Kabanata 9

1542 Words
"Tay... Okay lang po ba kayo?" Kanina pa nakaalis ang mga tauhan ni kano. Kano ang tawag ko sa kaniya dahil may lahi itong amerikano. Siya si Arthur Smith. Ang nagmamay-ari ng lupaing kanilang tinirahan. Pinamana sa kay kano, ang lupang ito ng dating amo ni Tatay bago ito mamatay. Buong akala ni Tatay mabait ito gaya ng ama pero hindi. Nagkautang si Tatay ng malaking halaga, na may kasamang interest na hanggang ngayon ay binabayaran pa rin. Napilitang umutang si Tatay noon dahil sa akin. Paano naman kasi bigla siyang nagkasakit ng malubha at kailangan ng magagaling na doktor para gamotin ako noon. At sa Maynila lang ang matatagpuan ang magagaling na mga doktor. Nang panahong iyon nandiyan si Mr. Smith, nag-aalok ng tulong kay Tatay. Nang wala ng malalapitan si 'Tatay at dahil desperado na itong mapagaling ako. Pumayag si Tatay,.ipagamot ako ni Kano sa Maynila hanggang sa bumalik sa normal ang aking kalusugan. At heto ako ngayon. Malaki ang utang na loob namin kay Kano. Umabot ng kalahating milyon ang ginastos sa akin ni Kano sa hospital. Pumayag naman siyang hulog-hulogan ito ni Tatay nung una. Ngunit ng magdadalaga ako at nakita ni Kano ang hubog ng aking katawan. Nagbago ang ihip ng hangin. Mas gustuhin nitong maging asawa ako kapag nasa tamang edad na ako. At ito na ngayon ang pinunta ni Kano kasama ang alipores nito. Pumunta ito sa lugar nila gamit ang chopper. Mayaman at maraming connection si Mr. Smith. Kung iyon lang paraan para matapos ang problema ni Tatay bakit hindi. Ayaw ko rin mahirapan si Tatay sa kakaisip sa utang kung paano ito mababayaran. Ang pagpapakasal lang niya kay Mr. Smith ang tanging paraan para makabayad sila. Gagawin niya para kay 'Tatay. Matanda na si Tatay para magtrabaho pa. "Anak... Sorry... Wala akong magawa..." Ramdam niya ang paghihinagpis ni Tatay. Alam niya kasing masama ang ugali ni Kano. May dati na itong asawa pero iniwan si Kano, dahil hindi matiis ang ugali ni Kano. Nanakit at naninigaw... kapag nagsisilos. Iyon ang bulong bulongan niyang narinig ng minsan nakapunta sila ni Tatay sa bahay nito. Natatakot rin siya sa maging buhay niya at pagtira niya sa mansyon kasama si Kano. Pero hindi niya pinapahalata kay Tatay mas mabuting makita niyang matapang siya at kayanin lahat ng problemang binabato sa kaniya ng langit. Bahala na si Lord.. "Sshh... Hindi iyan totoo 'Tay?" "Payag kabang pakasal sa taong duble ang edad sayo, ha? Rheanna Mhilca?" Deretsahan tanong sa kaniya ni Tatay. Kung iyon ang maging kapalaran niya. Bakit hindi. Iyon lang ang paraan para huwag lang gipitin si Tatay ni Kano. Bakit hindi. Nangako naman ito na kapag nakasal na sila. Burado na lahat ng utang ni Tatay dito at wala na kaming problema pa. Basta pakasal lang ako sa kaniya. Ngumisi ako ng mapait." Tay, sino ba may gustong magpakasal sa taong parang ama ko na. Wala di'ba? Pero dahil sa sitwasyon natin ngayon na ginigipit ka ni Kano. Oo, papayag ako. Nangako naman siya na mawala lahat ng utang natin sa kaniya kapag kinasal kami." Nakita niya ang pag-iling ni Tatay. "Sorry! Anak... Wala akong magawa. Kung mayroon lang sana hindi ka maiipit sa sitwasyong ito. Mas gusto ko pa rin mapunta ka sa taong mahal mo at maging masaya ka..." Bigla siyang napaisip sa sinabi ng ama. Kung may tao man siyang gusto makasama si Daryll iyon. Pero malabong mangyaring magustuhan siya nito. Mga kagaya lang ni Carlota ang type nito mga babae. Sexy, maganda at higit sa lahat may ipagmalaki. Ano ba naman kasing ipagmalaki ko wala naman akong natapos kumpara kay Carlota. Mas mabuti na rin iyon. Kaysa guluhin pa ang utak ko. Mag fucos na lang ako kay Kano. Isang buwan mula ngayon ay ikakasal na ako at sa maynila na manirahan kasama si Tatay. Hindi naman ako papayag na maiwan si Tatay dito sa probinsya mag-isa. Hindi talaga... Magdidilim na at hindi pa rin umuwi si Daryll. Ngayon nga pala ang fiesta doon. Hindi na siya nag- abalang sumunod pa. Alam ko naman hindi pababayaan ni Carlota si Daryll. Nangako rin itong aalagaan ang binata. Iyon ang paghahawakan ko... "Morning my shineshine..." Sa malambing na boses. Bumuka ang isang mata niya. Bumungad sa kaniya ang gwapong mukha ni Daryll. Ngumiti siya ng matamis. Napaka gwapo ng lalaki kahit sa pangiti ay gwapo pa rin ito. "Uhm... Inaantok pa ako... Bakit nandito ka sa kwarto ko. Baka makita ka ni Tatay. Magagalit iyon sayo." Sa inaantok niyang boses. "Alam ko." Simpleng sagot nito sa kaniya. "Oh, bakit pumasok ka pa rin?" Kinuha ang isang unan at niyakap niya ito. Napansin niyang tumingin ito sa unan na kaniyang niyakap. "Ang sarap siguro maging unan, noh?" Rinig niyang sabi nito at nakangiti sa kaniya. "Bakit?" Inosenteng tanong niya sa lalaki. "Wala lang. Gising kana diyan sabay na tayo kakain. Sabi ni Tatay Benjie punta daw tayo sa ilog, mamingwit ng palaka. Wala bang isda sa ilog palaka lang mayroon. Buti pa doon kay Carlota ang daming pagkain. Hindi ka sumunod kahapon?" Napangiwi siya sa sinasabi nito. Bakit nga ba umuwi pa ito kung mayroon na palang masasarap na pagkain roon. Sana doon na ito tumira hanggang sa magsawa... Bumangon siyang hindi maipinta ang mukha. Binato niya ito ng unan. Naiinis kasi sa pagmumukha ni Daryll ngayon. Pakiramdam niya mawawala na sa kaniya ang taong gusto. Pero iyon naman dapat diba? Wala naman akong karapatang magkagusto ng iba. "Bakit?" Takang pinulot ni Daryll ang unan sa sahig na gawa sa kawayan. "Bakit kapa umuwi? Sana doon kana lang kay Carlota tumira!" Padabog siyang nagliligpit ng higaan. "Ayaw ko roon." "At bakit naman? Sabi mo lang kanina gusto mo roon dahil masarap ang pagkain nila." Napansin niyang wala sa mukha ko ang tingin ni Daryll nasa aking dibdib. Pinawisan ito, kahit umaga pa. Kaagad naman siyang napatakip sa dibdib niya. Dahil manipis lang suot niya at hindi naman siya nagbabra matulog. Ayaw niya magkaroon ng canser at matanggalan ng didi. Tumikhim muna si Daryll ng matauhan at makitang nakatingin sa kaniya ang babae. " Sa labas na kita hintayin. Bilisan mo diyan." Sa kalmadong boses nito sabi sa kaniya. Naramdaman niyang wala itong pagnanasa sa katawan niya. Bakit parang masakit? Di'ba iyon naman dapat dahil ikakasal na ako. Ano ba gusto kong asahan? Para akong baliw. Baka naliitan lang sa bundok mo. Haha! "Sige.." hindi sumagot sa kaniya si Daryll. Tumalikod na ito kaagad sa akin at mabilis nawala sa harapan. Nang makapagbihis si Reca. Lumabas siya agad ng kwarto. Naabotan niyang tahimik na naghihintay sa kaniya sina Tatay at Daryll sa labas. Naupo siya agad at kumuha ng pagkain. Ganon rin ang mga ito. "Sinabi ko kay Daryll na kung magaling na siya pwide na siyang umuwi sa manila. Uutang ako ng pamasahi kay Ka Boyong." Napatingin siya ng tuwid kay Daryll at sinalubong naman nito ang tingin niya. Wala siyang mabasang kahit anong emotion sa mukha nito. Gusto na ba talaga niyang umuwi. Maiiwan na pala siyang mag-isa dito. Mali. Aalis na rin pala sila dito matapos ang kasal nila ni Kano at sa Manila na rin maninirahan. "Kayo po bahala Tay... Baka gusto na po umuwi ni Daryll sa Manila." Sa malumanay niyang sabi at tinuloy ang pagsubo niya sa pagkain. "Sinabi ko na rin sa kaniya ang tungkol kay Kano at sa napag- usapan." Napaubo siya ng kanin. Kaagad naman siyang inabotan ng tubig. Nang makaionom muli niyang tiningnan si Daryll. Gaya pa rin ng una. Wala parin siyang naaninag sa mga mata nitong pagtutol. Bakit siya tutol. Wala rin silang relasyon. At wala na rin siyang magagawa na. Dahil planado na ang lahat-lahat sa buhay ko na maikasal sa taong hindi niya minahl kahit kunti. "Okay..." Pilit pinasigla ang boses. Bakit mas gusto niya pa rin marinig ang openyon ni Daryll. Kung dapat ba akong pumayag magpakasal kay knao. Ang engot ko naman wala na nga magagawa di'ba? Bakit gusto mo pa rin pigilan ka niya. Eh, si Carlota naman ang type ni Daryll. "Congrats..." Matabang na sabi nito sa babae. Pagkatapos niyang maghugas ng plato at makapaglinis ng bahay. Hinanap niya si Daryll nawala kasi ito bigla kanina pagkatapos kumain. Saan kaya nagpunta ang lalaking iyon? Baka sa paligid lang. Wala kasi itong salita-salita kanina habang nag- uusap sila ni Tatay. Ano pa kaya ang mga sinasabi ni Tatay bakit ang tahimik ng taong iyon. Pumayag na kaya siyang uuwi ng manila. Talaga bang iyon ang gusto niya. Iiwan niya na kami ng tuluyan. Hay, sana mag stay pa siya ng ilang araw. Pero paano kung biglang sumulpot si Kano sa bahay at makita niya si Daryll sigurado akong magkagulo. Kahit wala kang ginawang masama. Balita pa naman ang pagiging masilos ni Kano. Hindi naman siya nahirapang hanapin si Daryll nakita niya ito sa silong ng mangga. Nakangiting nilapitan ang binata. Magpapaliwanag siya dito sa side niya. Kung bakit siya papayag magpakasal kay Kano. Baka kasi nagtampo ito dahil hindi niya sinabi kaagad. Naging malapit rin naman sila sa isa't isa bilang magkaibigan. Pero mukhang hindi na kailangan. Hindi niya na rin kailangang ma-giguilty... Sa nasaksihan niya, nadudurog ang puso niya. Hindi niya akalaing mas masakit pala kapag makita mo iyong taong gusto mo ay may kahalikang ibang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD