NAKA DUTY AKO NGAYON sa Serendipity coffee bar habang hinihintay ang oras ng out ko.
Ngayon kasi ang araw ng anniversary namin ni Jacob. Kaya excited akong mag out.
Naglakad ako papunta sa counter habang dala ko ang order ng dalawang table. "Malapit ka na mag out, Sapphire." Saad sa 'kin ng kasama kong si Jenica.
Ngumiti muna ako sakanya saka ko hinatid ang order sa unang table. Bumalik agad ako sa counter at 'yung isang tray naman ang kinuha ko saka ako lumapit sa kabilang table.
"Thank you!" Nakangiting sabi sa 'kin ng customer kaya ngumiti din ako saka yumukod. Naglakad ako pabalik sa counter dala ang walang laman na tray.
"Bakit hindi ka pa nag re-ready? Akala ko ba anniv niyo ng jowa mo?" Tanong sa 'kin ni Jenica.
"Oo. Kaso..hindi pa kasi dumarating ang kapalitan ko. Baka mahirapan ka dito, ikaw lang mag-isa." Saad ko. Hindi ko kasi siya pwedeng iwanan hangga't hindi dumarating ang kapalitan ko na si Henry.
"Ano ka ba, Sapphire. Para namang hindi ko kaya ang trabaho dito. Ako pa ba? Kayang-kaya ko 'yan, nasa akin kaya ang bato ni darna kaya sige na! Lumipad ka na, parating narin 'yun si Henry." Sabi niya saka bumalik sa ginagawa niyang pagpupunas ng mga mug dahil tapos ko na 'tong hugasan kanina.
"Sigurado ka ba? Baka kasi biglang dumami ang mga custome—
"Oo nga. Tsaka, mag paganda ka nga! Maglagay ka ng lispstick at nagmumukang kang bumangon sa ataol dahil sa putla ng labi mo." Sabi pa niya kaya napahawak ako sa labi ko.
"Pambihira ka talaga, Sapphire. Nagtratrabaho ka nga pero lagi ka namang walang pera. Kahit lipstick ay hindi ka makabili dahil dyan sa dalawang baboy na nakatira sa bahay mo!" Irap niyang sabi sa 'kin. Alam kasi ni Jenica ang tungkol sa buhay ko. Tinuturing ko talagang kaibigan ang babaeng 'to dahil hindi peke. Kapag may hindi siya nagustuhan talagang sasabihin niya. Kapag nakita niya akong pangit ngayong araw talagang sasabihin niya para mag-ayos ako ng sarili. Mas gusto ko 'yun, kaysa bulabulahin ako na maganda pero pagtingin ko sa salamin ay para akong gusgusing bata.
Napabuntong hininga nalang ako saka nagkamot sa tungki ng ilong ko.
"Nakabili ako ng lipstick kanina. Buy 1 take 1 'yon kaya tag-isa tayo. Gamitin mo 'yun sa date niyo mamaya ng boyfriend mo ha!" Dagdag niyang sabi sa 'kin kaya napangiti ako.
"Thank you, prenn. The best ka talaga!" Nakangiti kong sabi.
"Ay sus.. sige na, mag-ayos ka na. Ako na bahala dito." Saad niya kaya ngumiti ako lalo saka nag flying kiss kay Jenica saka ako pumasok sa room namin mga empleyado. Lumapit ako sa locker ko para kunin ang bag ko.
Day off ng kasama namin na si Yuri, kaming tatlo talaga ang magkakaibigan. Lagi din silang nakikinig kapag nag sasabi ako ng problema ko kaya inis na inis si Jenica sa dalawang baboy sa bahay.
May isang beses nga, pumunta dito si Karen kasama ang mga friends niya. Ang walangya nag order ng mamahaling kape tapos n'ong siningil na ni Jenica ay ako daw ang magbabayad ng ininom nila. Kakapal talaga ng mukha.
Sa sobrang inis ni Jenica ay pinatawag niya ang guard sa labas at pinaghugas sila ng baso kaya tawang-tawa ako sa sinapit ng malditang 'yun. Kaya the best talagang kaibigan si Jenica. Lagi pang may dalang meryenda para
sa 'kin at baka daw hindi na naman daw ako kumain sa bahay.
Habang sinusuklay ko ang buhok ko ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Jenica at agad lumapit sa locker niya. May kinuha siya do'n saka lumapit sa' kin. "Oh, eto gamitin mo 'to. Pabango meron ka ba?" Tanong pa niya sa 'kin.
"Ayos lang. Ayaw kong magpabango." Saad ko saka binuksan ang lipstick saka nilagyan ang labi ko.
"Mag blush on ka nga. Para naman magka kulay 'yang pisngi mo." Sabi pa niya sa 'kin.
"So, kailan mo ipapakita samin ang boyfriend mo ha?" Tanong niya sa' kin. "Aba! Nag one year anniv nalang kayo, hindi mo parin pinapakilala samin." Dagdag niyang sabi.
Hindi ko pa kasi pinapakita sa kanila si Jacob. Lagi din kasi 'tong busy sa trabaho niya kaya hindi kami magkatugma ng day off. Kahit nga minsan ay hindi pa ako nakakapunta sa bahay niya dahil sa labas lang kami nagkikita at nag da-date. Ayos naman 'yun sa 'kin dahil hindi ako komportable kung pupunta ako sa bahay niya.
"Sige, sabihan ko si Jacob kung kailan day off niya para papuntahin ko siya dito sa coffee shop." Naka ngiti kong sabi.
"Ganun dapat. Para naman makilala ko at makilatis. Pambihira! Ako lang yata ang wala paring jowa. Si Yuri meron na live in partner pa nga. Ikaw naman meron, si Henry naman malapit ng ikasal. Ako nalang talaga ang bukod tanging tag tuyot satin. Hayss.." sabi niya kaya napa-iling ako.
"Anong tag tuyot?" Tanong ko.
"Tag tuyot.. 'yung walang dilig. Pambihira! Kailan ko kaya mararanasan ang madiligan." Sabi niya habang hinihilot ang sintido niya.
Napangiwi ako dahil alam ko na ang ibig sabihin niya. Akala niya siguro ay may nangyari na samin ng boyfriend ko.
Nagpaalam lang ako kay Jenica na aalis na ako dahil baka malate ako sa date namin ni Jacob. Nilagyan pa talaga ako ng pabango ng gaga para naman daw mabanguhan ang boyfriend ko sa 'kin.
Kaninang umaga ay dumaan na ako sa isang bake shop at umorder ng maliit na cake. Dinaanan ko muna 'yun saka ako nag abang ng jeep para magpahatid sa park kung saan kami nagkikita ni Jacob.
Sa park talaga kami pumupunta dahil ayaw ko sa ibang lugar. Mabuti na 'yung sa mataong lugar para safe. Kahit one year anniv na namin ni Jacob, hindi parin kami nag kiss sa lips. Tanging sa pisngi lang dahil hindi ko keri sa t'wing sinusubukan niya akong halikan sa labi. Hindi talaga natutuloy dahil dumidilat ang mga mata ko at agad kong nilalayo ang mukha ko kay Jacob.
Mabuti nga at hindi naiinis sa 'kin si Jacob, naiintindihan naman din daw niya kaya ayos lang daw.
Kumuha ako ng coins sa wallet ko para magbayad ng pamasahe. Medyo makulimlim ang langit pero may dala naman akong payong kung umulan man bigla. Pero sana, wag naman dahil maglalakad kami ni Jacob while holding hands.
Nang makita kong malapit na kami sa park ay agad kong hinila ang tali ng jeep para huminto si manong driver. Inihinto naman niya agad kaya bumaba ako ng jeep at agad naglakad papunta sa park.
Habang naglalakad ako ay biglang umulan kaya agad akong napatakbo sa isang food stall na may malaking payong. Sumilong muna ako do'n saka ko kinuha ang cellphone ko sa bag para itext si Jacob.
Kinuha ko din ang payong ko at agad kong binuksan 'to saka ako naglakad ulit para puntahan ang lagi naming pwesto ni Jacob. May bubong naman 'yun, pinasadya para talaga sa mga taong nag da-date.
Nang makarating ako ay wala parin si Jacob. Umupo nalang muna ako at baka naabutan lang siya ng ulan at sumilong lang.
Alam ko naman ang bahay niya pero hindi ko talaga sinubukang pumunta do'n. Ayaw ko kasi talaga, baka sabihin ng mga tao na ako ang pumupunta sa bahay ng lalaki. Kaya mas mabuti ng dito nalang kami sa park magkita.
Lumipas ang isang oras, wala parin si Jacob. Madilim narin dahil mag gagabi na at umuulan din.
Pinag-iisipan ko kung pupuntahan ko nalang siguro si Jacob sa bahay niya para naman iabot ko 'tong cake. Hindi naman kasi ako mahilig sa cake, para sakanya kasi talaga 'to dahil siya yung mahilig sa cake.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at binuksan ang payong ko at nagsimulang maglakad. Hindi na ako sumakay ng trycle at naglakad na lang dahil baka makasalubong ko si Jacob.
Nababasa na ang ibabang pantalon ko dahil sa ulan. Pati sapatos ko basa narin pero pinagpatuloy ko parin ang paglalakad para makarating ako sa bahay ni Jacob.
Saglit lang naman ako, at wala akong balak pumasok sa bahay niya.
Muntik pa akong maligaw dahil naka ilang liko na ako ng kanto. Pero nahanap ko parin naman kaya nakahinga ako ng maluwag.
Naglakad ako para makarating ako sa harap ng bahay ni Jacob ng bigla akong napahinto sa nakita ko.
Hindi ko alam, kung totoo ba talaga ang nakikita ko ngayon.
Naramdaman yata nilang dalawa ang presensya ko kaya tumingin sila sa kalsada at nakita nila ako. Halos nanlaki ang mata ni Jacob nang makita ako.
"Sapphire.." tawag niya sa pangalan ko. Napalunok ako ng ilang beses habang pigil ang hininga ko dahil hindi maproseso ng utak ko ang nakikita ko.
Binuksan ni Jacob ang maliit na gate saka 'to lumapit sa 'kin.
Nabitawan ko pa ang cake na hawak ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Si Jacob at si Yuri, naghahalikan sa labas ng bahay, kaya nakita ko sila.
"What are you doing here?" Tanong
sa 'kin ni Jacob.
Tumingin ako sakanya saka ako tumingin kay Yuri na nakatitig lang din sa' kin habang may hawak ng payong at nakatayo sa labas ng gate.
"K-Kailan m-o pa ako niloloko?" Nauutal kong tanong kay Jacob habang pinipigilan ang luha ko.
Hindi siya sumagot sa tanong ko kaya napalunok ako ng ilang beses para pakalmahin ang sarili ko. Ayaw kong umiyak sa harap nila, ayaw kong makita nila ako na nasasaktan.
"Actually, ikaw ang kabit Sapphire." Saad ni Yuri kaya tumingin ako sakanya. "Alam mo bang.. gustong-gusto kitang awayin ng malaman ko ang relasyon niyo ni Jacob. Pero dahil sa napalapit ako sa'yo hindi ko nagawa. Gusto ko sabihin sana sa'yo na layuan mo ang live in partner ko pero hindi ko magawa lalo na sa mga problema mong kinakaharap. Ayaw kong dagdagan mga pasakit mo sa buhay. Pero.. dahil nandito ka narin naman. Ito na siguro ang panahon para masampal mo si Jacob. Yes, nasampal ko din ang gagong 'yan dahil nalaman ko na jowa ka niya. Bago ko lang din nalaman ang panloloko niya, Sapphire." Mahabang sabi sa 'kin ni Yuri.
"Pero.. dapat sinabi mo parin sa 'kin, Yuri. Kaibigan mo ko diba? Kaya kahit may problema ako.. dapat sinabi mo parin sa 'kin." Sagot ko habang nakatitig parin kay Yuri.
"Ang totoo niyan... hindi kita tinuring na kaibigan. Naalala mo ba yung ni reklamo ka ng customer dahil may ipis ang kape niya na sinerve mo. Actually, ako nag naglagay no'n. Gusto kong matanggal ka sa trabaho para maghanap ka ng ibang papasukan mo." Sabi kaya nanlaki ang mata ko.
"Naka ilang ulit na akong paki-usap kay Jacob na sabihin sa'yo ang totoo at hiwalayan ka pero talagang hindi siya nakikinig sa 'kin." Sigaw na sabi ni Yuri sa 'kin. "Kaya dapat.. ako ang magalit sa'yo dahil ikaw ang kabit." Dagdag niyang sabi.
Tumingin ako kay Jacob saka mapait na ngumiti. "Hindi kita gagantihan, Jacob. Hindi ako magagalit sa'yo sa panloloko mo sa 'kin. Ipagdarasal ko nalang na mamatay ka para mabawasan ang mga manloloko sa mundo." Seryoso kong sabi saka hinampas ang payong na dala ko kay Jacob. Wala na akong pakialam kung mabasa man ako sa ulan.
"Sa'yo na 'tong boyfriend mo. Isaksak mo siya sa esophagus mo!" Sigaw ko kay Yuri saka ko hinampas ulit ng payong sa mukha si Jacob kay nasira ang payong ko.
Tumalikod ako sakanila at nagsimulang naglakad. Basang-basa na ako sa ulan pero wala na akong pakialam. Nakatulala lang ako habang naglalakad parin sa tahimik na kalsada, feeling ko ay mag-isa lang ako sa mundo 'to. Ang akala ko ay natagpuan ko na ang lalaking makakasama at makakaramay ko sa buhay, hindi pa pala. Kainis na buhay 'to, puro sama ng loob nalang ang nararamdaman ko. Kung hindi katulong sa bahay, ginawa naman akong kabit.