Prologue
I hurriedly got out of my car and immediately walked into the restaurant. I saw my girlfriend, Rhian, frowning who was obviously annoyed with me because I'm late again.
I walked to her table while holding the bouquet I bought for her. It's our eight months monthsarry, but here I am, late na naman sa usapan.
She raised her head and looked at me so I smiled at her. When I got close I kissed her on the cheek then I sat down.
"For you, babe!" I said softly and handed her the bouquet I was holding. Kinuha nga niya 'yon pero itinabi sa gilid habang nakasimangot parin.
"I'm sorry if I'm late again. I just finished something ac—
"May tinapos kang mahalaga blah blah blah!! Lagi naman eh. Lagi kang late, lagi kang busy, lagi kang walang time sa' kin!" Inis niyang sigaw sa' kin kaya pati kabilang table ay napalingo samin.
"Rhian, can you please calm down, may mahalaga lang talaga akong tinatapos. My boss needs that so I can't do it right away." I said.
Pinukol ako ng masamang tingin ni Rhian saka niya ako tinulak. "Sino ba mahalaga sa'yo? Ako o 'yung boss mo? Girlfriend mo ako, Percival. Pero lagi kang walang time sa' kin. Kung alam ko lang pala eh, 'di sana hindi kita sinagot. Nakakabwesit ka!" Inis niyang sabi habang pinipigilan ang sarili na sigawan ako.
"I'm sorry, babe. I'll promise, babawi ako sa'yo. Hindi lang talaga ako pwedeng umalis ng basta-basta lalo na't baguhan pa ako. Malaki din ang utang na loob ko sa pamilyang 'yun kaya sana maintindihan mo ko. I'm doing this for our future." Malumanay kong sabi kay Rhian na tahimik na nakayuko.
"Sinabi ko na sa'yo diba.. I'm going to marry you. That's why I'm doing anything, so I hope you'll understand and be patient with me." Dagdag kong sabi ngunit hindi kumibo si Rhian.
Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa table kaya nag-angat 'to ng tingin sa' kin.
"Please.. I hope you understand me." I begged to her.
"Ayaw ko na, Percival." She told me seriously.
"Pagod na ako. Alam mo 'yung parang wala ako boyfriend lagi kang wala ka kapag kailangan kita. Hindi ka din araw-araw nag me-message sa' kin. Nakakapagod ka ng intindihin. Lagi mong sinasabi na para sa future natin ang gingawa mo pero hindi mo naman masabi-sabi sa' kin kung anong trabaho mo." Sabi niya na ikinayuko ko.
"You know what.. mag break nalang tayo, Percival. Para makapag focus ka sa ginagawa mo at wala ng mangungulit at magagalit sa'yo." She added so I held her hand.
"Babe, don't do this to me. You know that I love you very much, right? Just trust me, please!" I said softly to her while still holding her hand.
Rhian is my first love, nakilala ko siya nang isama ako sa isang grupo ng Elite dito sa Pilipinas. Good thing our boss built an underground here in the Philippines and assign me there so I always visit Rhian at her job as an office clerk.
Not long after, I courted her even though I didn't have time to date because I had just graduated from a medical course in Itlay. The Vandeleur family sent me to school, so I owe them a lot and I promised to serve them as long as I live.
Ngunit, hindi ko sinabi kay Rhian ang tungkol sa organization dahil pingababawal 'yun. Baguhan pa lang ako kaya nangangapa pa ako. Marami akong gustong matutunan kaya lagi akong naglalagi sa underground lalo na't kompleto 'to sa kagamitan.
Alam kong mangyayari 'to samin ni Rhian pero susubukan ko parin ayusin. Baka kasi tinotopak lang siya kaya niya sinasabi sa' kin 'to.
"Nagugutom ka na ba? Anong gusto mong pagkain?" Tanong ko saka kinuha ang menu na nasa table para makapag order ng pagkain. Ibabaling ko nalang ang galit niya sa pagkain.
"Hindi ako nagugutom, Percival. Kaya itigil mo na ang pag-iiba sa usapan." Sabi niya sa malamig na boses.
"Pag-usapan natin 'to, babe. Galit ka lang kaya nasasabi mong maghiwalay na tayo," seryoso kong sabi.
"Let's break up, Percival. Sa sobrang pagkabusy mo sa trabaho mo na hindi ko alam kung ano ay may pumuwang sa kakulangan mo. Imagine, umabot tayo ng eight months na kahit isa man lang ay wala man lang nangyari." Sabi niya.
"Yan lang ba ang dahilan kaya mo ako hinihiwalayan? Dahil lang sa wala pang nangyayari?" Kunot nuo kong tanong sakanya.
"Hindi ko na sasagutin 'yang tanong mo." Sagot niya saka humawak sa tyan niya kaya napadako ang tingin ko do'n. "I'm pregnant, Percival. Nabuntis ako ng lalaking pinunan ang pagkukulang mo bilang boyfriend ko. Kaya ako nakikipaghiwalay sa'yo dahil gusto ko ng makasama si Fred." Sabi niya kaya agad kong binitawan ang kamay niya.
"You should have said earlier." I said then I stood up from my seat and took the bouquet I gave her.
"Let's break up, Rhian. You should be happy with your decision dahil ako.. masaya na naghiwalay tayo." Walang emosyon kong sabi saka tumalikod sakanya at nagsimulang maglakad para makalabas sa restaurant na 'to.
Nang makalabas ako ay agad kong itinapon ang hawak kong bouquet sa trash bin saka ako naglakad papunta sa kotse ko.
Bumukas ang pintuan ng kotse kaya agad akong pumasok sa passenger seat. Nakipag fist bump ako sa kaibigan kong si Sweetheart na may hawak na lolipop.
"Hiniwalayan ka niya?" Tanong niya sa' kin kaya tumango ako.
"Ohh," tanging sagot niya saka binuhay ang makina ng kotse saka pina-usad 'to.
"Alam mo, may kakilala akong magaling mag piercing." Saad niya kaya tumingin ako sakanya.
"Gusto mong magpa piercing?" Tanong niya sa' kin.
"Yung katulad sa teynga mo?" Tanong ko dahil ang dami niyang hikaw.
"Oo, pwede din sa kilay ka magpalagay o hindi kaya sa dila, sa ibabang labi, or sa ilong." Sagot niya
sa' kin.
"Sige. Maaga pa naman para bumalik sa underground. Samahan mo ko." Pagpayag ko kaya agad siyang sumaludo sa' kin at mabilis na nagmaneho.
Nang makarating kami sa piercing shop ay agad akong tinanong ng lalaki kong saan ko daw balak magpalagay.
Nang may pumasok sa isipan ko at parang gusto kong gayahin 'yun. Sinabi ko sa lalaking ang gusto kong piercing na agad naman niyang sinunod.
Dinampian ng lalaki ng alcohol ang bridge ng ilong ko saka niya sinimula ang gagawin. Naramdaman ko nalang ang pagbaon ng matalas na bagay na bumutas sa bridge ng ilong ko. Hindi pa ako nakuntento at pinalagyan ko pa ng isang piercing, magkatabi lang din sa una kaya binutusan ulit ang bridge sa ilong ko.
"Kingina! Sa bridge talaga?" Tanong pa sa' kin ni Sweetheart habang nakatitig sa bridge ng ilong ko na may hikaw.
"Broken hearted ka lang eh kaya ka nagpa piercing." Pang-aasar sa' kin ng gago.
Hindi nalang ako umimik dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang sinabi ni Rhian
sa' kin.
Hindi naman ako nasaktan na nakipaghiwalay siya sa' kin, kahit pa nga siya ang first love ko. Naiinis lang ako dahil nagpagalaw siya sa iba dahil sa hindi ko lang maibigay ang gusto niya, feeling ko tuloy ay katawan ko lang ang habol niya.
Damn that, woman! Hinding-hindi ako magsisisi na naghiwalay kami. Hindi niya deserve ang pagmamahal ko.
Hindi na muna ako makikipagrelasyon lalo na't nagsisimula pa lang ako sa organization. Mag fo-focus na muna ako para pagsilbahan ang mga taong tumulong sa 'kin.