"Alam mo ba paano kainin ito. Ang tawag dito ay s**o. Ganito lang 'to sipsipin mo hanggang makuha ang laman sa loob." Turo niya kay Daryll paano kainin ang nakuha niyang s**o sa palayan.
"Ano kaba bata ka! Huwag mo ituro ng ganiyan mahirap iyan. Ganito lang hijo, gamitan mo ng aspili para makuha ang laman diyan." Hindi alam ni Daryll ang gagawin. Hindi pa siya nakakain ng ganitong pagkain. Pero sinunod niya parin ang turo sa kaniya. Kaya lang nito makuha.
"I don't like this food, is there anything else?" Napanganga si Reca sa bilis na pagsasalita ni Daryll at ganoon rin si Benjie.
"Ano raw anak?" Tanong sa kaniya ng ama. Wala rin siyang naitindihan dahil sa bilis nito magsalita.
"Hindi ko alam 'tay, nabingi yata ako. Ang bilis, eh?" Kamot niya sa ulo.
"Bakit hindi mo tanongin sa kaniya para alam natin ang sinasabi niya." Wika ng ama.
"Okay heto na nga po. Ah, eh.. Ano nga ulit sinabi mo? Ang bilis eh? Hindi ako makahabol." Nahihiyang sabi niya dito. Umangat ang gilid ng labi nito.
"Wala ba kayong ibang ulam?" Sabi nito sa kaniya.
"Ah, iyon pala ang ibig sabihin nun. Oh, 'tay... Ibang ulam raw! Labas mo pinakamasarap nating ulam diyan. Para naman matikman ng bisita natin." Agad namang tumayo si Benjie para kunin ang ibang ulam na nakatago sa kabinet.
"Heto masarap 'to... Kapag natikman mo ito makakalimutan mo ang pananakit ng katawan mo pasamantala." Pambobola nito kay Daryll.
"Is it true? What dish is this?" Tanong nito ng tingnan ang pagkain. Mukha namang masarap sa tingin nito.
Muli na naman nagtinginan ang mag-ama. Kanina pa kasi dumudugo ang ilong niya sa panay english nito sa pagsasalita. Samantalang nasa Pilipinas lang naman sila. Bakit hindi na lang gamitin ang sariling wika. Kaasar naman! Kapag ako napuno sa kakaenglish ng lalaking ito. Sipain ko na talaga ang bayag niya at ng mabugok na.
"Sandali lang po nasa Pilipinas po tayo wala po tayo sa ibang bansa para kausapin mo kami ng English! Hindi tayo magkaintindihan eh?" Reklamo niya dito ng hindi nakapagpigil.
"Sorry, pero hindi ako gaano marunong magtagalog nasanay kasi ako english ang ginagamit sa taong kakausapin ko." Paliwanag nito sa kaniya ng lalaki.
"Puwes, sa amin kailangan mo kaming kausapin ng Tagalog para magkaintindihan tayo! Pasinsiya kana elementary lang kasi natapos ko dahil sa kakulangan ng eskwelahan dito at napakalayo pa ng eskwelahan mula rito kaya gang elementary lang natapos ko. Hindi lang ako lahat kaming nakatira dito sa nayon" Nahihiya pagtatapat niya sa lalaki.
"I will try." Sagot niya naman.
"Ayan naman, eh? Kasasabi ko lang, eh? Sige na nga, kami na mag-adjust! Kahit nosebleed na ako. Kumain kana masarap iyan at masustansya pa." Turo niya gamit ang nguso.
Nagkakamay rin sila sa tuwing kakain. Hindi iyon nasanayan ni Daryll. Sanay itong kumakain na gumagamit ng kutsara at tinidor. Dito lang yata mapipilitang kumain na gamit ang isang kamay. Wala rin silang mesa. Sa sahig sila kumakain. Mukhang kailangan nitong sanayin ang sariling makibagay sa mga nakatira dito habang ito'y nagpapagaling. Hindi rin nito kayang bumaba sa bundok na mahina pa ang katawan. Ang lugar na ito ay naiiwanan ng panahon. Walang kuryente at tubig na kukunin pa sa ginawang balon para dun kumuha ng maiinom. Umaasa sila sa iregasyon. Sagana rin sa yaman ng lupa at yamang ilog. Lahat ng mga inuulam nila ay mga exotic food.
"Anong pagkain iyan?" Tanong niya bago kumuha.
"Tawag niyan dito timos. Sa iba naman dalukdok hindi ko pa alam anong pangalan niyan sa inyo. Masaray iyan si tatay ang nagluto niyan. Ako ang mauunang kumain." Kumuha siya at pinakita rito na makain ito at masarsap.
Crunchy ang pagkain. Rinig iyon ni Daryll. Pero hindi niya kayang kainin. Para kasi itong insekto at minsan niya na itong nakita. Pero hindi niya matandaan ang pangalan at hindi niya naman akalain na makakain pala ito.
"Huwag kang mag-alala Hijo, bukas hingi ako ng manok sa kapitbahay para makakain ka ng mabuti pasinsiya kana sa ulam namin." Hindi na siya umimik pa. Napilitan siyang kumain kahit na labag sa kalooban niya at wala siyang ibang choice.
"Matagal na ba kayo nanirahan dito?" Tanong niya pinipilit niyang magsalita ng Tagalog kahit minsan nabubulol niya para lang magkaintindihan sila.
"Oo,.mula ng maliit pa itong si Reca. Dito na kami tumira. Bakit?" Si Mang Benjie.
"Hindi ba kayo nahirapan dito?" Napangiti na lamang si Mang Benjie sa tanong ni Daryll.
"Alam mo kasi... Wala namang bagay na hindi madali lahat mahirap. Tiyaga tiyaga na lang sa buhay. Ang mahalaga nakakain ng tatlong beses sa isang araw. Malaking biyaya na iyon mula sa Dios!" Buong puso sagot ni Mang Benjie sa binata.
<<<<
Malayo pa lang si Reca ay natanaw niya na ang binata nakaupo ito sa silong ng mangga sa ginawa niyang swing. Kahit saang angulo tingnan ang gwapo ng lalaki. Malaya niya itong natitigan. Hindi muna siya lumapit sa lalaki. Swerte ang babaeng mamahalin nito. Gwapo na nga, taga manila pa. Pero may kasungitan nga lang. Napaka moody ng lalaki. Naintindihan niya naman iyon. Sino ba naman taong hindi iinit ang ulo sa klase ng pamumuhay dito sa probinsya. Kumpara sa manila. Kumpleto sa technology at maraming masasarap na pagkain. Hindi gaya dito. Hindi ito makatulog kung hindi niya bubugawan ng lamok parang bata lang. HAHA! Ano ba naman kasi sa buhay manila kung walang lamok roon. Sabi nga nila maganda daw sa manila kasi malalaki ang bahay at malambot pa ang kama. Hindi lang iyon hectic lahat ng kagamitan. Hay kailan kaya ako makakita ng manila.
Naramdaman namang ni Daryll may nakatingin sa kaniya. Lumapit si Reca sa lalaki ng makita siya nito. Always smile lang para good vibes lagi. Kahit may kasungitan ito. Kibuin hindi ang ugali ng lalaki. Siya naman ay likas ng madaldal. Hindi uubra sa akin ang ganong ugali. Kahit tumanbling pa siya sa harapan nito, huwag lang mapanis ang laway niya gagawin niya.
"Hi, bumalik ako agad pagkatapos kung makahingi ng gamot sa malapit na center dito sa aming nayon. Ubos na kasi iyong stock diyan at bilin sa amin ng doktor. Huwag hayaang maipeksyon ang sugat mo. Dapat araw araw linisin at palitan ng bagong benda." Paliwanag niya dito. Hindi ito sumagot sa kaniya. Hindi naman kailangang sagotin siya lilinis niya lang ito.
"Tiisin mo lang ha? Mahapdi ito..." Sabi niya. Hindi parin ito sumagot. Bakit ba sa gusto niyang marinig ang magandang boses nito kahit simpleng Oo at hindi lang masaya na siya basta nagsalita.
"Okay, do it but slowly." Wika niya. Mukhang kailangan niya talaga mag aral ng english para maintindihan niya ito. Magpaturo na rin siya para may alam naman siya kahit kunti.
"Uhm, anong ibig sabihin ng Slowly?" Nahiyang tanong niya.
"Dahan-dahan lang..." Agad naman siyang kumuha ng notebook para ilista ang word at meaning. Makabili na nga ng dectionary at ng aralin ko. Para hindi naman nakakahiya sa bisita.
"Anong ginagawa mo?" Takang tanong nito sa kaniya.
"Ah, wala 'to... Nililista ko lang ang mga salitang sinasabi mo para kapag wala akong ginagawa pag aralan ko at tatandaan." Nakangiti sabi niya dito.
"Gusto mo ba matuto mag English?" Agad siyang tumango dito.
"Okay, tuturuan kita pero ayaw ko sa matigas ang ulo maikli lang pasinsiya ko." Sambit nito. Agad niya namang inangat ang kabilang kamay tanda ng pangako niyang maging masunurin siya sa lahat ng ituturo nito.
"Peksman man! mamatay man lahat ng pangit sa mundo. Maging mabuting mag aaral ako." Nakita niyang ngumiti ito. Para naman siyang nakalipad sa ulap ng masilayan ang pangiti ng lalaki.
"Uy! Nakangiti na siya. Kung ganiyan ka lang lagi. Magaan ang buhay hindi iyong pasan mo ang mundo. Huwag kang mag-aalala makakauwi ka rin sa inyo." Sabi niya dito. Sinisimulan niya na ring tanggalin ang benda nito sa katawan para linisin ang mga sugat. Pagaling na rin ang mga ito dahil natutuyo na pero kailangan paring linisan.
Tumutulo ang laway niya ng makita ang boung katawan nito. Nagagawa niya pang pantasyahan ang lalaki. Ang sarap sigurong makulong diyan sa malalaki niyang braso at anim na abs. Dios ko Lord, makasalanan ang mga mata ko. Agad niya ring kinalog ang ulo para lang bumalik sa katinuan.
"Ouch!" Rinig niyang sabi nito.
"Tiisin mo lang talagang mahapdi ito kuya?" Aniya. Kumunot ang noo nito sa sinabi niya.
"Kuya?"
"Opo, kuya... Iyon kasi ang tawag ko sa mga mas matanda pa sa akin. Kuya?"
"Don't call me Kuya? Daryll lang itawag mo sa akin kung maari sana. Hindi mo ako kapatid para tawaging kuya." May kasungitang sabi nito sa kaniya.
"Sige po..." parang batang sagot niya.
"At lalo na sa PO huwag mo akong popoin kung pwidi lang. " Tango lang naging sagot niya. Kung ayaw niya eh, hindi. Bakit ba?
"Thank you..."
"Saan?"
"Sa pag- alaga sa akin. Kahit hindi niyo ako kilala. Kinupkop niyo parin ako at pinagtiyagaan."
"Wala iyon... Basta ang mahalaga gumaling kana at sasusunod mag-iingat kana. Kasi alam mo pangalawang buhay mo na itong binigay ni Lord. Dapat palagahan mo, kasi bihira lang sa panahon ngayon nabibigyan ng pangalawang pagkakataon mabuhay. Gaya ng sabi namin kahapon mas swerti ka." Mahabang sabi niya sa lalaki. Narinig niya ang paghinga nito ng malalim.
"Utang ko ang buhay sa inyong mag-ama. Maraming salamat parin."