Kabanata 10

1536 Words
Mabilis na nilisan ni Reca ang lugar. Parang gripo ang mga mata niyang tumulo kaagad ang luha. Sa pagmamadali niyang makalayo hindi niya napansin ang isang bagay nagpapatisod sa isang paa niya at deretso siyang nadapa sa lupa. Napapahagulhol siya ng iyak. Bakit ganito ang nararamdaman niya. Bakit ang sakit sa dibdib... Bakit? Naramdaman niyang umangat ang katawan niya at nakalipad sa hangin. Nakulong siya sa malalaking bisig at sige pa rin sa pagtulo ng mga luha niya. Kahit nanlalabo na ay pilit niya paring tiningnan ang taong ito. Ang pagbaba taas ng Adam's apple at ang matangos nitong ilong. Ang mapupulang labi na mayroon maninipis na bigote na bumagay sa gwapong mukha ng lalaki. Hindi niya ito makakalimutan kahit kailan na minsan sa buhay niya may isang taong sinaktan siya at minahal.. mas yumakap pa siya dito. Hindi pa rin tumigil ang mga luha niya sa pagtulo. Hanggang sa naramdaman niyang binaba siya nito at pinaupo sa upuan gawa sa kawayan na maingat. Nang magpantay ang kanilang mga mukha. Wala itong salita kahit ano sa kaniya nanatiling nakatitig lang si Daryll sa mga mata ko. Pero ang mga kamay nito ay inalis ang ilang hibla ng aking mga buhok na tumabon sa mukha ko. Pinatuyo rin nito ang namasa kong pisngi dahil sa pag iyak. Bumaba ang tingin nito sa aking tuhod na ngayon ay may sugat na. Sagliy lang nitong hinaplos at maya- maya lang ay tumayo na ito. Sinundan niya ito ng tingin pumasok sa loob ng bahay. Pagbalik may dalang arcohol at betadine para gamotin ang tuhod kong may sugat. "Next time mag- ingat ka..." Sabi nito sa kaniya. Mahapdi at makirot ang mga sugat niya sa tuhod. Naitukod niya kasi ito ng madapa siya. "Salamat... Pasensiya na..." Pilit niya pa rin makabuo ng salita. "Hindi mo dapat iniiyakan sa simpleng pagkadapa lang. Dapat matatag ka... Dapat mas matibay ka..." Hindi niya ito maintindihan masyadong malalim ang mga salitang binitiwan o sadyang magulo lang ang isip ko ngayon. "Ang sakit, eh?" Sabi niya dito. Nakita niyang umangat ang gilid ng labi nito. Bakit ba ang gwapo niya pa rin. "Yes... Tiisin mo lang ang sakit. Maya maya lang ay maging okay na rin ito." Tapos na itong gamotin ang sugat niya. Tinabi na nito sa gilid ang mga ginamit sa sugat ko. Napansin niyang may lipstick pa ang bibig ni Daryll. Ano nga ba dahilan kung bakit siya nasugatan dahil lang sa nakita niya kanina. Nakikipaghalikan pala ito kay Carlota. Na saan si Carlota bakit nandito ito at hindi kasama. Umuwi na kaya ang babaeng iyon. Pero bakit hinayaan niya ito mag-isa. "Bakit ganiyan ka makatingin?" "Iyang bibig mo may lipstick..." Sabi niya na hindi makatingin sa lalaki. Kaagad naman nito inalis. "Masarap ba?" Kusang lumabas sa kaniyang bibig. Huli ng maalala niya. "Ang alin?" "Ang makipaghalikan..." Ngumiti ito sa kaniya ng walang malisya. "Normal lang sa aming mga lalaking makipaghalikan sa sinong babae. Mas masarap kapag thrill! Pero mas masarap kapag mahal mo..." "Anong ibig mong sabihin? Wala lang sayo ang makipaghalikan? Kahit sino pwide mong halikan. Ganon rin ang mga babae pwide silang makipaghalikan sa sinong lalaki?" Inosenteng tanong niya dito. Nagkibit-balikat lang ito. "Yes, shineshine...pero hindi ako ang humalik siya ang biglang humalik sa akin at isa pa iba ka sa kanila. Special ka..." Kumunot ang aking noo sa narinig. "Ha?" "Kung hindi pa sinabi sa akin ng Tatay mo ang ikasal ka sa iba. Hindi ko malalaman. Habang buhay mo na bang itatago ang totoo." May tampo sa boses nito. Napayuko siya bigla. "Matagal ng kasunduan iyon at matagal na panahong hindi ko nakita dito ang lalaking iyon. Akala ko wala na iyon. Akala ko malaya na ako. Pero hindi pa rin pala..." Narinig niya ang paghinga nito ng malalim. "So wala ng atrasan..." Agad siyang tumango. Bakit nakaramdam siya ng pagtutol. May hinugot ito sa kaniyang bulsa sa sout na pantalon. Kinuha ni Daryll ang isang kamay ko at may pinasok sa daliri ko. "Akala ko wala na akong pagkakatiwalaan nito. Hindi ko inaasahang darating ang araw na may pagbibigyan ako nito." Singsing na may nakaukit na dalawang puso. Hindi lang ito basta singsing. Isa itong Antique na mula pa sa mga ninuno. Minsan niya na ito nabasa sa history book sa kaibigan kong si Neneng. Alam niya rin kung gaano ka halaga ang ganitong bagay. "Singsing? Bakit?" Nasa daliri niya na ito nakakabit. "Sa makalawa babalik na ako ng manila. Gusto ko ingatan mo iyan. Habang suot mo iyan... Hindi mo ako makakalimutan at tanda ng pagiging tapat mo sa akin kapag alam kung sout mo iyan." "Ingatan ko ito huwag kang mag alala. Hindi ko ito iwawala.." pangako niya iyon kay Daryll. "Salamat..." "Paano si Carlota isasama mo ba siya sa maynila?" "Siya ang kasama ko papuntang manila." Simpleng sabi niya sa akin. Para namang may tumusok sa dibdib niya bigla. "Ha?" "Oo, my shineshine..." Ginulo nito ang buhok ko. Hindi niya ito maintindihan binigyan siya nito ng singsing para hindi siya makalimutan pero kasama pala nito si Carlota pauwi sa Manila. Bakit hindi na lang kay Carlota binigay. Bakit sa akin pa... "Bakit hindi mo binigay kay Carlota ito. Magkakasama naman pala kayo, eh?" Walang ganang sabi niya dito. Para saan pa at binigyan siya nito. Wala na siyang kalayaan pa.. wala na. "Para iyan sayo... Shineshine." Ngumiti ako ng mapait. Basta ko na lang tinapon ang tingin ko sa ibang direksyon. Ano mang oras tutulo muli ang luha ko. "Daryll... Mahal mo na ba si Carlota?" Lakas loob niyang tanong sa lalaki. "Sandali mo lang siya nakilala mahal mo na agad... Ako ba minsan ba sa puso mo may puwang rin ako diyan? Ano pa ba gawin ko nitong binigay mo sa akin, ha?" Hindi ito sumagot sa kaniya. Nang lingonin niya ito nagsalubong ang kanilang mga mata. Wala siyang nakikitang kahit anong pagmamahal. Para itong galit na iwan. Hindi niya alam,.kung saan ito galit bakit ganoon na lang nababasa niya. "Rheanna Mhilca Magayon... Hindi kita makakalimutan pagdating sa Manila. Babalik ako para sayo. Basta hintayin mo lang ako. " Seryoso sabi niya sa akin. "Ikakasal na ako!Daryll... Anong pinagsasabi mo diyan?" May inis sa kaniyang boses. "I know... I know... Hindi mo alam ang pakiramdam ko ngayon Rica, hindi mo alam iyong pakiramdam na naiipit sa dalawang batong malalaki." Hindi niya ito maintindihan. Kahit anong piga niya sa kaniyang utak. Hindi niya talaga ito maintindihan. "May problema ba?" Tanging nasasabi niya dito. Pero hindi sumagot si Daryll nanatiling tikom ang kaniyang bibig. +++ "Mabuti naman nakita kita dito Rica. Saan kaba nagsusuot kanina pa kita hinanap!" Hindi niya ito nilingon at tinuloy lang sa pagpulot ng tuyong kahoy. "Ayaw ko sana sabihin ito sayo pero gusto ko lang malaman mo na nag propose sa akin si Daryll ng kasal at pakilala niya na ako sa mga kamag- anak niya sa Manila kaya niya ako isasama. Ang ganda to singsing na binigay sa akin." Agad naman siyang nag- angat ng tingin at pinakita sa kaniya ni Carlota ang singsing na katulad sa binigay sa akin ni Daryll kahapon. Paano naging kapareha... Ibig bang sabihin dalawa ang singsing at binigay kay Carlota ang isa. "Nagulat ka ano? Ang sweet talaga ng mapapangasawa ko. Gwapo na nga maalaga pa sa akin. Alam mo ba gustong gusto niya ng magkaanak na kami agad. Semprey! Pumayag naman ako kasi feeling ko naman mahal ko na siya at siya na ang magiging future husband ko." Masayang sabi sa kanila ni Carlota. "Congrats! Carlota... Sa wakas nakita mo na ang mapangasawa mo. Sana maging maligaya kayo." Matabang niyang sabi sa babae. "Semprey naman! Hindi ko siya hayaang maging bored sa akin. Araw-araw paligayahin ko siya at mas mamahalin pa. Pero ikaw rin Rica, balita ko ikakasal kana rin doon sa matandang kalbo. Hahaha! Hindi kaba natatakot roon. Pero okay lang iyon. Bagay naman kayo. Congrats! Din sayo...bagay kayo... Haha?" Patuyang sabi sa kaniya ni Carlota. Hindi niya alam kung nanglalait o mas minaliit pa siya ng babae pero wala na siyang pakialam sasabihin ng ibang tao. "Salamat. Pero bakit ka nandito? Pumunta ka lang dito,.para lang sabihin sa akin iyan." Muli niyang tinuloy ang pamumulot ng panggatong. "Uhm, maliban sa nasabi ko kanina. May gusto lang akong iabot sayo. Heto oh, pag nasa Manila kana pasyalan mo ako sa address namin ni Daryll. Wala lang... Gusto lang kitang makita." Hindi siya kumibo pero bigla na lang kinuha ni Carlota ang isang kamay ko at pinatong roon ang maliit na card. "Asahan kita, ha? Gusto ko mayroon akong kakilalang galing dito sa probinsya natin. At ikaw lang iyon Rica... Alam ko kasi na sa Manila na rin kayo manirahan." Humugot siya ng malalim na hininga at basta na lang binulsa ang papel sa sout niyang palda. "Sige.. pero hindi ako nangangako na makapunta agad. Isa pa ayaw kung makaisturbo..." Sabi niya lang dito. "Naku hindi! Alam kung matutuwa si Daryll kapag makita ka... At lalo na ako semprey!" Ngumiti siya ng tipid sa babae. "Okay. Salamat kung ganon pero masaya ako para sayo." Kahit na dumudugo ang puso ko. Pero kaya pa naman. Siguro matutunan niya rin mahalin si kano kapag kasal na sila at iyon ang pag-aaralan niyang gawin.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD