PAGPASOK pa lamang sa hotel room, parang may magnet na naglapat kaagad ang mga labi nina Daisy at Rob. Sa pagkakataong iyon, hindi masuyo o magaan ang halik kundi mariin, sabik, at nakaliliyo. Rob slid his tongue inside her mouth and she met it with her own. Isinandal ng binata si Daisy sa pader malapit sa pinto at lalong pinalalim ang halik. Napaungol siya nang lumapat ang katawan ni Rob sa kanyang katawan. Pinaikot niya ang mga kamay sa leeg ng binata at gumanti ng halik. Naisabunot niya ang kamay sa buhok ni Rob nang dumausdos ang mga labi nito mula sa kanyang mga labi patungo sa kanyang panga, at pababa sa leeg. Naramdaman niya nang humugot ng malalim na hininga ang binata, tila nilalanghap ang kanyang amoy. “You smell so good, Daisy,” he whispered against her skin. “Oh…” Napasing