Chapter 8

1078 Words
Puro pala sila military at kapareho ni Willson may mga katungkulan din. Sila ang mga bata pang head ng military. out of duty sila ngayon kaya Napagkasunduan nila na lumabas. Kilala nila ako kasi madalas akong maikwento ni Willson sa kanila. Natuwa sila ng malaman nila na nais kong bumalik sa Millitary. Tutulungan daw nila ako na makabalik uli sa serbisyo. Kaya nagpasalamat ako sa kanila. "Wag kang magalala kaming bahala sayo makakabalik ka uli sa serbisyo. Sayang naman yang kakayahan mo. Buti naman at naisipan mong bumalik na sa serbisyo. Siguro kung nagpatuloy ka lang nun. Baka mas mataas pa ang ranggo mo sa akin." Sabi niya. "Grabe ka naman. Head kaya kita nun." Sabi ko sa kanya. "Seryoso ako. Ang taas ng expectation ko sayo nun. Kaya nanghinayang ako nung hindi kana nagpatuloy sa serbisyo. Pero hindi naman kita masisi nun." Sabi niya. Nagbalik ang lahat sa akin. Ang dahilan kung bakit hindi ko na pinagpatuloy ang pagmimilitary pagka graduate namin. Dahil bago mag graduation nakatanggap kami ng biglaang mission. Pinadala nila kami sa isang lugar doon ko nakilala si Willson. Isa siya sa mga Head namin. Isa akong captain ng platoon namin. Siya ang napili na makakasama namin. Naging magkabuddy kami. Humanga siya sa kakayahan ko. Hanggang sa makarating kami sa lugar ng mga terrorist. Iniisip namin na maliit na grupo lamang ang makakalaban namin. Nagulat kami ng makarating kami sa lugar at malaman namin na malaking grupo pala ito ng terorista at hindi iisa lang ang bihag nila kundi maraming tao. iba iba ang lahi at ang mga babae ginagawa nilang s*x slave. Napalaban kami ng husto sa mga ito. Nang ireport namin sa nakatatas sa amin ang tungkol sa mga bihag. Ang binaba nilang utos. Ang iligtas lang namin yung limang tao na sinabi sa amin na iligtas namin. Pero hindi namin sila pinansin ni Willson. Binalikan uli namin yung mga babae. Pero pagbalik namin iniwanan na nila kami. Kaya marami ang naubos sa mga tauhan ko pati sa grupo ni Willson. Nang matamaan siya ng bala nais niyang iwan na namin sila pero hindi ako pumayag. Nakipag sabayan kami. Buti na lang binalikan kami ng isang helicopter. Puro tama na kami ni Willson. iilan na lang din ang natira sa mga kasamahan ko. Galit na galit ako sa head namin. Kahit may tama ako nun sinuntok ko ang head namin ng makita ko. Dahil kung hindi niya kami iniwan naligtas sana namin ang mga babae pero dahil sa ginawa nila namatay lahat ng mga bihag na binalikan namin. Ang katuwiran ang mission namin ang iligtas ang tatlong Government officials kasama ang asawa ng dalawa. Kaya galit na galit ako nun. Kaya pagkatapos ng graduation hindi na ako bumalik sa military. "Hindi ko makakalimutan ang ginawa mo noong araw na yun. Kaya naman ng gumaling ako. Inilipit ko sa mas nakatataas pa ang nangyari dahil dun natanggal sila sa serbisyo. Tama ka ang mga katulad nila na walang pagpapahalaga sa buhay ng tao hinfi dapat nasa serbisyo." Sabi ni Willson. Hindi ako umimik. Dahil hindi ako babalik sa serbisyo dahil gusto kong bumalik sa serbisyo gusto kong bumalik sa military dahil nandun ang taong kailangan ko. "May isa pa akong favor na hihingiin sayo." Sabi ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. "Wag mong sabihin na wala kang tutuluyan dito. Hindi ba alam ng Papa mo na nandito kana sa pilipinas?" Tanong niya sa akin. "Ano kaba hindi yun ang hihilingin ko sayo." Sabi ko sa kanya. "Kung ganun e ano?" Tanong niya uli. "Gusto kong mapasama sa grupo ni Reeve Villa real." Sabi ko sa kanya. Natigilan siya saka tinitigan niya ako. "Wag mo akong tingnan ng ganyan. Walang ibig sabihin yun." Sabi ko sa kanya. Alam ko kasi na may kung ano na na kalokohan ang naglalaro sa utak niya. Actually wala siyang alam sa lihim ko ang alam niya isa ako Veterinarian. "Nagtataka lang ako. Ngayon ka lang kasi nagkaroon ng interest sa isang tao at sa isang lalake pa. Sabagay gwapo si Reeve Villa real. Hindi lang hanga din ako sa kakayahan nun. Magkapareho kayo kung kumilos." Sabi niya sa akin. Hindi ako umimik. "Sige ipadala mo sa akin ang mga requirements na kailangan ko kami na ang bahala." Sabi niya sa akin. Hindi ako umimik. Kung saan saan pa napunta ang usapan namin. Nalasing ito ng husto. Kaya kinuha ko ito ng silid dun. Sige ang tawag ni kuya Anjelo sa akin. Tinatanong kung kaya ko pang magmaneho. "Ayos lang ako kuya pauwi na ako." Sabi ko saka lumabas na at nagmaneho ng motor ko pabalik sa bahay. Pagdating ko nagderetso ako agad sa silid ko. Lagi akong nasa puntod ni Papa habang hinihintay ko ang tawag ni Willson. Ilang araw din akong naghintay. Bago niya ako tinawagan. "Max, Good news pinirmahan na ang papel mo. Pwede ka ng magumpisa ngayong linggong to. Kaya magready kana at magreport dito sa opisina ko." Sabi ni Willson. Natuwa ako sa sinabi niya. Kaya kinabukasan nagpunta na ako agad sa opisina para magreport. "Ang bilis mo ha. Talagang excited ka ng makabalik sa serbisyo ha." Sabi ni Willson. Hindi ako umimik. Gusto ko sanang sabihin na Excited na akong makaharap ang taong pumatay sa ama ko. "O hayan ang papel mo kagaya ng gusto mo nilagay kita sa grupo ni Reeve Villa real. Binalik ko din ang dati mong ranggo bilang first lieutenant. Hindi bagay sayo ang mas mababa na position." Sabi niya sa akin. Nagpasalamat ako sa kanya. "Wag kang magpasalamat kulang pa yan utang namin sayo ang mga buhay namin." Sabi niya. "Bukas deretso kana sa Campo. Ibigay mo yan kay Reeve Villa real siya kasi ang magiging Head mo dun." Sabi niya saka nangingiti na tiningnan ako. Napailing na lang ako. " Napapaisip ako. Ano bang meron kay Reeve Villa real at nakuha niya ang attention mo?" Tanong niya habang pinagmamasdan ako. " Simple pinatay niya lang naman ang ama ko." Bulong ko sa isip ko at naikuyom ko ang kamao ko. " Sabi mo nga napahanga ka niya sa kakayahan niya kaya nais kong malaman kung anong klase siyang tao at maraming bumibilib sa kakayahan niya." Sabi ko na lang natawa siya. " Kung ganun na chachallenge ka lang pala.Kaya nais mo siyang makilala." Sabi niya. Hindi na lang ako umimik. Napailing na lang siya. " Sige Good luck na lang kay Reeve." Sabi nito uli. Nagpaalam na ako. Hindi ko na lang pinansin ang pasaring niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD