Mag-isang kumuha si Rica ng kamoteng kahoy. Hindi man lang siya tinutulungan ni Daryll. Nakilala lang nito si carlota. Nakalimutan na siya ng lalaking iyon. Nung una nag-ilangan pa ang dalawa pero nagtagal para na silang lalanggamin sa sobrang lapit nila sa isa't-isa. Inis na inis niya naman pinasok ang mga kamoteng kahoy sa sako. Hayop na lalaking iyon pinabayaan lang ako dito! Hindi man lang ako tinulongan dito sa kamote. Akala mo sinong gwapo! Tse! Hindi pa rin naghiwalay ang dalawa. Ano kayang ginagawa ng mga iyan, medyo may kalayuan siya sa mga ito. Hindi niya nakikita kung anong ginagawa. Hindi kaya inaakit ni Carlota si Daryll. At ang lalaki naman nagpapaakit rin kainis! Hindi pwide! Mga bastos! dito pa talaga gagawa ng kalaswaan.
"Diyan ang masakit, eh? Marunong kaba talagang hilutin iyan." Sa malambing na boses.
"I just try.. Just bear the pain." Sinisimulang hilutin ni Daryll ang angkle ni Carlota.
"Ahh!! Daryll... Ahh!!"
Pinawisan ng malagkit si Daryll. Hindi niya alam kung kaya niyang hilotin ang paa ni Carlota.
"Sorry... Mas mabuting ipatingin mo na lang sa doktor baka may pilay kana." Payo niya sa babae.
"Ah, hindi. Tuloy mo lang iyan. Ganito lang ako. Huwag muna pansinin!" Hindi pa rin nagbabago ang boses ni Carlota halatang inaakit si Daryll.
Muling hinilot niya ang paa nito. Hindi siya sigurado sa ginagawa.
"Ahh!! Sarap!" Malakas na daing ni Carlota.
Tumigil sa paghakbang si Rica ng makarinig ng ungol. Nakatalikod si Daryll dito at nakaluhod ang isang paa nito sa lupa. Ang isang tuhod naman ay nakabaluktok. Hindi niya alam kung anong ginagawa ng dalawa. Nakikita niyang seryoso ito sa ginagawa na akala mo nagdarasal. Pero hindi siya papayag na sa harapan niya pa gagawin ang kanilang scandal. Hindi!
"Hoy! Rinig ko kayo, ah! Ang babastos niyo ah?" Galit niya sabi.
Saglit siyang nilingon ni Daryll. Nakita niyang pawisan ito at parang kanina pa naiinis, sa nakikita niya. Kung anomang ginawa.
"Help me here... Hindi ko alam kung tama itong ginagawa kong paghihilot sa paa ng kaibigan mo." Sabi niya, sa dalagang nakasimangot ang mukha ng lumapit. Hindi niya alam kung tama ang ginagawa niya sa paghihilot sa paa ni Carlota baka matuloyang hindi makalakad.
Agad namang lumapit si Rica at sinilip si Carlota. Baka namang nagpapanggap lang itong masakit ang paa kahit hindi naman. Nung sila lang ni Carlota kanina maayos naman ito nakatayo ang babae pero bakit ngayong bigla na lang sumakit ang paa ng dumating si Daryll. Hindi kaya nag-iinarte lang ito.
"Akin na nga tingnan ko... Akala ko kung anong na ginagawa niyo dito, eh? May pa ungol kayong nilalaman diyan, eh?" Medyo inis niyang boses.
"Masakit ang paa ko Rica. Siguro hindi ko kayaning bumaba sa bundok na ganito. May ano pa naman ako mamaya interview sa event alam mo na..." Sa malumanay nito sabi. Sinuri niya naman ang paa nito at wala naman siyang nakitang kahit anong pamamaga sa paa ni Carlota.
"Totoo bang masakit ang paa mo, ha? Bakit kanina maayos ka naman naglakad?" Tanong niya dito. Hindi ito makatingin sa kaniya ng tuwid.
"Kanina iyon.. pero ngayon masakit na masakit ang paa ko. I want help.." pinakita sa kaniya ang mukhang nasasaktan at napapaiyak.
"Maybe we should help him get home." Wika ni Daryll. Nagdiwang naman ang kalooban ni Carlota sa narinig. Pero taliwas naman sa etsura ni Ricang disagree.
"Talaga! oh, thank you, Daryll... Totoo Rica... Kailangan ko ang tulong ni Daryll. Para alalayan niya akong makalakad at makauwi sa amin. Pwide rin doon na siya magpalipas ng umaga kasi hapon na rin, eh?" Daig pa nitong hindi makabasag pinggan sa sobrang malumanay na magsalita.
"Yes, I will help her?" Sabi niya sa akin. Tutulongan nitong makababa sa bundok si Carlota eh, paano naman iyong kamote dadalhin pa iyon kay Aling Nora. Kailangan na bukas. Sino ang magbubuhat sa isang sakong kinuha kong kamote. Mabigat pa naman iyon.
"Hindi ba may kasama kang umakyat dito bakit hindi natin sila hintayin ha?" Sabi ko naman kay Carlota. Hindi ito agad nakasagot.
"Yes, sinabi ko kanina pero hindi na sila tumuloy umakyat dahil hindi nila kaya pang magpatuloy. Please, tulongan mo ako Daryll... Ayaw kung maabotan ng gabi dito. Natatakot ako..." Nakikiusap na sabi kay Daryll.
Napansin naman niyang pagpayag ni Daryll kaagad.
"Tulongan ko siya" Sa kaniya ito nakatingin.
"Hindi pwide! Paano iyong kamote ko marami iyon... Sino ang magdadala nun. Kailangan na iyon ni Aling Nora bukas." Agad niyang pagtutol sa dito. Hindi siya papayag na soluhin ni Carlota si Daryll.
"Ikaw?" Hindi makapaniwalang hahayaan lang siyang magbubuhat ng mabigat. Mas pinili nito si Carlota kaysa akin. Pero hindi rin naman kaya ng kaniyang kunsensiya kung basta lang niyang pabayaan si Carlota baka mamaya may masama pang mangyari pa dito.
"Ano? Ako?" Turo niya sa sarili. Parang gusto niyang sisihin si Carlota dahil sa pagkakasakit nito.
"Please? Rica... Ayaw kong matuloyang hindi makalakad... Marami pa akong pangarap sa buhay. Please?" Nagmamakaawa ito sa kaniya. Kung hindi lang siya naawa. Hindi siya papayag. Pero ayaw niya namang siya pa ang sisisihin sa hindi pagkakalakad nito ng tuluyan.
Bumuntong-Hininga si Rica ng walang magawang sumang-ayon na lang dito.
"Sige."
"Salamat... Friend." Sabi niya sa akin. Bigla na lang ito naging mabait sa akin.
"Daryll, ihatid mo siya ng ligtas at ingat ka din sa pag uwi." Bilin ko sa kaniya. Bago ako tumalikod sa kanila. Pero naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.
"Sandali. Hindi kaba sasama?" Kaagad siyang umiling sa binata.
"Hindi. Walang kasama si Tatay. Ayaw ko siyang iwan mag- isa sa bahay. Alam mo na may edad na si Tatay at madalas siyang binabangungot sa gabi ng masama." Totoo naman iyon. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi niya ito maiwan-iwan ang ama.
"Okay... But, don't worry I'll be back early tomorrow." Tumango lang siya dito. At umalis na para kunin ang kamoteng kinuha at ng madelever na ito.
Pero nilingon niya ito ng isang beses. Nakakawit ang mga kamay ni Carlota sa leeg ni Daryll. Habang karga ito. Mabuti pa si Carlota nahahawakan ang katawan ni Daryll. Hindi gaya niya hanggang tingin lang. Parang may anong tumusok sa kasulok- sulokan ng dibdib niya. Pero sandali lang ay hila-hila niya na ang sakong may lamang kamote.
Sa wakas nakarating rin, nasa tapat na siya ng bahay ni Aling Nora. Kaagad niya namang tinawag ang ginang sa labas ng bakod. Nang makitang lumabas ito sa pinto. Kaagad niya namang kinawayan ang matanda at malawak ang ngiti ng makita siya.
"Aling Nora, dala ko na po ang order niyong kamote." Sabi niya kaagad.
"Naku! Salamat may magagamit na ako. Ikaw lang bang nagbuhat niyan. Ang bigat siguro niyan!" Sa sako ito nakatingin. Talagang mabigat. Mabuti na lang at may dumaang lalaki sa gubat at tinulungan siyang magbuhat. Ano kaya nakarating na ba silang Carlota. Sana lang huwag niyang akitin si Daryll. Hmp, bahala nga sila!
"Ay sinabi mo pa.. Aling Nora sobrang bigat po. Mabuti na lang po may tumulong sa akin. Kung wala naku! Baka abotin ako magdamag bago makarating dito." Naawa naman sa kaniya ang ginang inabotan siya ng pera at sobra pa nga sa binayad.
"Sige, salamat, Rica, ha? Kasi kahit nahihirapan ka pinilit mo parin bigyan ako. Magkano?"
"Wala po iyon... 250 lang po." nahihiyang sagot niya sa ginang. Matagal ng balo si Aling Nora at lahat ng mga anak nito nasa ibang bansa na.. ilang buwan na lang at susunod na rin ang matanda sa mga anak nitong nasa Amerika na. Swerte sa mga anak si Aling Nora dahil ang sisipag mag- aral ang mga anak nito noon. Wala siyang problem maayos ang pagpapalaki niya.
"Okay, 300 pesos sayo na ang sukli salamat talaga dito!" Tuwang-tuwa pinakuha ang sakong may lamang kamote.
"Sige po, Aling Nora.. salamat po." Paalam niya sa matanda. Tumango lang ito sa kaniya at nagmamadaling pumasok sa loob bahay. Umuwi na rin siya.
Malayo pa lang siya may nakita na siyang mga tao sa tapat ng kanilang bahay na gawa sa kawayan. Nagmadali lumapit siya na kinutuban. Hindi niya kilala ang mga lalaking nakatayo sa labas naka uniforme ito ng puro itim at nakasalamin ng itim rin.
"Sino kayo?" Namaos niyang boses. Hindi siya nito sinagot at ng makitang may isa pang tao sa loob at kausap ito ng tatay. Nagmadali na siyang pumasok pero napahinto, ang paghakbang ng mga paa niya nang makilala ang panauhin. Siya? Sa paglipas ng panahon maraming nagbago sa reflection, katawan, pananamit at etsura. Ramdam niya ang takot ngayon pa lang... Hindi niya mapigilang manginig ang boung kalamnan sa takot. Lalo nang pinalapit siya at pinaupo sa tabi nito. Wala itong kangiting-ngiti sa kaniya. Parang robot naman siyang sumunod sa gusto nito at naupo ng tahimik.
"That's good... Ilang taon kana ngayon my girl?" Kinalibotan siya kaagad. Dahil sa pagbulong nito sa kaniyang tainga. Nagtayuan ang mga balahibo niya sa punong tainga.
"18 year old... Bakit kayo nandito?" Hindi mapigilang tanong niya sa lalaki.
"Big girl kana... So panahon na para maningil ano?" Kay tatay ito nakatingin. Nakita niyang nanginig rin ito gaya niya. Alam kong labag sa loob ni Tatay na ipagkatiwala ako sa taong hindi ko lubos kilala at lalo na ang pagpayag sa gusto nito.
"Sir... Masaya akong makita kayo muli dito sa aming lugar. Pero bakit naparito kayo agad. Ang alam ko po sa susunod na taon ang uwi niyo..." Si Mang Benjie. Nagkandautal-utal ito habang nagsasalita.
"Totoo... pero nakaramdam na ako ng inip habang tumatagal... Naisip ko na bakit hindi ko na lang agahan ang maniningil kasama ang interest... Masyado ng mahaba ang palugit na binibigay ko sayo Benjie... Sana makuha ko na ito soon..." Ilang beses pang lumunok ng laway si Benjie. Hindi siya makapagpasya ng maayos kung alin ba sa dalawa ang pipiliin nito.
"Well... Mukhang binigla ko kayo.. babalik na lang ako sa ibang araw at sa pagbalik ko... Nakapag pasya kana tanda!"