Lumabas na ng kwarto ng mga magulang niya si David at bumaba upang balikan si Andrea na nakikipag usap sa ibang mga guests. Pero aminado siya, iba ang datingan ng bago nilang investor na ito. Kahit na hindi niya masyadong maaninag ang kanyang mukha, sa tingin ni David ay isa siyang napaka gandang babae.
Ang mga mata niya, ang ngiti niya, ang kanyang pisngi, ito lamang ang ilan sa nakita ni David pero lumulundag na ang puso niya, isang bagay na hindi nito maintindihan. Kung tutuusin, akala niya ay hindi na siya maaakit sa ibang babae bukod kay Andrea subalit ng hawakan nito ang kamay ni Claudia, mayroon siyang naramdamang kilig.
Nang makarating si David sa labas ng mansyon, marami na pala ang mga guests na nagsisipag datingan at lahat sila ay sumundo sa patakaran nila dahil wala ni isa ang hindi nakasuot ng mask. Iba't iba pa ang mga disenyo nito. Yung iba, kita lamang ang mga mata, yung iba kita ang pisngi at labi.
He rotated his eyes, at napatanong kung nasaan si Andrea sa mga guests hanggang sa mag land ang kanyang paningin sa isang babae na nakasuot ng blue dress.
Kausap niya si Dante, ang isang hardinero na labis na kinamumuhian ni David dahil anak ito sa labas ni Rogelio.
"Mabuti na lamang talaga at galit din sa kanya si papa kaya hindi nito natatamasa ang lahat ng mayroon ako ngayon! At ang trato namin sa kanya ay kagaya lamang ng pag trato namin sa ibang mga kasambahay rito!"
Ang saya nilang nag uusap dalawa ng Fiance nito at para bang mayroon silang sariling mundo. Dahil sa panggigigil ni David, lumapit ako kaagad sa kanila. Tiniklop niya ang kanyang kamao at gusto sana niyang basagin ang mukha ni Dante subalit marami lamang tao sa paligid. Ayaw niyang masira ang event dahil lamang rito.
Nang makarating si David, agad itong pumagitan kela Andrea at Dante. Galit niya pang tiningnan ang lalaking tingin niya ay isang hampaslupa.
Nagulat si Dante sa biglaan pagsulpot ni David. "Kuya, sorry, wala lang kasing kausap si Andrea kaya lumapit siya sa akin para makipag kwentuhan."
"Anong kuya ha? Huwag na huwag mo akong tatawaging kuya dahil hindi kita kapatid, Dante! Di ba waiter ka lang ngayong gabi? So do your f*****g job! Stay away from my girlfriend kung ayaw mong magkagulo tayo dito."
Samantala, hinawakan naman ni Andrea ang balikat ni David.
"What is going on with you, David? He has not done anything yet! I was the one who approached me while you were busy taking care of another woman?"
Lumingon si David kay Andrea.
"Honestly speaking, I was so disappointed with you David! Mas pinili mong asikasuhin ang ibang babae kaysa sa introvert mong girlfriend," dagdag pa ni Andrea.
Kumunot ang noo ni David, mukhang badtrip pa sa akin si Andrea ngayon at sa tono ng boses niya ay halatang nagseselos ito.
"What can I do? Sinabihan ako ni mama na sunduin ang important guest namin. So I have no other option but to follow her! Pati ba naman si Miss Claudia ay pinagseselosan mo? Come on Andrea, wag natin siran ang gabing ito!"
Nalingat si David at naglahong parang bula si Dante. Mabuti na lamang at naisipan niya itong gawin, alam niya na malilintikan siya kay David kapag sinagad niya ang pasensya nito.
"And what is going on here? Mukhang nag aaway na naman kayong dalawa," sambit ni Rogelio na bigla na lamang sumulpot.
Mayroon siyang hawak na tungkol at inaalalayan siya ng kanyang bodyguard. Sa lahat ng tao rito, siya lamang ang hindi umaayon sa even dahil wala siyang suot na mask.
"Pa, ewan ko ba rito sa Fiance ko, pinagseselosan pati si Miss Claudia eh napag utusan niyo lang naman po ako na ihatid siya sa taas."
Napakapit sa braso ko ni David si Andrea na binati ang matanda. Ngumiti lamang ito sa kanya.
"Balita ko ay isang magandang babae itong si Claudia and she happened to be the same age as you. From what I have heard, wala pa yatang nagiging boyfriend itong si Claudia considering na isa siyang matalinong babae na nag iisang tagapag mana ng kanyang ama."
"Kaya nga dad eh! We are so lucky to have her in our company. It's a very rare opportunity na nagkaroon tayo ng isang malaking investor kagaya niya."
Napatingin si Rogelio sa kanyang anak na para ba siyang mayroong pinaplano. Kung ano man ito, halatang kinakabahan si David. Lalo na't malaki ang chance na siya ang tumayong business partner ni Miss Claudia gayong may kakaiba itong nararamdaman para sa kanya.
"Excuse me, magc-cr lang ako," pagpapaalam pa ni Andrea.
"Teka sasamahan na kita," sambit ni David subalit dumeretso na siya ng lakad, halatang mainit pa rin ang ulo niya.
Lumapit si Rogelio sa anak niya, "Sa umpisa pa lang ay hindi na ako boto sa relasyon ninyong dalawa ni Andrea. Tapos ngayon gusto mo pa siyang pakasalan! Hindi naman masyadong mayaman ang pamilya niyang si Andrea, you should pick another woman!"
"Dad, nagmamahalan po kaming dalawa ni Andrea. Iyon naman ang mahalaga sa isang relasyon di ba?"
Ngumisi si Rogelio na sa umpisa pa lamang ay tutol na sa relasyon ni David at Andrea. Hindi gaya ni Emilia na suportado ang relasyon ng kanyan anak. Basta kung saan daw ito masaya ay naka suporta lamang siya.
"Sus! Sa pamilya natin, hindi lang pag ibig ang kailangan mangibabaw. Nag iisa kang tagapagmana ng ating mga negosyo kaya time mo na ito para mapalapit kay Claudia at paibigin siya upang mas lalong lumago ang negosyo natin. I will assign you para palagi kayong magkasamang dalawa."
Gumuhit ang pangamba sa mukha ni David, "Dad! I cannot do what you are asking for! Kahit ni minsan, hindi ko nagawang lokohin si Andrea let alone sirain ang engagement naming dalawa!"
"If you do not do what I am asking, sinasabi ko sayo, mapapahamak ang Andrea na 'yan. Hindi naman siguro linggid sa kaalaman mo na marami na akong pinatumbang tao di ba? Isang bala lang ang katapat niya kaya sundin mo na lamang ang gusto kong mangyari dahil ikaw at ang susunod na mga Buenavistas ang makikinabang ng gagawin mong ito."
Kinabahan si David sa narinig niya mula sa kanyang sariling ama. Alam niya na tototohanin nito ang kanyang mga sinasabi sa oras na sumuway ito.
"Wag na wag mong sasabihin sa inutil mong ina ang tungkol rito ha? Dahil puro walang kwenta at saysay ang maririnig mo sa bibig ng babaeng iyan. Kung gusto mong gumanda ang buhay mo, ako ang sundan mo!"