bc

Ikaw Ang Kulang

book_age18+
101
FOLLOW
1K
READ
HE
drama
city
like
intro-logo
Blurb

Ang dalagang ito niligtas ang mayamang bilyonaryo sa bingit na kamatayan. Dahil sa pag alaga ng dalaga sa binata. Tumanaw ito ng utang na loob. Subalit, hindi alam ng dalaga na ang nailigtas niyang binata ay isang mayaman at presidente ng malaking company sa boung asia. Ang binata na kaya ang magliligtas sa kaniya sa taong umaabuso sa kaniya.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
"Pare Daryll boy! Mamaya, ha? Hintayin ka namin hindi pwideng hindi ka pupunta. Mayroon kaming bagong chix! Na pakilala sayo, Bro!" Saad ni Henry isa sa mga kaibigan niya. "Sinabi ko naman sa inyo tigilan niyo na ako sa chix chix na iyan!" Sagot niya naman dito. Napakamot ito sa ulo. "Bro, hayaan muna... Happy happy lang ito. Malay mo matipuhan mo ang magandang chix namin." Segunda pa nito. "Tsk... Pang ilan na ba iyan sinasabi mong chix ha?" Wala sa mood niyang tinalikuran ito. Marami siyang paper works ngayong araw. "Uhm, sampu..." Ngumisi siya. Sa lahat ng mga nireto nito sa kaniya. Wala man lang siyang, ni isang natipuhan. "See... Ang dami na Henry. Kailan ka pa titigil." Wika niya. "Pero Bro, last na ito... Promise!" Napapailing na lamang siya dito. "Tss... Okay, pero last na, ha? Tigilan mo na ang kahibangan mo Henry!" Seryosong sabi niya. Wala siyang mapili sa lahat ng mga babaeng pinakilala ng mga ito sa kaniya. Wala sa kanila ang hinahanap niya sa isang babae. Gusto niya sa babae iyong gawin siyang mundo. Aalagaan siya at ang magiging anak nila. Talagang perfect maging maybahay. Iyong mamahalin siyang tunay. Hindi ang perang mayroon siya. "Okay, sabi mo, eh? Basta mamaya ha? Huwag kang malelate, kung hindi ka sisipot alam mo na ang mangyayari, Bro?" May halong pagbabanta sa kaniya ni Henry. "What?" "Kapag hindi ka sisipot, hindi parin kita titigilan sa kakareto sayo ng mga babae. HAHA!" Kumuha siya ng papel at nilamukos ito, at binato sa lalaki. Agad naman itong umilag sa kaniya. "Ulol!" "Basta mamaya!" Sabi nito. Nagpaalam na rin itong umalis sa kaniyang opesina. Wala sa loob niyang dinampot ang telepono ng tumunog ito. "Hello, who is this?" "Daryll, darling... I miss you!" Boses babae ang nasa kabilang linya. Sandali niyang tiningnan ang screen kung sino ang tumawag. Nangunot ang noo niya ng makilala ang nasa kabilang linya. "Doris?" "Yes, Darling... I miss you so much! Bakit hindi mo na ako pinupuntahan sa aking condo. Alam mo naman hinihintay kita eh?" Sa malambing nitong boses. Si Doris ang babaeng naging ka fling niya sa ilang buwan. Okay na sana siya sa babae pero ng malaman niyang hindi lang siya ang lalaki sa buhay nito nagbago ang pakikitungo niya rito. BumuntongHininga siya. Bago nagsalita sa babae. "I'm busy, Doris, huwag muna akong tawagan mula ngayon o kahit puntahan sa aking opesina." "Ano? Daryll naman... Ganon ganon lang iyon matapos mong makuha ang gusto mo sa akin. Basta mo na lang ako itatapon gaya ng ibang babae. Isa pa, nangako ka sa akin, Daryll!" Rinig niya ang pagpiyok ng boses nito. "I'm sorry, hindi ako ang lalaking nararapat sayo. Marami ka pang makilala na mas higit pa sa akin. Please, kalimutan mo na ako." "I hate you! Pagsisihan mo itong ginawa mo sa akin, Daryll, I swear!" Sabay bagsak sa telepono. Pakiramdam ni Daryll sasabog ang eardrum niya sa lakas ng pagbagsak nito sa telepono. Napapailing na lamang siyang binalik ang telepono sa lagayan. Ayaw niya sa babaeng hindi makuntento sa isang lalaki. Mabuti na lamang at natuklasan niya kaagad ng maaga, ang ugali nito bago pa mahuli ang lahat. Ayaw niyang pagsisihan niya pa sa bandang huli. "Mabuti naman at nakarating ka. Akala ko hindi ka pupunta?" Si Henry. Ito ang sumalubong sa kaniya. "Gusto ko maglibang Bro, ayaw ko muna ng babae sa ngayon. Gusto ko na lang uminom." Sabi niya rito. Masakit ang ulo niya dahil kay Doris. Nabalitaan kasi niyang nagpakamatay ito at buti na lang nadala agad sa hospital. Paano kung hindi. Kargo kunsinsya niya pa ang babae. "Hey, bakit? May nangyari bang hindi maganda ngayong araw?" Tanong sa kaniya ng abotan siya nito ng alak. Tinunga niya muna ang alak bago sinagot ang kaibigan." Yes, sobrang sama!" "Like what?" Curious nitong tanong. "Sobrang pait naman itong binigay mo sa akin!" Napangiwi siya sa sobrang sama ng lasa ng alak. "Kasing sama ng aura ng mukha mo ng dumating ka rito. Tell me Bro, what?" Pagbibiro sa kaniya ni Henry. "Tsk! Si Doris... Nasa hospital nagpakamatay..." Sambit niya. "Seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong nito. "Oo, Henry! Sinabihan ko siyang kalimutan na niya ako at huwag ng tawagan." May galit sa kaniyang boses. "Iyon naman pala eh, ikaw pala ang may kasalanan kung bakit gusto na niyang taposin ang buhay niya." "Kasalanan niya! Kung nakuntento na lang sana siya ng isa. Di' sana siya na ang pakakasalan ko at maging ina ng mga anak ko. Pero anong ginawa niya niluko niya ako, Henry!" Emotional niyang sumbong dito. Ang niya sa lahat iyong mangluluko. "Relax Bro, buhay pa naman siguro siya ano? Hindi siya natuluyan?" Uminom muna siya ng alak. Pero muli na naman napangiwi sa pait ng alak. Bakit sobrang pait naman yata itong alak ngayon. Kahit ano namang uring alak ay sanay siya kahit mapa hard man o hindi pero ito ngayon, kumakagat sa lalamuna niya ang alcohol. "Yes, of course!" Agad niyang sagot sa kaibigan. Bago siya umalis ng hospital sinigurado niya muna ligtas ito. Binayaran niya na rin ang bill nito. Kahit papaano may puso rin naman siya at awa sa tao. "Tanggap niya naman ano?" Tanong nito sa kaniya. "Hindi ko alam. Sana tanggapin niya na lang lahat. Para walang problema!" Wala sa loob niyang sabi dito. Bakit kailangan niya pa mag attempt magpakamatay. Kahit anong gawin ni Doris hindi na siya makipagbalikan sa babae. "Nakalimutan ko palang sabihin sayo Bro, may kapatid si Doris na police baka lang, kapag nalaman ng kapatid niyang niluko mo ang kapatid niya resbakan ka nun." May pag-aalalang sabi sa kaniya ni Henry. "What? Bakit? Kasalanan naman ni Doris kung anong nangyari sa kaniya. Alam mo Henry, na maayos ko siyang pinakisamahan dahil sa isip ko siya na ang babaeng may bahay. Pero anong ginawa niya? Nagtaksil siya sa akin habang wala ako. That's bullshit!" Sa mataas niyang boses. "Chill... Bro, basta mag-ingat ka lang." Hindi na siya sumagot. Tahimik lang siyang uminom sa sulok. Habang ang iba naman nagkasayahan sa kaniya-kaniyang partner. Wala siya sa mood makipag-usap na kahit sinong tao. Naintindihan naman iyon ni Henry. Alam naman nito ang ugali niya. Ayaw niyang pinipilit siya kapag wala siya sa mood makipag-usap mas gusto niyang tahimik na lang uminom. "Hi, Darling.." rinig niya ang matinis na tinig ng babae. Hindi niya ito pinapansin. Matagal na siyang sawa sa buhay binata. Gusto niyang lumagay na sa tahimik. Pero wala pa siyang napipili pa. Hindi na naman siya sa pihikan pagdating sa babae. Ayos lang sa kaniya kahit anong katayuan nito sa buhay basta makapagkatiwalaan ito. Wala siyang pakialam kung mahal niya ito o hindi. Naniniwala kasi siyang matuturuan ang puso. Matutunan niya ring mahalin kapag may supling na sila sa huli. Basta mapapakita lang sa kaniya ang kabutihan ng loob nito. "Gusto mo ba ng kasama?" Saglit niya lang itong sinulypan at binaling na sa ibang direksyon ang paningin. "No!" Agad niyang tanggi sa babae. "Okay, sungit mo naman!" Nag martsang palayo ang babae ng walang magawa. "Thank you!" Pahabol niyang sabi sa babae. Inirapan lang siya nito at nagmamadaling umalis sa harapan niya. Naka-ilang shot pa siya bago magpasyang umuwi na. Madaling araw na rin at gusto na niyang magpahinga. Wala siyang driver. Pinauwi niya ng maaga. May pamilya kasi ito at kailangan maaga umuwi. Sana all. May asawang naghihintay at anak. Samantalang siya katahimikan ang madadatnan niya sa mansion mamaya pag-uwi. Kailan pa kaya iingay ang bahay niya? Kailan pa kaya niya maranasang may naghihintay sa pag- uwi niya at anak na sasalubong sa kaniya? Minsan naisipan niyang lumipat sa mas maliit na tirahan kaysa malaking bahay. Para lang hindi niya maramdamang may kulang sa buhay niya. Tatlongput anim na taon na siya pero single parin hanggang ngayon. Maraming babaeng gusto niyang maging asawa pero pera at kayamanan lang habol sa kaniya ng mga babae. Ayaw niya ng ganon gusto niya ng masayang pamilya at boung pamilya hanggang sa pagtanda. Pero mukhang matatagalan pa yata bago niya iyon makamit. "Good-bye Henry..." Paalam niya. Mag-isa na lang pala siya sa upuan wala na si Henry. Pumunta na sa langit... Tss.. isa pa iyon. Iniwan man lang siyang mag- isa. Pagdating sa parking area. Agad niyang binukas ang sasakyan. Medyo hilo na siya pero kaya niya pa naman mag drive ng sasakyan. Mabilis niyang pinatakbo ang kotse palabas sa parking area at deretso sa highway. Tahimik na rin ang boung kalsada. Wala ng gaanong sasakyan sa ganitong oras kaya naman mabilis niyang pinatakbo, sa isip na makarating agad. Gusto na niyang matulog at humiga sa malambot niyang kama. Pero nakaidlip siya habang nag- dadrive. Hindi niya napansin ang sasakyang parating. Mabilis rin ito gaya niya. Hindi niya namamalayang iba na ang daang tinatahak ng kotse. Dahil sa bilis ng pangyayari nagsalpokan ang dalawang sasakyan. Dahil sa malakas ng empak tumalsik ito at nahulog sa mataas na bangin ang kotse ni Daryll. Kasama siya sa kotseng nahulog.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook