Chapter 1

1900 Words
NAGISING AKO DAHIL SA malakas na sigaw ng nanay-nayan ko. Agad akong bumangon sa kama at baka pumasok na naman siya sa kwarto ko at kaladkarin ako palabas. Inayos ko muna ang higaan ko bago ako lumabas ng kwarto ko. Nakita ko agad ang naka busangot na mukha ng nanay-nayan ko habang naka pameywang na nakaharap sa' kin. Nakaupo naman sa pang isahang sofa ang anak niyang maldita na hindi ko alam kung saan niya pinaglihi. "Ang tagal-tagal mong gumising! Hindi ka pa nakapagluto ng agahan namin." Sigaw ng nanay kong hilaw na si Teresita. "Pasensya na po! Ang dami ko kasing ginawang trabaho kahapon kaya natagalan po ako ng gising. Day off ko din naman po kasi." Sagot ko saka naglakad para pumunta ng kusina. "Aba, kung maka pagsabi ka ng pagod samin parang ang laki ng sinasahod mo ahh," sarkastimo niyang sabi sa' kin. Hindi nalang ako nagsalita at baka sabunutan pa niya ako katulad kahapon dahil lang sa hindi ko siya binigyan ng pera. Nanghingi kasi siya para ipang sugal kaya hindi ko siya binigyan. Isa pa 'tong anak niya na si Karen na walang ginawa kundi humilata at panay ang shopping online. Tapos kung darating na ang order niya ay sa' kin manghihingi. Kapag wala akong nabibigay ay sinasabunutan ako. Kaya manang-mana talaga sa nanay niyang bruha. Kinuha ko muna ang rice cooker para linisan muna 'to. Hindi na nga ako nakakain kagabi dahil hindi man lang nila ako tinirhan ng kanin at ulam. Uminom nalang ako ng tubig para mawala ang gutom ko saka ako umakyat sa kwarto ko. Wala din naman akong magagawa kaya mas mabuti ng itulog nalang ang gutom ko. Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil wala pala kaming bigas. Tumayo ako para tanongin sana ang madrasta ko kung bakit walang bigas, sa pagkakaalala ko kasi ay nagbigay ako ng pangbili n'ong isang araw. Bitbit ko ang rice cooker saka ako lumabas sa kusina. Nakita ko ang mag-inang nakaupo sa sofa, nakapatong pa talaga ang paa ni Karen sa mesa habang naka ngisi 'tong nakaharap sa cellphone niya. Puro lang landi ang nasa isip. Hindi man lang maisipang maghanap ng trabaho. Puro lang paganda ang alam wala naman laman ang utak. "Wala na po pala tayong bigas," saad ko sa harap nila kaya nag-angat sila ng tingin sa' kin. "Oh, ngayon? Bakit hindi ka bumili, may trabaho ka naman, kami wala. Kaya ikaw ang bumili ng bigas." Pagalit na sabi ng hilaw kong nanay. Napa-pikit nalang ako dahil sa sinabi niya, alam kung ginamit na naman niya ang binigay kong pera na para sana pangbili ng bigas. Hindi din naman ako mananalo kung susumbatan ko siya dahil baka ibato lang sa' kin ang hawak niyang nail cutter. Umalis ako sa harap nila at bumalik sa kusina. Padabog kong inilapag ang hawak kong rice cooker saka napasabunot nalang sa buhok ko. Nakakainis talaga 'tong buhay ko. Hindi ako nakapagtapos ng college, second year lang ako no'n ng patigilin ako ng papa ko mag-aral dahil inuna niyang paaralin ang anak ni Teresita na si Karen. Halos sumama ang loob ko no'n dahil feeling ko ay mas importante pa sa papa ko ang dalawang babaeng 'yun kaysa sa 'kin na totoong anak niya. Sa sobrang galit ko ay hindi ko kinakausap ang ama ko at naghanap ako ng pagkakakitaan para makapag ipon ako. Gustong-gusto ko talagang makatapos sa pag-aaral pero may mga demonyo talaga sa paligid ko. Napa-iyak nalang ako dahil lahat ng inipon ko sa piggy bank ko na itinago ko sa ilalim ng kama ko ay basag na. Nalaman ko nalang na kinuha 'yun ni Karen dahil lang sa gusto niyang magpa parlor para sa JS prom niya. Kaya lahat ng inipon ko ay wala na, ang mas masakit pa n'ong nag sumbong ako kay papa ay mas kinampihan pa si Karen, kesyo kailangan daw ng pera at hayaan nalang daw dahil babalik lang din naman daw ang pera. Sa panahon na 'yun gusto ko nalang punitin ang mukha ni Karen. Kung pwede lang talaga, matagal ko na sanang ginawa pati na mukha ni Teresita. Pumunta nalang ako sa tindahan kina ate Melly para bumili ng bigas. Bibili narin ako ng bitsin para mangisay na ang dalawang demonyo sa bahay. "Ubos na naman bigas niyo, Sapphire?" Tanong sa 'kin ni ate Melly. Napakamot ako sa ulo ko saka ako sumagot. "Ang lakas kumain ng mga baboy sa bahay ate Melly." Sagot ko kaya natawa siya. Nagpaalam lang ako kay ate Melly para makapag saing na ako. Kung hindi lang sana humiling sa 'kin si papa n'ong araw na naghihingalo siya baka matagal na akong umalis sa bahay namin. Pero, hindi ko magawa dahil alam kung aangkinin nang Teresita na 'yun ang bahay ng mama at papa ko. Dugo't pawis sa pagtratabaho nila 'yun para lang maipundar ang bahay namin tapos aangkinin lang ng mga bwesit na 'yun. Nag-asawa kasi ulit ang papa ko, inatake kasi ang mama ko n'ong high school pa lang ako na agad niyang ikinamatay. Nakita ko ang hinagpis ng ama ko ng mawala ang aking ina. Lumipas ang isang taon ay may pinakilala siya saking babae at 'yun nga ay si Teresita. Pinakilala niya 'to bilang girlfriend niya na agad ko namang tinanggap dahil sobrang bait sa' kin ni Teresita. Hindi ko din alam no'n na may anak din pala ang babae, do'n ko lang nalaman ng mapagdesisyonan ng papa ko na magsama na daw sila ni Teresita sa iisang bahay. Sa umpisa ay napakabait pa ng dalawa sa 'kin kaya natuwa ako dahil hindi lang ako nagkaroon ng nanay kundi may kapatid pa ako. Pero unti-unting nagbago ang pakikitungo nila sa 'kin. Nagagalit si Teresita kapag nakikita niyang binibigyan ako ng pera ng ama ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak niya at nagagalit siya eh, anak naman ako ng papa ko. Mas lalo pang lumabas ang sungay nilang mag-ina at mas kinakampihan na sila ng ama ko. Binabaliktad kasi nila ako na kesyo pinapalayas ko daw sila at pinagsasabihan ng masama. Hanggang sa humina ang kinikita ni papa sa pwesto niya sa palengke at naisipan ni Teresita na para hindi daw mabigatan ay patigilin muna ako sa pag-aaral at unahin muna daw si Karen. Pumayag naman ang ama ko kaya masamang-masama ang loob ko. Puro nalang sama ng loob ko ang naiipon ko, pero pera kahit piso yata wala ako. Lagi kasing kinukuha nilang mag-ina. Namatay ang papa ko na hindi man lang nalalaman ang mga masamang ginagawa ng mag-ina sa' kin. Bagkos ay hiniling pa sa' kin na makisama sakanila at wag paalisin sa bahay dahil mahal daw niya sa Teresita. Naiinis akong isipin 'yun pero, dahil sinabi ng papa ko 'yun sa huling hininga niya kaya sinunod ko nalang. Nang makauwi ako sa bahay ay agad akong nag-saing baka pumayat pa si Teresita. Tapos na akong nakapagluto kaya tinawag ko na ang dalawang palamunin dito sa bahay. Nakasimangot pa talaga ang dalawa ng makita nila ang niluto kong ulam. Sardinas with egg kasi ang niluto ko dahil 'yun nalang ang natitira sa ginrocery ko n'ong isang araw. Wala na ngang trabaho ang dalawa, ang lakas pa kumain. "Sardinas na naman! Pambihira naman oh!" Reklamo ni Teresita. "Inubos niyo po ang stocks na binili ko di' ba? kaya 'yan nalang ang natira." Sagot ko sabay sandok ng kanin. Ngunit, napatigil ako sa pagsasandok at napasapo sa ulo ko ng batuhin ako ng kutsara ni Teresita. "Sumasagot ka na ahh! Napakayabang mo talagang babae ka eh no!" Sigaw niya sa 'kin. "Dapat 'yung mangkok ang binato mo mama," sabat ni Karen na tuwang-tuwa pa sa nangyari. "Sa susunod.. mangkok na ang ibabato ko sakanya." Saad ni Teresita. Sana talaga mabilaukan siya ng kanin para mahirapan siyang huminga. Nawalan na ako ng ganang kumain kaya tumayo nalang ako habang sapo parin ang nuo ko na binato ng kutsara. "Uyy, day off mo ngayon di 'ba?" Tanong sa 'kin ni Karen na hinawakan pa talaga ang kamay ko para pigilan akong umalis. Hindi ako sumagot sa tanong niya at hinintay lang ang sasabihin niya. "Paki plantsa ng damit ko na naka hanger do'n sa sala at may pupuntahan ako mamaya." Utos niya sa 'kin. Hindi nalang ako sumagot saka ko hinila ang kamay ko kaya napabitaw siya. Nagsimula na akong maglakad ulit ng magsalita na naman si Karen. "Uy, nga pala. Pahingi din ako ng pamasahe and pangbili ko narin ng drinks." Dagdag niyang sabi kaya napatigil ako sa paghakbang. Nilingon ko siya saka ako nagsalita. "Bakit hindi ka magtrabaho? Anong silbi ng four years course mo kung ang alam mo lang puro paganda. Pati pamasahe mo at pang inum mo sa 'kin mo iaasa! Saan ba kayo kumukuha ng kakapalan ng mukha?" Inis kong sigaw sakanila. "Aba't gaga ka ahh! Sino ka para sigaw-sigawan ang anak ko?" Inis na sabi ni Teresita na talagang tumayo pa sa kinauupuan niya. "Sino ako? Ang may-ari lang naman ng bahay na 'to. Bakit hindi pa kayo magsilayas dito total mga palamunin naman kayong dalawa!!" Inis kong sabi. Hindi ko na talaga matiis ang dalawang 'to. Kating-kati na akong palayasin ang dalawang 'to sa bahay. "Sige. Paalisin mo kami, ibig sabihin lang no'n ay hindi mo na nirerespeto ang huling habilin ng ama mo." Naka ngisi niyang sabi sa 'kin. Alam niya kasi 'yun dahil nasa tabi siya ng papa ko n'ong araw na 'yun. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko saka ako tumalikod at nagsimulang maglakad. Lagi nalang kasing nauuwi sa ganitong usapan sa t'wing lumalaban ako sakanila. Lagi niyang dinadala ang pangalan ng ama ko. Ayaw ko ng ganun dahil kinokonsesya niya ako. Sinasabihan pa niya ako na dahil daw sa' kin kaya namatay ang papa ko, pasaway daw kasi ako at laging palasagot sa papa ko. Paanong hindi ako sasagot kung lagi nalang akong inaapi ng mag-ina na 'to. Imbis na ako ang kampihan ng ama ko, sila pa ang kinakampihan. Pumasok agad ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Bahala si Karen mag plantsa ng damit niya, baka sunugin ko lang damit niya kapag ako na bwesit. Gusto ko nalang muna matulog dahil bukas duty na naman. Trabaho ako ng trabaho pero wala naman akong perang nahahawakan. Ako kasi ang nagbabayad ng kuryente at tubig. Pati grocery dito sa bahay ako parin. Maliit lang naman ang kinikita ko bilang waitress sa isang coffee shop, hindi sapat 'yun lalo na't may mga palamunin ako sa bahay. Gusto ko na nga lang sumuko sa buhay pero sa t'wing magkasama kami ng boyfriend ko ay pansamantala kong nakakalimutan ang mga problema ko. Malapit narin kaming mag one year anniversary ni Jacob kaya nag iipon ako ng pera para pambili ng cake. Gusto ko kasi sa araw na 'yun ay lumabas kaming dalawa at pumunta sa favorite place namin. Mabait naman si Jacob, ang swerte ko nga sakanya dahil sobrang sweet niya sa' kin. Mabuti nga at hindi niya ako niyaya mag s*x. Ang sabi niya kasi ay i-reserved ko daw 'yun para sa kasal naming dalawa. Kaya mahal na mahal ko ang boyfriend ko. Siya nalang kasi ang nakakaintindi sa 'kin. Siya lang din ang napagsasabihan ko ng problema tungkol sa dalawang demonyo na nakatira sa bahay ko. Kaya pinapahalagaan ko siya at minamahal. Kahit puro problema ang buhay ko.. meron paring pinadala si papa God na taong makakaintindi sa 'kin at 'yun ay si Jacob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD