CLAUDIA POV
Friday night. Ito na talaga ang pinakahinihintay kong gabi sa buong buhay ko. Ang gabi kung saan masisilayan ko na rin sa wakas ang mga taong dahilan kung bakit ako nagsikap na yumaman.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko, sinuot ko ang pinakamahal kong alahas na nagkakahalaga ng 20 million. Sinuot ko rin ang aking coctail red dress na galing pa sa italy, sinuot ko rin ang kwintas na binigay sa akin ni mama bago ito bawian ng buhay, gusto kong maalala niya na mayroon siyang isang anak na maghihiganti ngayon sa pamilyang sumira sa aming buhay. Mayroong kumatok sa aking kwarto, indikasyon na kailangan na naming umalis.
Gusto kong maaga akong makarating sa mansyon ng mas maaga. Bitbit ang aking cluth na may lamang cellphone at lipstick, nagtungo na ako sa labas.
Nakangiti si Manang Elmira sa akin, "Ready na ang sasakyan mo Claudia. Basta, mag iingat ka lang palagi."
"Alam ko naman po ang tungkol sa bagay na iyan kaya wala kayong dapat na ipag alala."
Dahil nasa second floor pa ako, ginabayan niya ako pababa ng hagdan kung saan naghihintay ang aking Ford na sasakayan patungo sa mansyon ng mga Buenavista's. Pagpasok ko sa loob, muli kong kinausap si Carol na katabi ko lang.
"Madam, as per Emilia, ang sabi niya po, you are to go to her room first before making your first public appearance. They want to introduce you since you are the most important guest."
"Of course! I expect nothing less for them. After all, 100 million pesos ang investment ko so I would be very disappointed kung hindi super bongga ang entrance ko."
Ngitian niya ako, "And by the way, I've also heard na darating din ang nag iisa nilang anak nilang si David. He is a very handsome man. Actually, you are just on the same age and siya ang mag aasikaso sayo. From what I have heard, he also went to the Harvard University at tapos siya sa kursong Business Management."
"I don't really care! I will not fall for such a guy, lalo na kung may dugo ng Buenavista ang nananalaytay sa kanya," I said with a firm voice.
30 minutes, matapos ang biyahe namin, nakapunta na kami sa Batangas kung saan idadaos ang masquerad party. Ang lahat ng tao. I started putting my mask, only revealing small portion of my cheeks, nose, and forehead. Pero kita pa rin ang lipstick kong nagmumura sa kulay pulang lipstick.
Nang makababa kami, kaunti pa lamang ang mga guests. Lahat sila ay nakasuot ng mask. At halos lahat, kaunting parten lamang ng mukha ang nakikita. Masaya silang nakikipag usap sa isa't isa habang hawak nila ang kanilang wine glass.
As expected, sobrang magardo ang masquerade party na ito for the anniversary of their company na sumabay sa 20 years death anniversary ng mga magulang ko. Maging ang mga waiters nga, nakasuot din ng tuxedo habang nag aayos ng mga round tables.
Ilang sandali ang lumipas, nakaamoy ako ng isang mabangong perfume. Napalingon ako kung saan ko ito naamoy at isang matangkad na lalaki ang bumungad sa akin. 6'0 footer, may matipunong pangangatawan, at nang ngumiti ito, nakita ko ang malalim niyang dimples at pantay pantay na puting ngipin. Hindi ko man makita ang buo niyang mukha, pero malakas ang kutob ko na siya ang sinasabi ni Carol na anak ni Emilia.
He extends his hand to me while keeping his enormous smile, "Magandang gabi sa inyo Miss Claudia, it's nice meeting you! I'm David, the only son of Rogelio and Emilia. I have come here to assist you going to my mom's room."
I gave him a cheerful faked smile at tsaka ko tinanggap ang kamay niya, "Thank you so much David! Let's go Carol!"
Na appreciate ko naman ang pagiging gentleman nitong si David na talagang malambot ang kamay. Napansin ko naman na namutla ang mga pisngi ng binatang ito the moment na magkahawak kami.
"Are you okay Mr. David?" tanong ko.
"Ahhh... sorry po..."
"No need to address me as po, I am just 27 years old. Just call me Claudia!"
"Yes... Claudia..."
Naging tahimik kaming dumaan sa likod ng kanilang napakalawak na mansyon hanggang sa makaakyat kami sa elevator papunta sa second floor ng walang kahit anong salitang lumalabas sa aming bibig.
He started letting go of my hand ng kumatok ito sa isang kwarto. Ilang sandali lamang ay nagbukas na ang pintuan. At sa unang pagkakataon, muli kong nasilayan ang demonyitang pagmumukha ni Emilia who started giving me a smile nang makita niya ako. Wala pa siyang mask pero nakasuot siya ng gold dress na may snake design at nakasuot siya serpent necklace, talagang pinanindigan niya ang pagiging ahas niya! Hindi ko rin trip amuyin ang kanyang perfume na singbaho ng kanyang buong pagkatao.
Lumulundag ang galit sa puso ko sa muli naming pagkikita. Gusto ko siyang sakalin, sampalin, at ilibing ng buhay pero kailangan kong kumalma. Hindi ko pa pwedeng madaliin ang lahat.
"Hello Emilia, I am Claudia, your biggest investor at may ari ng Hector Family corporation. It's nice to finally meet you."
"Oh my dear Claudia, it's finally nice to meeting you!"
Nagbeso kaming dalawa at pagkatapos ay muli siyang nagsalita.
"I am so proud na sa dami ng kumpanyang eager to have you, mas pinitili mong mag invest sa Buenavista Family corporation."
"Of course!" sambit ko habang suot suot ko pa rin ang pekeng ngiti ko, "Siyempre kung mag iinvest lang din naman ako, doon na sa pinakamalaking kumpanya. Sure naman akong lalago ang 100 million investment ko di ba?"
"Indeed! Your money will not go to waste dahil kilalang kilala ang Buenavistas bilang isang magaling na pamilya sa larangan ng negosyo. And by the way, I really like your outfit, you're so beautiful in red gown. Sure naman ako na kahit magkalaban ang kulay ng gown natin, we're going to be best friends right?"
I gave her a serious look, "Oh I am so sorry, don't be so offended pero I don't make friends with people who are older than me. But I'd rather call it as business partner per se."
Natahimik siya ng ilang sandali at tsaka ito bumungisngis. "Oh well! That is totally fine by me, anyway, I'd like you meet my husband later. Pero sa ngayon, let us have a short conversation, 7:40 pa naman, 8 pm ka pa lalabas para magpakilala sa mga tao."