SANDALI lang nagdalawang-isip si Daisy kung tatawagan niya si Rob o hindi. Kung noon niya nakilala si Rob at kagaya ito ng ibang lalaking nagkagusto sa kanya, malamang ay hindi niya ito tatawagan. Hahayaan niyang habulin siya ni Rob, paglalaruan sa mga kamay hanggang magsawa siya. Subalit ibang kaso si Rob. Wala pang nakikilala si Daisy na lalaking gaya ng binata. Wala pang humalik sa kanya na gaya ng paghalik nito. Wala pang tumingin sa kanya nang may ganoon katinding intensidad. Lalong wala pang nakapagpalambot sa mga tuhod niya na gaya ng palaging ginagawa ni Rob sa kanya. Higit sa lahat, naniniwala si Daisy na ibang tao na siya kompara noon. That she was slowly growing up and changing. Hindi man kumbinsido ang maraming tao na kaya niyang magbago, alam niya sa sarili na kaya niya. At