Chapter 18

1058 Words
Kinabukasan maaga pa ng magising ako at nag jugging kami ni George. pagkatapos naming mag jugging nagderetso kami sa paliguan ngunit maraming naliligo kaya napagpasyahan namin na sa opisina na lang maligo. Papasok na ako sa opisina ko para dun maligo ng makita ko na pumapasok si Maxine sa paliguan. Napakunot ang noo ko. Naalala ko na marami pang naliligo dun. "Mauna ka ng maligo." Sabi ko kay George. Tumango ito. lumabas uli ako sa opisina. pumunta ako sa banyo. Napalingon sila sa akin. Babati sana silang lahat sa akin pero inawat ko na. Nilibot ko ang paningin ko. nakita ko si Salazar na may binabantayan lumapit ako dito. Napalingon ito sa akin. "Maliligo po ba kayo Colonel?" Tanong nito sa akin. "Sino ang nandiyan?" Tanong ko dito. "Si Lieutenant Maxine po sir." Sagot niya sa akin. "Naligo kana ba?" Tanong ko sa kanya. "Tapos na po sir." Sagot nito sa akin. "Kung ganun magbihis kana. Ako na ang bahala diyan." Sabi ko dito. Nagalangan muna ito bago Nagpasalamat at nagpaalam na. Natapos ng lahat pero hindi pa tapos si Maxine maligo. "Para din pala siyang pangkaraniwang babae maligo. Napaka bagal." Bulong ko. Ng marinig ko na pinatay na niya ang shower. Nataranta ako. Nagmamadali akong lumabas at sinabit ang isang placard sa pintuan ng banyo. Sakto naman na dumarating yung tatlong babae na kasama ni Mourine. Nagmamadali na umalis ako. Nakita ko na hindk pumasok ang mga ito sa loob. Pumasok na ako sa opisina ko at naligo. *** MOURINE POV#*** "Ma'am Mourine tara na po maligo na po tayo." Yaya nila Melanie sa akin. Ang tatlong tauhan ko dati. Kinuha ko para makasama sa grupo namin. "Sige susunod na ako." Sabi ko sa kanila. Nagpaalam na sila sa akin. Napakunot ang noo ko ng makita ko sila sa labas ng banyo. "Anong ginagawa niyo diyan?" Tanong ko sa kanila. "Ma'am may nakasabit po kasi." Sabi nila saka nila tinuro ang nakasabit sa pintuan. Napangiti ako ng may maalala sa nakasabit. Parang alam ko na kung sino ang naglagay nun. Madalas niyang ilagay yan kapag nasa loob ako ng banyo. Pag hindi naman siya ang nakatambay sa pintuan. Ng may maisip. Napailing ako saka napangiti. " Hangang ngayon ginagawa niya parin yan. Alam niya parin ang oras ng pagligo ko." Bulong ko. " Wala yan, may naglagay lang niyan dahil alam niya na maliligo na ako." Sabi ko. Saka tinulak ang pintuan at inaya sila na pumasok sa loob. Nagulat ako ng lumabas sa isang shower room si Lieutenant Maxine. Napatingin ito sa akin. Saka bumati sa akin at sumaludo. Sumaludo din ako sa kanya ang at ang tatlong kasama ko. Nagpaalam na ito sa amin. "Haays, ang yabang talaga niya no!" Sabi naman ni Melanie. "Sinabi mo pa. Akala niya naman mananalo siya kay Colonel." Sabi naman ni Elaine. " Ni sa tingin ko nga kay ma'am Mourine nga hindi siya mananalo." Sabi naman ni Dian. " Oo naman no." Sagot naman ng dalawa. Saka nagtawanan sila. Hindi ako umimik. Sa totoo lang matagal na akong nayayabangan sa babaeng yun. " Ma'am bakit po pala nasa silid siya ni Colonel natutulog? Diba dapat nasa silid namin siya." Sabi uli ni Dian. Huminga ako ng malalim actually isa pa nga yan sa kinaiinisan ko. Dati ako ang nagre request na doon matulog hindi niya ako pinayagan. Kasi baka daw kami masita. Tapos ngayon yung babae na yun pinayagan nila. "Akala kasi nila lalake siya. Nagulat sila ng dumating siya babae pala siya." Sabi ko na lang. "Bakit hindi parin siya pinalilipat?" Tanong naman ni Melanie. "Inaayos pa ang lahat. Palilipatin din siya. Dahil ayaw ni Reeve na may kasama sa silid niya. Masyado kasing maselan yun." Sabi ko sa kanila. Totoo yun. Masyadong malinis sa mga gamit si Reeve. Minsan nga yun ang pinagaawayan namin. Kaya nagiingat ako sa mga kilos ko nung kami pa nito. "Ma'am bakit hindi na kayo nagkabalikan ni Colonel? Sayang naman bagay pa naman kayong dalawa." Sabi ni Elaine. Huminga ako ng malalim. "Sa tingin namin may pagtingin pa sayo si Colonel. Kasi madalas namin siyang nakikita na nakatingin sayo." Sabi nila. "Kayo talaga tigilan niyo nga kami. Maligo na nga kayo." Sabi ko sa kanila. Saka napangiti sa totoo lang mahal ko pa naman siya. Kaya nga ako nagpadistino sa grupo niya. Pinagsisihan ko na nung iwan ko siya noon at nagpadistino ako sa malayo. Akala ko kasi susundan niya ako. Nagulat na lang ako ng malaman na umalis na siya sa serbisyo. Nalungkot ako nun. Kaya ng madukot ang president ng France ng mga taong labas at isa siya sa nirequest na pabalikin sa tungkulin natuwa ako. Dapat may isang tao na makakasama niya sa mission kaso hindi nila ito napilit na bumalik sa serbisyo kaya ako na lang ang ipinalit na makakasama niya sa mission. Doon nagsimula na makasama ko siya ulit. Hindi na nila pinayagan ito na umalis sa serbisyo. Hindi narin ako lumayo pa sa kanya. Nararamdaman ko naman na may pagtingin pa siya sa akin. Kaya naiinis ako na masyadong nagpapansin ang babae na yun kay Reeve. Hindi ako papayag na may ibang umagaw sa akin kay Reeve. Pagkapos kong magasikaso ng sarili ko lumabas na ako. Nakita na nasa field na sila pero wala pa si Reeve. "Nasan si Colonel?" Tanong ko kay George. "Nasa opisina niya pa may kausap." Sagot nito sa akin. Hinintay pa namin siya. Pero hindi parin siya lumalabas. Kaya tinawagan na siya ni George. " Magumpisa na daw tayo. May kausap pa siya." Sabi ni George. Kay inumpisahan namin. "Ikaw na muna ang magturo sa kanila. Tutal ikaw naman ang expert dito." Sabi ni George. Tiningnan ko ang papel. Kick boxing at paghawak ng ispada ang nakasulat dito. Napangiti ako. Nagpaliwanag ako sa kanila. Pinakita ko ang mga larawan ng tamang atake at kung papano ito kokontrahin ng isa pang atake ng mapatingin ako kay Maxine napakunot ang noo ko. Nakita ko na parang may hinahanap ito. Nakaramdam ako ng inis dahil parang alam ko na kung sino ang hinahanap nito. Ng tumingin ito sa pintuan. Napalingon ako dito. Nakita ko si Reeve na dumarating. May naisip ako na gagawin. "Kung nung nakaraan nakalusot ka sa akin. Tingnan natin ang galing mo ngayun." Bulong ko. Saka lihim na napangiti. Alam ko na wala pang nakakatalo sa akin sa larangan nato.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD