Gumagalaw galaw pa ang isda nasa plastic. Hindi alam ang gagawin ni Daryll. First time niyang gawin pero no choice naman siya. Habang kinakaliskisan ito dumulas ito sa kaniyang kamay at tumatalon- talon pa. Hirap siyang hawakan dahil matinik ang isda. Pinawisan siya ng malagkit.
"F**k! Nakakainis!" Malakas niyang mura habang hinuhuli ang isda.
"C'mon... Pahuli kana huwag mo akong pagorin, fucker!" Bwisit na bwisit na siya akala mo sino ang kalaban niya. Ang isda lang naman na buhay pa rin.
Ano ba naman kasi lifestyle niya sa Manila kumpara rito. Buhay hari siya roon lahat ng mga kailanganin niya inaabot na lang ng mga maid at may mga tao siyang handang sumunod sa lahat ng mga pinapagawa niya. Wala na siyang dapat ipag- alala. Hindi tulad dito sa probinsya kailangan mong kumilos at matuto sa mga bagay bagay. Iba rin ang bigas na kinakain dito, kundi mais na dinurog, matabang ito kainin pero mabigat sa tiyan. Mga exotic rin ang mga inuulam nga mga tao rito. Dito lang din siya nakakain ng mga pagkaing akala mo hindi makakain iyon pala pagkain sa kanila. Dito lang niya nakakain ang palakang bukid, dagang bukid, bayawak, Paniki at iba pa. Nung una nangdidiri siyang kainin pero dahil gutom siya at wala siyang choice ang kainin na lamang. Minsan pa nga, mga lumilipad na insekto sa lansangan kinakain rin nila. Iyong alitaptap kinakain ito at piniprito ng mga taga rito lumalabas lang mga iyon pagkatapos ng ulan at napakarami pa. Minsan nakakainis dahil umaano sila sa ilaw. Pero dito kinukuha at kinakain walang sayang. Kahit iyong uod ng niyog na malaki kinain rin. Kapag nakauwi siya ng Manila magpaporga talaga siya kaagad. Baka mamaya mapupuno na ng bulati tiyan niya sa kakain ng mga exotic na pagkain. Minsan nanaginip siya ng masama dahil sa mga kinakain.
"Ayon nahuli rin kita! Ginigigil mo ako, ha?" Tuwang tuwa siya ng mahuli ang telapia. Hindi na niya hinayaang makawala pa ito. Pinokpok niya ito ng kutsilyo para mamatay na at hindi siya mahirapan.
"Anong nangyari sayo?" Natigil sa ginawa ng marinig ang boses ni Reca. Isa pa ang unano na ito. Para siyang kabote bigla na lang lilitaw kung saan-saan nakakagulat.
"What do you think I did?" May inis niyang sabi. Kanina pa kasi pinagod ng hayop na telapia nato.
"Tss... Kanina kapa. Tapos na kami sa lahat-lahat pero ikaw dito wala kang nalilinisan kahit isang isda at tingnan mo sarili mo basang basa kana. Ano naglalaro ka rito? Para ka namang mongoloid, eh?" Maliit na babae parang masinggan ang bunganga. Sino kayang lalaking makatiis sa maingay na nilalang na ito. Sa boung buhay niya ngayon lang siya nakakilala ng babaeng maliit na nga maingay pa. Ito iyong tepong babae na hindi mauubusan ng sasabihin. Lagi siyang nililibang kahit ano-ano na lang ang ikukuwento kahit hindi niya kilala sinasabi.
"What? Mongoloid?"
"Oo, iyan tawag namin sa tao kapag isip bata. Kanina kapa dito, eh? Tapos basang basa kapa! Di' naglalaro ka lang diyan." Hindi pa rin ito tumigil sa pagsasalita. Minsan gusto na niya ito halikan, eh? Ano halik? Ano kaba Daryll boy... Wala kana bang taste sa babae? Bakit sa tibo kapa hahalik? Agad sa iyang napapailing.
"Bakit ka naiiling diyan, ha?" Takang tanong nito sa kaniya.
"Ingay mo! Ikaw na kaya maglinis niyan. Magpapalit lang ako ng damit. Masakit pa ang katawan ko, eh. Total naman sanay ka niyan!" Sabi niya sa babae. Ang cute nito. Kumikibot-kibot ang bibig nito. Hindi niya alam ang binubulong ni Reca. Pero na cu'cutetan siya sa unanong ito.
"Haist... Wala karin palang kwentang asawa, eh? Batugan!" Kumunot ang noo niya sa narinig. Hindi siya batugan at lalo na ang walang kwenta. Responsible siyang tao. Hindi niya mapapatakbo ang 39 branches niyang companies kung wala siyang kwenta.
"Joke lang! Sige na umalis kana nga dito. Hindi ko alam kung paano ka nabubuhay sa ibabaw ng mundo na walang alam gawin. Kahit pagsibak ng kahoy at magsaing, hindi mo alam. Paano pa tayo bubuo ng isang pamilya kung wala kang alam gagawin! Hindi naman pwede aasa ka lang sa ibang tao!" Daldal nito. Habang naglilinis ng telapia.
"Alam mo para kang abnormal diyan! Kung ano-ano na lang lumalabas diyan sa bibig mo. Siguro may crush ka sa akin. Aminin mo?" Agad siya nitong binato ng tabo. Tumama ito sa kaniyang noo. Napakasadista naman ng babaeng ito.
"Ouch!"
"Ano? Kulang paba, ha? Ano ka sinuswerte! Hindi kita gusto! Tamad ka naman! ni' alagaan mo sarili mo hindi mo magawa!" Galit na galit ito. Instead na magalit rin siya. Lalo lang siyang na cute'tan sa dalaga. Namumula kasi ang pisngi nito.
"Highblood mo masyado... Kahit hindi ako magtatrabaho mabubuhay naman ako. Kung ikaw man sakaling maging wife ko. Mabubuhay pa rin tayo dahil diyan kana naman masipag na wife handang alagaan ako. Alam mo kasi mas gusto ko iyong inaalagaan ako at minamahal..." Wikang sabi niya sa dalaga. Pagkatapos ay umalis na siya agad. Baka muli naman siyang paltokin.
"Antipatiko!" Rinig niyang sinabi nito.
Nang mag-isa si Reca. Para siyang nakalipad sa ulap. Paulit-ulit kasi sa isipan niya ang huling sinabi nito. Kung may makakita sa kaniya ngayon baka iisiping nababaliw na siya. Ang lakas ng t***k ng puso niya. Para itong gustong makawala sa cage sa tindi ng pintig. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag gusto mo ang isang tao. Kinikilig ka at parang nasa paraiso ka napapalibotan ng mga makukulay na bulaklak at paro- paro.
"Kumain kana." Nilagyan niya ito ng kanin sa plato at isda si Daryll. Parang baby damulag niya ito, eh?
"Salamat. Ikaw rin..." Sabi nito sa kaniya. Naiwan silang dalawang kumain. Nauna na kasing kumain si 'tatay. Pagod ito maghapon sa bukid marami kasing pinapagawa sa bukid si Don Arnulfo. Kaya naman maaga pa lang ay nagpapahinga na ito.
"Sige. Talaga bang mas gusto mo iyong inaalagaan ka? Bakit?" Tanong niya bago sumubo ng kanin at ulam.
"Uhm, Yes.." pabitin nitong sagot. Minsan kasi isang tanong isang sagot rin itong lalaki, eh? Kainis...
"Bakit nga? Hindi kaba minahal ng pamilya mo?" Hinimayan niya ito ng isda ng mapansing hindi ito marunong magtanggal ng mga tinik. Minsan nakukuryos siya sa mga kinakain nito, kung ano ba talagang pagkain nila sa Manila. Marami kasi siyang mga bagay napapansin dito sa lalaki. Maraming walang alam gawin. Kahit paglalaba ng mga damit nito. Siya pa naglalaba. Kasi kung hindi niya labahan ang mga damit nito mangangamoy ang mokong.
"Basta gusto ko iyong minamahal ako." Parang may sirang ulo ang taong 'to. Sabik ba siya sa pagmamahal. Wala ba talagang nagmamahal sa kaniya sa manila. Imposible naman kaguwapo niyang lalaki tapos walang nagmamahal. Baka naman niluluko lang siya. Marami siyang nalalaman, na ang mga taga labas daw mabulaklakin ang bibig hangga't hindi nakukuha ang gusto nila, hindi ka titigilan. Kaya lang hindi naman siya nililigawan ni Daryll parang bunsong kapatid nga lang, ang turing nito sa kaniya.
"Hindi kita maintindihan..." Inis niyang sabi.
"Anong hindi mo maintindihan sa sinasabi ko?" Kunot-noong tanong naman nito sa kaniya.
"Ang labo lang kasi... At hirap intindihin, eh? Gusto mo ikaw ang minamahal... Ano naman ang ambag mo roon?" Marami na siyang nakakain. Pero kunti palang kinakain ni Daryll, nagda-diet ba ito?
"Sperm?" Napabuga ng kanin si Reca sa narinig. Bumara pa sa kaniyang lalamunan ang tinik. Kaagad namang kumilos si Daryll para kunan siya ng tubig. Mabuti na lang natanggal kaagad, at mabuti na lang din maliit lang ang tinik. Kung nagkataon na malaki. Matitigok na siya sa wala sa oras.
"Buwiset ka talaga! Papahamak mo ako, eh!" Galit niyang sabi sa lalaki. Parang wala naman itong pakialam sa mga sinasabi.
"Ano? Tama naman ang sagot ko!" Napakamot ito sa ulo.
"Kasalanan ko pa ngayon kung muntikan ka ng mamatay diyan. Paano naman kasi ang takaw mo kumain. Pero hindi naman tumaba. Naiisip ko tuloy kung ikaw maging asawa ko malulugi ako sayo!" Nakangising sabi ng lalaki.
"Haha! asawa ka diyan! Never iyon mangyari." Sagot niya naman sa binata. Tumawa lang ito. Napaka gwapo talaga!
"Ayaw mo ba sa akin. Gwapo naman ako at mabait." Nakangiting tanong sa akin ni Daryll.
"Tamad naman! Walang alam gawin! Magugutom lang ako sayo. Imbes na maganda maging buhay ko mas lukot pa sa bulbol ang maging buhay ko sayo, kapag ikaw nakatuluyan ko Never!"
"May bulbol bang lukot?" Magkahulugan nitong tanong.
"Tse!" Dinala na niya ang mga pinagkainan sa lababo. Hinugasan niya na rin ito.
"Ako na magpupunas ng sahig."
Boluntaryo ng binata.
"Mabuti pa nga! para may pakinabang ka naman dito sa buhay." Sabi niya sa lalaki. Semprey! Bero lang iyon mga palitan nila ng salita. Game na game na naman kasi si Daryll sa kahit anong sabihin niya. Siguro nabo-bored na dito kaya siya itong napagtripang asarin lagi.