"Welcome our sweet home!" Rinig niyang sabi ni Arthur mula sa kaniyang likuran. Malawak at malaki ang bahay. Mayroong sampung maids sa loob ng bahay at limang bodyguards sa kahit saang sulok. Nakita niya rin ang sampung sasakyan sa garahe na mukhang mamahalin. Kumikinang ang boung bahay sa mamahaling gamit kahit ang sahig mismo. Kung gusto mong manalamin kitang kita ang sariling reflection sa sobrang kintab nito.
"Goodluck sa akin sa bagong bahay na ito!" Pabulong niyang sabi. Pero narinig ito ni Arthur at bigla ito nagalit sa kaniya.
"What? Hindi kaba masaya kinasal ka sa taong mayaman at lahat ng gusto mo maibigay ha? Anong ba gusto mo para sumaya ka, ha? Tell me?" Namula ang buong mukha nito sa galit.
"Limang sigundong hindi makita iyang pagmumukha mo! Iyon ang gusto ko!" Sabi niya. Agad siya nitong hinaklit sa braso at sapilitang dinala sa malaking silid. Kahit anong piglas niya hindi siya makawala dahil sa malakas nitong mga kamay.
"Sige, limang segundong hindi ako makita. Okay, find! Your wish is my command diyan ka! Hindi ka lalabas diyan hangga't mamahalin mo ako!" Sabay sarado ng pinto. Sumigaw siya at nakikiusap na palabasin pero hindi nito ginawa. Umiyak na lamang siya at binalikan sa alaala kung bakit mabilis pa sa alas kuwatro ang pagdala sa kaniya sa Manila. Nalaman nitong may ibang lalaki silang kasama sa bahay at nagalit ito kaya naman walang nagawa si Tatay ng sapilitan siyang dinala dito sa manila. Makalipas ng isang minuto. Bumukas ang pinto. Kaagad niyang pinunasan ang luhang nasa pisngi niya at hinarap si Arthur.
"Umalis ka! Kung gusto mo! Pero ang utang ng Tatay mo babayaran niya pa rin sa akin at kapag hindi niya mabayaran sa loob ng limang araw makukulong ang Tatay mo! Mabubulok sa kulongan ang pinakamamahal mong ama." Akala pa naman niya makakauwi na siya pero nagkakamali siya ng iniisip. Dahil ginagamit lang nito ang malaking pagkakautang ni Tatay para hindi siya umalis at mapipilitang pakisamahan ito. Hangga't gusto nito. Wala siyang pagpilian ang manatili sa mansyon ni Arthur. Nakakamatay ang sobrang katahimikan at lawak ng paligid. Paano siya kikilos dito sa lugar na hindi niya nakasanayan.
Hinila siya palapit dito at ang isang kamay nito ay nakahawak sa buhok niya ng mariin. Masakit iyon pakiramdam niya matatanggalan siya ng anit sa ulo. Hindi pa nga inabot ng bukas ang pagtira niya dito. Lumabas na agad ang tunay na ugali ni Arthur. Mabangis ito at nakataas lagi ang boses. Hindi lang iyon magaan ang mga kamay pagdating sa babae. Kaya pa naman niya siguro...magtiis... Kakayanin niya para sa ama. Ayaw niya itong makulong matanda na si Tatay at hindi kaya ng kunsensya niyang pabayaan itong makulong at wala man lang siyang ginawa.
"Aray!!" Reklamo niya.
"Alam mo ano ang nagustuhan ko sayo bakit kita pinakasalan. Iyang inosente mong mukha. Rheanna Mhilca.. dahil alam kung hindi mo ako pagtataksilan, ha?"
"Paano mo nakakasigurong hindi kita pagtaksilan, ha?" Boung tapang niyang sabi dito. Naramdaman niya ang padapo ng malalaki nitong kamay sa mukha niya.
"Subukan mong manglalaki! Papatayin ko ang lalaki mo! At ikaw pagsisihan mo habangbuhay na kasama ako! Naitindihan mo, ha?!" Agad siyang napatango sa takot. Dahil sa pagsigaw nito sa mukha niya. Parang lalamunin na siya ng buhay.
"Oo!?" Sabi niya dito ng buong lakas.
"Good. My wife! Tanggapin mo na ako ang asawa mo at kapag lagi kang mabait sa akin may reward ka palagi, okay?" Hindi niya nagawang sumagot ng sapilitan siya nitong halikan ni Arthur. Habang ginagawa iyon, sa kaniya kusa namang tumulo ang mga luha niya sa pisngi.
Masakit ang boung katawan niya ng gumising. Ayaw niya pa sanang bumangon kung hindi siya ginising ng babaeng katulong para sabihing kakain na ng almusal at hinihintay na siya sa dining ni Arthur at sabay daw sila kakain bago ito aalis. Naka ready na iyong paligo niya malimgamgam na tubig ang panligo niya. Tinulongan rin siyang maligo ni Manang dahil sa pananakit ng kaniya katawan. Habang sinasabunan siya nito. Tumutulo naman ang kaniyang mga luha para itong gripo na bumuhos na lang bigla. Hinayaan lang siya ni Manang umiyak hanggang sa matapos siyang maligo at bihisan.
"Pwide na po kayong lumabas señorita." Rinig niyang sabi nito sa kaniya.
"Huwag mo akong tawaging señorita. Reca na lang po..."
"Okay, Reca..." Kita niya ang pangiti nito.
"Pasensya kana sa akin kanina ha? Nakakahiya tuloy..." Sabi niya dito. Napakamot ito sa kaniyang ulo.
"Okay lang po iyon. Trabaho ko po alagaan ka Reca."
"Salamat. Matagal kana ba dito?"
"Opo, matagal na..."
"Okay... Hindi mo ba ako huhusgahan bakit ako pumayag magpakasal sa amo mo. Kahit malayo ang gap ng edad namin? At ang lupit niya sa akin. Sinasaktan... " Sabi niya.
"Hindi po. Alam ko na ang totoong dahilan. Naawa po ako sa inyo pero mabait naman po si Sir, kapag sinunod mo ang gusto niya." Ngumiti siya ng mapait.
"Oo nga..." Tanging nasabi niya. Lumabas na sila sa silid at sinamahan siya nito kung saan naroroon si Arthur. Nasa pool raw ito nag almusal.
Naramdaman niya pa rin ang pananakit ng katawan niya. Wala siyang ginawa kagabi ang sayawan ito at hindi lang doon natatapos ang lahat marami pa itong ginawa na ikalaki ng aking mga mata. Hindi ko inaakala na kaya siya nagkaganon sa dating asawa dahil sa.. insecure. Marami itong insecurities. Kahit pa marami itong pera. Hindi pa rin mabibili ng pera ang kaligayahan ng isang tao.
Nang malapit na sila sa pool. Siya na ang tumuloy papunta kay Arthur. Marami pa raw gagawin si Manang. Nang makita siya ni Arthur tumayo na ito at pinaghila siya ng upuan doon daw siya maupo. Sumunod naman siya at naupo roon. Hindi ito umalis kaagad sa likuran niya. May anong bagay na kinabit sa kaniyang leeg. Kwentas... mamahaling kwentas. Hinalikan siya nito, sa buhok matapos kinabit sa leeg niya.
"It looks good on you.." wala sa loob siyang napahawak sa kwentas na ngayon nasa leeg niya na. Ngumiti siya ng tipid.
"Salamat..." Tanging nasabi niya. Kung ibang tao lang nagbigay masaya sana siya pero hindi.
"Your welcome, Sweetheart!" Masiglang sabi nito sa kaniya. Hinayaan niya lang ito maging good mood sa umaga. Ayaw niyang sirain ang mood baka, kapag sinira niya ang mood ni Arthur. Ihahagis siya sa malaking balon na kung tawagin nila dito ay pool. Hindi niya alam kung gaano iyan kalalim.
"Pwide na ba tayo kumain?" Pagputol niya sa kasayahan ni Arthur. Gutom na gutom na siya. Hindi siya nakakain kahapon ng maayos. Kaya siya ginutom ngayon.
"Sure. Sure! Sweetheart! Para lahat iyan sayo ang pinaluto ko." Mukhang masarap ang mga pagkaing nasa harap niya ngayon. Si Tatay kaya kamusta na siya roon. Silang Daryll... Nakaalis na kaya ito roon. Huminga siya ng malalim ang bigat lang sa loob.
"Bakit?"
"Wala lang... Naalala ko lang si Tatay kamusta na kaya siya roon?" Sabi niya.
"Siya ba talaga ang inaalala mo o ang lalaking iyon?"
"Wala namang namagitan sa amin ni Daryll..."
"Ah, Daryll... his name." Patuyang sabi sa kaniya.
"Please, huwag mo siyang saktan. Maniwala ka sa akin wala kaming relasyon. Bisita lang namin siya at babalik na sa Manila." Patuloy niya sa pagpaliwanag kay Arthur. Kinakabahan siya sa gagawin nito kay Daryll.
"Okay. Sabi mo, eh? Besides, you are mine now... and my wife. [May diin sabi sa akin] Don't worry about your Father. May mga tao ako roon na makakasama niya habang nasa poder kita. Para naman mabantayan si Tatay mo at hindi ka mag- aalala pa sa kaniya. Okay? Sweety!" Sabay pisil sa kaniyang kamay.
"Salamat. Maraming salamat! Kumain kana malelate kana sa work mo!" Sabi ko na lang. At sana tutuhanin ang kaniyang sinabi na hindi sasaktan si Dryll. Dahil kung sakaling may gawin man itong masama. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi talaga...
"Ako ang Boss! Kahit anong oras akong pupunta sa office walang magagalit sa akin." Sabi nito sa akin. Oo nga naman, ito may-ari ng company. Walang problema kung papasok ito o hindi.
"Okay, kumain na lang tayo." Sabi niyang may panginig sa boses.
Tahimik silang kumakain walang may gustong magsalita hanggang sa matapos silang kumain. Sinamahan siya nitong mamimili ng mga damit. Wala nga pala siyang dalang damit kahit isa. Heto sila ngayon sa mall. Nag shopping hindi siya makapili ng isusuot dahil sa hindi bero ng halaga nito.
"Totoo ba ang presyo nito?" Hindi maiwasang bulalas niya.
"Yes po, Ma'am, bagong stock po namin niyan at lahat ng stock namin ay mga branded po..."
"Wala ba kayong ukay-ukay?" Napansin niya ang pagtinginan ng mga staff sa tanong niya.
"Wala po, Ma'am.."
"Kumuha kayo ng mga damit na babagay dito sa asawa ko. Hindi siya makapag decide ng tama kaya kayo na ang bahala mamimili para sa kaniya lahat bayaran ko!" Agad namang kumilos ang mga staff at isa-isang sinukat sa akin ang mga damit. Wala akong nagawa ang pabayaan ang mga ito. Mahirap na kumontra sa gusto ni Arthur baka dito pa magkalat sa Mall. Nakakahiya sa lahat ng tao dito. Inabot kami ng limang oras sa boutique. Fifty items ang binayaran ni Arthur lahat iyon mga damit ko lang sa halagang 100K. Sobrang laki... Gusto kong maghihinayang pero wala akong choice ang hayaan lang ito sa gusto niya. Para akong manikang di' susi sa kalagayan ko.
"Are you happy?" Tanong sa kaniya. Masaya ang mukha nitong hinarap siya.
"Oo..." Pagsisinungaling niya.
"Good. Bukas mga sapatos at sandal naman ang bilhan natin. Hindi na kasi kaya ng oras ko. Kailangan ko pumasok sa office."
"Okay lang kahit isang pares lang ng tsinelas. Okay na sa akin." Sabi niya dito.
"Hindi. Sweetheart! Gusto ko lahat ng mga bagong uso ngayon ay bilhin mo at gagamitin." Hindi na siya umimik. Anhin niya ang mga materyal na bagay, kung hindi ka naman masaya. Ito nga pinamili nila ngayon. Baka nga hindi niya ito masuot lahat sa sobrang dami.
Sighed.
"You are my world... sweety.. and I will not allow someone to take you away from me. You are mine from now on. Okay. Hmm.." sabay halik sa labi niya sa harap ng mga tao.