Part 5

2428 Words
Baka Sakali AiTenshi   Part 5   "Lino, aba! Umaga na. Sabado ngayon kaya't ikaw ang mag tatao doon sa palengke." pang gigising ni Tita Pat, “Iyan nga ba sinasabi ko bakit ba umaattend pa kayo ni Perla sa mga party e napupuyat lang naman kayong dalawa sa pagiging bulaklak sa pader?”   "Tita alas 4 palang ng umaga, hindi ba't 5:30 ang call time ko? Saka concert iyon ng varsity at hindi naman sayawan, hindi kami napanis at naging bulaklak sa pader," ang daing ko habang pilit iminumulat ang mga mata halos pinilit ko talagang makatulog ng at ituloy yung duet naming dalawa ni Stephen pero horror na yung napanaginipan ko.   "Maagang ibinagsak yung mga karne at gulay doon. At isa pa ay may pa order rin tayo kaya't pag igihan mo. Naku bata ka, iwas iwasan mo kasi ang pakiki chat ng hating gabi upang hindi ka nag kukulang sa pag tulog." sermon ni Tita kaya naman agad akong bumangon at inayos ang aking sarili.   "Nga pala Lino, narito ang listahan ng mga paoder nating karne at gulay. Huwag kang mag kakamali upang hindi tayo malugi. Heto rin ang mga pocket books. Diyan ka nalang mag basa ng kwento at huwag na dyan sa cellphone mo dahil maaari kang mag ka cancer kaka titig diyan. Alam mo ba yung anak ni Aling Teri? Nanigas ang katawan kakacellphone, biglang bumula ang bibig at bumulagta nalang noong isang araw, ang sabi ng doktor ay mayroon daw hindi magandang epekto ang radiation ng smart phone sa katawan ng tao."   "Mas nakaka enjoy dito sa cellphone dahil may pictures, may music at may videos pa . Ang retro mo naman tita, pocketbook talaga? Saka yung anak ni Aling Teri na si Dondon ay 24 7 na nakababad sa cellphone niya naglalaro ng kung ano anong online games, malamang nakainom ng lason iyan dahil hindi siya naka focus sa mga bagay sa kanyang paligid. Iyon ang usapan sa school."   "Magaganda ang pocket books Lino. Aba e bakit hindi ka magbasa nito? Noong araw ay limpak limpak ang koleksyon namin ng pocket book. At mas mahuhusay ang mga kwento rito, talagang sinasala at pinag iisipang mabuti. Iba talaga kayong mga kabataan ngayon, masyado na kayong naka depende sa inyong mga cellphone. Yung mga kalidad na kwento dito sa pocket books ay pinaghihirapan ng magagaling na writers, hindi katulad doon sa online na puro kalaswaan ang nababasa."   "Bago na kasi ngayon tita, kung noon kapag may mga hapon ay pinag tatago nila ang mga kababaihan. Pero ngayon kapag may mga hapon ay nag lalabasan ang mga kababaihan upang puntahan ang mga ito. Ang lahat ay nag babago itong kulay ko nalang at kapangitan ko ang hindi." tugon ko naman sabay balikwas ng bangon.   Natawa si tita "Hindi ka naman panget hijo, wala sa lahi natin ang panget." pag tutol nito sabay batok sa akin, “Sige na, maligo kana at marami nanamang tao niyan sa palengke, alam mo naman na may mga turista na dumadayo pa dito sa atin para lang mamili ng gulay. Kapag sinabing “gulay Baguio” ay talagang maganda ang kaledad.   "Arekup."   "Bilisan mo na ang kilos!"   4:30 noong makarating ako sa aming pwesto sa palengke. Katulad dati ay isa isa kong inayos ang aming mga paninda mula sa mga karne, isda at mga gulay. Karaniwan kasi ay mas malakas ang kita kapag ganitong umaga dahil maraming namimili, ang iba ay suki na namin at ang iba naman ay kakilala sa paaralan o kaya ay kaibigan ni tita Pat. Ngunit kapag holiday season naman talagang dinarayo ito ng mga taga ibang lugar, mas mura kasi dito at mas magaganda ang kalidad.   Habang abala ako sa pag aayos ng mga oder ay may lumapit na isang lalaki sa aming tindahan at natuwa noong makita kung sino ito "Ikaw pala Stephen. Anong sa atin? Congrats pala sa magandang event niyo kagabi sa gymnasium," naka ngiti kong bungad   "Ikaw pala Troll, salamat sa suporta kahit na nakita kita natutulog habang kumakanta kami ni Mam Leonara,” ang wika nito dahilan para balutin ako ng pagkahiya. Natawa ako kunwari, “Sorry, napagod kasi ako kakasigaw habang gumigiling ka doon sa entablado, bumula nga yung bibig ni Perla sa matinding paghanga sa iyo,” ang sagot ko naman.   “Ginawa ko lang naman iyon dahil desperado akong magkaroon ng pondo. Nga pala pinapakuha ni mama yung oder niyang pata at mga pakpak ng manok. Narito rin yung listahan ng mga gulay na pang sangkap. Medyo marami-rami ito kaya hindi ko alam kung ano yung iba, basta nakalista naman diyan pwede bang ikaw na ang bahala," naka ngiti rin niyang sagot. Mukhang kagigising lang din niya dahil sa kanyang matang naniningkit pa kaya naman mas lalo siyang gumwapo. Kung sa bagay alam ko wala rin siyang tulog dahil tiyak na nag inuman pa sila kagabi pagkatapos ng event.   Ngumiti siya sa akin..   "Sandali lang at aayusin ko," naka ngiti kong sagot na may halong pag kahiya bagamat masaya ang bungad ng umaga ko dahil nakita ko siya at nakausap ulit. Iba talaga magpasaya ng puso ang taong labis mong hinihangaan.   "Sa inyo palang pwesto ito. Edi may discount ako diyan?" biro nya habang naka ngiti.   Napatitig ako sa kanyang ngiti..   "Oo naman, gusto mo libre nalang. Sige sa iyo na ito" ang sagot ko sabay abot ng plastic ng gulay. "Eto pa ang pinya, matamis ito." dagdag ko pa na parang tuluyang nawala sa aking sarili. Ang aking utak ay parang nalason ng makamandag niyang titig at ngiti.   "Talaga ba? Pakitim naman ng pinya mo. Mukhang masarap yan." ang sagot niya habang naka titig sa akin. Hinawakan niya ang pinya at hinamas himas ito. Tapos ay lalong kumabog ang aking dibdib noong haplusin din niya ang saging at sinabing “gusto mo ba ng mataba at mahabang saging?”   Napatingin ako sa kanya at napalunok ng walang laway.   Napatingin din siya sa akin at binasa ang kanyang labi gamit ang kanyang dila, iyon ang pinaka sexy at pinaka hot na mannerism niya.   Maya maya ay laking gulat ko noong haplusin niya aking mukha. Nag dulot ito ng kakaibang kilig sa aking kaibutuhan na wari'y kakapusin ako sa pag hinga. Ang aking puso ay kumakalbog at naririnig ito ng aking tainga.   "Sige sa iyo na rin ito pakwan ko." ang tanging nasabi ko.   "Eh etong puso ng saging, maaari mo rin bang ibigay sa akin?" tanong niya   "Oo naman. Gusto mo pati ito puso ko ay sa iyo na rin."   Tumingin siya sa akin at hinimas himas ang aking pisngi.   Tahimik..   "Eeyy ayos ka lang ba? Bakit parang natulala ka? Ang sabi ko ay bibigyan mo ba ako ng discount?" ang tanong niya habang kinakalabit ako. “Bigla ka nalang napatitig sa akin, baka malusaw ako niyan, crush mo yata ako e,” ang biro pa niya.   Biglang nag balik sa normal ang aking ulirat. "Pinya gusto mo?!" ang nabigla kong salita.   "Pinya? Ayos ka lang ba troll?" ang napapakamot na tanong nito.   Naramdam ako ng ibayong pag hiya. Imahinasyon ko lamang pala ang lahat. Hindi tuloy ako maka lingon sa kanya ng tuwid. "Oo ang sabi ko ay may discount ka dito sa gulay. Ang bilin sa akin ni tita na kapag schoolmate ko at kakilala ay bibigyan ko ng discount." paliwanag ko habang inaayos ang mga gulay sa plastic.   "Wow, ayos! Salamat sa iyo troll!" ang naka ngiti niyang sagot.   Tango lamang ang aking naisagot bagamat tuwang tuwa ako noong mga oras na iyon. Tila ba nag karoon ako ng kakaibang sigla at saya na pakiwari ko ay lalabas ang aking puso sa matinding excitement. Ganon siguro talaga kapag crush mo ang isang tao, yung makita mo lang sya ay masaya kana, kahit na nakatingin ka lang mula sa malayo o kahit hindi ka man parte ng kanyang mundo. Napapasaya ka niya nang hindi niya nalalaman. Iyan ang marahil ang nakakatuwang parte ng buhay.   At kung minsan kahit pagod ka o masama pa ang pakiramdam mo, kapag nasilayan mo lang siya ay parang may kung anong apoy na sisiklab sa dibdib mo at babalik ang enerhiya mo. Yung inspirasyon para maging mas mabuting tao ay naibibigay rin ng paghanga sa iba, kaya sa palagay ko ay isa ito sa pinakamaganda dulot ng pagkakaroon ng taong hinahangaan.   "So feeling mo ay tanggap ka naman ni Stephen? At hindi sya katulad ni HotGuy na fake at famewhore na walang ginawa kundi picturan yung pagkain sa harap niya at ipakita yung kili kili niyang may makapal na buhok?" ang tanong ni Perla habang namimili ng gulay sa aming pwesto.   "Ewan, atleast mabait si Stephen at napaka humble pa. Hindi katulad ni HotGuy na mabait lamang at nakikisama sa mga bortang friends nya. Kapag panget ka ay wala ka nang space sa mundo nila. Yung mga gwapo sa online ay gwapo lang rin yung papansinin, kapag may nag chat na panget at hindi nila type ay isi-seen ka lang nila o kaya ay hindi bubuksan yung message mo," tugon ko. Hindi ko talaga maiwasang mainis kapag si HotGuy ang pinag uusapan.   "Iyon naman talaga ang irony ng buhay no. Walang exemption iyan. Kaya nga dapat kung gusto mong maging belong sa kanila ay mag simula kang iimprove ang sarili mo. Alam mo naman sa panahon ngayon lahat ng baklang paminta ay malalaki na ang katawan at hindi mo iyan mahahalata kung hindi mo sila sasabuyan ng asin. Iyan naman kasi yung reality sa mundong ibabaw Lino, kung paminta ka at nagtatago sa kloseta dapat man lang ay gwapo ka o may magandang mukha para may makapansin sa iyo. Kaya yung ibang paminta ay nagpapaganda ng katawan kahit mag mukha silang hipon na tinatapon ang ulo. Ang mahalaga sa kanila ay maka kota at mapansin ng kapwa nila.   Alam mo ba yung schoolmate nating si Elmo? Yung nanalong miss Gay Campus 2016? Nag upload lang naman siya ng bagong picture niya, grabe may abs na siya at napakaborta. Mayroon na siya jowang afam ngayon. You know, Lino my darling kailangan mong iimprove ang self mo kung gusto mong maka ariba at maka aura, iyan na nag laban at bagong kalakalan ngayon. Pag panget ka wala kang mahaharvat at manunuyo lang iyang lalamunan mo. Ang mahal naman ng galunggong niyo. Discount naman beshie!" ang reklamo nito.   "Ayoko namang maging katulad nila. Kung gusto akong mahalin ng isang tao ay mamahalin niya ako kung ano at sino ako. Hindi ko na kailangan baguhin ang aking sarili. Oh ayan 80 nalang kilo. Lugi na kami." sagot ko naman.   "Oh sige panindigan mo iyang prinsipyo mong mala karakter sa w*****d. Ipasok kaya kita sa kwento ni Ai Tenshi para mas ma feel mo ang pag hihintay sa wala. Jusko 75 pesos nalang noh! Grabe ka naman!" reklamo niya.   "Edi sige, ihanay mo ako kina Jomar, kay Julian, Kay Enchong at kay Bart at kay Ibarra! 77 pesos tapat na po! Sana nag dilis ka nalang o kaya ito mga maliliit Ayungin kung ganyan ka kakuripot. Mamaya’t mag yayaya ka ng date sa mga lalaki ang dami dami mong datung, Dun ka na nga Perla binabasag mo ang magandang mood ko." tugon ko naman sabay abot sa kanya ng isang plastic na galunggong.   "Ihanay? Heller mga gwapo iyon hano. Ambisyong to. Mag kita nalang tayo sa school bukas at sumilay tuloy tayo kay Stephen. Alam mo naman like like mo iyan!"   Natawa ako at inabutan ito ng mansanas "Oh ayan para sa iyo. Supportive mo kasi." naka ngiti kong tugon   "Thanks beshie!" sabay flying kiss   Kinabukasan, sa gate palang ng campus ay sinalubong na ako ni Perla. Excited na excited ito habang ibinabalita yung lunch nila ng crush nya. "Napa payag ko na siya frend! Ang ganda ko no?" masayang bungad nito   "Ikaw talaga nag aya? Hindi ka man lang nag hintay na ayain ka? Babae kaba talaga?" Ang tanong ko   "Ano ka ba its 2017, nag babago ang perception ng tao tungkol sa mga ganyang estado ng relasyon. Ngayon kung di mo makuha sa santong dasalan, daanin mo na sa santong paspasan. Saka diba alam naman nila na ako yung nag ayaya ng date edi seryosohin na natin! Kaya nga ikaw kung mag hihintay ka lang ng lalandi sayo ay walang mang yayari sa buhay mo Lino, kaya dapat ay lumandi kana rin. Hala ayon si Stephen dali!!" ang wika niya sabay hatak   "Teka muna. Saan naman kayo mag lulunch nyan?"   "Doon sa parke sa malapit sa banging hudhud restobar. Doon sa place ng dating eyeball nyo ni HotGuy. I know na mag bbring back iyon ng memory sa iyo pero hayaan mong baguhin ko ang tadhana para sa ating dalawa. Alam kong iniisip mong sinumpa ng lugar na iyon dahil sa mapait na alalang iniwan ng ka eyeball mo. Hayaan mo ako ang bumawi ha. Kasama ka mamaya, sa ibang table nga lang ha. Baka bigla niya akong lasingin o raypin.." ang wika nito   "So pag nilasing ka at nirape ay tatawag agad ako ng guard."   "Gaga, pag nilasing ako at nirape hayaan mo lang siya. At huwag na huwag kang makiki alam. Hmmmm wag na wag." ang wika nito ala Alex Gonzaga.   "Sira ka talaga." ang wika ko bagamat hindi naman ako nakatingin sa kanya kundi kay Stephen na noon ay abala sa pakikipag kwentuhan sa kanyang mga kabarkada.   "Tingnan mo iyang si Stephen, balita ko wala naman talaga siyang girlfriend dito." ang wika ni Perla   "Talaga ba? Parang imposible naman yata ito. Yang ganyang kagwapo at ganyang ka sikat dito sa campus walang kasintahan?" pag tataka ko   "Oo e, baka naman hinihintay ka niya, yung tipong natotorpe sya at hindi niya masabi ang nararamdaman niya sa isang tao. Yung sa bandang huli ay aaminin niya sa isang sulat na gusto ka rin niya at hindi ka isang imbisibol sa kanyang mga mata." ang hirit niya   Napatingin ako sa kinalalagyan ni Stephen "Ang lakas maka w*****d no?" bulong ko   "Oo nga eh, at ang lakas rin ng paniniwala mong mag kakatotoo yung sinasabi ko. Halika na nga doon at baka malate pa ako sa date ko." pag hatak nito   Okay lang sa akin na hindi kami close ni Stephen, na nakatingin lang ako mula dito sa malayo. Basta huwag lang siyang mag kakaroon ng love life kasi tiyak na masasaktan rin ako ng patahimik. Sana ay parang sakit ang pag hanga, pag gumaling ay kusang mawawala lalo na kung alam mong sa una palang ay hindi rin naman ito makabubuti para sa iyo. Ang ibig kong sabihin ay kung nasasaktan ka ng palihim dahil ang iyong pag mamahal na palihim rin.   Itutuloy.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD