bc

ANG BATAS NG ISANG API

book_age18+
373
FOLLOW
3.9K
READ
city
like
intro-logo
Blurb

Paghihiganti ang naging pakay ni Claudia kung bakit ito nag tungo ulit ng Pilipinas. Pinatay kasi nila Rogelio at Emilia Buenavista ang kanyang mga magulang dahilan upang magtanim ito ng galit.

Nang makarating sa Pilipinas, dito na nagsimulang magplano si Claudia at gamitin ang kahinaan ni David upang mag simulang gumanti. At dito rin sa mansyon nakilala ni Claudia si Dante na kanyang inibig.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Habang hawak ni Rogelio ang kanyang wine, nakatingin iso sa lawak ng kanyang mansyon. Isa na siya sa maituturing na pinakamayamang negosyante sa Pilipinas. At sa edad na 65, isa na siyang ganap na bilyonaryo. At ang Buenavista Family corporation ay sobrang successful. "Honey what's up! I have a good news for you!" Lumingon si Rogelio at nakita niya ang kanyang asawang si Emilia na nakangisi. Kahit sa edad na 59, naging batang bata pa rin ang hitsura nito dahil sa dami ng retokeng ginawa niya sa kanyang mukha. Kaya naman kahit isang kulubot sa mukha ay hindi makikita rito. "What are you doing here? Can't you see I am having a good time alone?" tanong ni Rogelio sabay sipsip sa kanyang wine. Lumapit si Emilia at hinithit niya ang kanyang sigarilyo. "Mayroon nang nanalo sa ating bidding! At sa Friday, sa ating event, makikila na siya ng lahat. She's a billionaire from the New York and from what I have heard from her assistant, she is coming back here after she invested 100 million. It was a very rare opportunity lalo na't pwede pa niya tayong ipakilala sa ibang mga investors." Simula noong mag 60 si Rogelio, ang farming business na lamang niya ang kanyang bukod tanging umaasikaso subalit ngayon ay gusto niya ulit bumalik sa kanyang corporation dahil dumating si Claudia. Inubos na ni Rogelio ang kanyang wine na iniinom, "At ilang taon naman itong sinasabi mong bagong investor!" "Oh well, according sa kanyang personal assistant, she is just 27 years old girl! Would you believe that? Nag aral siya sa harvard just like our only son David!" sa tono pa lang ng pananalita, halatang namamangha na si Emilia sa kanilang pinaka batang investor kahit hindi pa sila nagkikita. Tiningnan ni Rogelio ng matalim si Emilia. "What now? Alam na alam ko yang titig mo Rogelio. It seems like you are interested-" "Gusto kong makita ng personal itong bagong investor natin. Baka malay mo, pwede nating ipagkasundo si David sa kanya at unti unti nating uubusin ang yaman niya hanggang sa umuwi siya ng USA ng luhaan," pagputol ni Rogelio sabay lagay ulit ng wine sa kanyang empty glass. Lumapit si Emilia sa balcony at humithit ulit ito ng sigarilyo. "Matanda ka na pero sadyang tuso ko pa rin Rogelio! Ang anak natin, I don't think na iiwan niya ang finace niyang si Andrea para lamang masunod ang gusto mong mangyari. Hayaan na natin ang anak mong magmahal ng iba." "This is for the sake of our business, Emilia! Kahit na ang dami nating mga negosyo, I still want to achieve more power and more money! At gagawin ko ang lahat para makuha ko ang mga bagay na 'yon kahit na putulin ko pa ang kaligayahan ng anak natin." Tumindig si Emilia, inapakan niya ang sigarilyo sa kanyang paa. Nang magkasalubong ang mga mata nila ni Rogelio, biglang kumidlat sa kalangitan kasabay ng pagkasalungat nila. "Rogelio! Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari, our son is already happy with his relationship. At bilang nanay, may puso pa rin ako para sa anak ko. So what makes you think na hahadlangan ko ang anak natin upang maging masaya ha? Pati ba naman siya, gagawin mo pang isa sa mga negosyo mo!" Ngumisi si Rogelio, "Say whatever you want! Pero kapag gusto ko, walang makakahadlang sa akin!" "Pwes, nasa harapan mo ang unang hahadlang sayo kapag ginawa mo ang bagay na 'yan!" Muling inubos ni Rogelio ang kanyang alak at natawa na lamang ito sa sinabi ng kanyang asawa. "Ipapaalala ko lamang sayo Emilia, baka nakakalimutan mo na ipinagkasundo ka lang din sa akin ng mama mo? At yung gabi na nahuli kitang nakikipaglandian doon sa gagong lalaking si Roberto, anong ginawa ko? Pinasunog ko ang bahay niya at ipinalabas na aksidente ang nangyari kaya pati anak nila ay naging abo na!" Nabalot ng takot ang mukha ni Emilia lalo na noong gabing nakita niyang tinutupok ng apoy ang bahay nila Roberto. Inikutan siya ni Rogelio at humarap ito sa pintuan ng kanilang kwarto. "Anong pinaplano mo Rogelio? Marami ka nang pinatay, pati si Amore na walang kamalay sa mga nangyayari ay walang awa mong pinaslang. I even forgive you noong nagtaksil ka sa akin at nagkaroon ka ng anak sa labas!" Hanggang ngayon, dala dala pa rin ni Emilia ang konsensya sa sinapit ng kanyang matalik na kaibigan. Subalit natukso ito na umibig kay Roberto kaya nagkaroon sila ng lihim na relasyon. At alam niya na hindi siya kayang ipapatay ni Rogelio dahil sa makapangyarihan din ang kanyang mga magulang. "Dahil galit ako sa mga hampaslupang kagaya nila na umaasang magkakaroon ng magandang buhay dahil lang sa nakikiapid sila sa relasyon ng mga mayayaman!" "That's enough Rogelio! You are not going to kill anyone again. Not in my watch!" Samantala, bigla namang nagbukas ang pintuan at lumitaw si David, nakasuot pa rin siya ng corporate attire. Tiningnan niya ang kanyang mga magulang bago ito lumapit. "What is going on here?" tanong niya. "And Dad, you are not supposed to drink wine in the middle of the night. You have asthma, remember?" nag aalalang sabi pa niya. "David! Are you preparing for upcoming anniversary ng kumpanya natin, tama?" tanong na sagot si Rogelio. Bumungisngis si David subalit bago pa man ito makasagot ay pinangunahan na siya kaagad ng kanyang ina. "Of course our son is all prepared! He's more excited to celebrate the 30 years anniversary ng kumpanya natin! Even Andrea is invited." "Yes dad!" nakangiting sabi ni David, "And by the way, sobrang nag enjoy kaming dalawa ni Andrea na mag horse riding sa farm natin. May mga nakausap pa nga kaming mga farmers, tapos marami pala sa kanila ay matagal nang nagtatrabaho-" "And how many times do I have to tell you na wag na wag kang makikipag usap sa mga hampaslupang mga farmers natin? Di ba ilang beses ko nang sinabi sayo ang tungkol rito? Bakit pasok sa isang tenga at labas sa kabila ang ginagawa mo?" "Dad-" Nagpunta si Emilia sa tabi ni David, "I do not see anything wrong with it! Your son is just being so nice with people." "Isa ka talagang tanga Emilia!" mariing sabi ni Rogelio, kumunot na ang noo niya at naglabas ang ugat sa pisngi dulot ng kanyang galit. "Idadamay mo pa sa katangahan mo ang anak natin!" Nanatiling nakayuko si Emilia sa sinabi ng kanyang asawa. Bago pa man umalis si Rogelio, sinampal niya sa mukha si Emilia dahilan para matumba ito sa lakas.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.3K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

His Obsession

read
91.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook