CHAPTER 2

1004 Words
"I am back, Buenavistas!" ang sabi ni Claudia nang tanggaling niya ang kanyang shades na nasisinagan ng sikat ng araw. Umuwi siya galing New York dahil sa namatay na ang mga magulang niya na kumupkop sa kanya. At ngayon ay isasakatuparan na niya ang pag hihiganti. Halos twenty years bago siya muling bumalik sa Pilipinas. At halos twenty years na rin ang nakakalipas simula noong mamatay ang kanyang ina na si Amore at tatay na si Roberto sa sunog na ginawa ng mga Buenavista. Isang maaliwalas na ngiti ang pinakawalan ng kanyang mapupulang labi. "Ito na ang panahong pinaka hinihintay ko! Magbabayad silang lahat sa ginawa nila sa akin. Sila naman ngayon ang magdurusa sa lahat ng ginawa nila sa pamilya ko! Matitikman na nila ang batas ng isang api!" Sukdulan na ang galit ni Claudia. Nanginginig ang labi niya habang isinusumpa niya ang buong Buenavista na nagpahirap sa kanyang mga magulang. Paglabas niya sa airport, naghihintay na ang assistant niyang si Carol na unang humarap sa mga Buenavista. Kasama nito ang driver at ilan sa mga bodyguards niya. Nang makarating sa harapan nila si Claudia, yumuko ang mga ito. "Magandang araw sayo Madam! Welcome back to the Philippines!" maligayang pagbati ni Carol. Pumasok sa loob ng kanyang mamahaling van si Claudia at dito nila ipinagpatuloy ang pag uusap nila. "Kamusta ang pinapagawa ko sayo?" tanong ni Claudia. "Madam! Pulidong pulido na po ang plano natin! Matagumpay tayong nanalo sa bidding at kayo na ang magiging bagong Investor ng mga Buenavista. Kumagat sila sa 100 million investments natin!" Muling naging maaliwalas ang ngiti ni Claudia, "Good job! Kailan ko sila makikita!" "This Friday, may malaking masquerade party ang Bautista Family and we received a VIP invitation. Pagkakataon niyo na ito para ipakilala ang sarili ninyo sa kanila." "Alright! That is something we should celebrate. After 20 years, makikita ko na rin sa wakas ang pagmumukha ng mga taong umapi at pumatay sa mga magulang ko! Walang araw na hindi ko naisip ang pagmumukha ng bawat isa sa kanila! Lahat sila ay magdurusa sa lahat ng ginawa nila sa pamilya ko!" Napahawak si Claudia sa kwintas na ibinigay ng kanyang mama sa kanya bago ito bawian ng buhay. Isang oras ang nakalipas, dumating na ang van na sinasakyan ni Claudia sa kanyang 1000 hectares mansion na makikita sa isang sikat na subdivision sa cavite. Nang makahinto ang sasakyan ni Claudia sa tapat ng kanyang mansyon, pinagbuksan siya ni Albert ng pintuan, ang isa sa kanyang mga naging tapat na tauhan. Iniabot pa nito ang kanyang kamay. Ngumiti si Claudia at tinanggap ang kamay ni Albert, "Maraming salamat!" sambit pa nito ng siya ay makababa. Sampo ang kasambahay ni Claudia sa kanyang mansyon at sampo rin ang lahat ng kanyang mga guards na nagbabantay sa bawat sulok ng kanyang mansyon. 1 pm ngayon, dapat ay balik sa trabaho ang lahat subalit dahil sa nabalitaan nila ang biglaang pag uwi ni Claudia, tumigil muna silang lahat sa trabaho pansamantala. Naging seryoso ang mukha ni Claudia habang tinititigan niya ang bawat isa. Kinakabahan ang lahat hanggang sa muling bumalik ang ngiti sa mukha ng kanilang magandang boss. "I'm finally back, maraming salamat sa inyong lahat, sa walang sawang pagtatrabaho sa hacienda ko! And of course, hindi ko kayo nakakalimutan kaya naman, I am gonna throw a party today para sa inyo!" Nag cheers, nagpalakpakan, at nagkaroon nga sila ng isang celebration sa loob ng mansyon kung saan nakihalok si Claudia sa kanyang mga tauhan. Masaya ang bawat isa sa kanila lalo na't kalahok nila ang kanilang boss. 6 pm ng gabi, umakyat na si Claudia sa second floor kung saan humigop ng wine habang pinagmamasdan niya ang napakalawak niyang ariarian. "Mukhang malalim yata ang iniisip mo Claudia," ang sabi ng isang ginang na dahan dahang pumasok sa kwarto. Lumingon si Claudia at ngumisi ito habang nakatitig sa matanda. "Manang Elmira, sobrang saya ko lang na nakikita ko ang bawat isa sa tauhan ko na masaya. Hindi naman po siguro linggid sa kaalaman ninyo na doon din ako nanggaling, di ba?" Lumapit pa si Elmira at bakas sa mukha nito ang pangamba. "Claudia, nag aalala ako sa gusto mong pasukin." "What do you mean Manang Elmira?" sambit ni Claudia sabay sipsip ng kanyang wine. "Alam ko ang binabalak mo Claudia! Sa Friday gaganapin ang 10 years anniversary ng pagkamatay ng parents mo at kahit na delikado, lumapit ka pa rin sa mga Buenavistas. Paano kung malaman nila na ikaw ang batang nakatakas sa sunog?" Hinigpitan ni Claudia ang paghawak sa kanyang wine glass na para na niya itong babasagin, "Dahil naniniwala ako na mayroong batas ang isang api! Nangangaka ako na ako ang magiging karma ng mga Buenavistas at titiyakin ko na pahihirapan ko ang bawat isa sa kanila bago ko sila dalhing lahat sa impyerno kung saan sila nararapat." Halos magliyab na ang puso ni Claudia dahil sa sukdulang galit niya sa mga Buenavistas. At bagp pa man magsalita si Elmira, nagpatuloy lamang si Claudia sa pagsasalita. "Uunti untiin kong kukuhain lahat ng mga pinaghirapan nila, sisilawin ko sila sa pera ko at pasusunurin ko sila sa lahat ng gusto ko. Pramis Manang Elmira, magiging iba ang kapalaran ko kaysa sa mga magulang ko. Ginagawa ko itong lahat para sa kanila. Alam kong hindi matatahimik ang mga kaluluwa nila hangga't hindi ko nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay nila." "Basta Claudia, ingatan mo lamang ang sarili mo! Mamamatay tao sila Rogelio at Emilia, parehas na pera ang sinasamba nila at gagawin nila ang lahat para rito." "Aware ako sa kanila pero ako lang din ang mayroong kakayahan para gumanti sa napakarami nilang mga kasalanan. Lintik lang ang walang ganti, Manang Elmira!" "Oh siya! Sige, maiiwan na kita rito. Kung mayroon kang kailangan, tawagin mo lang ako," nakangiting sabi pa ng matanda. "Manang, please rest. I don't need anything right now except good sleep. Sa Friday, magsisimula na ang pagtutuos namin ng mga Buenavista. Sure ako na magiging bongga ang entrance ko sa buhay nila upang hindi nila ito makalimutan!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD