Kabanata 7

1508 Words
"Sigurado kabang sasamahan mo ako kumuha ng kamoteng kahoy?" Tanong niya sa lalaki. Kukuha siya ng kamote para kuskusin at ang iba naman ay ibinta kay Aling Doris. Ginagawa kasi nito ng casava cake. At ibibinta rin sa mga kakilala nito. Minsan ko na rin natikman ang gawa nito at masarap. Kaya naman hanap hanapin ito sa kahit sinong makakatikim luto ni Along Doris. Sa kaniya na rin ito bumili ng kamoteng kahoy. "Oo nga, kanina mo pa ako tinatanong, ah?" "Sinisigurado ko lang baka kasi napipilitan ka lang." Saad niya. "Wala naman kasi akong gagawin sa bahay. Wala kahit anong bagay pwideng paglibangan doon. Hindi magtatagal mababaliw na ako." Reklamo nito. Gusto niya rin naman kasama si Daryll para may tagabuhat ng kamote at dalhin kay Aling Doris. Mabigat kaya. "Sige na nga." Nauna na siyang naglakad sa lalaki. Tahimik lang ito sumunod. Napapansin niya nagpuputol ito ng sanga kada madaanan nila. "Anong ginagawa mo?" Takang tanong niya sa lalaki ng lingunin ito. "Palatandaan natin para alam natin kung paano bumalik." Simpleng sagot nito sa akin. "Ah. Okay." May utak rin minsan. Naglalakad na sila ni Daryll. Hinayaan niya lang ito sa ginagawa. "Bakit hindi mo ito alam?" Hindi nakatingin na tanong sa kaniya. "Semprey alam ko... Kaya lang hindi ko na kailangang gawin iyan. Dahil taga rito ako at kabisado ko na ang daan." Sabi niya. Totoo naman iyon sa tagal na niyang pabalik- balik sa gubat. Hindi pa ba niya makabisado. "Sabagay... Pero maglagay pa rin ng palatandaan malay mo bigla tayo magkahiwalay mabuting alam ko rin ang daang pabalik sayo..." Sabay kindat sa akin. Inirapan niya ito ng magtama ang kanilang mga mata at tama naman din si Daryll. Hindi natin alam ang mangyayari sa daan habang naglalakad. Pero syempre hindi pa rin siya nagpapahalata kahit sasabog na siya sa sobrang kilig sa mga hirit nito. Bakit may laging ganon na parang nilalandi siya. May gusto kaya sa kaniya si Daryll. Imposible naman siguro hindi siya papasa. Hindi naman siya maganda at wala pang natapos. Kumpara sa mga babaeng nakapalibot dito may mga natapos at pwideng ipagmalaki sa kahit sinong kakilala. Walang wala siyang pwideng ipagmalaki at hindi siya nababagay sa mundo nito. Hindi! "Naku! naman bakit ngayon pa ako mamalasin! Nakakainis naman, eh?" Reklamo ng dalagang si Carlota. Hindi pa nga siya nakarating sa pupuntahan niya minamalas na kaagad. "Ahh!! Asar!!" "Sino iyan?" Nang makarinig ng kaluskos at boses banda roon. "Bakit may napansin kabang ibang tao?" Tanong sa kaniya ni Daryll. "Oo, may narinig akong boses babae..." Sabi niya naman. "Ha? Maganda kaya?" Nakasimangot na hinarap siya ni Reca. Ang bilis magpalit ng expression ang lalaki. "Bakit ang hilig mo sa magagandang babae?" Tunong naiinis dito sa binata. "Bakit? Anong masama roon? Natural lang iyon gwapo ako, eh?" Kinindatan siya nito. "Saan banda?" "Ang alin?" "Saang bandang gwapo ka?" "Kahit saang banda gwapo ako. Bakit hindi kaba nagugwapohan sa mukhang ito?" "Iwan ko sayo. Diyan kana nga!" Naiwang napakamot sa ulo ang binata. Parehong nagulat ng masalubong si Carlota sa gitna ng gubat. Magulo ang buhok nito at walang sapin sa paa. Bitbit nito ang sandals na sira. May mga dumi pa sa ulo ng mga tuyong dahon. "Carlota?" Gulat siya ng makita ang babae sa gubat. Mag- isa lang ba ito umakyat sa bundok. Wala ba itong kasama? Bakit? "Reca? Oh my god! Mabuti naman at nakita kita agad. Hirap na hirap ako tulongan mo ako..." mangiyak-ngiyak itong niyakap siya. Kaagad naman siyang lumapit sa babae na may pag-aalala dito. "Anong nangyari? Anong ginagawa mo dito?" Tinutulungan niya itong makatayo at pinaupo sa malaking sanga ng puno. "Salamat. Pupunta ako sa inyo para kausapin si Mang Benjie na imbitahan kayo mamayang gabi sa sayawan. Alam kong sinabi sayo ni 'mama. Sabi kasi ni mama na may kapatid ka pang galing manila at nandito siya ngayon. Saan siya? Kasama mo ba ngayon?" Hinanap nito si Daryll. Si Daryll nga pala bakit hindi niya naramdamang sumunod sa kaniya naligaw kaya ito. "Sinadya mo talagang umakyat dito para lang imbitahan kami sa sayawan mamayang gabi. Hindi kaba natakot mag-isa, ha? Carlota?" "Kasama ko si Doday naiwan lang dun ang bagal kasing maglakad, eh?" "Saan na kuya mo? Gusto ko siyang makilala sabi ni 'mama sobrang gwapo daw pero nakapagtaka lang daw dahil hindi kayo magkamukha at ang layo daw sa etsura." Napahugot siya ng malalim na hininga. Mukhang wala siyang takas pa sa bibig ni Carlota na matanong. "Hindi totoong magkapatid kami ni Daryll... Bisita lang siya dito napadpad sa aming lugar." Tapat niyang sabi. Nakita niya ang paglaki ng bibig nito kulang na lang pasokin ito ng langaw. "What? Bakit sinusulo mo siya. Dapat sa amin siya titira kaysa dito! Alam naman dito na mga lahi kayong aswang dahil mga exotic ang kinakain." Ano naman ngayon kung iyon ang kinakain masustansya naman iyon. "Hindi ko alam." May inis niyang sagot sa babae. "Kainis ka... Hindi mo lang sinabi na may tinatago ka sa inyo gwapong nilalang! Hindi mo man lang naikwento sa akin. Kahit hindi tayo close dapat sinabi mo pa rin sa akin. Ang damot mo!" "Sorry po... Malay ko ba interesado ka pa rin sa gwapo eh, mayroon ka ng boyfriend." Pambubuking niya sa babae. Labas ang cleavage nito sa suot na damit. Makinis at maganda wala siya sa kalingkingan ni Carlota nag mukha lang siyang basahan, kung ipagtabi sa dalaga. Ilang beses din itong nanalo sa pagiant sa kanilang lugar. Dahil sa gandang taglay nito. "Hiwalay na kami ni Brandon matapos siyang umalis at nagpunta ng abroad!" Gusto niyang maawa kay Carlota pero alam naman niyang mabilis itong magpalit ng lalaki. Parang nagbihis lang ng damit ganorn.... Buwan buwan na lang may kapalit na agad. "Carlota kung balak mong isama sa mga listahan mo si Daryll. Nakikiusap ako sayo na huwag mo ng ituloy. Mabuting tao si Daryll at huwag mo siyang paglaruan utang na loob." Umangat ang isang kilay nito ng tumingin sa mukha niya si Carlota. "Ano ba pinagsasabi mo diyan. Gusto ko lang naman siyang makilala at maka-partner sa sayaw mamaya. Ayaw kong mapahiya na wala akong kasamang partner na pumunta sa sayawan. Baka isipin nila nauubusan na ako ng lalaki, kahit hindi naman." Saad ni Carlota. Sa totoo lang nag-aalala lang naman siya kay Daryll baka masaktan lang ito ni Carlota. Si Carlota ang tepong babaeng madaling magsawa sa lalaki. Kapag ayaw na niya basta na lang nito iiwan na walang dahilan. Natatakot lang naman siya para kay Daryll ayaw niyang makitang masaktan at madurog ito ng dahil lang kay Carlota. "Kilala na kita Carlota... Kung magpalit ng lalaki parang nagpalit lang damit at basta na lang itatapon. Ayaw kong gawin mo iyon sa kaibigan ko. Mabuti siyang tao." "Excuse me! Huwag kang paniwala sa mga tsismiss dahil sila iyong unang nang-iwan at ako ang biktima dito!" May pinaghuhugutan ito at ramdam niya naman na nagsasabi ito ng totoo. Hinawakan nito ang dalawang kamay niya parang maamong tupa ang mukha nito. "Anong ginagawa mo?" Hinila niya agad ang mga kamay na hawakan ni Carlota. "Reca, please tulungan mo akong makumbinsi ang kaibigan mo. Kahit ngayon gabi lang. Pagkatapos nun wala na... Please?" Humugot siya ng malalim na hininga. "Sige. Ngayong gabi lang pagkatapos wala na." Nakangiting tumango naman ito sa kaniya. "Oo, salamat talaga! Reca, Friend na kita talaga." Masayang niyakap siya nito ng mahigpit. "So nasaan siya?" Lumikot ang mga mata nito sa paligid. "Uhm, kanina lang eh, kasama ko siya pero hindi ko namalayang hindi siya sumunod sa akin." "Ano? Saan siya?" "Hindi ko alam!" "Ano ba 'yan Reca! Paano na iyan mamayang gabi na iyong party at hindi pwideng wala akong partner doon." Nakita niyang problemado ito. Malay ba niyang hindi ito sumunod sa kaniya kanina. Hindi rin siya nag abalang lingonin ito. Paano kasi inaasar naman siya ng lalaki. "Tulongan mo akong hanapin siya Carlota alam kung diyan lang siya sa paligid nagpaikot-ikot. Alam mo naman sa gubat maraming engkanto baka pinaglaruan..." Sabi niya. Nakita niyang namilog ang mga mata ni Carlota. "Ano? Engkanto? Tinatakot mo ba ko, ha? Reca?" Napansin niyang takot rin pala ito. "Marami dito... At mahilig sila sa magaganda. Baka matepuhan ka nila." May halong pananakot niya kay Carlota. "Reca naman, eh?" Ramdam niyang takot sa boses nito. Nagtago pa ito sa kaniyang likuran. Nang humangin ng malakas napasigaw ito sa takot. "Ahhh!! Parang awa niyo... huwag ako? Itong si Reca na lang ang kunin niyo. Hindi ako! Iiyak ang mga lahi ni Adan kapag namatay ako!" Napangiwi siya sa sinabi nito. "Hey?" "Huwag po..." Lalong natakot ang babae at napaiyak ito. Mga lamang lupa lang pala ang kahinaan nito. "Ahm, Carlota... Walang engkanto dito. Tinatakot lang kita iyong marinig mong boses nasa harapan natin nakatayo." Nakangusong turo niya. Sumilip naman ito mula sa likuran niya. "Kanina pa kita hinahanap. Mabuti na lang nasundan ko ang amoy mo at dito ako dinala." Ano daw? Ano siya aso nakakaamoy. At anong amoy iyon? "Hi!" Kumunot ang noo ni Daryll ng makitang may ibang tao pa silang kasama sa gubat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD