Kabanata 4

1601 Words
"Hello, good morning!" Masayang bati niya sa umaga. Malamig at masarap ang simoy ng hangin sa umaga. Maaga nga pala siya pupunta sa patag para mamalengke roon. Mayroon na kasing tinatayong maliit na tindahan roon ang aming butihing Kapitan. Lahat ng mga gusto mong kainin ay naroon na. Mabuti na lang at nakapagtabi sila ni tatay ng pera. Kaya ngayon may pambili silang ulam para sa mahal kong prinsipe. HAHA! Ano kaya gising na kaya iyon. Malamang tulog pa rin. Pero ano kaya kung isama ko siya sa aking pamimili tiyak akong pagkaguluhan siya ng mga tao roon, dahil napaka gwapo ng aking kasama. Tapos pagsisilbihan niya ako at magkahawak kamay pa kami. Ay! Kinikilig ako! Pero huwag na lang kaya baka agawin pa siya sa akin ni Carlota. Epal pa naman ang babaeng iyon lahat na lang inaagaw nu'n. Aba! Hindi rin naman akong papayag na maisahan ng babaeng iyon.Tama! Dito na siya sa bahay maiiwan. Babalik rin naman ako agad at si tatay naman ay hindi rin aalis. Paglabas niya sa maliit niyang silid. Napatayo siya sa gulat. Nasa labas na ang mahal niyang prinsipe hinihintay ang mahal nitong prinsesa. Ay, maghunos dili ka Rheanna Mhelca Magayon! Huwag kang assuming diyan. Baka ma hopia ka lang... Bisita lang siya dito at kapag tuluyan ng gumaling iyan. Aalis na iyan dito at maiiwan ka. Ngayon pa lang tigilan mo na kahibangan mo sa lalaking taga labas. Hindi kayo bagay. Sermon ng kaniyang isipan. Ano ba iyan? Kainis naman basag trip! "Morning... Aga mo yatang nagising ngayon?" Bungad niya rito. Nilagpasan niya ito. Tinungo ang maliit na kusina para magtimpla ng mainit na kape. Magkakape muna siya bago umalis ng bahay. "Yes..." Sagot nito ng tumingin sa mukha niya. Ano ba iyan Reca, bakit hindi mo magawang tumitig sa kaniya! Paano naman kasi ang gwapo niya sa umaga kahit hindi nakasuklay ng buhok, gwapo pa rin at fresh pa. Hay.. jusko lord! "Ah..." Walang siyang masabi. Para kasi siyang nawawala sa sarili kapag nasa paligid ang binata. Iwan ko ba nababaliw na yata ako. Huwag naman sana... sayang ang kagandahan ko. HAHA! "Bakit?" Taka naman siyang napatingin sa lalaki. "Ha?" "Hindi mo pa rin ba ako naintindihan kahit Tagalog na salita ko?" Sabi nito sa kaniya. "Ah, eh... Ano ba kasi tanong mo?" Wika niya. Nakita niyang napakamot sa ulo ang binata. "Bakit?" Bakit lang pala. Lahat na lang sinasabi ko tinanong niya ng patanong. Hay naku... "Wala lang nakakagulat kasi na maaga ka nagising. Nasanay kasi kami ni 'tatay na tanghali kana nagigising." Nilagyan niya ng tubig mainit ang baso. Sunod niya namang nilagay ang kape at asukal saka hinalo ito ng maigi. Umuusok pa ang kape. "Ah, ganon ba? Hindi ko rin alam basta nagising na lang ako bigla at hindi na makatulog ulit. Bumangon na lang ako." Nakangiting paliwanag nito sa kaniya. Ang gwapo talaga, kahit sa pag-ngiti. "Okay, gusto mo ba ng kape sayo na itong kape ko. Wala na kasing asukal mamaya pa ako bibili sa patag." Agad naman itong tumango sa kaniya ang lalaki. Inabot niya rito ang basong may umuusok pa na kape. "Salamat, pero hati na tayo para mainitan rin ang tiyan mo. Malamig pa naman..." Kumuha ito ng isa pang baso at sinalinan nito agad ng kape. "Heto..." Sabay abot sa kaniya. "Salamat, Daryll." Matamis niyang sabi. Nagkibit-balikat lang ito. Habang nagkakape sila. Napakwento naman ito sa kaniya natuwa naman siya, kasi marami siyang malalaman sa pagkatao nito. Still single pa raw ito at wala pa daw itong natitupuhang babaeng maging kabiyak nito pahanggang ngayon. Baka ako na iyong hinahanap niya. HAHA! Kaloka ka te... Hindi ikaw ang type niya. Kuntra ng isip niya. naman. Naghahanap, eh? Baka lang naman ako na iyon, hahaha! "Sa tingin mo ba hinahanap ka nila ngayon? Sabi mo nga mayaman ang kamag-anak mo ibig sabihin marami silang utusan para hanapin ka. Iyon kasi ang napapanood ko sa drama sa TV." Umiinom muna ito ng kape bago siya sinagot ng binata. "Hindi ko alam... Hindi naman ako importante sa kanila. Sino ba ako sa kanila, kundi walang kwentang tao lang walang maipagmamalaki sa buhay..." Sabi nito sa kaniya. "Pwide ka naman tumira dito kung gustuhin mo pero kailangan mong magtiyaga sa pamumuhay dito sa aming probinsiya bawal ang maarti!" Prangka sabi niya sa lalaki. Natawa naman ito sa kaniya. "Bakit ka natawa diyan? May nakakatawa pa sa sinabi ko sayo?" Nakangusong sabi niya sa lalaki. "Wala lang... Para ka kasing sirang plangka paulit-ulit lang ang sinasabi. Mula ng dumating ako dito iyan na agad ang sinasabi mo. Magtatlong linggo na ako dito hindi paba ako sanay sa probinsya. Parang ayaw ko na ngang umuwi, eh? Mas gusto ko na lang tumira dito kaysa Manila." Saad ni Daryll. Pigil hininga naman si Reca sa narinig. Parang gusto kong magtatalon sa tuwa. Ibig sabihin nun nagustuhan niya dito sa aming lugar. Gaga ka te, hindi pa siya sigurado iniisip pa lang niya! Pambabara ng kaniyang isip. "Ah, ganon ba? Makakalimutin kasi ako! Bakit hindi ka sigurado tumira dito? Maganda dito. Tahimik at sariwang hangin kumpara sa manila mausok at maingay. Kaliwa't kanan ang kalukuhan. Hindi gaya dito sa amin walang kang iisipin. Kundi ako lang..." Ganiyan nga Reca ipagmalaki mo pa ang probinsyana niyo at sa ganon dito na siya titira sa atin. Habang-buhay. "Paano mo alam nakapunta kana ba ng Manila?" Kaagad siyang umiling. Pangarap niya rin makaapak ng manila at makalanghab ng hangin sa manila. Pero hanggang doon lang iyon. Ayaw niya iwang mag-isa si 'tatay sa probinsya mag-isa, lalo ngayong marami na itong iniindang sakit sa katawan. Dahil may edad na. Dadalawa na nga sila ngayon paba niya iiwan. "Narinig ko lang sa kaibigan ko na minsang umuwi dito. Marami siyang kwento sa akin kaya marami akong alam tungkol sa manila." "Tama ang kaibigan mo. Hindi madaling tumira sa manila. Lahat ng kalukuhan na roon. Gusto mo bang pumunta ng manila?" Seryosong tanong sa kaniya ni Daryll. "Hindi. Masaya na ako dito sa probinsya. Ayaw ko iwan si 'tatay matanda na siya para iwanan ko rito." Hindi na nagsalita si Daryll matapos marinig ang side ng babae. "Narinig ko kanina sinabi mo pupunta ka ng palengke. Malayo ba iyon mula rito?" "Aba! Hindi. Malapit lang.." "Samahan na kita. Wala rin akong gagawin dito." "Hindi pwide! Marami kang gagawin dito sa bahay. Magsibak ka ng kahoy! Maglinis at maglaba ng mga damit natin! Wala ng maisusout ang mga anak natin! Hehehe... Joke lang." Berong sabi niya dito. Ginulo naman nito ang buhok kong kakasuklay lang. "Your crazy, but cute!" Namumulang tumalikod si Reca sa binata. Ramdam niya ang pag iinit ng kaniyang mukha. Sinabihan ba naman siyang cute. Sa buong buhay niya ngayon lang siya nakarinig na cute siya at galing pa sa taong crush niya. Jusko Lord! Matutuloyan na yata akong masiraan ng bait. "Bakit?" "Wala lang... Uhm, iwan mo na kita diyan kunin ko lang ang pera tapos alis na agad." Nagmamadaling pumasok sa kaniyang silid si Reca at ng makapasok sa loob ay nagsisisigaw siya sa kilig na parang kinagat ng langgam. Cute raw ako! Ayy! Parang himatayin ako sa kilig. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Ano ba nangyari sa akin... Masyado naman ako kinikilig! "Sigurado ka bang sasama ka sa akin sa palengke? Mainit roon baka masira ang makinis mong balat." Sabi niya sa lalaki. Gwapo ito sa simpleng damit lang na medyo may kalumaan na. Pero dahil parang modelo ng magazine ang sumout nagmukha itong mamahalin. Iyong pantalon niya ay pinaglumaan na rin ni tatay mabuti na lang kasya sa kaniya. Matangkad at malaking lalaki si Daryll. Maganda rin ang pangangatawan at ang sarap magkulong sa mga bisig nito. Hay kailan pa kaya ako makakaranas na yakapin niya. Sarap siguro sa pakiramdam ano? "Oo, okay lang." Nakangiting sabi nito sa kaniya. Parang ayaw niya ito isama. Parang hindi siya bagay sa lugar na iyon. Hindi na nga bali. Bahala na! "Sandali, may kulang diyan sa suot mo. Huwag mo ito aalisin sa ulo mo ha? Ayaw kung may ibang tumingin sayo dapat sa akin ka lang nakatingin." Pinatong niya sa ulo ni Daryll ang kalo. Bumagay naman sa lalaki lalo lang ito mapapansin. Hayaan na nga wala na akong magawa. Gwapo talaga, eh? Nakakahiya naman. "Bakit sayo lang ako titingin?" Bigla niyang naalala sinabi kanina lang. Kaagad naman niyang nakagat ang sariling labi. Naku! naman.. nakakahiya. Minsan talaga ipapahamak ka ng iyong bibig, eh? "Ah, eh. Ibig kong sabihin baka magayuma ka. Marami kasing aswang dito at kapag natepohan ka nila gagamit sila ng gayuma sa titig lang." Palusot niya. Sana lang maniwala ito at huwag siyang tawanan. "Totoo?" "Oo, kaya sa akin ka lang titingin kapag may lalapit sayong babae. Dedmahin mo kaagad. Huwag kang makipagtitigan sa kanila." "Sige... Sinabi mo, eh?" Nakahinga siya ng maluwag kahit papaano maging panatag ang loob niya. "Mabuti. Kaligtasan mo lang ang iniisip ko." "Totoo ba talagang may aswang dito? O baka ikaw din gayumahin ako!" "Naniwala ka sa asawang? Pero, hoy! Hindi ako ganoon no? Kahit ganito lang kagandahan ko kakrampot! Hindi ko gagamitan ng gayuma! Isa pa, mas gusto ko iyong mamahalin ako ng tunay..." "No! I have never seen a ghost in my whole life. Kung totoo man iyon. Ngayon palang ako makakita. At your right? Mas masarap ang mahalin ka ng totoo kaysa pagpapanggap." "Uhm, huwag kang mag-alala mamayang gabi aswangin kita!" Nagbibirong sabi niya sa lalaki. Ang sarap kasi itong lukuhin, eh? "What? Are you a ghost?" Iyan na nga sinasabi ko, eh? Muli naman siyang magsasalita ng English language ng tuloy-tuloy. "Joke lang iyon. Agad namang maniwala!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD