Nitso Sa Loob Ng Mausoleum

856 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full ------------------------------------ Pagkatapos naming makapagpahinga ng saglit sa bahay, nagyaya kaagad ako na pumunta ng sementeryo. Una naming pinuntahan ang puntod ng aking biological na mga magulang at ibinulong sa kanila ang aking mga panalangin, nagpasalamat na bagamat ganoon ang nangyari sa buhay ko, nagpasalamat pa rin ako sa pagbigay nila sa akin nito. Ang sunod kong nilapitan ay ang puntod naman ng aking Inay Cora. Hindi ko napigilan ang sariling huwag humagulgol sa harap noon. Naalala ko kasi ang buhay namin noong parang kaming dalawa lamang ang taong namumuhay sa mundo. Ang aking inay ang nag-iisang tagapagtanggol ko, taga-puri, taga-alaga, taga-bigay ng encouragement at pag-asa, isiniksik sa aking isip na sa kabila ng aming kahirapan at aking hitsura, may karapatan pa rin kaming mabuhay at ako, na ma-enjoy ito, mangarap at bigyan ito ng katuparan. Na-miss ko ang aming bonding na kahit kaming dalawa lang, pinilit niyang pasayahin ako. "Inay... salamat sa pag-aalaga mo sa akin, sa mga ipinakitang kabutihan mo po, sa mga ginawa mong sakripisyo. Kung hindi dahil sa iyong determinasyon upang mapasaya lamang ako, na hindi niyo na po inisip ang sarili ninyong kapakanan, siguro ay nawalan na ako ng lakas at pag-asa at hindi ko maaabot ang ruruk ng tagumpay. Kayo po ang hero ng buhay ko, Nay. Kayo po ang pinagmulan ng aking lakas. Dahil sa inyo po kung kaya ay narating ko ngayon ang tagumpay. Ang masakit lamang po ay wala kayo na sana ay kasama ko sa pagtamasa sa kasayahang naramdaman ko ngayon. Ngunit huwag po kayong mag-alala Nay. Sa iyo ko po iniaalay ang lahat. Mahal na mahal ko po kayo... Atsaka, hayaan po ninyo, itong puntod ninyo, kapag nagkapera na ako, pagagawan ko po ng musuleo para po kahit sa libing ninyo, maramdaman ninyo ang pagmamahal ko." May halos 30 minutos din akong nakatayo sa harap ng puntod niya. Wala akong ginawa kundi ang humikbi habang bumuhos sa aking isip ang mga masasayang alaala naming dalawa, ang mga paghihirap niya para sa akin, ang pag-aalaga niya, ang mga panahong nagsicelebrate kami ng birthday ko, birthday niya, pasko at new year na kaming dalawa lang. At bagamat salat kami sa masasarap na pagkain, ngunit pinilit niya pa ring pasayahin ako... Pagkatapos, doon naman kami nagtungo sa musuleo ng pamilya Degeneres na nilalakad lang namin. Nakatayo ito sa isang gilid ng sementeryo malapit sa gulod. Napakaganda ng kanilang family musuleo. Circular ang hugis nito at may mahigit 100 square meters ang lapad. Ang loob ay purong marmol na kulay light blue at green. May upuan na naka paikot sa isang nitso na ang kulay ay flesh na marmol. Sa isang gilid naman ay may hagdanan patungo sa second floor na ang sabi ng kasama naming family driver ay isang malaking tulugang kuwarto na may apat na kama, cabinet, paliguan at palikuran, at terrace. Binasa ko ang nakaukit na lapida ng nag-iisang nitso sa gitna nito: "Mateo Degeneres. Born: December 19, 1993. Died: March 15, 2013. Grant Him Eternal Repose, O Lord!" Naiyak na naman ako pagkatapos kong basahin iyon. "Kuya... pasensya ka na sa akin ah. Akala ko kasi, talagang sagad sa iyong buto ang panloloko sa akin eh. Hindi kasi kita pinakinggan. Kasalanan ko. Sana kung buhay ka lang masaya tayong magkasama-sama. Magkapatid pala tayong tatlo ni kuya Miguel. Sana, tatlo tayong mamamasyal, tatlo tayong kakain sa restaurant, tatlo tayong mag ice skating..." Ang bulong ko. At muli ay napaiyak ako. Humagulgol, naalala ko ang mga sinabi niya sa akin. Naalala ko rin ang mga eksena kung saan ay sinabi niya ang kanyang hinanakit sa buhay, ang kanyang mga insecurities, ang kanyang takot na magtiwala sa tao. Alam ko, totoo ang lahat na mga sinabi niya tungkol dito. "I love you kuya... Rest in peace po." "Tol insan..." ang bulong naman ni kuya Miguel habang hinawakan niya ang aking kamay. Bigla naman akong napaisip sa salitang "insan" na sinabi niya, inakalang nagbibiro siya. Napatingin ako sa kanya. Nahinto din siya at tiningnan din ako na parang ang isip ay nagtatanong ng "What???" Doon ko naisip na magkapatid pala ang mga ina nila. Nagpatuloy siya, "Huwag kang mag-alala tol, insan... hindi ko pababayaan ang bunso mong utol na si Adonis. Alagaan ko siya, mamahalin... at kapag nagka-graduate na kami sa Amerika, doon ko na rin siya pakakasalan. Payag naman ang mga magulang ko eh." At doon na talaga ako umalma. "Huwag ka ngang magbiro ng ganyan! Kanina ka pa ah!" ang sambit kong tumaas na ang boses. "Bakit? Hindi naman ako nagbibiro ah!" "Bakit pakakasalan? May magkapatid bang nag-aasawa?" "Sino ba ang nagsabi sa iyong magkapatid tayo?" "Di ba... ang ama namin ni kuya Mateo ay siya rin ama mo? Sabi ng mommy mo iyan di ba?" "Hindi ako naniniwala!" "Iyan ang katotohanan, kung kaya ay maningas ka." Sigaw ko. "Manigas pala ha? Ito ang katotohanan..." at hinugot niya ang isang envelope na lihim pala niyang isiniksik sa likurang bahagi ng kanyang pantalon. Binuklat niya ang puting papel na may nakasulat. "At ano naman iyan?" "Basahin mo, iyan..." Turo niya sa isang bahagi ng papel na may nakasaad na "Result" (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD