Episode 4: Ang Lalaki Sa Alamat

1671 Words
SORA POV "Sandali Sora, bakit mo na lang kausapin ng mahinahon yung tatay mo? Bakit tumatakbo na naman tayong dalawa? Hindi ka ba napapagod? Kase ako pagod na pagod na, upod na yung sapatos ko," ang reklamo ni Koji habang hinahabol ako. "Wala kang idea kung gaano kabaliw si Itay sa libro na ito. Ito ang sumira ng pamilya namin! Dapat lang ilayo ito sa kanya bago pa niya sirain ang sarili niya," ang sagot ko naman habang hawak ang libro at patuloy sa pagtakbo. "Saan mo naman dadalhin ang aklat na iyan?" tanong niya sa akin. "Basta!" ang sagot ko. Patuloy kami sa pagtakbo hanggang sa makarating kami sa bayan. Dito ay nagtuloy tuloy kaming dalawang sa isang lumang silid aklatan. Walang masyadong tao dito dahil may bagong tayong silid aklatan sa kabilang bayan kaya't hindi na ito masyadong pinupuntahan. Dito ay naisipan ko ihalo at iipit na lang ang libro sa iba pang mga lumang aklat para hindi na ito makita pa ni itay. Iyon talaga ang plano ko kaya naman pumasok ako dito at nakasunod pa rin si Koji sa akin. "Mga hijo, anong hanap niyo?" tanong ng babaeng nakabantay sa harapan. "Mag sasauli lang ho ako ng aklat," ang sagot ko sabay pakita ng lumang aklat sa aking kamay. "Hijo, doon sa itaas ang mga lumang reference. Pakidala lamang ito doon. Maraming salamat," ang wika nito saka ipinagpatuloy ang paglilinis niya ng kuko. Kami naman ni Koji ay nagtungo sa itaas upang itago ang aklat at upang hindi na ito makita pa ni itay. Maayos naman ang loob ng silid aklatan, kaso ay medyo luma na ito ngunit nandito talaga ang magaganda at mga sinaunang kasulatan simula pa noon. Nakakalungkot lamang at mas tinangkilik ng mga tao ang bagong silid aklatan doon sa kabilang bayan. “Ang weird diba? Alam mo ba na wala ng masyadong nagpupunta dito dahil balitang may multo na daw dahil sa katandaan?” ang wika ni Koji. “Alam mo mas gugustuhin ko pang makakita ng multo kaysa makita yung tatay ko,” ang hirit ko naman. Natawa siya, “Sira, gago ka talaga.” Pagpasok namin ni Koji dito ay umakyat pa kami sa gawing itaas gamit ang hagdan at noong eksaktong ilalagay ko na ang libro ay nagwika ni Koji, "seryoso? Itatago mo agad ang aklat ng hindi man lang nakikita kung ano ba ang mayroon dito? At kung bakit nahuhumaling yang tatay mo? Siguro ay diyan nakatala ang pasabog na sikreto ng buhay niyo kaya ganoon na lang niya ito kung ingatan. Akin nga iyan, patingin," ang wika ni Koji sabay kuha ng aklat. Tahimik naupo ito sa sulok kaya naman tumabi ako sa kanya.. Pagbukas pa lang niya ng pahinga ay bumuga na agad sa amin ang kakaibang uri ng teksto, mga letra na mahirap maunawaan. "Isa itong alamat ng Tsina noong sinaunang panahon," ang wika nito. "Naalala ko na, ang aklat na ito ay ipinadala ng kaibigan ni itay mula sa Tsina," ang tugon ko sa kanya. Maya maya ay binasa ito ni Koji, "ang aklat ng tagapangalaga ng langit at lupa," ang wika nito. "Wow, paano mo nabasa? Grabe ang talino mo talaga," tanong ko sa kanya na may halong paghanga. "Ewan, madali namang intindihin diba?" wika niya at ipinagpatuloy niya ang pagbabasa. "Matapos magalit sa kanyang ama ay tumakbo ang binata palayo at nagtungo ito sa isang lumang gusali. At hindi nagtagal ang binata sa alamat ay nagbukas ng daan upang makarating sa ibang daigdig." "Wow! Ang husay mo! Bilib na talaga ako sa iyo! Paano ka nakakabasa ng chinese characters?" ang nakangiti kong papuri habang nakikinig sa kanyang pagbabasa. Nagpatuloy si Koji, "Ito ay alamat ng isang binata na pinagkalooban ng iba't ibang uri ng kapangyarihan. Natupad ang lahat ng kanyang kahilingan ng makuha niya ang pitong tagapagtanggol ng Kongoyasha. Ang alamat ay isang orasyon. Ang sinumang makakatapos sa pagbabasa nito ay mabibiyayaan katulad ng binata sa alamat. Sa sandaling ang unang pahina ay mabuksan, magsisimula ang alamat at mabibigyang buhay ang mga tauhan." Tahimik kami at nagkatinginan.. "Anong ibig sabihin non?" tanong niya sa akin. "Aba e, ewan ko ikaw yung nagbabasa diba?" tanong ko rin at noong mapatingin ako sa pahina ng aklat ay nakita ko ang larawan ng higante na ilang beses ko na nakita. Wala itong pinakaiba sa nakaguhit sa imahe dito. Nagulat ako at hindi ko napigiilan emosyon ng paghanga at pagkakilabot.. "Ito iyon! Ito yung nakita ko noong bata ako, at ito rin yung nakita ko kanina! Maniwala ka sa akin," ang wika ko sa kanya at noong hipuin ko ang larawan ay biglang lumabas ang berdeng liwanag dito at binalot kaming dalawa ng malamig na enerhiya. Dahil sa takot ay napayakap ako kay Koji at kapwa kami napapikit dahil sa matinding pagkasilaw. Tahimik ulit.. Noong kami ay magkamalay ay natagpuan namin ang aming sarili na nakahiga sa isang malamig na lupa. Kaya naman agad akong bumangon at pinagmasdan ang paligid. Ordinaryo kapatagan lamang ang lugar ngunit ang nakapagtataka ay unti unting bumabagsak ang niyebe sa kalangitan. "Nasaan tayo? Ang lamig naman yata?" ang tanong ni Koji sabay sahod ng kamay sa mga bumabagsak sa kalangitan. "Hindi ko alam, nalilito rin ako," ang sagot ko naman. "Ang natatandaan ko lang ay nagbabasa tayo ng libro kanina, tapos ay nandito na tayo ngayon," ang tugon ni Koji na hindi maiwasang malito. Dito ay nagsimula na kaming lamigin ng todo. Kada paghinga namin ay tila umuusok ang aming hininga. "Dalawa lang ang sigurado ako, naliligaw tayo at mamatay tayo sa ginaw," ang wika ko habang yakap ang sarili. Habang nasa ganoong posisyon kami nagulat kami noong may mga sumulpot na lalaki sa paligid. Mga anim ang kanilang bilang. Lahat ay nakasuot ng makakapal na damit at pinagmamasdan kami. Hindi naman ako nagdalawang isip, agad akong nagtanong sa kanila, "mga sir, magandang araw. Nasaan ba kami? Anong lugar ba ito?" "Hijo, sa tingin ko ay hindi na mahalaga kung anong lugar ito. Ngayon ay nagsisimula na ang tag lamig at kumakalam na ang aming mga sikmura. Maaari ba namin kayong kainin?" tanong nila. "A-anong ibig niyong sabihin?" tanong ko sa kanila. "Mauunawaan mo rin hijo!" ang sagot ng isang lalaki at dito ay lumundag sila sa aming itaas at mabilis na nagbago ang kanilang mga anyo. Hindi ko maipaliwanag ngunit naging mga halimaw sila na may matutulis na kako at mga pangil! "Panaginip lang ito diba? Hindi ito totoo!" ang sigaw ko sabay hawak sa braso ni Koji at kapwa kami tumakbo. "Sora, ano bang nangyayari? Bakit may mga halimaw?" tanong nito na hindi maitago ang takot. "Hindi ko alam, basta tumakbo na lang tayo! Sana ay pananginip lang ito!" ang sigaw ko naman. Mabilis kaming tumakbo ngunit dahil sa lamig ay tila namamanhid ang aming mga katawan. At isa pa ay talagang mabibilis ang pagkilos ng mga halimaw. Namalayan na lang namin na nasa paligid na namin ang mga ito. "Napapalibutan na tayo!" ang wika ni Koji sabay dampot ng isang kahoy sa kanyang tabi. Ako naman ay tumayo at kinuha ang ballpen sa aking bulsa. Kapag lumapit sa akin ang halimaw ay titirahin ko siya sa mga mata. "Huwag na kayo lumaban, wala rin kayong magagawa. Ialay niyo na lamang sa amin ang inyong mga katawan!" ang sigaw ng isang halimaw sabay lundag sa aming kinalalagyan. Nasa ganoong posisyon kami noong may isang lalaki ang sumulpot sa aming harapan at isang malakas na suntok ang iginawad niya sa halinaw dahilan para tumilapon ito sa lupa. Sumugod pa ang ibang halimaw sa kanya at dito ay nagliwanag ang kakaibang tatak sa kanyang kamao at nagpakawala ito ng kulay berdeng enerhiya dahilan para masilaw kami. Basta ang alam ko lang ay nabura na parang alikabok ang mga ito sa ere at walang natira sa kanila kundi ang mga damit na naka kalat sa sahig. Nanatiling nakatayo ang lalaki sa aming harapan.. Maya maya lumapit ito sa aming harapan at inilahad ang kanyang kaya naman gumalaw rin ang aking kamay ay inabot ito. Kinamayan ko siya "salamat sa pagligtas mo sa amin." Napatingin sa amin ang lalaki, "anong salamat? Huwag mo nga akong kamayan dahil hindi naman ako nakikipagkilala sa iyo. Nasaan ang bayad?" tanong niya. "Bayad? Bakit?" tanong ko sa kanya. "Bwiset, huwag niyo sabihing wala kayong pera?" tanong niya. "Bakit maniningil ka? Hindi namin hiningi ang tulong mo? Saka malay ba namin na palabas niyo lang ito para makapanloko ng kapwa," ang sagot ni Koji. "Wala talaga kayong pera? Ang ibig sabihin ay nagligtas ako ng dalawang talunan? Kung wala akong mapapala sa inyo mabuti pa ay ibenta ko na lang kayong dalawa para hindi naman sayang yung enerhiya ko sa pagliligtas sa inyo," ang sagot niya. "Teka muna, bakit mo naman kami ibebenta? Saka nasaan ba kami?" tanong ko sa kanya at halos manigas na kami sa ginaw. "Bakit kasi magpupunta kayo dito ng hindi man lang kayo nagsusuot ng makapal na damit? Mga talunan talaga! Diyan na nga kayo! Sayang ang oras ko sa inyong dalawa," ang wika ng lalaki sabay lakad sa aming palayo. Iginala gala ko naman ang aking mata at nakita ko ang dalawang makapal na damit na nakakalat sa lupa. Eto yung suot ng mga taong naging halimaw kanina. Noong mabura sila ay damit na lamang ang natira. "Sandali lang, babalik ako agad," ang pagpapaalam ko kay Koji. "Teka Sora, saan ka pupunta?" tanong niya. "Basta sandali lang," ang wika ko naman at mabilis akong kumilos patungo sa di kalayaun at isa isang pinulot ang mga nakakalat na makapal na damit. "Okay, hindi na tayo lalamigin!" ang wika ko sabay harap kay Koji pero wala na ito sa paligid. "Koji?" ang pagtawag ko pero wala talaga siya. Isinuot ang makapal na damit at niyakap ang aking sarili. "KOJI? Nasaan kaaa?" ang pagtawag ko pero wala na talaga siya paligid. Huminga ako ng malalim at sumigaw, "KOOJJIII? NASAAN KA BAAAA?" Pero walang sagot.. Nagtatakbo ako sa paligid para hanapin siya pero walang bakas. Sandali lamang akong nalingat ngunit parang bula na siyang naglaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD