Kabanata 5

1607 Words
Maraming namimili at siksikan pa pero ayos lang. Mabuti na lang hindi reklamador na kasama si Daryll.Tahimik lang itong nakasunod sa kaniya. Ito na rin ang nagdala ng mga pinamili niya. May pakinabang rin pala ang pagsama nito kahit papaano. "Hoy, Reca! Bili ka ng isda ko! Murang mura lang 'to." Rinig niyang tawag sa kaniya ni Manang Flora. "Ay sige po.. magkano po ba?" Agad naman siyang lumapit sa puwesto nito. Nakita niyang malalaki ang mga paninda ng isda nito." Masarap pang ihaw² lalo na kapag sariwa pa. "Hey, bakit ka tumakbo? Paano kung nadapa ka?" Medyong inis na sabi sa kaniya ni Daryll. "100 per kilo. Aba! Sino iyang kasama mo gwapo ah!" Takiling nito sa lakuran niya. Matanda na nga mahilig pa rin sa gwapo. Hays! "Ah, eh, siya ang kuya ko." Sabi niya. Kumunot ang noo ni Daryll sa narinig. Dumikit siya dito at siniko ang binata. "What?" "Umuo ka lang diyan, wag na reklamo!" pabulong niyang sabi sa lalaki. "O-opo.." napipilitang s**o nito. Ngitian niya ito. Pero nilakihan lang siya ng mata. "Talaga! May iba pang anak si Benjie. Bakit hindi ko alam iyon." Takang sabi nito sa kaniya. "Baka lang po... Ayaw niya lang ipaalam sa iba. Isa pa po, kararating lang po 'to kuya ko manila po siya nakatira." Masayang kwento niya sa matanda. Namilog naman ang mga mata nito. "Talaga! Kaya naman ganda ng balat mo. Bagay kayo sa dalaga ko. Tiyak akong matutuwa iyon kapag nalaman niyang may anak na taga Manila si Benjie. Alam mo kasi matagal ng pangarap ng anak kong makapunta sa Manila." "Ganon po ba?" "Oo, Flora ang pangalan ko. Ang dalaga ko naman si Carlota mas maganda iyon sa lahat ng dalaga dito sa atin. Mas swerti ka, kung maging kayo. Alam mo ba Miss San Visinte iyon. HAHA!" Hindi na maipinta ang mukha ni Reca. Sana sinabi niya na lang na boyfriend niya si Daryll pero magmukhang katawa-tawa naman siya sa paningin nito. Kapag ginawa niya iyon. "Daryll naman po ako. Sana po makilala ko siya..." Rinig niyang sabi ni Daryll sa matanda. Nakasimangot siya bigla sa narinig. "Naku! Tamang tama iho, mayroong sayawan bukas ng gabi sa barangay natin at lahat imbentado. Sana naman makapunta kayo ni Reca!" Masiglang bigay alam sa binata. "Hindi po kami makapunta Manang Flora. Alam niyo naman na malayo ang barangay mula sa bahay namin at gabi iyon. Hindi papayag si Tatay baka mapano pa kami sa daan." Palusot niya sa babae. Ayaw niya pumunta sa ganiyang sayawan. "Oo nga pala. Pero huwag kang mag-alala ako bahala kay Benjie ipaalam ko kayo sa kaniya at ipasundo hatid ko kayo sa mga kagawad natin sa barangay." Sabi nito. Malakas sa barangay kagawad. Palibhasa kapatid nito ay isang kapitan. "Sige ho, gusto ko rin iyang sayawan." Rinig niyang pagpayag ni Daryll sa matanda. Napatalon naman ito sa tuwa. Nagmamadaling lumakad si Reca. Inis na inis siya sa lalaki. Basta basta lang itong pumayag sa paanyaya ni Manang Flora samantalang kakilala lang kanina. Tapos agad agad magtiwala kapag maganda ang usapan, mga lalaki talaga. "Nandito ka lang pala... bakit bigla kana lang nang iiwan, ha?" Hindi niya ito pinansin. Parang batang nagmamatol siya dito. "Hey, harapin mo ako!" Medyo may inis nitong sabi. Hinihingal pa ito sa layo ng nilakad nila. "Ayaw ko..." Nagtatampong sabi niya. "Ano ba problema mo ba't nagkaganiyan kana?" Tanong ni Daryll sa babae. Bigla na lang kasi nag- iba ang mood nito. Kanina lang masaya pa ito. Ngayon hindi na maipinta ang mukha. "Nakakainis ka! Bakit pumayag ka agad sa sinabi ni Manang Flora sayo! Porke't may anak siyang maganda papayag kana agad. Ganiyan ba kayo mga lalaki basta may maganda agad agad! Pumayag sa imbetasyon?" Hindi maitago ang inis niya sa mukha. "Nagsisilos kaba?" Hindi kaagad sumagot si Reca. Bigla siyang napahiya. Semprey, hindi niya aaminin. Ano siya sinuswerte... "Bakit ako magsisilos? Hindi naman kita boyfriend! At kuya nga kita, eh?" Sabi niya dito. "Sige, pero bilang kuya mo dapat ako ang nasusunod kung anong gusto kong gawin. Pwide ka namang hindi sumama, eh? Kung ayaw mo!" Napasimangot siya lalo at mukhang maiiyak. "Ang sama mo! Pero paano ang mga sugat mo baka mamaya ma-infection iyan. Imbes na gumaling kana mas lumala pa. Hindi kapa masyadong magaling. Okay lang ako... Babantayan kita." Pakumbabang sabi niya dito. Hindi niya pwide pabayaang mag-isa ito. Lalo na kapag nandiyan si Carlota. Para pa naman itong sawa kung makalingkis sa lalaki. "Thank you sa pagmamalasakit mo sa akin. Balang araw makakabawi rin ako sa inyo ng Tatay mo." Sabi nito sa kaniya. "Wala iyon. Sige na, lumakad na tayo baka nag-aalala na iyon si Tatay sa atin. Bakit ang tagal natin. Tulongan na kitang bitbitin ang iba para magaan na lang dala mo." Kinuha niya ang ibang pinamili. Kaagad rin naman nito binigay sa kaniya. Habang sabay silang naglalakad. May gumugulo sa isipan ni Reca. At hindi siya makakatulog mamaya kapag hindi niya ito nailabas. "Ahm, Daryll..." Nahihiyang tawag niya dito. Hindi ito sumagot sa kaniya, nagtuloy lang ito sa paglalakad. "Ano kasi... Huwag na lang." Huminto ito sa paglalakad at hindi niya ito agad napansin. Hindi naman kasi siya nakatingin sa unahan. Nakasunod lang siya dito sa pagalalakad. "Aray naman!" Tumama ang ulo niya sa malapad nitong likod. "Tingnan mo dinadaanan mo kasi!" "Bakit kasi bigla kang huminto alam mo namang nakasunod ako sayo, eh?" Inis niyang sabi sa lalaki. Kumunot ang noo ni Daryll nakatingin sa babae. "May sasabihin ka di'ba? Kaya mo ako tinawag?" Sambit nito. "Wala na... Kalimutan mo na..." Naiinis niyang wika dito. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Sige ka, baka lalaki iyang eyebags mo mamaya sa kakaisip kung ano iyan. Ano ba iyang itatanong mo ha?" Pangungulit nito sa kaniya. Tama naman ito kapag hindi niya itatanong nasa isip niya. Hindi siya patutulogin. "Huwag mo lang bigyan ng malisya iyong itatanong ko sayo." "Bakit naman? Ano ba iyan?" "Uhm, liligawan mo ba agad si Carlota kung sakaling nagagandahan ka sa kaniya. Siya na ba ang pakakasalan mo?" Magkasunod niyang tanong sa lalaki. Nagkibit-balikat naman ito. "Dipendi... Kung ganda lang ang basihan para ligawan mo ang isang babae." Hindi niya agad maintindihan ang sagot ni Daryll. "Anong ibig mong sabihin. Hindi mo siya liligawan kahit siya pa ang pinakamaganda sa balat ng lupa?" "Gaya ng sabi ko kanina dipinde lang iyon kung ganda lang ang basihan. Pero kung hindi naman hanggang kaibigan lang." Nakangiting sabi sa kaniya. "Ano ba type mo sa babae para makapasa sa standard niyo mga lalaki?" "Uhm, semprey maganda at mabait!" "Pero paano kung maganda at mabait si Carlota pero may tinatagong kulo pala!" "Hindi mo ba isasali ang sarili mo. Maganda ka rin at maalaga. Kahit na parang lalaki kang kumilos." "Eh..." hindi niya alam ang isasagot. Kahapon lang sinabihan siyang cute at ngayon naman maganda. Ayeeh! Umigat kana bes.. huwag ka agad bibigay. "Inaakit mo ba ako? Naku, huwag mo ng ituloy kasi... Parang kuya na kita eh?" Sabi niya upang pagtakpan ang sarili. "Age doesn't matter..." Sabi nito sa kaniya. Biglang uminit ang pisngi niya . Oo nga naman no! Bakit pa ako nag aalangan. Hay naku Reca! Parang hindi mo alam. Marami nga diyan mas matanda ang babae sa lalaki o si lalaki. "Eh, kahit na! Ayaw ko sayo!" Labas sa ilong ang pagtaggi niya dito. "Ayaw ko rin sa maarti!" Rinig niyang sabi nito at iniwan siyang mag-isa. "Hoy! Narinig ko iyon sinabi mo sa akin. Hindi ako maarti! Baka ikaw diyan. Ako pa ngayon ang maarti." Siya pa nga iyong maraming ayaw kainin. Hmp, iniwan ba naman ako. Humanda ka sa akin sa bahay. Hindi kita kakausapin bahala ka sa buhay mo. "Bakit ang tagal niyo?" Salubong sa kanila ni 'Tatay. Nagmano muna siya dito bago sumagot. "Mano po 'Tay, marami po kasing tao namili kaya ang tagal namin sa bilihan. May problema po ba dito?" Napansin niyang balisa ito at may dinadalang problema. "Ah, Ano ba iyang mga pinamili mo anak?" "Isda, karne at mga kunting gulay." Sabi niya sa ama. "Heto na po ang mga binili namin 'Tay Benjie." Si Daryll. Pawisan ito. Dahil sa paglalakad nila ng malayo. Mayroon pa ngang namuong pawis sa gilid ng mukha nito. Gustong gusto na niya ito punasan ng towel pero pinipigilan niya ang sariling gawin iyon. Baka iba ang iisipin nito. Baka isipin nito inaakit niya ito. Kahit hindi naman. Pero gusto. Hehe! "Salamat, anak... At sa pagsama mo kay Reca sa palengke. Kahit medyo may kalayuan ito." Nakangiting sabi dito ni Mang Benjie. "Walang anoman. Masaya po akong nakapasyal at babae po si Reca. Hindi maganda sa gaya niyang babae mag-isang naglalakad sa gitna ng gubat baka mamaya po may masasamang tao pa at gawan ng masama itong si Reca." Sabay kindat sa kaniya ng lalaki. Kaagad niya namang inirapan ang binata. "Wala pa naman masamang nangyari sa akin sa tagal-tagal ko ng nakatira dito. Pero salamat pa rin sa pagsama mo sa akin." Magalang niyang sabi dito. Tumango lang ito. "Ah, Daryll may pag- usapan lang kami sandali ni Reca. Pwide ba ikaw na bahala dito sa mga binili. Bahala ka na kung anong ulam ang gusto mo lutuin." Si Mang Benjie. "Okay po, walang problema po sa akin. Ako na po bahala dito." "Marunong ka kaya ng mga iyan!" Walang tiwalang tanong niya kay Daryll. "I will try..." Muli na naman siyang kinindatan. Buti na lang at hindi nakatingin sa kaniya si Tatay. Kung nagkataon sigurado siyang pagagalitan si Daryll o di kaya makurot pa siya sa singit ng ama. May pakindat kindat pa itong nalalaman ang unggoy. Gwapong unggoy! Sigaw ng kaniyang isipan. Oo naman ah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD