Chapter 3

2058 Words
HINDI AKO UMUWI SA BAHAY namin dahil baka mas lalong sumama ang loob ko. Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta. Tumila naman na ang ulan kaya nandito ako sa gilid ng kalsada. Nakaupo lang ako habang nakatulala sa kalangitan. Napapagod na akong lumaban, lagi kong sinasabi sa sarili ko na laban lang ng laban sa buhay kahit hindi naman ako sundalo. Para tuloy akong tanga dito habang nakaupo. Gusto ko sanang maglasing pero sa kasamaang palad ay twenty pesos nalang ang pera ko. Baka chichirya lang ang mabili ko sa pera ko. Tumayo nalang ako saka ako nagsimulang maglakad para maghanap ng masasakyang jeep. Mabuti nalang at nakasakay agad ako ng jeep. Hindi na masyadong punuan dahil 10:30PM narin naman. Sinadya ko talagang magpa gabi ng uwi para pagdating ko sa bahay hindi ko maabutan ang dalawang demonyo na nandoon. Gusto ko sanang mag emot sa jeep pero may mga kasama akong pasahero kaya wag nalang. Nilalamig narin ako dahil nga sa basang-basa ako ng ulan kanina. Natatanaw ko na ang kantong papasok sa bahay namin kaya kumatok ako sa bubong ng jeep na agad naman inihinto ni manong driver. Bumaba ako at agad na tumawid sa kabilang kalsada saka ako naglakad papunta sa bahay namin. Nasa maliit na gate palang ako ay napansin ko na nakabukas pa ang ilaw sa sala. Napamura tuloy ako sa isipan ko dahil malamang sa malamang gising pa ang dalawang bruha. Sahod ko na kasi bukas kaya inaabangan na naman ako ng dalawa para hingiin ang sahod ko. Pinihit ko ang siradura ng pinto saka ko 'to binuksan. Nakita ko agad si Teresita at si Karen na halatang hinihintay ako. "Bakit ngayon ka lang?" Tanong sa 'kin ni Teresita habang sinasara ko ang pinto. Wala ako sa mood makipag bardagulan sa kanilang dalawa ngayon. Hindi ko sinagot ang tanong niya at naglakad ako papunta sa hagdan namin na apat lang ang baitang. "Uy, kinakausap kita. Wala kang galang sa mas matanda sa'yo ah," dagdag na sabi ni Teresita. "Pwede ba.. pag pahingain niyo ang tao. Pagod ako kaya tigilan niyo akong dalawa." Sagot ko saka humakbang sa unang baitang ng hagdan. "Sahod mo bukas. Pahingi ako 1k ha! May babayaran lang akong damit." Saad ni Karen na sumunod pa talaga sa 'kin. "Wala akong pera. May kaltas 'yung sahod ko kaya tigilan mo ko. Mag banat ka ng buto para may ipang bayad ka sa luho mo." Saad ko saka nagmamadaling naglakad para makapasok ng kwarto ko. Narinig ko pa ang galit na galit na sigaw ni Karen pero hindi ko nalang siya pinansin. Pumasok ako sa kwarto ko at halos uminit ang ulo ko ng makita ko ang magulo kong kwarto. Mukang naghanap na naman sila ng pera dito sa kwarto ko. Mga piste talaga! Napatalon ako sa gulat ng marinig ko ang malakas na paghampas sa labas ng pinto ko. "Hoy, magbigay ka ng pera bukas dahil may bibilhin ang anak ko. Subukan mo lang hindi magbigay at talagang pupunta kami do'n sa pinagtratrabahuan mo." Sigaw ni Teresita sa labas ng pinto ko. Hindi nalang ako sumagot kay Teresita. Bahala siya mamaga ang kamay niya kakahampas sa pinto ko. Hinubad ko lahat ng saplot ko at agad pumasok ng banyo. Mabuti na nga lang at may banyo ang kwarto ko para hindi ko na kailangan lumabas ng kwarto ko. Ito kasi talaga ang pangarap ko dati n'ong lumakas na ang negosyo nila papa at mama. Kaya pinasadya talaga nilang ipagawa ang kwartong 'to para sa 'kin. Pumasok ako ng banyo at agad naligo. Pinagdarasal ko nalang na sana ay hindi ako magkasakit dahil kanina pa ako nababad sa tubig. Mabilis lang ang ginawa kong pag-ligo at agad na lumabas ng banyo habang nakatapis ng t'walya. Kumuha lang ako ng damit at agad na isinuot 'yun saka pabagsak na humiga sa kama. Iniisip ko parin ang nangyari kanina. Hindi ko alam kung anong gagawin kong pakikitungo kay Yuri bukas. Parang gusto ko nalang tuloy mag ressign sa trabaho, pero sa t'wing naiisip ko na wala akong pera ay napapakamot nalang ako sa ulo. Balak kong agahan pumasok bukas para hindi ako maabutan ang dalawang babae dito sa bahay. Malamang kukulitin na naman nila ako na magbigay ng pera. Sumasakit ang ulo ko at kaya ipinikit ko ang mga mata ko. Kinapa ko pa ang mga talukap ko dahil namamaga 'to dahil sa kakaiyak ko kanina. Umiyak talaga ako dahil first boyfriend ko si Jacob. Hindi din basta-basta ang pinagsamahan namin. Nasanay ako na nandyan siya palagi para makinig sa mga problema ko sa buhay. Lagi niyang pinapalakas ang loob ko sa t'wing pakiramdam ko ay nanghihina na ako. Pero, pati pala siya ay sasaktan lang din pala ako. Napapatanong nalang ako kung sino na ang makikinig sa 'kin. Sino nalang kakampi ko sa mundong 'to. Pinilit ko nalang ang aking sarili na makatulog para mabawasan man lang ang lungkot na nararamdaman ko. Hindi naman kasi pwedeng huminto ako sa buhay dahil lang sa nasaktan ako. Kinabukasan, maaga akong umalis ng bahay. Dahan-dahan pa talaga ang paghakbang ko para hindi marinig ng dalawa. Mabuti nalang talaga pang umaga ang duty ko. Nakalabas ako ng bahay at agad naglakad palabas ng kanto para mag-abang ng jeep. Nakasakay naman ako pero half lang ng pang-upo ko ang naka-upo. Punyemas na driver 'to sabi kasi kasya pa daw dalawa kaya pumasok ako at 'yung isang babae na nag aabang din ng jeep. Kunting-kunti nalang talaga ay mahuhulog na ako sa kina-uupuan ko. Nanginginig na ang mga tuhod ko kaya napahigpit ako ng hawak sa hawakan na nasa bubong ng jeep. Sa kasamaang palad ay biglang pumreno ng malakas ang sinasakyan kong jeep kaya nahulog ako sa kinauupuan ko. Mabuti nalang at tinulongan ako ng dalawang babae at agad nila akong pinaupo ulit at hinatian ng mauupuan. Nang makarating ako sa harap ng coffee shop ay agad kong inilabas ang mga susi. Opening ako kaya ako ang may dala sa mga susi. Medyo masakit ang pang-upo ko dahil sa nangyari kanina pero hindi ko nalang iniinda. Pumasok ako sa loob ng coffe shop saka isinara ulit ang pinto. Kailagan ko pa kasing maglinis ng paligid para mamayang 10AM ay bubuksan ko na 'to. Pumasok muna ako sa room namin kung saan ang locker para ilagay sana ang bag ko. Kaso panay ring ang phone ko na nasa bag kaya kinuha ko muna 'yun para tignan kung sino ang tumatawag. Napabuga ako ng hangin ng makita ko ang mga chat ni Karen at Tersita na minumura ako. Mag chat pa si Karen na pupunta daw siya dito sa coffee shop para kunin ang sahod ko. Saan kaya kumukuha ng kakapalan ng mukha ang dalawang 'to. Balak ko ng ipa baranggay ang dalawa para umalis na sila sa bahay ko. Wala na akong pakialam sa habilin ng ama ko. Gusto kong mag-isa nalang sa buhay kaya paalisin ko na ang dalawang 'yun. Pinatay ko ang cellphone ko para hindi na sila makatawag. Lumabas nalang ako ulit sa room para makapag simula na akong maglinis. Mabuti nalang talaga at ang partner ko ngayon ay si Jenica. Mamaya pa 'yun si Yuri ka partner niya ay si Henry kaya hindi magtatagpo ang landas naming dalawa, pwera nalang kung babaguhin na ni Jenica ang schedule namin. Habang nag pupunas ako sa mga mesa ay biglang bumukas ang pintuan kaya lumingon ako at nakita si Jenica. Naka ngiti pa siya sa 'kin habang kumakaway sa 'kin. "Kamusta? Anong nangyari sa date niyo kahapon?" Tanong niya kaya napakagat ako sa ibabang labi ko. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sakanya ang nangyari kahapon. Kaibigan niya din kasi si Yuri kaya hindi ko alam kung anong magiging reaction niya. Baka kasi kampihan niya si Yuri kapag nalaman niya ako ang kabit. Wala na akong nagawa at napakwento ako kay Jenica dahil kinukulit niya talaga ako. Halos magulat siya ng malaman niyang ka live in partner ni Yuri ang ex-boyfriend ko. "Kaya naman pala.. sa t'wing nag sasabay kami last week umuwi ay lagi niyang sinasabi sa 'kin na may gusto daw siyang sabunutan. Sisirain daw niya ang buhay n'ong babae dahil inaagaw daw niya ang jowa niya." Sabi sa 'kin ni Jenica. Napabuga nalang ako ng hangin habang nakatulala. "Wag