NALAMAN ni Daisy na wala naman palang importanteng pag-uusapan ang Wildflowers at si Rob. Gusto lang palang magkita ng mga ito. Kasama pa raw dapat ang dating vocalist ng Wildflowers na si Cham, hindi lang daw nakapunta. Sa totoo lang, hindi maiwasan ni Daisy na bumilib sa pagkakaibigan ng mga ito. Hindi katulad niya at ng mga kabarkada noon. Ngayon ay napagtanto ni Daisy na wala siyang tunay na kaibigan. How pathetic. Pagkatapos ng early lunch, nagboluntaryo si Rob na ihatid siya sa TV8. Pumayag siya dahil gusto pa niyang makasama ang binata nang mas matagal. Sa sandaling napagtanto ni Daisy na gusto niya si Rob ay parang ayaw na niyang malayo rito. She didn’t like the guy before. O marahil, hindi siya nagkaroon ng pagkakataong magkagusto sa kahit na sino dahil palagi na ang mga lalaki