Nagmamadali akong bumaba sa puno at agad na hinawakan ko ang braso nito sabay hapit dito dahil isang hakbang na lang malalaglag na ito sa bangin. Nabigla ito sa ginawa ko. Itinulak ako nito at umatras mabilis na hinila ko ito at nigakap. Lalong nagulat ito sa ginawa ko. Sesermunan ko sana ito pero napalunok ako ng magsalubong ang mukha namin at makita ko na gadangkal na lang ang layo ng mukha namin. Ng bumigay ang gilid ng bangin. Nalaglag ang mga bato dito. Sabay kaming napatingin dito. Ng biglang magsalita sa likod ko si George. Napalingon kami dito. Napatingin ito sa ayos namin. Malakas na hinampas ako sa braso ni Maxine. Saka lang ako natauhan. Mabilis na umatras ako at inalalayan siya. Natatawa na tumingin sa akin si George. Napakamot na lang ako sa batok ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Namumula na nagpaalam ito sa amin.
"Ayos ka din Bro ah." Sabi ni George na Tinutukso ako.
"Gago, hindi ako kagaya sayo." Sabi ko diro. Saka iniwan ito. Nasalubong ko si Mourine. Hindi ko ito pinansin dumeretso na ako sa mga tao namin. Tumingin ako kay Maxine kausap ito nila Salazar.
"Ready na kayo aakyat na tayo." Sabi ko sa kanila at nagsitayuan na sila.
"Yung iba sa daan niyo na lang kainin ang pagkain niyo. Kailangan natin makarating sa taas bago magtanghali." Sabi ko sa kanila. Saka nagumpisa ng maglakad.
"Bro, aminin mo nga sa akin. Type mo si Lieutenant Maxine no?" Pangungulit na naman sa akin ni George. Napatingin ako kay Maxine nagsalubong ang tingin namin pero umiwas agad ito ng tingin sa akin.
"Hindi naman kita masisi. Maganda naman talaga siya kaya masyadong suplada at nakakatakot kong tumingin. Para bang laging galit. sa bagay, Bagay kayo. Gwapo ka kaso masyado kang seryoso kaya natatakot sayo ang mga babae." Sabi nito. Napatingin ako dito.
"Seryoso, Natatakot sa akin ang mga babae?" Tanong ko dito. Naalala ko nung gabi na natatarantang bumalik sa higaan si Maxine kasi nakita niya na magigising na ako.
"Oo no marami kayang nagkakagusto sayo sa Platon natin kaya nga sobra ang selos ni Mourine nun. Kaso natatakot sayo." Sabi nito. Napakunot ang noo ko. Akala ko nun kay Mourine natatakot ang mga yun kaya hindi makalapit sa akin.
"Wag ka kasing masyadong seryoso. Ngumiti ka naman. " Sabi nito. Napaisip ako sa sinabi niya.
"Pero alam mo ang lupit talaga niyang si Lieutenant Maxine. Nakita mo kanina parang mani mani lang sa kanya ng asembolin niya yung Bomba kanina. Parang sanay na sanay siyang gumawa ng bomba. " Sabi uli nito. Naalala ko yung ginawa ni Maxine. Sa totoo lang napahanga na naman niya ako kanina sa ginawa niya.
"Oo nga, naiisip ko tuloy mas bagay sa kanya ang posisyon mo." Sabi ko dito.
"Uy, grabe siya porket Type mo yun gusto mo kaagad ipromote papunta sa tabi mo. Magtapat ka kaya muna." Panunukso nito sa akin.
"Ulol." sabi ko dito. Tumawa lang ito ng tumawa habang papalayo sa akin. Naisip ko tuloy ang itsura ni Maxine. Wala sa sarili na napangiti ako.
Kinabukasan maaga pa ng bumangon ako at nagasikaso ng sarili ko. Nakita ko na nagising na siya at pumasok sa banyo. Napakunot ang noo ko. Naalala ko na maraming tanghali nang nagising kaya siksikan sa banyo. Mabilis akong pumasok sa loob. Nagulat sila ng makita ako. Nilibot ko ang paningin ko hindi ko siya nakita. Nakita ko na nasa tabi ng isang shower room si Salazar.
"Sino ang nasa loob?" Tanong ko dito.
"Si Lieutenant Maxine Sir." Sagot nito sa akin.
"Sige ako na ang magbabantay maligo kana." Sabi ko sa kanya. Tumango siya. saka pumasok na sa kabila. Natapos na sila hindi pa tapos ito maligo.
"Babaeng babae din pala kung kumilos ito. Pag wala sa laban. Napaka bagal." Bulong ko. Ng marinig ko na pinatay na nito ang shower mabilis na lumabas na ako. Saka sinabitan ang pintuan ng banyo ng restricted. Saka umalis na.
Nasa field na kami. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni George. Ng magulat ako ng tawagin ako nito. Ang alam ko kasi siya ang magtuturo ngayon. Mas lalo akong nagulat ng tawagin nito si Maxine.
"Wag kang mailang ipakita mo kung ano ang kaya mo." Sabi nito kay Maxine. Sabay tapik sa balikat ko saka kumindat.
"Good luck Bro." Bulong nito sa akin. Napailing na lang ako. Nagulat ako ng mabilis na sugurin ako ni Maxine. Gamit ang patalim na hawak niya. Buti na lang mabilis na nakailag ako at nahawakan ko ang kamay niya saka nilagay sa likod niya sabay hapit sa kanya.
"Masyado ka naman nagmamadali." Bulong ko sa kanya. Habang pinapakalma ang dib dib ko. Dahil hindi na naman mapalagay ito. Nagulat ako ng sipain niya ang paa ko. Kaya nakapiglas siya sa akin. Sabay unday ng magkasunod na saksak sa akin. Napikon yata sa ginawa ko. Mabilis na inilagan ko ito.
"Grabe ibang klase pala kapag ginalit mo ito. Pero mas lalo siyang gumaganda sa paningin ko." Bulong ko.
"Wooh, ang bilis mo pala kapag patalim ang gamit mo." Sabi ko habang sige ang ilag ko sa bawat atake niya. Saka ngumiti dito. Natigilan siya kaya sinamantala ko yun para hulihin siya. Hinawakan ko na naman ang kamay niya sabay hapit sa kanya. Napasinghap ako ng mapadikit sa katawan ko ang katawan niya.
" s**t! Mali yata ang ginawa ko." Bulong ko sa isip ko saka huminga ng malalim.
" Rules number one stay pocus kahit gaano ka gwapo pa ang kalaban mo kapag nasa laban ka dahil baka maisahan ka niya." Bulong ko sa kanya. Mas lalo lang itong nagalit. kaya nagpiglas ito. Tinisod ko ang paa niya para mapaluhod siya pero mabilis na siniko ako nito sa tagiliran. Kaya napaigik ako.
"Rules number two wag kang mayabang lalo na kung nasa labanan ka." Sabi niya naman. Napangiti na lang ako. Lalo lang itong nainis. Mas lalo akong napangiti. Ang ganda niya kasi kapag naiinis siya.
Sinugod ako nito mas lalong bumilis ito kaya kinailangan ko tuloy magseryoso kundi tatamaan ako nito. Mabilis na nahagip ko ang kamay niya sabay agaw sa patalim na hawak niya. Doon ko lang siya natalo. Nagpalakpakan ang lahat. Inirapan niya ako. Napangiti na lang ako.