CHAPTER 5

1030 Words
Eksaktong 8 am, tuluyan ng na introduce si Claudia ng host ng event. "And now, let us call the new investor of Buenavista Corporation, Claudia Samson!" Nagpalakpakan ang lahat ng tao sa venue habang nakatitig silang lahat sa hagdaan kung saan dadaan si Claudia. Nang magbukas ang pintuan at lumitaw si Claudia, mas lalong naging matindi ang hiyawan at palakpakan ng mga tao. Samantala, tinanggal ni Claudia ang kanyang mask at humarap siya sa mga tao. Nakita nila ang maamo at maganda nitong mukha. Lahat ay lalong namangha lalong lalo na si David na walang pakialam kahit na katabi ang kanyang girlfriend. "Why are you still standing there, David? Ganyan ba ang magmamana ng kumpanya ko?" sambit ni Rogelio. Kaagad namang na alarma si David. Napalingon ito kaagad sa kanyang girlfriend at ngumisi. "Andrea, saglit lang ito pramis," pagpapaalam ni David sabay akyat upang gabayan si Claudia habang pababa ito ng hagdan. Habang iniyayapak niya ang kanyang mga paa paakyat, hindi maiwasan ni David ang pagtitig sa napakagandang mukha ni Claudia, isang mukha na ngayon lamang niya nakita. Para bang mayroong espesyal rito na ito lamang ang nakikita niya sa mga sandaling ito. Muling nag ngitian sila Claudia at David ng i offer muli ng binata ang kanyang kamay. Samantala, selos na selos naman si Andrea subalit nagtitimpi lamang ito. Kumukulo ang dugo niya dahil sa di hamak na mas maganda ang si Claudia kaysa sa kanya. "Maraming salamat David," sambit ni Claudia ng hawak nito ang kamay ng binata, "Sobrang nakaka turn on ang lalaking gentleman! Sigurado akong napaka swerte ng girlfriend mo." "Walang anuman, Claudia! Important guest namin kayo kaya sobra ang pag aasikasong ginagawa namin para sa inyo. At ngayon ko lang napagtanto na ang ganda mo pala talaga lalo na sa malapitan." "Thanks David, laking America ako at marami akong pera that is why I achieved this kind of look!" nagmamalaking sabi pa nito. Binitawan ni Claudia ang kamay ni David at tsaka ito humawak sa braso ng binata. Lahat ng tao sa paligid ay nagsimulang mag bulungan. "Bagay silang dalawa, parehas na gwapo at maganda!" "Oo nga! Grabe, napakaganda pala ni Claudia, kaso may Fiance si David!" "Di hamak naman na mas maganda si Claudia. Walang panama ang Fiance ni David." "Sabagay! Parehas silang mayaman, ang ganda siguro kung magkaka baby silang dalawa." Umingay ng umingay ang buong paligid sa mga bulungan at panunukso ng mga tao kay David at Claudia na parehas lamang idinaan sa ngiti ang kanilang mga naririnig. Pagbaba ni Claudia, tsaka lamang siya muling binitawan ni David. Lumapit si Rogelio at Emilia. Iniabot ni Rogelio ang kanyang kamay sa bilyonarya nilang investor. "I am so glad that I finally see you Ms. Claudia, you're not only beautiful but brainy as well! I have heard na isa kang matalinong negosyante." Tinanggap ni Claudia ang kamay ni Rogelio at tinitigan niya ito ng diretso sa mga mata nito. "Likewise Mr. Rogelio Buenavista! Gustong gusto ko ang compliment na binigay mo sa akin. I really appreciate it so much! But to return the favor, I've also heard so much about you as well. Sobrang matunog ang pangalan mo at nakarating ito sa akin when I was in USA. Marami ka na ring mga taong natulungan and you also gave jobs sa maraming mga tao. Kaya naman, I was so eager to come here to the Philippines para makipag partner sayo." Nanatili ang mayabang na ngiti sa mukha ni Rogelio, "That's really a deal... but I was just wondering... despite your good characteristics, nakakapagtaka lamang kung bakit wala ka pang boyfriend until this day. Sayang naman kung tatanda kang dalaga." Napatingin si Rogelio kay David na para bang wala itong pakialam na nag aaway na ang anak niya at ang Fiance nito. Ngumisi si Claudia, "Oh don't get the wrong idea Mr. Rogelio Buenavista, I am just a very busy woman na talagang tutok na tutok sa trabaho. I don't have a time to find a man, as a matter of fact, marami ang nagpaparamdam sa akin pero dedma lang silang lahat. Naniniwala kasi ako sa perfect timing." "Ano ka ba Rogelio? Wag mo naman masyadong personalin ang tanong dito kay Claudia. She is a very classy woman whom I think na hindi easy to get. Kaya naman Claudia, the fun has just begun. You should wait dahil marami kaming mga pakulo rito na kailangan mong abangan," proud na sabi pa ni Emilia. "I know right? I expect nothing less from the Buenavista family." "Siya nga pala Claudia," muling sabi ni David, hinawakan niya sa balikat si Andrea na mahigpit ang pagkakayakap sa kanya. "Yes David," sambit ni Claudia na napalihis ang tingin kay Andrea. "Is she your girlfriend?" "Not just a girlfriend but a Fiancé! Matagal na kaming dalawa ni David at sobrang excited ako na maikasal sa kanya sa lalong madaling panahon lalo na't mahal na mahal namin ang isa't isa." The way na ipakilala ni Andrea ang kanyang sarili, mayroon itong halong galit at pagkasuya kay Claudia na tila ay hindi rin natutuwa sa dalaga. Para bang mayroon silang bad blood sa isa't isa. "Wait Claudia, two months na lang ay ikakasal ma sila Andrea at David. Of course hindi ka na bagong tao sa amin so I wanted to invite you sa kasal." Kaagad namang inalmahan ni Andrea ang sinabi ng future mother in law niya. "Actually, there is no need to do that na po, tita! Marami na pong mga guests na talagang malalapit sa puso naming dalawa ni David." Muling bumungisngis si Claudia na isang palabang babae, "Wag kang mag alala Andrea! As I said, I am a very busy person at mas uunahin ko ang ibang mas importanteng bagay kaysa sa pag attend ng kahit anong klase ng event. At sa Monday, I believe na ito tour ako ni Emilia sa isa sa mga five star hotel na pagmamay ari ninyo." Magsasalita pa lamang si Emila ng bigla itong pangunahan ni Rogelio. "Emilia is going to another event. Si David ang mag aasikaso sayo Claudia, siya kasi ang mag aasikaso ng hotel namin kaya siya ang sasama sayo not just for this project, pero sa marami pang iba!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD