Big Day

1553 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full ------------------------------------ Lumipas ang ilan pang araw at mas lumakas pa ang aking katawan at nakalakad-lakad na ako ng maayos. "Everything is ready Adonis. Are you ready for the big day?" ang tanong sa akin ng head surgeon na Amerikano. Tiningnan ko si Miguel na naroon at noon ay tila tanggap na ang pagiging kuya niya sa akin. Hindi ko lang alam kung paanong pagkumbinsi ng kanyang mga magulang na tanggapin na lang ang katotohanan. At Kuya Miguel na rin ang tawag ko sa kanya. Binitiwan lang niya ang isang matipid na ngiting may kasabay na pagtango. "Yes doctor, I'm ready... and very excited!" sagot ko sa doktor. "Well then let's proceed." Itinuloy ang operasyon sa aking mukha. Ang alam ko ay tatanggalin nila ang aking mukha, as in iyong buong balat na kalahati ng aking buong ulo at sa ilalim noon ay aayusin ang mga buto, legaments, tissues, ipagdugtong o i-reroute ang mga ugat sa mukha, at kapag may nadurog na buto, lalagyan ng filler. At ang aking balat sa mukha na may mga peklat, ay gagamitan ng skin grafting at ang iba naman ay sa pamamagitan ng laser. Tulog ako noong ginawa ang operasyon. Isang team sila na sa pagbilang ko ay may sampong katao. Hindi ko alam kung gaano katagal ginawa ang operasyon. Noong nagising ako, nakabendahe pati ang aking mga mata. Manhid dahil sa anesthesia. "Tapos na ang operasyon tol... at tagumpay ito. Congratulations!" ang sambit ni Miguel. Syempre, tuwang-tuwa naman ako. Imagine, manumbalik na ang mukha ko at bagamat tanggap ko na ang buhay na mayroong kakaibang mukha, matutuwa pa rin ako dahil sa wakas ay maibabalik na rin ang mukhang ibinigay sa akin noong ako ay isinilang. Isang buwan uli ng pagpapagaling ng mga sugat sa aking mukha. Noong tinanggal na ang bendahe, naroon uli ang mga taong malalapit sa akin. Ang Ninang ko, si Miguel, ang mga magulang niya, at ang mga magulang ni kuya Mateo. At kagaya ng araw ng paggising ko mula sa coma, naroon din ang TV news reporter na sumubaybay sa aking kuwento. Ngunit ang isang taong mahal ko at siyang aking hinahanap-hanap ay hindi pa rin sumipot. Si kuya Mateo. Siya na lang ang nag-iisang taong nagsilbing kulang sa kaligayahang nadarama ko sa puntong iyon, maliban sa aking Nanay Cora. Nagpalakpakan silang lahat noong tuluyan nang nabuksan ang aking bendahe. At kitang kita ko sa mga tao ang kanilang pagkamangha. Pati ang mga cameraman ay seryosong ipinofocus sa mukha ko ang kanilang mga lente. Hinawakan ko ang isang salamin na ibinigay sa akin ng nurse at tiningnan ko ang aking mukha. Noong nakita ko ang aking bagong anyo, hindi ko maiwasang hindi tumulo ang aking mga luha. Hindi ko lubos maisalarawan ang aking naramdaman. May tuwa sa aking puso na hindi ko maintindihan. May malaking kulang kasi. May naramdaman din akong guilt. Parang hinahanap-hanap ko pa rin ang dating mukha kung saan ay siyang minahal ng aking Inay Cora, kung saan ay napansin ako ni Miguel, at kung saan ay nagtagpo ang landas namin ni kuya Mateo. Hindi ko talaga alam. Marahil ding ang lungkot na iyon ay bunga lamang sa nakatakdang pagbabago sa aking buhay, sa pagkawala sa dating nakagawian, sa panghihinayang na wala sa piling ko ang aking Inay Cora na siyang dahilan kung bakit naabot ko ang tagumpay na iyon. At muli niyakap ako ni Miguel at hinalikan sa pisngi. Nagsisunuran naman sa pagyakap sa akin ang mga magulang ni Miguel, ang mga magulang ni kuya Mateo. At pati na ang mga duktor at nurses. Maya-maya, nagsalita ang ama ni Mateo. I am sorry to interrupt our happy celebration with this sad news. But I just waited for this timing since Adonis has aready made a full recovery." At sumulpot ang isang flat monitor sa sa dingding ng kuwarto. Natahimik ang lahat. Noong bumukas na ang video, lumabas ang isang kabaong na metal at kulay silver sa loob ng isang bulwagan ng malaking bahay kasana ng mga taong nakiramay. "S-sino po iyan?" ang tanong kong kinabahan, hindi mapakali. Walang sumagot sa aking tanong. "S-sino po iyan???" "Sa bahay ko iyan sa Pilipinas, Adonis." Ang sagot ng daddy ni Mateo. "S-sino po iyong nasa loob ng kabaong?" "Makikita mo maya-maya..." At maya-maya nga lang ay ikino-close up ang nasa loob ng kabaong. At tila mawalan ako ng malay noong bumulaga sa aking mga mata ang mukha ng nasa loob ng kabaong: si kuya Mateo! "Kuyaaaaaa!!!" ang sigaw ko. "Bakit? Anong nangyari sa kanya??? Kuyaaaaa! Bakit mo ako iniwan! Sabi mo pa naman ay susunod ka dito sa Amerika! Ang sabi mo ay ipasyal mo ako sa mga magagandang tanawin dito! Sabi mo, kakain tayo ng mga pagkaing hindi ko pa natikman! Bakit mo ito tinupad??? Bakitttttt???!!!" "Hayaan mo na, Adonis..." ang pilit na pagtatagalog ng daddy ni kuya Mateo na umakbay na sa akin. "Hanggang doon na lang ang buhay niya. Wala tayong magagawa. Ganyan talaga siguro. Hindi lahat ng bagay sa mundo ay kaya nating pigilan." "Ano po ba ang nangyari sa kanya?" ang tanong ko. Mga myembro ng fraternity na sinalihan niya. They are the ones responsible. According to the investigation, he broke the group's code of secrecy. That day when he visited you at the hospital, he was ambushed upon returning home. They stabbed him and left his body lying on the road." "Kuyaaaa!!! Kuyaaaaaa! Ako ang may kasalanan ng lahat kuyaaaaaa!" ang pagsisigaw ko. Guilty din kasi ako. Alam kong dahil sa akin kung kaya siya pinatay ng mga myembro ng fraternity. "Wala na tayong magagawa pa. Pagkatapos nating makumpleto ang mga adoption requirements mo, uuwi tayo ng Pilipinas at dadalawin natin ang puntod ng kuya mo..." Dalawang linggo pa ang lumipas at nakalabas ako ng ospital. At dahil inasikaso kaagad ang mga adoption papers ko, mabilis akong naging legal na anak ng mga magulang ni kuya Mateo. At ang aking naging pangalan ay Adonis Degeneres. At umuwi kami ng Pilipinas base sa pangako ng daddy ni Kuya Mateo na daddy ko na rin. Iyon na rin ang pagkakataong ayusin ko ang aking mga papeles para sa pag-aral ko sa Amerika. Laking pagkamangha ng mga tao noong nakita nila ang bago kong anyo. Syempre, marami ang hindi makapaniwala. May napansin akong dating umiiwas sa akin ngunit sa pagkakataong iyon ay naroon na, nakikipagtulakan sa iba pang mga tao para makita lamang ako. At may narinig pa akong nagsabi ng, "Iyan talaga ang tunay niyang mukha!" Naitanong ko tuloy sa aking sarili kung nagkataong pangit pa rin ang mukha ko sa aking pag uwi kung ganoon pa rin ba kainit ang pagtanggap nila sa akin. "Tama nga si kuya Mateo. Minsan, hindi mo malalaman kung sino ang tunay sa peke...". Pero naisip ko rin na baka nainspire lamang talga sila sa kuwento ng buhay ko, kung paano ako lumaban, kung paano ko nalampasan ang lahat, at kung paano ako sagipin ng pagmamahal. Pati pala sa airport pa lamang noong nakalabas na kami ng eroplano ay may mga nag-abang nang mga TV camera, pinaghandaan ang huling kabanata ng mistualng "Sleeping Beauty" na kuwento ko. At may mga nag-aabang nang fans na karamihan ay mga taga LGBT. Mayroon din namang mga lalaki at babae na sadyang naantig lamang sa aking kuwento. "So paano na iyan Adonis, hindi na kayo magkatuluyan pa ni Miguel. Magkapatid kasi kayo? Sayang iyong "prince kiss mo sa kanya!" ang pagsingit ng isang TV reporter na ang kanyang mikropono ay talagang inilapit sa aking bibig habang naglalakad kami. "Okay lang po, fantasy naman kasi iyong kuwento halik na nakapagpagising kay Sleeping Beauty, di po ba? Gawa-gawa lang iyon para may happy ending, kiligin ang mga nagbabasa, mangarap... Iba po ang kuwento namin; may happy ending nga ngunit sad din. Happy kasi kahit hindi kami magkatuluyan, magkapatid naman. Kuya ko siya, at hindi na kami malalayo pa sa isa't-isa. Sad din dahil ang isa kong kuya, si Kuya Mateo ay pumanaw." Ang sagot ko, tiningnan si Miguel na pangiti-ngiti lamang sa aking tabi, parang wala lang sa kanya ang aking sinabi. Feeling ko ay nakakaloko ang ngiti niyang iyon. Kung hindi lamang dahil sa mga taga-media na naroon, marahil ay nakurot ko na ang kanyang gilid. "Hindi ka ba nagdamdam sa kuya Mateo mo na tila siya ang naging dahilan sa iyong naudlot na pagpakitil sa iyong buhay?" "No regrets po. Lahat ng pangyayari sa buhay ay may dahilan. Look at what happened? Something better came out." At baling naman ng reporter kay Miguel ."What do you think Mr. Miguel Crawford?" "About what?" "Na kapatid mo pala siya at hindi na matuloy ang panliligaw mo sa kanya?" "Habang may buhay ay may pag-asa. Kapag may tiyaga, may nilaga." Ang sagot niyang nakangisi pa. Napataas naman ako ng kilay. "Pilyo talaga itong kuya Miguel ko." Sa isip ko lang. "Ang ibig bang sabihin niyan ay itutuloy mo pa rin ang hangarin mo sa kanya sa kabila ng pagiging magkapatid ninyo?" Lokong ngiti pa rin ang iginanti niya, sabay sagot ng, "Pwede..." Natawa na lang ako. "i****t!" sambit ko. Natawa na rin ang reporter. At baling sa akin. "Would you be open to the idea of an i****t relationship?" Na deretsahan ko namang sinagot ng, "No way!!!" ang sigaw ko na nagmamadaling pumasok sa loob ng sundo naming sasakyan. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD