SORA POV
JUNE 10, 1996
TEN YEARS LATER
Sampung taon ang lumipas, ganitong katagal na rin magbuhat noong mawala ang aking ama. Maraming nakakita kay Itay noong mga nakaraang taon, ang sabi nila ay wala daw ito sa sarili, nabaliw daw ito at nagpagala gala na lang kung saan. Ang sabi naman nung ibang mga kaibigan niya ay may babae daw ito at may iba ng kinakasama. Pero wala na akong pakialam kung anuman ang dahilan ng kanyang pagkawala. Basta ang alam ko lang ay napakasama niya para iwanan kami sa ere at pabayaan!
Hindi ko na maalala ang lahat, basta ang natatandaan ko lang ay nagsimula ang kawirduhan ng aking ama noong may dumating sa kanyang package galing sa kaibigan niya doon sa Tsina. Ang package ay naglalaman ng libro kung saan nahumaling si itay ng sobra. Isang araw ay nagpaalam ito na aalis at pagkatapos ay hindi na siya bumalik.
Ang laban sa buhay ay magkasama naming hinarap ni inay. Ako ang umako sa kanyang trabaho sa bukid at maging sa pabrika. Kaya't sa murang edad ay bugbog na agad ako sa trabaho. Kung may isang bagay akong maipagmamalaki, iyon ang aking diskarte at abilidad dahil kahit anong problema ay madali kong nagagawan ng solusyon.
Kung may isang problema na hindi ko nagawan ng paraan, iyon ay ang pagkamatay ni Inay noong labing limang taong gulang ako. Lumala ang kanyang karamdaman na naging sanhi ng panghihina ng kanyang katawan. Saksi ang aking dalawang mata sa paghihirap na naranasan ni inay, kung paano siya sumuka ng dugo, kung paano siya balutin ng kirot at sakit sa katawan. Tuwing makikita ko ito ay kumikirot ang aking puso dahil wala akong magawa. Kahit ang pinakamahusay na doktor sa bayan ay hindi rin siya naisalba. At bago matapos ang tag-init ay pumanaw si Inay, naiwan akong mag isa sa aming tahanan.
Lalo akong nagalit kay Itay, isinumpa ko talaga siya! Ipinangako ko sa aking sarili na kapag nakita ko siya ay uupakan sa mukha hanggang sa matauhan siya at magising sa katotohanan na siya ay walang kwenta, walang silbi at iresponsableng ama! Hanggang ngayon ay nandito pa rin sa puso ko ang sakit dulo't ng pagkamatay ni inay at wala akong magawa kundi ang balutin ng matinding lungkot at pagsisisi sa tuwing sumasagi ito sa aking isipan.
Masayahin akong tao simula pa noon, ngunit sadyang mapaglaro lang ang tadhana at nakalimutan ko na maging masaya..
Noong mawala si Inay ay ipinag patuloy ko pa rin ang aking pag aaral ng high school at dito ay nakilala ko si Koji ang isa sa pinaka sikat, pinaka gwapo at pinakatalinong mag aaral sa aming paaralan. Magkasing edad kaming dalawa, magkasing tangkad rin. Nagkakilala kami noong parehong sumali sa isang sports at dito ay nagsimula ang aming pagkakaibigan. At dahil mag isa na lamang ako sa bahay ay si Koji ang madalas na sumama sa akin doon, paminsan minsan ay tumutuloy din ako sa kanila at inimbitahan nila ako kapag may okasyon katulad ng Pasko, Bagong Taon at mga kaarawan. Naaawa sa akin ang kanyang mga magulang, gusto nga ng mga ito ampunin na lamang ako ngunit ako na rin ang tumanggi.
Lumipas ang mga taon, ngayon ay 18 years old na ako, may taas na 5'10, may maayos at batak na pangangatawan dahil bata pa lang ay bugbog na rin ako sa trabaho at sa gawain sa bukid. Sabay kaming nagbinata ni Koji, halos pareho lang din kami ng katawan at mas matangkad lang siya sa akin ng kaunti.
Ganoon pa rin ang aming samahan, malapit kami sa isa't isa, naghihiraman ng damit, sabay naliligo sa ilog, sabay kumakain at magkatabing natutulog. Parang kay Koji na rin ako nakahanap ng bagong pamilya kaya naman ganoon na lamang ang pagpapalahaga ko sa kanya.
"Mahal mag aral sa kolehiyo, hindi ko alam kung tutuloy pa ako," ang wika ko habang naglalakad kami pauwi sa bahay.
"Marami naman murang paaralan sa bayan, at may nag ooffer din ng mga libre kurso, depende na nais mong kunin," ang sagot ni Koji.
"Siyempre kapag kolehiyo ay kailangan pa rin ng pera. Isa pa ay parang ayokong iwanan itong bahay namin kung doon ako titira sa siyudad. Magastos doon, mataas ang cost of living," ang sagot ko.
"Oh, edi ibenta namin yung bukid niyo tapos yung perang pagbibilhan nito iyon ang gamitin mo sa pag aaral mo. Halos ilang taon na rin hindi natataniman iyon diba? Kesa naman nakatengga lang iyon at tinutubuan ng damo, mas maganda kung ibenta na lang para mapakinabangan," ang mungkahi niya sa akin.
"Pag iisipan ko iyan, anong kurso ba ang nais mong kunin?" tanong ko sa kanya.
"Medisina o pwede ring Inhinyero, ikaw anong gusto mo?" tanong rin niya sa akin.
"Guro o kaya naman ay isang accountant," ang sagot ko.
"Oh iyon naman pala e. Ibenta natin yung bukid niyo at gamitin ang pera sa pag aaral. Hihingi tayo ng tulong sa parents ko," ang sagot ni Koji
"Eh ikaw kaya ang ibenta ko? Tutal naman kilabot ka ng mga babae doon sa paaralan," ang tugon ko sa kanya habang natatawa.
"Syempre gwapo e. Kaya nga libre akong nakakahawak ng s**o at pekpek dahil may gusto sila sa akin!" ang hirit nito.
"Bastos, gago!" ang wika ko sabay pabirong suntok sa kanya pero mahina lang naman ito. At habang nasa ganoong paglalakad kami ay unti unting pumatak ang ulan kaya naman hinila ako ni Koji sa kamay at nagtatakbo kami para hindi mabasa.
"Bakit ba takot na takot ka sa ulan? Dati naman tayong naliligo dito?" tanong ko sa kanya.
"Gago, bago yung sapatos ko!" ang sagot niya sa akin.
"Hayaan mo, balang araw magkakaroon ako ng maraming maraming pera at bibilin natin lahat ng sapatos sa buong mundo!" ang hirit ko naman.
Tawanan kami.
Sa bilis ng aming pagtakbo ay halos sumibat na kaming dalawa sa pagtahak sa bukid. Pagdating namin sa aming bahay ay may nakita akong isang lalaking nakaupo sa harapan nito kaya naman napahinto kami ni Koji. Tila napako rin ako sa aking kinatatayuan noong makilala ko kung sino ito.
"Itay?" ang bulong ko.
Napatingin sa akin si Koji, "tatay mo?" tanong niya.
Tango lang ang aking isinagot.
Maya maya ay tumayo si Itay at lumapit sa akin, "Sora, anak, kumusta ka na?" tanong nito.
Natawa ako, "wala kang anak dito. Bakit ba nandito ka? Talagang may lakas ka pa ng loob na umuwi?!"
Tumayo si itay at lumapit sa akin pero galit ko na kinimkim ng ilang taon ay nagsisimula pa lamang, "Anak, kailangan mong makinig sa mga sasabihin ko," ang wika nito sabay labas sa aklat kaya lalo akong nainis noong makita ko ito.
"Tama na itay! Hanggang ngayon ba iyan ba rin? Baliw ka na ba talaga? Umalis ka dito at inabanduna kami ni inay at binabayaan! Alam mo ba na namatay siya dahil sa malubhang karamdaman? Namatay si inay na hinihintay ang pagbabalik mo! Pero ako? Hindi na kita hinintay dahil kasabay ng paglilibing kay inay sa ilalim ng lupa ay ibaon na rin kita sa limot! Umalis ka na at ayaw na kitang makita pa! Baliw! Baliw ka itay! Dapat kasi ikaw na lang yung namatay at hindi siya e!" ang singhal ko sa kanya.
"Sora anak, patawarin mo ako sa mga bagay na nagawa ko, pinagsisisihan ko ang paglisan ko at pag iwan ko sa inyo. Ngunit nais kong malaman mo ang librong hawak ko ay hindi ordinaryong libro dahil naglalaman ito isang mahika na may kakayahang tumupad ng kahilingan. Marami akong natuklasan sa ilang taong pag aaral ko s libro ito. At ngayon ay nais kong ibahagi sa iyo ang lahat ng iyon. Ito ay may dalang sumpa at nangangailangan ng isang nilalang na gaganap bilang pangunahing tauhan at magiging kinatawan ng isang makapangyarihang Diyos," ang sagot ni Itay dahilan para mapangiwi ako.
"Tama na nga itay! Ayoko na marinig ang kahit na anong tungkol sa aklat na iyan! Kaya napagkakamalang baliw kung anu ano ang sinasabi mo! Pwede ba tama naaaa! Maawa ka naman sa akin at maaawa ka kaluluwa ni inay na nasa langit na!" ang sigaw ko sabay takip sa aking tainga.
Pero hindi natinag si Itay lumapit siya sa akin kaya lalo akong binalot ng pagkainis. Mabilis ako lumapit sa kanya at hinablot ang libro sa kanyang kamay dahilan para magulat ito.
Itinakbo ko ang libro palayo sa kanya, "Sora, ibalik mo sa akin ang aklat! Delikado iyan para sa mga batang katulad mo! Makinig ka sana sa akin!"
"Itigil mo na ang kabaliwang ito!! Ang librong ito ang sumira sa pamilya natin! Bakit ba mas mahalaga pa ito sa iyo?! Alam mo ang dapat sa librong ito? SINISIRA!" ang sigaw ko sabay hawak ng mahigpit sa libro at sinimulan ko itong wasakin!
Nasa ganoong pagsira ako noong biglang huminto ang aking paligid at mula sa itaas ay nakita kong bumabagsak ang mga puti bagay na malamig, parang mga niyebe. At kasabay nito ang paglabas ng isang dambulaha at higanteng pagong na may malaking sawa sa katawan. Mabilis itong dumaan sa aking harapan dahilan para mabigla ako. Ito ang ikalawang pagkakataon na nakita ko ito. Sa aking pagkakatanda ay nakita ko na itong walang taong gulang ako habang nag iigib ng tubig sa balon. Ang kaparehong berdeng liwanag ay natatandaan ko pa rin at gayon rin ang malamig na pakiramdam.
Makalipas ang ilang sandali ay nagbalik sa normal ang lahat. Agad kong isinara ang aklat at mabilis na nagtatakbo palayo. Itinakas ko ito upang mailayo kay Itay.
"Sora, bumalik ka dito! Saan mo dadalhin ang aklat?!! Sorraaa delikado ang aklat na iyan! May sumpa ito at malalagay sa panaganib ang buhay mo!" ang sigaw ni Itay.
Lumapit si Koji sa kanya at yumuko bilang pagbibigay ng galang, "Pasensiya na po," ang wika nito sabay takbo para habulin ako.
"Sandali Sora! Hintay!" ang wika ni Koji.
Sinubukan kaming habulin ni itay, “Sora, makinig ka sa akin! Bumalik ka dito anakk!!!” ang malakas na sigaw nito ngunit masyado na akong biningi ng sobrang galit.
Medyo umaambon pa ngunit ayos lang, ang mahalaga ay mailayo ko kay itay ang bagay na kinababaliwan niya bago pa siya tuluyang madala sa hospital ng mga baliw! Ngayon lang ako nagalit ng ganito, kung sana kinausap niya ako ng matino ay baka napatawad ko pa siya. Pero bakit ganoon, kung ano ang ugali niya noong umalis siya sampung taon na ang nakalilipas ay ganoon pa rin ang ugali niya noong bumalik ito, baka nga mas lumala pa siya ngayon!
“Kawawa naman yung tatay mo Sora,” ang wika ni Koji.
“Mas kawawa siya kapag tuluyan siyang nabuang!” ang sagot ko naman.
Mabilis akong tumakbo, walang direksyon at walang eksaktong patutunguhan ngunit hindi ko na ito inisip pa.
****
NOTE: Sa Bxb cover ko ng Fushigi Yuugi. Wala talaga akong balak lagyan ng best friend yung bida tauhan. Gusto ko isang empire lang ang kalaban nila. Well, originally ito talaga ang plan ko para mas kakaiba siya.
Kaso ang dami kong natatanggap na request na sana daw may bestfriend din siya. So meaning mala Miaka at Yui ang gusto nilang mangyari. Tapos gusto rin nila ng version ni Heneral Nakago. O sya, magrerevise ako at ibibigay ang gusto niyo pero baguhin natin ang mga kaganapan.