Magkapatid

1088 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full ------------------------------------ Tuluyan akong nakarecover. Ang sabi nga ng doktor ay napakalakas daw ng aking fighting spirit at lumalaban daw ako. Sa isang buwan kong pananatili sa ospital na iyon, tuluyan kong naigalaw ang lahat ng parte ng aking katawan, ang mga nabali na buto sa aking bisig at paa ay unti-unti na ring gumaling at sa tulong din ng magagaling na mga physical therapists at phyisotherapists ng ospital. At sa pinakaunang araw ng panumbalik ng aking paningin, si Miguel kaagad ang aking nakita. Noong inikot ko ang aking mga mata sa paligid, napuno ito ng mga yellow balloons at ribbons. "Welcome to the wold Tol! We love you!" ang nakasulat sa isang streamer na nakalambitin sa kisame ng kuwarto ko. Palakpakan silang lahat at si Miguel, agad akong niyakap at walang kiyeme na hinalikan ako sa bibig, binigyan ng maramn rosas sa harap ng aking Ninang, mga duktor at nurses at mga magulang ni Miguel at ni kuya Mateo na naroon din. At may ilang TV camera na naroon din. Talagang may nagcover na mga Filipino channels at inabangan ang masalimuot na kuwento ko, ng kuwento ng sumpa, at kuwento namin ni Miguel. "Bakit mo ako hinalikan?" ang birong paninisi ko kay Miguel noong kaming dalawa na lang ang naiwan sa kuwarto. "Kanina lang naman kita hinalikan ah, noong nagising ka na!" ang sagot din niya. "Anong kanina? Kahit noong hindi pa ako nagising, halik ka nang halik sa bibig ko, huh! At nilapastangan mo pa ang katawan ko. Hinipuan mo pa nga ako eh, porket hindi ako makagalaw. Inabuso mo ako. At may sinabi ka pa sa akin na something..." "Weeee!" sagot niyang parang nahiya. "Hindi mo naman narinig eh." "Narinig ko kaya." "Anong sinabi ko?" "Mahal kita." "Mahal mo ako?" "Iyan ang sinabi mo sa akin noong nasa-comatose pa ako!" Bigla siyang natahimik. Naging seryoso ang kanyang mukha na tiningnan ako. "Ako mahal mo?" "Sabi ng erbolaryo, ang mamahalin ko lang daw ay iyong taong pinakaunang humalik sa akin. At ang puso ko ay para sa kanya lamang." "Wooohhh! Naniwala naman ito!" ang sambit niyang may halong pagkainis. Siguro naisip na may iba pang humalik sa akin. "Sige ayoko nang maniwala. Ikaw kasi ang unang humalik sa akin eh. At kung kaya ay nagising ako sa aking pagka-comatose dahil sa halik mo." "Ay!" ang sambit niya na halatang napahiya. "Sige... maniwala na ako sa sumpa." "Ay ayoko na. Sabi mo nga, hindi naman totoo ang sumpa eh. At hindi rin ako naniniwala." "Naniwala na nga ako eh! Totoo iyon! Totoo!" "Promise?" "Promise!" "Sige, mahal kita... simula noong high school pa lang tayo, mahal na kita." Ang pag-amin ko rin. "Yeeeyyyy!" ang sigaw niya at nagtatalon pa at pagkatapos ay niyakap ako hinalikan sa bibig. Sobrang saya ko sa pagkakataong iyon, sobrang pasasalamat ko sa ibinigay na pangalawang buhay ko. At ilang araw pa ay nakalakad din ako bagamat mabagal. Syempre, sa pagmamahal ba naman na natatamasa ko sa mga taong nakapaligid sa akin kung kaya ganoon kabilis ang aking pagrecover. At ang isang bonus pa, todo suporta ang mga magulang ni Miguel sa amin. Wala silang tutol. Mga liberal-minded kasi. At ang mga magulang din ni kuya Mateo, nangakong pagkataps ng operasyon ko sa mukha, ilalakad na nila ang adoption. Tuwang-tuwa naman ako. Syempre, mabubo na rin ang pamilya ko, at makakasama ko pa ang kuya Mateo. Sobrang excited kaya ako na magkaroon ng kuya. Naglalaro sa isip kung ano kaya ang buhay may kuya, nagtatanong ang isip kung possesive ba siyang kuya, over-protective. At excited din ako sa sinabi niyang igagala niya ako sa mga lugar na magaganda na sa tanang buhay ko ay hindi ko pa narrating, tuturuan ng mga bagay-bagay sa Amerika. "M-matanong ko lang po, a-ano po ba ang pangalan ng tunay na ina ni Mateo?" ang tanong ng mommy ni Miguel noong nasa loob sila ng kuwarto ko. Hindi ko rin makuha kung bakit naitanong iyon ng mommy ni Miguel. Galing kasi sila sa labas ng kuwarto ko noon at nagkasabay sa pagpasok. Marahil din ay napag-usapan nila iyon sa labas. "Barbara." Parang nagulat pa ang mommy ni Miguel noong narinig ang pangalang Barbara. "Barbara Nieves?" ang sunod niyang tanong. "K-kilala mo siya?" ang tanong naman ng mommy ni kuya Mateo. "Oh my God!!! Oh my God!!! Ako ang kapatid niya!!! Lihim akong umalis ako sa lugar namin dahil sa matinding hiya ko sa mga pangyayari! Nagpunta ako ng Maynila kung saan nakilala ko ang aking asawa na umampon kay Miguel. Sa panahon ng aking pag-alis, nasa sinapupunan ko pa si Miguel." "Oh my God!" ang sigaw din ng mommy ni kuya Mateo. "Magpinsan kami ni Mateo mommy?" ang pagsingin naman ni Miguel. "Oo! Oo! At itong si Adonis ay ang anak ni Elmer Gervacio?" "O-oo. Oo..." ang sagot ng aking Ninang na naroon din. "Puwes magkapatid silang tatlo!" "Nooooooooo!" ang sigaw naman ni Miguel. "Hindi maaari iyan mom! Hindiiiiii!" Napalingon ang lahat kay Miguel "Anak... iyan ang totoo." Ang wika ng mommy ni Miguel. "Basta hindi! Ayokong maniwala! Ayokooooo!" at nagtatakbo na si Miguel palabas ng kuwarto. Wala na akong nagawa pa kundi ang pagmasdang tumakbo si Miguel palabas ng kuwarto. Nalungkot din ako ng labis. Gusto ko siyang habulin ngunit hindi ko pa kayang tumakbo. Isa pa, wala rin akong maitutulong. Gustuhin ko mang tumutol, wala akong magagawa. Kaming lahat ay hindi makapaniwala. Sobrang na-shocked kami sa bilis ng mga pangyayari. Mabigat din ang aking kalooban dahil sa ipinakitang pag-alaga ni Miguel sa akin, sobrang napamahal na siya sa akin. Sinundan ng mga magulang niya si Miguel. Hindi na sila bumalik. Hindi ko na alam kung paano nila siya sinuyo at pinaliwanagan. "Ninang... bakit kaya ang kuya Mateo ay hindi man lang nagparamdam?" ang tanong ko sa sa aking ninang noong kaming dalawa lamang ang naiwan. Naalala ko kasi ang kuya Mateo. "Eh... di ba ang sabi niya sa sulat ay magtago muna kasi nga dahil sa fraternity?" "Bakit kailangan din niyang magtago sa atin?" "Hindi naman siguro nagtago iyon. Nand'yan lang iyon sa paligid." "Pero bakit di nagparamdam. Nagtatampo na tuloy ako eh. Di ko alam kung masama ba ang loob niya sa akin o ano?" "Hindi masama ang loob niya sa iyo. Sigurado ako." "Bakit nga po hindi siya sumipot? Ito ang pinakamemorableng bahagi ng buhay ko eh. Tapos wala siya..." "Basta darating din ang kuya mo." Iyon ang sabi ng aking Ninang. Pati ang mga magulang ni kuya Mateo ay hindi rin makasagot sa tanong kong iyon. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD