"Bakit hindi pa siya gising? Ilang araw na siyang walang malay." May pag-aalalang tanong ni Benjie sa doktor.
"Hindi ko rin alam Benjie, na check ko na lahat ng vital stats niya wala naman problema lahat ay maayos. Marahil hintayin na lang natin magising siya. Grabi ang aksidenteng nangyari sa kaniya kaya hanggang ngayon hindi parin siya nagigising." Paliwanag ni Marcus kay Benjie. Natagpuan nila ang lalaki sa baba ng burol sugatan ang buong katawan at ulo. Wala rin silang makuhang indentity sa katawan nito masking ID lang sana para ipagbigay alam sa pamilya ng lalaki.
Pero dahil nanaig ang pagiging matulungin niyang tao. Pinagamut niya ito sa loob ng isang linggo sa tulong ng kanilang volunteer doktor sa kanilang nayon. Ngunit, mag dalawang linggo na ay hindi parin ito nagkakamalay. Gusto na niyang dalhin ito sa hospital sa bayan mabuti roon kumpleto sa kagamitan. Pero napakalayo ng bayan nila mula rito. Abutin ng apat na araw ang paglalakbay bago makarating.
Masakit ang buong katawan ni Daryll at may benda rin ang kaniyang ulo ng magising. Wala siyang makitang ibang tao sa paligid maliban lang sa nadinig niyang huni ng mga ibon at sinag ng araw galing sa labas. Bumangon siya at naglakad papunta sa bintanang kahoy para makita ang labas. Malamig ang simoy ng hangin bawat haplos sa balat at mukha niya. Nakaramdam siya ng kaginhawaan kahit pa makirot ang pakiramdam niya. Nakakabawas ito kahit papaano.
Nakakamanghang tanawin ang nakita niya sa labas bahay. Malawak na palayan ang bumungad sa kaniya nasa gitna ng palayan ang bahay-kubo na ito napapalibotan rin ng matataas na bundok ang lugar. Natanaw niya rin ang ilang sa mga taong abala sa kung anong bagay. Hindi niya alam kung saang lugar siya at malaking himalang nakaligtas pa siya. Mula sa pagkahulog niya sa mataas na bangin.
<<<<<
"Rheanna Mhelca Magayon!?" Malakas na sigaw ni Benjie sa nag- iisang dalaga niyang anak. Malayo kasi ito sa kaniyang puwesto. Para marinig siya nito kailangan niyang sumigaw ng malakas.
"Tay, naman bakit kailangan niyo pa banggitin ang buong pangalan ko pwide naman Reca lang..." Reklamong sabi niya sa ama. Ayaw niyang tinatawag siya sa buong pangalan. Pang mayaman kasi ang dating sa kaniya, samantalang mahirap lang sila at nagsasaka lang sa malawak na lupaing ito, nakakahiya sa mga nakakarinig.
"Ku, sa gusto kong tawagin ka sa buong pangalan mo. Bakit ang ganda naman ng pangalang binigay namin sayo ng nanay mo?" Sabi nito sa anak.
"Eh, kasi naman pang mayaman kasi iyong pangalan ko. Tapos hindi naman tayo mayaman. Tingnan mo iyong buhay natin dito sa bukid. Kung hindi tayo kikilos wala tayong kakainin." Parang batang sabi niya sa ama. Tinuktok siya nito sa noo.
"Tay!"
"Kahit hindi tayo mayaman ang mahalaga nakakain tayo sa isang araw tatlong beses tandaan mo iyan. At isa pa, wala tayong maapakan na ibang tao. Iyon ang mahalaga. Huwag mong ikahiya ang buhay na mayroon tayo ngayon." Pangaral sa kaniya ng ama.
"Alam ko naman iyon. Ayaw ko lang tinatawag ako sa buong pangalan ko tama na iyong Reca lang alam nilang pangalan ko." Sa tuwing sinasabi niya ang buong pangalan. Sinabi nilang anak mayaman ba ako. Kahit hindi naman, pag nalaman nilang magsasaka lang tatay ko. Pinadidirihan na siya kasi raw hindi bagay sa akin ang pangalan. Dapat huwag raw akong feeling mayaman. Mula noon pinaiksi ko na ang pangalan para hindi siya pagtatawanan. Sana pinangalan sa kaniya Maria or Susan mas gusto niya pa iyon, kaysa pangalan niya ngayon ang haba.
"Oh siya, Reca kung Reca! Puntahan mo nga iyong bisita natin kung gising na baka mamaya magtaka iyon bakit walang tao sa bahay natin." Pagsukong sabi nito. Oo nga pala, may bisita sila taga labas. Nakita ito ni tatay sa baba ng bundok ng kumukuha ito ng kahoy panggatong. Mabuti na lang at si tatay ang unang nakakita sa lalaki. Kung mga ibang tao iyon siguro kinakain na siya ng buhay. Lalo na at sabik sila sa karne. Bihira kasi silang makakatikim ng karneng baboy rito. Ang makakain lang iyong may mga alagang baboy o mangangaso sa gubat. Kaya lang naging mailap rin ang mga ito dahil nauubos na ang lahi nila. Minsan naman kinukuha ng mga rebelding pumapasok sa lugar nila pati manok inuubos. Wala rin naman silang magawa ang ibigay kaysa patayin sila. Mula noon wala ng may gustong mag alaga ng hayop rito puwera lang kung itatago mo. Pero hindi mo malalaman ang pagdating nila na parang kabuti sa lupa na biglang lilitaw.
"Opo, 'tay.. paano kung gising na po siya?"
"Aba! Magandang balita iyon anak. Basta sabihan mo ako agad rito kapag gising na siya." Bilin sa kaniya ng ama. Agad naman siyang tumango at iniwan ito sa bukid.
"Sige po 'tay... Puntahan ko na po iyong bisita natin sa bahay." Sabi niya. Lumakad na siya at iniwan sa bukid ang ama. Mainit na rin lang naman na mabuting umuwi muna siya at magpapahinga. Dadalawa na lang silang namumuhay ni 'tatay mula ng iwan sila ni 'nanay dahil sa sakit sa puso. Bata pa lang siya ay naulila na sa ina.
Pagkadating kaagad siyang pumasok sa loob bahay upang silipin ang lalaki sa kaniyang silid sana lang gising na ito. Ilang araw na kasing namoproblema si 'tatay. Baka kasi dito pa mamatay iyong tao. Malubha kasi ang kalagayan nito. Kung malapit lang sana ang hospital rito. Matagal na sana nila dinala sa hospital. Kaya lang napakalayo ng hospital mula rito.
"Sana no' gising kana para naman mapanatag ang loob ni tatay sayo--" napalundag siya sa gulat ng makitang nakatayo sa harapan ng bintana ang lalaki.
"Sino ka?" Rinig niyang tanong nito sa kaniya. Para naman siyang na estatuwa sa kinatayuan dahil sa magandang boses nito. Lalaking lalaki ang dating sa kaniya. Gwapo ito at medyo singkit ang mga mata. Pero makakalaglag panty naman ang titig na parang wala ng bukas kung makatitig sa kaniya. Ang labi nito ay mapanukso parang ang sarap humalik. Perfect shape ang kaniyang mukha na bumagay naman sa matangos nitong ilong. Hindi nakakasawang tingnan. Titigan niya lang ito maghapon busog na siya. Bakit ngayon niya lang ito na personal. Samantalang dalawang linggo na ito sa kanilang bahay. Paano naman kasi si tatay ang laging nag asikaso rito. Ngayon lang siya nautusang puntahan sa silid ang bisita.
"Hey, who are you? Hindi mo ba ako narinig?" Saka pa siya bumalik sa sariling katinuan.
"Ah, eh. Ako si Rheanna Mhelca Magayon. Reca for short. At tatay ko iyong nagligtas sayo sa bangin. Nandito ka sa bahay namin..." Nauutal niyang paliwanag sa binata.
"Okay, anong oras akong nakatulog?" Napakamot sa ulo si Reca sa tanong ng lalaki.
"Eh, hindi lang po oras kayong nakatulog dalawang linggo po... Kayo po anong pangalan niyo? May pamilya po ba kayong pwide niyo tawagin para ipaalam sa kanila na ligtas po kayo." Sabi niya rito. Hindi ito sumagot sa kaniya. Tumalikod lang ito at nakatanaw sa malayo.
"Sir, bakit po wala po ba kayong matandaan?" Lumapit na siya rito para malaman ang buong pagkatao ng binata. Kung sino ito at paano ito nahulog mula sa pinakatuktok ng bangin.
"Daryll..." Tipid nitong sagot sa kaniya.
"Okay, Daryll ang pangalan niyo po. Pero maliban sa pangalan niyo sir, may natandaan po ba kayo?" Dapat tinatawag niya na ngayon si tatay pero masyadong mainit sa labas tirik na tirik ang araw baka matagalan siya lalo sa labas. Ang bagal pa naman niyang maglakad lalo na kapag mainit. Hintayin niya na lamang si tatay dito mamaya nandito na rin iyon.
"Anong lugar ito? Saan ako?" Nilibot nito ang paningin sa buong paligid.
"Uhm, nandito po kayo sa lugar namin San Visente Quizon." Tapat niyang sabi. Hindi na ito muling nagsalita pa. Pero dahil madaldal at makulit siyang kutong lupa. Hindi niya ito tinigilan hangga't magsalita.
"Alam ko na hindi madali ang pinagdaanan mo pero mas mabuting kuntakin ang pamilya mo para ipaalam sa kanila buhay ka o kaya asawa niyo po? Tiyak akong labis na silang nag-aalala sayo ngayon sir, Daryll." Medyo malayo siya rito ng kunti mahirap na baka mamaya bigla siyang sakalin.
"I'm still single. At ulila na rin ako..." Kung may anong tuwa sa puso ni Reca ng malamang binata pa ito ibig sabihin may chance pa siyang harutin ito. Charot lang! Makukurot siya nito sa hita ni tatay sa kalandian. Isa pa, bihira lang gwapo sa kanilang nayon na dumayo at sigurado siyang pagkaguluhan ito ng mga babae, kapag nakita ang binatang ito na pinagpala sa kaguwapuhan.
"Ganon po ba? Mga kaibigan niyo po." Parang hindi maganda ang suggestion niya dahil pwide itong umalis rin kaagad sa lugar nila at mawawalan na siyang ganang mabuhay sa mundo. Char lang! Paano naman kasi ang gwapo niyang nilalang pwide siyang pang display diyan at titigan maghapon.
"Masakit ang buong katawan ko." Wika nito. Nakita niyang mahina pa ito at kailangan pa nitong magpagaling muna. Sana huwag muna siyang umalis. Para naman magkaroon siya ng kaibigan kahit sa maikling panahon lang.
"Oo nga po, mataas po kasi ang binagsakan niyo. Himala nga nabuhay pa kayo.. madalas kasi kapag may nahulog roon ay wala na... Patay! Dahil nagkalasog lasog na ang katawan." Hindi naman sa nanakot siya pero iyon talaga ang totoo. Hindi na naman ito nagsalita. Feeling niya talaga mapapanis ang laway niya rito. Pero hindi bali na lang kahit magtitigan lang kami maghapon walang problem. Haha! Tiyak na namang pagalitan siya ni tatay pag ganon wala na siyang ginawang gawaing bahay. Dahil lang sa binatang ito.
"Bakit may nakakatawa ba sa mukha ko. Kanina ka pa nakangiti diyan?" Aba! Masungit rin ito. Hindi bali gwapo naman. Haha.