi kong kinikwento sa inyo." Pakilala niya naman sa akin. Binigyan ako ng inumin ng isa. Nagpasalmat ako dito saka kinamayan sila lahat. Nakakailan palang ako ng magpaalam na ang mga kasama niya. Masyadong magulo sila. Tumango na lang ako ng magpaalam sila.