ka ng bumuntong hininga dyan! Hayaan mo ang Yuri na yun. Hindi ko narin siya prenn dahil hindi man lang niya sinabi sa'yo. Wala ka naman kasalan do'n. Kasalanan ng jowa niyang hindi makuntento sa isang p**e. Kainis siya! Sinampal mo ba naman? Dapat pinapatay ang mga ganung lalaki para mabawasan ang mga taong manloloko dito sa mundo." Galit na sabi ni Jenica habang pinupunasan ang mga mug. "Ano? Wag mong sabihing hindi mo sinampal?" Tanong niya sa 'kin ng hindi ako sumagot sa sinabi niya. "Hinambalos ko ng payong ko. Kaya ayon.. nasira 'yung payong ko." Sagot ko. "Hayy! Hayaan mo na 'yung payong mo. Ang mahalaga ay nahampas mo ang lalaking 'yun. Bilhan nalang kita ng bagong payong. Kung gusto mo 'yung may hello kitty design pa." Saad niya kaya mahina akong natawa. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil naiintindihan ako ni Jenica. Sinabi ko din sakanya 'yung nangyaring ipis last week at napagalitan ako ng customer. Kaya inis na inis si Jenica kay Yuri. Binuksan na namin ang shop at may pa isa-isang pumapasok na customer. Dumating ang hapon at malapit na kaming mag out ni Jenica. Nandito narin si Henry pero si Yuri ay wala pa. Sana lang ay hindi magtagpo ang landas namin ngayong araw. Inabot na din sa 'kin ni Jenica ang sahod ko dahil siya kasi ang pinagkakatiwalan ng may-ari ng coffee shop na 'to. Minsan lang kasi bumibisita ang may-ari nito kaya laging si Jenica ang gagawa ng mga reports at pati sa sahod namin, tinatawagan lang niya ang boss namin. Pumasok na muna ako sa room namin para kunin ang bag ko sa locker. Kinuha ko ang bag ko saka ko ni long press ang cellphone ko dahil nga pinatay ko 'to kanina. Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok si Jenica. "Hoy, gaga! Ang baboy sa bahay mo nakawala. Nandyan sa labas ng shop natin at hinahanap ka." Sabi niya sa 'kin. "Baboy?" Kunot nuo kong tanong. "Sino pa nga bang baboy.. eh, di si Karen. Kasama ang nanay niya. Kinausap ako at hinihingi ang sahod mo." Sagot sa 'kin ni Jenica. "Ang kapal talaga ng mukha ng dalawang 'yun. Palayasin mo na kasi sa bahay mo. Wala silang karapatan do'n, Sapphire." Dagdag na sabi ni Jenica saka kinuha ang bag niya. Sunod sunod naman pumasok ang message sa phone ko at puro kay Karen lahat yun. Minumura ako dahil nandyan na daw ang order niyang damit. Dinelete ko ang mga chat ni Karen at nakita kong may chat si Jacob sa 'kin. Binuksan ko 'to at binasa ang chat niya. Humihingi 'to ng sorry sa ginawa niya at humihingi din ng last chance. Gusto na daw niyang hiwalayan si Yuri dahil mas mahal daw niya ako. Napabuntong hininga nalang ako habang nakatitig sa chat ni Jacob. Napalingon ako kay Jenica dahil kinalabit niya ako. "Tara! Sa likod tayo dadaan. Hayaan mo ang dalawang baboy na 'yan maghintay dyan! Ano bar tayo?" Tanong sa 'kin Jenica. "Bar? Hindi pa ako nakakapasok no'n eh, hindi din ako umiinom." Naka ngiwi kong sabi. "Ano ka ba! Minsan magsaya ka naman. Hindi yung kung saan-saan lang napupunta pera mo. Mag unwind muna tayo at pag-usapan natin ang pangloloko ni Jacob sa'yo." Saad niya saka hinawakan ang kamay ko at hinila ako sa isang pinto na dito sa kwarto namin. Kinuha ni Jenica ang susi ng pinto saka niya 'to binuksan. Minsan-minsan lang kasi binubuksan ang pintuan na 'to. Lumabas kami ni Jenica at agad naglakad palayo sa coffee shop. "Kapag wala kang matulugan mamaya, sa bahay ka nalang muna magpalipas ng gabi. Kaysa naman umuwi ka sa bahay mo at kunin lang 'yang sahod mo." Sabi pa sa 'kin ni Jenica kaya tumango nalang ako sakanya. Tama naman siya. Kahit kailan ay hindi ko man lang magawang itreat ang sarili ko. Hindi ko magawang igala ang sarili ko or bumili man lang ng bagong damit dahil puro bayad sa kuryente, tubig at internet na lagi naman sila Karen at Teresita ang gumagamit. Ang mga bwesit kasi hindi ako pina-connect sa sarili kong internet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD