Dear Tol...

1539 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full ------------------------------------ "Dear tol... una sa lahat, sana ay nasa mabuti ka nang kalagayan. Masaya ako na nalaman kong magkapatid pala tayo. Kaya pala sa una ko pa lang pagkakita sa iyo, parang may kakaiba na. Iyon ba iyong tinatawag na lukso ng dugo? Ang gaan-gaan na ng pakiramdam ko sa iyo. Hindi ko alam kung iyon iyong pagmamahal ko sa iyo na may paghanga, may awa. Gusto kong palaging nasa tabi kita, nakakausap... Pagkatapos pala ng ngayon, hindi ko na alam ang mangyayari dahil sa nasadlakan kong kalagayan sa fraternity. Hindi ko intensyon ang saktan ka. Aaminin ko, nagkamali ako at malaki ang nagawa kong kasalanan sa iyo. Ngunit ang lahat ng sinabi ko sa iyo sa farm namin ay totoo. Alam mo naman na may phobia ako sa pagtitiwala sa mga tao. At naisipan kong sumali sa nasabing fraternity upang sana ay ma-overcome ko ang takot ko sa pagtitiwala ng tao. Ngunit ang ibinigay nilang mission sa akin ay ang paibigain ka. Noong una... natawa ako. Kasi naman, ayokong makasakit ng damdamin. Maraming beses na kasing may nasasaktan sa akin dahil... ewan ko ba. Noong rumampa ako sa fund raising ng Fine Arts ay doon kita unang nakita. Lingid sa iyong kaalaman, kahit tahimik ka lang na nagmasid sa gilid ng gym, pigil na tumatawa, lihim din kitang pinagmasdan. Noong nakita kita sa ganoong ayos ng paghanga, naisip ko na kagaya ng ibang tao ka lang kung saan ay ang pustora ko lang ang habol. Inisip ko na baka isa ka rin sa kanila, bagamat may naramdaman akong hindi maintindihang awa para sa iyo. Aaminin ko na dahil sa tingin ko ay pisikal na anyo lang din naman ang habol mo, nabuo sa aking isip ang isang masamang intensyon; ang pagtuloy at pag-accomplish sa misyong ibinigay sa akin, wala nang iba. Sabi ko sa aking sarili, ganyan naman talaga ang tao. Kapag guwapo o may hitsura, mas maraming kaibigan, mas maraming lumalapit. Kung kaya ay hindi ko alam kung sino ang totoo, mapagkatiwalaan. Iyo bang ang habol ay ang buong pagkatao ng tao, ang laman ng puso at isip niya at hindi ang kanyang pisikal na anyo. At ang nasabi ko sa aking sarili ay, "Ok... laruin natin" Ngunit tila nabaligtad ang sitwasyon nating dalawa. Kasi, ako itong nahulog ang loob sa iyo. At nasabi ko sa aking sarili na isa kang taong mabait, mahiyain, matakutin... isang taong hindi gagawa ng masama. Ramdam kong iba ka sa mga taong kinatatakutan ko. Iyon bang sa unang pagtingin pa lang ay magtitiwala ka na. At sabi ko sa sarili na kung sakaling ma-in love ka sa akin, ok lang. Proud pa ako kasi... alam ko, totoong tao ka. Alam mo, ikaw ang kauna-unahang tao na sinabihan ko tungkol sa kwento ng buhay ko. Ito ay dahil na rin sa pagtitiwala ko sa iyo. At noong nalaman ko pang halos magkapareho tayo ng kuwento sa buhay, mas lalo pa akong humanga sa iyo. Sa isip ko, parang pinagtagpo tayo ng tadhana; parang sa ilang bilyong tao sa mundo, tayo lang ang may parehong dinanas na ganoon kahirap na buhay; ang mawalan ng mga magulang, ang abusuhin ng mga tao, ang matakot magtiwala. Parang tayo lang dalawa ang naiiba; ikaw, dahil sa hitsura mo, ako naman, dahil sa karanasan ko. Ngunit sa fraternity naman, huli na nang nalaman ko na may kakaiba pala sa kanila. Ang tunay palang dahilan ng misyong ibinigay nila sa akin ay kapag naaccomplish na ang pagpapaibig sa taong gusto nila para sa aplikante, sa final initiation ay iimbitahan din nila ang taong iyon at papirmahin ng isang kasunduan na mahal na mahal niya ang aplikante at handa siyang magsakripisyo at tanggapin ang mga pahirap sa initiation on behalf sa aplikante. At sa panig ko ay ikaw iyon. At hindi lang iyan. Droga. Ang pagdeliver nito. Noong nalaman nila ang pagiging close na natin, doon na ako natakot dahil palagi na nilang sinusubaybayan ang mga kilos mo at pinagbantaan akong huwag sabihin sa iyo ang lahat kundi ay ki-kidnapin ka raw nila. Nagulo ang aking isip sa pagkaalam ko sa sistema. At lalo na nang malaman ko pa ang pagka-notorious ng grupo kung saan, sila rin ang pinaghihinalaan sa pagkawala ng ilang estudyante sa campus. Ang ginawa ko ay hindi na ako nagparamdam pa sa iyo upang lumayo ka sa akin... Hindi ko talaga alam tol kung ano ang aking gagawin sa pagkakataong iyon. Ngunit ang nasa isip ko ay ang mailayo kita dahil nasa hit list ka na nila bilang kasama sa initiation ko. Noong nakita mo kami sa botanical garden, sa hapon ng araw na iyon, natunton ni Aling Cora ang bahay naming. Nakausap niya ang mga magulang ko. At doon na nagkaalaman sa kuwento ng mga magulang natin... Sa kanya ko nalaman na magkarugtong pala ang dugo natin... dahil ang aking tunay na inay na siyang nagbuntis sa akin ay ang babaeng nagbigay ng sumpa sa iyong mga magulang. Doon ko nalaman na magkapatid tayo sa ama. Noong nakita mo ako kasama ng mga myembro ng fraternity, iyon ang napagdesisyonan kong pagkakataon na hindi na tumuloy pa sa pagpasok sa fraternity. Ngunit hindi ko rin ito nasabi gawa nang isa sa kanila ang nagbantang may kalalagyan ako... at ikaw kapag ginawa ko ang pag back out. Kaya noong sa CR na sana tayo ay i-explain ko ang plano ko; na hihinto na tayo sa pag-aaral at sa Amerika na tayo magpatuloy. Ngunit hindi mo na ako pinakinggan. Kaya heto, gumawa na lang ako ng sulat upang kahit papaano, makarating sa iyo itong aking paliwanag. Sana ay maging ok ka na upang mabasa mo itong aking sulat. Sorry talaga. Nagsisi ako kung bakit hindi ko kaagad sinabi sa iyo ang lahat. Sana ay hindi na hahantong ang lahat sa iyong pagpapatiwakal. Sorry talaga tol... Sorry. Ngayon, final na ang desisyon ko. Hindi na ako babalik pa sa school. Magtatago muna ako ng ilang araw at susundan kita sa Amerika... at doon na tayo mag-aral. Delikado ang kalagayan ko. Naramdaman kong may umaali-aligid sa akin. Nag-usap na kami ng aking adoptive dad. May tinawagan siyang isang kaibigang military at bibigayan daw ako ng cover. Pero huwag kang mag-alala sa akin. Ang magandang balita kop ala sa iyo ay pinaki-usapan ko ang mga magulang kong i-adopt ka rin nila kapag gumaling ka na. At alam mo, pumayag sila. Kapag nangyari iyan, hindi na tayo maghiwalay pa. Mahal na mahal kita tol. Ngayong alam kong mag-utol tayo, lalo pa kitang mamahalin... At sigurado akong dahil sa iyo, dahil sa pagiging utol mo sa akin, malaki ang maitutulong mo upang manumbalik ang pagtitiwala ko sa mga tao. Hintayin mo lang ako dyan. Nakikinita ko, sobrang saya siguro kapag naging little bro na kita. Ipapasyal kita sa magagandang tanawin sa Amerika. Pupunta tayo sa mga lugar na hindi mo pa nakita at napuntahan. Tuturuan kitang mag ice skating, tuturuan din kitang lumangoy. May swimming pool yata tayo sa bakuran ng ating bahay. Syempre, kakain tayo sa mga restaurant na may mga pagkaing hindi mo pa natikman. Basta, gagawin ko ang lahat upang maging masaya tayo, upang makabawi ako sa iyo. I can't wait to be your kuya... At tungkol naman sa sumpa na sinasabi, kung totoo man iyon, huwag kang mag-alala, pinatawad ko na ang mga magulang mo at ang aking ama. Mahal na mahal kita tol. -Kuya Mateo-" Muli akong napaiyak sa kanyang sulat. Hindi ko akalain na may dahilan pala ang ginawa niyang iyon sa akin. Ngunit syempre, excited akong magkita kaming muli. "Kuya, pinatawad na rin kita..." ang bulong ko sa aking sarili. "O... umiyak ka na naman. Magpagaling ka lang Donis upang makita mo ang kuya mo. Sigurado ako, ngayong alam niyang magkapatid kayo, hindi ka niya pababayaan. Aba... kayo na lang dalawa ang natirang pamilya sa mundo. Kapag gumaling ka na, siguradong maging masaya siya..." ang narinig kong boses ng Ninang ko. At iyon ang simula nang unti-unti kong paggaling. Bagamat nalungkot ako sa nangyari sa aking inay, natuwa naman ako sa mga kaganapang nangyari habang nasa ospital ko. At dahil palagi akong kinakausap ng nurse, ng aking inay, ni Miguel kung saan binabasa rin niya sa akin ang mga feedback ng mga taong nakasubaybay sa aking kalagayan sa internet, ramdam ko ang pagmamahal ng mga tao sa paligid. At gumawa pa talaga si Miguel ng sss account para sa akin kung saan niya pino-post ang mga updates at litrato sa aking pagpapagamot. Ina-update din niya sa akin ang mga friends, mga followers, mga nagpaparating ng mensahe. Pati nga ang panliligaw ni Miguel sa akin habang comatose pa ako atsaka iyong pag-iyak ko pagkatapos niya akong halikan ay pinost din niya. Iyon daw ang may pinakamaraming like at comments. Kinilig daw ang mga sumusubaybay. May mga nagcomment pa nga raw ng "The prince' kiss woke up the sleeping prince" dahil sa pagtulo ng luha ko noong hinalikan ako ni Miguel. Sobrang saya ko sa naramdamang concern, pagdarasal, at pagmamahal. At ang mas ikinasasaya ko pa ay ang pagtanggap ng mga tao sa ginawa ni Miguel at sa aming love team. Iyon ang nakapagbigay sa akin ng boost at mas matatag pang determinasyon upang muling bumangon at lumaban. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD