Nagkatitigan muli sila David at Claudia bago bumungisngis si Claudia at nagsalita, "Oh Mr. Rogelio, wala naman pong problema sa akin kung madalas kaming magkakasama nitong si David. And don't worry kasi it's just a business affair. Nothing more and nothing less." Tumitig naman si Claudia bigla kay Andrea, "Bilang isang babae, nirerespeto ko ang relasyon ng anak ninyo sa kanyang Fiance." Kahit napangiti na si Claudia, binigyan lamang siya ng side eye ni Andrea na parang ang tindi pa rin ng pagseselos niya rito. "Teka lang Claudia, why don't you seat with us since importanteng guest ka namin? Mayroong banda na tutugtog mamaya at ilang mga performers. And of course, mayroon din kaming isang gift para sayo na tiyak na magugustuhan mo." "Maraming salamat Emilia. Mainit ang pangtanggap ng p