Baka Sakali
AiTenshi
Part 4
“Kumusta ka naman? Dalawang araw na rin yung nakalipas magbuhat noong pinanga-nga ka ni Jaymar doon sa kainan. Ngumanga ka at literal na umasa, tapos ikaw pa ang nag-aya ng date? Hay Perla Pilapil sana ay nagtira ka man lang ng kaunting pagka-virgin dyan sa katawan mo,” ang wika ko habang lumalakad kami sa hallway.
“Hi Perla, di mo ba kami ide-date?” ang kantiyaw ng mga lalaki sa hallway. “At bakit ko naman kayo idedate? Mga gwapo ba kayo? Saka hindi naman kayo kagandahang lalaki para ayain ko no,” ang sagot nito sabay hila sa akin palayo.
“Kung makapagsalita ka naman ay parang napakaganda mo kamukha ka naman ni Aruray!” ang hirit ng mga lalaki tapos ay nagtawanan sila.
“I can’t believe na ikinalat talaga ni Jaymar na niyaya ko siya ng date, napakawalang modo niya at hindi na gumalang sa babae!” ang galit nitong wika habang naglalakad kami paakyat sa hagdanan.
“Niyaya mo naman talaga diba? Narinig ko pa nga, napaka inosente ng mukha ni Jaymar at nagpasalamat pa siya sa iyo,” ang wika ko naman na may halong pang aasar.
“Stop! Ayoko nang pag-usapan iyan dahil sasakit lang lalo ang ulo ko,” ang wika nito sabay upo sa aming silya.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namang pagpasok nina Stephen at Jaymar, pareho silang nakasuot ng uniporme, kaklase nga pala namin sila ngayong period kaya’t magugulo nanaman yung mga babaeng nagpapacute sa kanilang dalawa. “Kamusta kana Perla? Wow, mukhang pumuputi ka ah, ginagamit mo na ba yung mga sabon na binili mo sa akin?” ang tanong Jaymar habang nakangiti.
“Hinde! Dahil maganda na ako at hindi ko na kailangan ng sabon! At ikaw Jaymar kapag hindi ka tumigil ng pagkakalat na niyaya kitang mag date ay ipapakain ko sa iyo lahat ng haw haw flavored mong gluta capsule!” ang singhal ni Perla.
“Mukhang beast mode yang best friend mong si Aruray ah,” ang wika ni Stephen sabay akbay sa akin. Hindi ko alam kung sinadya ba niya ito o talagang wala lang sa kanya, pero yung puso ko ay tumitibok ng malakas at nakaramdam ako ng kakaibang kuryenteng dumaloy sa aking katawan habang magkadikit ang aming mga balat. “Alam mo bagay kayo niyang si Aruray, baka sa sobrang closeness niyo ay kayo pa ang magkatuluyan,” ang dagdag ni Stephen.
“Mabait naman si Perla, galante ito at todo bigay.. pagdating sa pag-ibig,” ang wika ko naman habang patuloy si Perla at Jaymar sa pakikipag balitaktakan sa isa’t isa.
“Ibig sabihin ay hindi mo siya type?” tanong niya
“Hindi bakit?” tanong ko rin.
“Siguro naman ay may babae kang hinahangaan dito sa campus? Daming magaganda chicks dito ah, ako nga ay halos maduli sa paninilip sa mga legs nila sa PE class,” ang hirit ni Stephen.
“Wala e, hindi ko iniisip ang ganyang mga bagay,” ang sagot ko naman.
“Dapat ay isipin mo na dahil hindi naman tayo bumabata, sayang yung tigas ng pagkakalaki mo yung di mo ito gagamitin, pwera nalang kung hindi sa babae tumitigas iyan. Baka sa lalaki rin iyan tumitirik,” ang hirit niya ulit dahilan para magulat ako at napaalis sa kanyang tabi. “Hindi ako bakla at hindi ko iniisip yung mga ganoon bagay!” ang sagot ko naman.
“Joke lang naman, di ka naman mabiro. Alam mo para mawala yung init ng ulo niyo ni Perla, umattend kayo ng Varsity Party mamaya. 150 pesos ang entrance, may libreng dinner na iyon at panoorin niyo kung paano kami mag-perform.
“Bakit may ganong party kayo?” tanong naman ni Perla.
“Isa iyong fund raising event ng varsity, yung pagbebentahan ng tickets ay gagamitin namin sa pagpapagawa ng bagong uniform. Nakakahiya naman kasi na yung uniform namin ay noong nakaraang taon pa. mahirap lumaban sa mga interschool na mukhang basahan ang team natin. Tama diba?” paliwanag ni Stephen.
“Pero hindi ka naman magmumukhang basahan papa Stephen, ewan lang namin sa ibang member,” ang wika ng beki naming kaklase sa likod. “Bakit hindi niyo pa pangalan, magmumukhang basahan si Jaymar kapag lumang uniform na amoy pawis niyang aso ang uniform niya,” ang hirit ni Perla.
Tawanan sila..
At iyon nga set up, dahil Sabado naman bukas ay bumili kami ng ticket ni Perla doon sa Varsity event, tulong na rin namin ito sa kanila at suporta tulad ng lagi naming ginagawa. Siyempre halos lahat ng bumili at dumalo ay mga fans at taga hanga ni Stephen dahil siya ang star ng varsity. Siya yung tinitilian at siya rin halos ang center of attraction. Karamihan dito ay mga beking freshman at highschool doon sa kabilang building. “Domination ang mga twink at bagets na taga hanga ni Stephen lahat ng nandito, para invasion ng mga gremlims at batla ang event na itey!” ang wika ng mga kakalse kong beki habang rumarampa patungo loob ng gym.
“Nakita mo na Lino? Ganyan karami ang kalaban mo kay Stephen pati yung batlang bata na iyon nakaupo sa harap, lahat ng iyan ay taga hanga niya at nagpapansin sa kanya araw araw,” ang wika ni Perla.
“Hindi naman ako nagpapansin sa kanya kanina pero kinausap niya ako, tumabi pa nga siya sa akin,” ang sagot ko naman.
“Dahil gusto ka niyang bentahan ng ticket, inakbayan ka at hinimas himas yung balikat mo para maakit ka niya at ikaw naman tong si kalandian, agad na bumigay. Pero anyway tiyak na mag-eenjoy tayo dito dahil magdamag nating masisilayan si Stephen kaysa naman umuwi tayong dalawa at i-reminisce lahat ng kapalpakan natin sa buhay,” ang wika ni Perla.
Naupo kaming dalawa sa tabi ng dalawang batang beki na noon ay naka make up pa, pulang pula ang mukha at may mag burda pa ng halaman sa mga ulo. “Oy baklush boyfriend mo? Infairnes sayo, mukha ka nang babae,” ang hirit ng isang beki noong makita si Perla.
“Gaga, babae talaga ako noh! Mapagkamalan ba ako bakla!” ang hirit ni Perla.
“Ay sorry mamush, mukha ka kasing transginger!”
“Excuse me, totoong babae may boobs at may keps! Kaya mamatay kayo sa inggit, mga baklang twoe! Teka alam ba ng mga teachers niyo na inilagay niyo yung garden ng classroom niyo sa mga ulo niyo?” tanong ni Perla.
“Hindi pero kailangan po mapansin kami ni Stephen ngayong gabi,” ang hirit nila dahilan para mapangiwi kami ni Perla. “Alam niyo ba nung ganyang edad ako ay naglalaro pa ako ng harangang taga at luksong baka sa bukid namin? Bakit an gaga niyo naman yatang gumarutay mga baklushi?” tanong ni Perla
“Ayon po kasi sa matatanda, hindi mabuting gumarutay sa hapon dahil malas daw iyon, kaya maaaga kaming gumarutay. Saka bakit po ako ang matagal ka ba bago gumarutay? (Gumarutay means bumigay o magladlad)
“Gaga, babae nga ako ano ba!?” ang asar na sagot ni Perla.
Alas 9 ng gabi noong magsimula ang program, nagsimula ang event sa isang hiphop dancing na nilahukan ng lahat ng member ng varsity team isa na nga rito si Stephen na grabe kung sigawan at tilian ng mga fans. Ako naman ay nakangiti lang at nanonood na parang may sarili mundo at ang aking paningin ay nakapako lamang sa kanya. Wala na akong nakikitang iba, maliban sa kanya.
Matapos ang ilang minutong pag sasayaw ay lumabas naman ang ilan pang member at dito ay nagpakitang gilas sila sa pag kanta, hinarana nila ang buong gym pero walang may paki dahil wala si Stephen dito, yung mga batang beking katabi namin ni Perla ay naglaro nalang ng candy crush habang umaawit yung mga nasa manlalaro sa itaas, yung nasa gawing likuran naman namin ay nagkukutuhan, yung iba ay umihi at nag miryenda.
Makalipas ang boring na pag awit ng iba ay lumabas si Stephen sa stage solo lamang ang kanyang performance, tumayo ito sa gitna ng gym at nag hubad dahilan para magsigawan ang mga taong nanonod, lumabas ang kanyang maganda at makinis na katawan. Dito ay tumugtog ang isang sexy na kanta sa title na Careless whisper at nagsimula itong gumiling sa isang napaka sensual at mapang-akit na sayaw. Sadyang pinainit ni Stephen ang gabi lalo na noong mag hubad siya ng pantalon at isang maikli at hapit na boxer lamang ang kanyang suot. Umaalon ang kanyang katawan habang hinahaplos ang kanyang dibdib, pababa sa kanyang abs, at maging ang kanyang giling ay parang isang sumpa sa paningin ng kanyang mga taga hanga, parang nahipnotismo ang mga ito at dito nagtayuan silang lahat hawak ang mga pera at iniipit nila ito sa katawan ni Stephen na noon ay patuloy pa rin sa pag giling.
Bukol na bukol ang ari nito at nakikita pa sa malapitan ang kanyang makapal na bulbol kaya ang lahat ay ulol na ulol.
Maya maya tumayo yung dalawang beking high school sa aming tabi, “hoy mga baklush saan naman kayo pupunta?” tanong ni Perla.
“Isasabit namin ito allowance namin kay Papa Stephen! Hindi baleng wala kaming pera basta masilayan lang naming ang alindog niya ng malapitan!” ang malanding ikaw ng mga ito dahilan para mapangiwi kami ni Perla. “Oy ikaw Lino, tumayo kana at magsabit sa kanya, may 500 kapa dyan diba?”
“Ayoko nga, ipon ko to e, saka isa pa ay wala namang lalaking tumatayo, edi pinagtawanan nila ako,” ang hirit ko naman dahil totoo naman na ang lahat ng tumatayo at nagsasabit ay mga lantad at halatang beki na.
Nag patuloy sa pag sasayaw si Stephen, para itong isang propesyunal na callboy na nagpeperform sa harap ng mga students. Gayon pa man ay umani siya ng papuri at pag hanga dahil sa kanyang tapang na gawin ang lahat para magkaroon ng pondo ang kanyang buong team.
Marami pang pakulo ang inihanda ng varsity team, at ang pinakahuli ay ang pag-awit ni Stephen, bubunot sila ng lalagyan ng ticket, ang mabubunot ay ang maswerteng makakaduet nito sa harap ng entablado. At si Stephen mismo ang bumunot nito.
Nagpalakpakan yung mga tao, ang lahat ay naexcite ng todo habang hinahalo ang daan daang ticket at noong iniangat niya ang nabunot ay binasa niya ito. “LINO!” ang wika niya na aking ikinabigla.
“Lino daw! Nasaan si Lino?!” ang tanong ng mga nanghihinayang na beki.
“Hoy Lino nanalo ka! ikaw ang star ng pasko! Jusko Lino!!” ang masayang wika ni Perla.
“Wait kilala ko tong si Lino, classmate ko ito. May boses ito at kumakanta siya sa simbahan. Halika na dito troll!” ang pagiimbita ni Stephen.
Pero hindi ako lumapit..
“Ano ka ba Lino! Huwag ka nga magtago dyan sa ilalim mukha kang halimaw sa banga! Pumunta kana doon at iparinig mo ang talent mo sa mga batang bakla sa paligid at iparealize mo sa kanila na hindi dapat puro magpapaganda lang at paglalandi ang ginagawa! Lalo na dito sa dalawang batlang high school na katabi natin!” ang pang gugumigil ni Perla.
“Nasaan kana ba Lino? Katuwaan lang ito huwag kana mahiya,” ang wika ni Stephen sabay lakad sa number ng bangko na nakalista sa ticket at dito ay nilapitan niya ako para makaduet sa kanyang final performance.
Ayoko sana tumayo ngunit itinulak ako ni Perla dahilan para malabas ako sa silya at makita ng lahat, hinawakan ni Stephen ang aking kamay at dinala sa gitna gym para kumanta. “hala! Bakit siya?E hindi naman kagandahan iyan si Lino! Hindi naman iyan babaihan at babasagin katulad naming!” ang protesta ng mga beki sa harap.
“Ano ba iyan! Hindi naman lalambutin iyang si Lino! Hindi naman kagandahan! Imbyerna naman!” ang inis na dagdag nila.
“Nagagalit na sila sa akin, baka pwedeng bumunot ka nalang ng iba?” tanong k okay Stephen.
“Fair and square ang pagbunot ko ng number kaya wala silang magagawa, highschool pa tayo noong marinig ko ang boses mo, maaari bang parinig ulit ako ngayon?” ang tanong niya sabay abot ng mic sa aking kamay.
Natingin lang ako sa kanya at wala na akong nagawa kundi ang sumang-ayon. Hiyang hiya ako noong mga oras na iyon, hindi komportable sa aking sarili, pakiwari ko ay ang pangit pangit ko at ang lahat ay pinipintasan lang ako. Pero sa tuwing tumitingin ako sa mukha ni Stephen ay lumulundag ang puso ko at nagiging malakas ang loob ko kahit papaano.
Tumahimik ang buong gym at dito ay tumugtog ang isang kanta na pinamagatang "Everything I Own na inawit ng bandang Bread.
Nahihiya ako, ngunit walang lugar ito para sa ganitong sitwasyon. Wala akong ibang nagawa kundi ang ipikit na lamang ang aking mga mata at huminga ng malalim. Ang bawat linya ng kanta ay susubukan kong paabutin kay Stephen, baka sakaling maging maramdaman niya ito at maabot ko ang puso niya.
Minsan talaga ay may mga pagkakataon na kung hindi natin masabi sa ating minamahal ang diretsong kataga ay maaari naman itong daanin sa isang awitin. Hindi ko nga lang alam kung epektibo ito. Bagamat ang ating emosyon at puso ay lumalabas ng kusa kapag tayo ay umaawit.
Ako ang unang bumigkas ng linya dahilan para matuwa ang lahat sa magandang pasok ng aking nota, dito ay nagpalakpakan sila at nakinig sa akin bagamat ang karamihan ay nakataas ang kilay. Pero ayos lang dahil nakatingin lang si Stephen sa akin at nakangiti ito habang pinakikinggan ang aking pag awit, maya maya ay sumabay siya sa akin sa bandang chorus. Nag blend ang aming boses, pinilit ko alalayan at icontrol ang sa akin para hind imaging magulo ang kalalabasan ng aming duet.
Habang umaawit at hinawakan ni Stephen ang aking kamay at naka ngiti siya sa akin. Nagtatama ang aming mga mata kaya naman para bang isang malakas na boltaheng kuryente ang dumaloy sa aking katawan.
Patuloy kami sa pag awit hanggang sa matapos ito at dito ay bigla akong niyakap ni Stephen at hinalikan sa pisngi na aking ikinagulat, “salamat ha, napasaya mo ako Lino,” wika niya at muli akong niyakap dahilan para maghiyawan ang lahat.
Nasa ganong posisyon kami noong bigla akong kalabitin ni Perla dahilan para magising ako sa aking silya. “Hoy Lino, tapos na yung event, tinulugan mo pa ako,” ang wika nito sabay hila sa akin.
Agad akong bumalikwas ng tayo at dito nakita kong nag-aalisan na ang lahat,”Teka sino yung kumanta? Yung ka duet ni Stephen, diba bumunot siya ng makaka duet niya?” tanong ko naman.
“Oo nga at yung nakaduet niya ay si Mam Leonara yung matandang dalagang teacher ng Chemistry kaya nga bored na bored ang lahat diba? Nakatulog ka pa nga!” ang wika ni Perla, ako naman ay natahimik at napaisip, panaginip lang pala ang lahat pero para itong totoo.
Ang kaba, ang saya ay nararamdaman ko pa rin kahit hindi totoo ang lahat..
Pag tayo ko sa bangko ay nakita ko si Stephen at ang kanyang mga kateam na masayang masaya sa tagumpay ng kanilang event. Pilit kong tinitigan ang nakangiti mukha niya habang nandito sa malayo. Ang aking panaginip na iyon ay parang totoo, at sa tingin ko ay isa iyon sa ala-alang hindi ko malilimot.
Lumakad ako palabas ng gym at bago ako dumaan sa pintuan ay humarap pa ako sa kinalalagyan ni Stephen at bumulong. “Salamat sa duet Stephen. Good night.”
Noong mga sandaling iyon ay halo halong emosyon ang aking nararamdaman, dapat bang makontento nalang ako sa pangangarap? Pero wala naman ibang pamimilian dahil ito lamang ang kaya kong gawin. At ang realidad ay malabo hindi ito isang BL series na maaaring maganap ang lahat ng kaligayahan sa bidang tauhan.
Itutuloy..