SA ISANG restaurant sa rooftop ng isang mamahaling hotel dinala ni Rob si Daisy. Pumuwesto sila sa pandalawahang mesa na malayo sa karamihan at tanaw ang view ng buong Kamaynilaan. It was a cozy and romantic night. At napagtanto ni Daisy na iyon ang unang beses na nakipag-date siya sa ganoong klase ng lugar. Noon kasi, palaging sa mga club at bar siya nagpupunta. Hinila ni Rob ang isang upuan para sa kanya at hindi niya maiwasang mapangiti. “You are such a gentleman,” puna niya. Umangat ang gilid ng mga labi ng binata. “I was brought up this way. Nakakatulong siya sa trabaho ko kaya hindi ko binago.” “You must have a nice family, then,” komento niya na hindi naiwasang makaramdam ng kuryosidad, na lalong tumindi nang umangat ang mga labi ni Rob, tila may kalakip na pait ang gesture na