Chapter 16

1119 Words
" Ang yabang talaga nito masyado. " Bulong ko. Saka sunod sunod na sinugod ko ito. Sige ang sangga niya sa mga atake ko. Ang bilis niya rin. Nagulat na lang nga ako naagaw niya sa akin ang patalim at natalo niya ako sa laban. Inis na inis ako dahil ni hindi ko man lang siya nasugatan.. Nagpalakpakan sila. Napapasigaw si George sa amin. "Ang galing ng pinakita niyo." Sabi ni George. Si Mourin naman ang pumunta sa gitna. Siya naman ang magtuturo sa amin. Tinuro niya sa amin ang ibat ibang klase ng pampasabog. Wala sa kanya ang attention ko na kay Reeve. Iniisip ko kung papano ko ito mapapatay. Hindi ko sita kaya ng harapan. Dahil mas magaling siya sa akin sa lahat ng bagay. Sa totoo lang alam ko na hindi pa siya seryoso sa laban namin. Pero hindi ko man lang siya natalo kahit isang beses. Nagulat ako ng tawagin ni Mourine sa unahan. Ng matapos siyang magpaliwanag. "Haays, ako na naman bakit ba paborito nila akong tawagin." Bulong ko saka tumayo at pumunta sa harapan. "Nais kong I assemble mo yan. Kagaya ng pag Assemble ko." Seryoso na sabi nito. Napatingin ako sa Bomba na ginawa niya. Buti na lang alam ko kung papano gawain ang mga Bomba at kung ano ano ang klase nito. Kung ngakataon lagot ako dahil hindi naman ako nakinig kanina habang binubuo niya yun. Huminga muna ako ng malalim saka mabilis na binuo ko ang Bomba. Nagpalakpakan ang mga kasamahan ko ng matapos kong buuhin ito. Napakunot ang noo ko ng mapatingin ako kay Mourine ang sama ng tingin nito sa akin. "May mali ba akong nagawa?" Tanong ko sa isip ko habang pabalik ako sa pwesto ko. Marami pa silang tinuro sa amin. Pabalik na kami sa mga silid namin ng harangin ako ni Mourine. "Alam mo nagtataka ako kung bakit dito ka nilagay sa grupo namin. expert ka naman sa lahat ng bagay. Mas bagay ka sa ibang grupo." Sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kanya. "Baka mas kailangan niyo ako dito." Sagot ko na lang sa kanya. "Actually hindi ka namin kailangan dito. Dahil sapat na ang kakayahan namin nila Colonel para sanayin ang iba." Deretsahang sabi niya sa akin. Napakunot ang noo ko. "Ano bang problema ng babae na ito. Sa gusto ko dito dahil nandito ang kailangan kong tao." Bulong ko sa isip ko. "Actually Captain hindi ko rin alam kung bakit ako dito nilagay. Bakit hindi niyo po tanungin ang nasa itaas." Sabi ko sa kanya saka nagpaalam na ako. Hindi ko alam kung bakit parang nararamdaman ko na inis sa akin ang babaeng yun. " Haays, bakit ko ba siya iniisip." Bulong ko. Saka pumasok na sa silid namin. Pinagisipan ko kung papano ko mapapatay si Reeve Villa real. ***REEVE POV#*** Dahil sa kakulitan ni George napilitan akong matulog sa silid ko. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa loob. " Bwisit kasing tao na yun kung ano anong inisip sa akin." Bulong ko. Lumakas na naman ang t***k ng puso ko ng makita ko si Maxine na tulog na tulog. Napalunok ako. " Napakaamo ng Mukha mo. Akala mo kung titingnan ka pangkaraniwan ka lang na babae. Pero ang hindi nila alam dilikado kang babae." Bulong ko. Naalala ko ang naging laban namin. " Napahanga niya ako sa mga atake niya at sa bilis niya. Kung iba ang nakalaban niya siguradong sa umpisa palang bagsak na ito." Bulong ko uli saka napailing. Nakita ko na natatakpan ng buhok ang mukha niya. Aktong aalisin ko sana ang buhok na nasa mukha niya. Ng gumalaw ito. Kinabahan ako. buti na lang tumagilid lang ito. " Haays, ano ba kasi ang ginagawa mo? Gusto mo bang masaktan. Kapag nagising yan siguradong hindi lang balibag ang aabutin mo diyan." Bulong ko sa sarili ko. Saka huminga ng malalim saka nahiga. Kaso pag tagilid ko nagkatapat ang mukha namin. Lumakas na naman ang t***k ng puso ko. Wala sa sarili na napahawak ako sa dib dib ko. "Bakit ba sa tuwing nakikita kita. Ganito na lang ang kaba ko?" Tanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ko ang mukha niya. Nang biglang kumilos siya at nakita ko na didilat siya kaya natataranta na pumikit ako at nagpanggap na tulog. "Lintik, bakit ba kasi kinakabahan ako. Ano ngayon kung makita niya na natutulog ako dito. Silid ko naman ito." Bulong ko. Natigilan ako ng pagiisip ko ng maramdaman ko na bumangon siya. Pinakiramdaman ko siya. Naramdaman ko na naupo siya. ilang minuto din siyang nakaupo paharap sa akin. Naiilang na tuloy ako. Gusto kong dumilat para tingnan kung ano ang ginagawa niya. Kaso natatakot ako na malaman niya na gising pa ako. Maya maya naramdaman ko na lumapit siya sa akin. Kaya nailang na ako talaga. kumilos ako. Naramdaman ko na natataranta siyang bumalik sa higaan niya. Tuluyan na akong dumilat. Nakita ko na nakapikit na siya. Napangiti ako habang iniisip kong ano ang ginagawa niya at bakit nataranta siya ng makita na magigising na ako. Napailing na lang ako saka bumalik sa pagkakapikit at tuluyan ng nakatulog. Maaga pa nagising na ako dahil ngayon ang dating nila Major. Bibisitahin nila ang binubuo kong grupo. Ako ang napili nila na bumuo ng secret in force men. Mga piling tao ang binigay nila na magiging tao ko. Kaya sinasanay namin sila ng husto. Pinakilala namin sila sa mga ito saka ko sila inikot sa erea. "Ayos na ba ang lugar na ito sa inyo?" Tanong nila sa akin. "Ayos lang nama tong lugar. Pero nais kong ilabas sila bukas. Sa labas ko sila sasanayin para maaga pa masanay na sila sa ibat ibang lugar." Sabi ko. Napatanho sila. Napagusapan pa namin ang mga gamit at armas na kakailanganin ko. "Ipapadala namin agad dito ang mga nirerequest mo." Sabi nila nagpasalamat ako sa kanila. Hapon na ng magpaalam ang mga ito. Pinakyat namin sila sa bundok upang malaman nila ang hirap sa pagakyat at actual namin silang tuturuan sa taas. Pinagpahinga muna namin sila para makakain dahil madilim pa ng umalis kami sa base. Nagpaalam ako kay George na titingnan ko ang paligid namin. Gusto ko lang na ligtas ang pagakyat namin. Umakyat ako sa isang puno. Nakita ko na bangin pala ang nasa mga gilid namin hindi lang pansin kasi natatago ito ng mga halaman na malalago. Dilikado kung may makasalubong kami na kalaban at pag napagawi ang isa sa amin dito dahil maari itong mahulog. Tiningnan ko ang unahan namin wala naman kaming makakasalubong mukhang kami lang ang umakyat ng bundok. Ng pababa na ako napakunot ang noo ko ng makita si Maxine. Mukhang may hinahanap ito. at papunta ito sa gilid ng bangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD